LINE Rangers x RoR Tie-Up! Review

Sumikat ang instant messaging app na LINE dahil maaari kang gumamit ng mga sticker sa pagsi-send ng message. Maraming mga user ang tumangkilik dito dahil sa mga kakaibang disenyo ng mga ito, at naitatag ang franchise na LINE friends. Ito ay binubuo ng mga orihinal na karakter mula sa mga sticker ng nasabing instant messaging app. Sa kanilang pagsikat, maraming mga merchandise ang maaari mong mabili sa kanilang mga store, tulad ng mga mug, mini fan, mouse pad, at iba pa. Mayroon din silang animated show mula sa Netflix Originals. Gayunpaman, hindi rito natatapos ang franchise dahil may mga larong inilabas ang LINE Corporation na itinatampok ang mga kaibig-ibig na mga karakter. Ang larong LINE Rangers x RoR Tie-Up! ang isa na rito.

Si Sally ay isang maliit na pato mula sa kalawakan, at hindi siya gaanong nagsasalita. Ngunit mahal siya ng kanyang mga kaibigan kung sino siya. Mapayapa silang namumuhay hanggang sa siya ay dinukot ng mga alien. Samahan sina Brown, Cony, Moon, James, at iba pang mga character mula sa LINE upang talunin ang kanilang mga kaaway. Panoorin silang mag-transform habang nilalabanan nila ang mga alien at iligtas ang kaibigan nilang si Sally.

LINE Rangers x RoR Tie-Up! - Laro Reviews

LINE Rangers x RoR Tie-Up! – Laro Reviews

May pagkakahalintulad ang larong ito sa The Battle Cats, kung saan kailangan mong mag-deploy ng mga ranger na kusang aatake sa mga kalaban. Akma rin ito para maging isang tower defense game dahil kailangan nilang protektahan ang iyong tower. Matatalo mo ang iyong kalaban oras na maubos ang kanyang health points, kaya maaari rin itong maging PVP game. Samakatuwid, ang larong ito ay kombinasyon ng iba’t ibang genre kung saan kailangan mong gumamit ng magandang strategy para manalo.

Features ng LINE Rangers x RoR Tie-Up!

Main Stage – Ito ang iyong magiging campaign kung saan maaari mong sundan ang pakikipagsapalaran ng mga LINE friends habang nilalabanan nila ang mga alien upang iligtas si Sally. Magkakaroon ng iba’t ibang mga stage sa laro, at makakatanggap ka ng mga reward kapag nanalo ka.

PVP Leagues – Kapag naabot mo na ang Level 40, maaari kang lumahok sa mga ranked league upang labanan ang iba pang mga manlalaro. Makakatanggap ka ng mga tropeo tuwing mananalo ka. Ito ang magiging batayan ng iyong ranggo. Kung mas mataas ang iyong place sa bawat season, mas mahalagang reward ang matatanggap mo.

Rangers – Ito ang mga unit na maaari mong ipa-dispatch, at aatakehin nila ang iba pang mga unit at tower. Ang mga ito ay batay sa mga character mula sa mga sticker sa LINE. Tulad ng ibang mga laro, ang iyong mga ranger ay may iba’t ibang elemento. Ito ay Water, Fire, Wood, Light, at Dark.

Towers – Ito ang mas malaking unit na dapat mong protektahan. Magsisilbi itong spawning area ng iyong mga ranger, at maglo-launch ito ng missile matapos ang ilang segundo ng cooldown.

Saan pwedeng i-download ang LINE Rangers x RoR Tie-Up!?

LINE Rangers x RoR Tie-Up! - Laro Reviews

LINE Rangers x RoR Tie-Up! – Laro Reviews

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS user naman, at ilagay ang LINE Rangers x RoR Tie-Up! sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click ito at i-install at hintaying mai-download ito.

Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:

Download LINE Rangers x RoR Tie-Up! on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.linecorp.LGRGS

Download LINE Rangers x RoR Tie-Up! on iOS https://apps.apple.com/us/app/line-rangers/id767265270

Tips at Tricks sa Paglalaro 

May mga paraan na pwede mong gawin para magkaroon ng malalakas na team at manalo sa laban, kaya sundin ang mga gabay mula sa Laro Reviews.

Dahil magkakaroon ka ng limang slots para sa mga ranger sa laro, hindi mo kailangang gamitin ang lahat ng mga ito. Kaya piliin ang malakas na unit na magtatagal sa labanan. Kung baguhan ka pa lamang, gumamit ng mga ranger na may mas mababang mineral na kailangan. Ang pagpili ng mamahaling karakter ay hahantong lamang sa ilang naka-deploy na rangers na magtatanggol sa iyong tore. Magkakaroon din ng advantage ang mga kalaban mo kung mas marami silang unit kaysa sa iyo.

Related Posts:

FOG – MOBA Battle Royale Game Review

Crisis Action: 6th Anniversary Review

Gagamit ka ng mga mineral para i-deploy ang iyong mga ranger, kaya unahin ang pag-upgrade sa kanila kapag mayroon kang sapat na mga coin. Sa panahon ng labanan, palakasin ang mga ito hangga’t maaari upang makapagpadala ng mas maraming unit. Maaari ka ring magpadala ng mas makapangyarihang mga ranger na may mas matataas na grade na nagkakahalaga ng mas maraming mineral.

Mayroong apat na battle items na magagamit mo sa laro. Kaya’t gamitin ang mga ito kapag iniisip mong matatalo ka. Ang Tornado ay maglalabas ng isang malakas na bugso ng hanging magtutulak sa lahat ng iyong mga kaaway sa kanilang spawning area. Kung gusto mong i-freeze ang lahat ng iyong mga kaaway, gamitin ang Ice Shot. Ang Meteor naman ay makaka-damage sa kanilang lahat, at ang Invincibility ay gagawing invincible ang iyong mga ranger sa maikling panahon.

LINE Rangers x RoR Tie-Up! - Laro Reviews

LINE Rangers x RoR Tie-Up! – Laro Reviews

Pros at Cons ng LINE Rangers x RoR Tie-Up!

Mayroon itong simpleng animation, ngunit mai-in love ka sa nakakatuwa nitong art style. Ang laro ay may magandang kwento, at masisiyahan kang basahin ang kanilang mga dialogue. Dahil sa lore na ito, mayroon kang aabangan sa laro. Ang mga cast ay may iba’t ibang personalidad, kaya nakakatuwang makita ang kanilang mga interaksyon. Nagdagdag din ang mga developer ng katatawanan sa pamamagitan ng paggamit ng inside jokes dito. Ang poker face na reaksyon ni Brown ay isang nakakatawang punchline sa tuwing nagsasalita si James tungkol sa kanyang sarili. Para kang nanonood ng cartoon na pinapalabas noong bata ka pa.

Sa mga tuntunin ng gameplay, hindi ka magsasawa sa katagalan. Mayroon kang dalawang pagpipiliang mga evolution: ang Ultra at Hyper Evolution. Dahil walong taon na ang larong ito, marami kang makokolektang mga character.

Matagal na ang larong ito kaya mahihirapan kang makahabol sa ibang mga manlalaro. Ginugol nila ang kanilang oras sa pag-grind para sa mga resource o pagbili ng mga bundle, kaya mahirapan ka kapag nakaharap mo ang mga beterano sa mga laban sa PvP. Kahit marami na itong mga update, makakatagpo ka pa rin ng mga bug sa laro. Halimbawa, hindi mo make-claim si Leonard Bones pagkatapos manalo sa stage. Walang mangyayari kapag na-click mo ang button, kaya mapipilitan kang lumabas at i-restart ang laro.

Konklusyon

Mula sa mga merchandise hanggang sa mga mobile game, marami na ang narating ng instant messaging app na ito. Kasiya-siya pa ring laruin ang LINE Rangers x RoR Tie-Up! kahit na walong taon na ang larong ito. Marami ka pang pwedeng magawa rito, at marami ka pa ring mga character na makokolekta. Inirerekomenda ito ng Laro Reviews kung masugid kang fan ng LINE franchise dahil itinatampok nila ang kanilang mga orihinal na karakter.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...