Liquid Sort Puzzle Review

Simula nang nauso ang paggamit ng social media at panonood ng video sharing website sa Youtube, umusbong ang kabi-kabilang self-proclaimed content creators. Mabilis nang ma-access ang mga ganitong platform at mag-upload ng videos kaya hindi na nakapagtataka kung bakit mahirap nang makahanap ng magandang content sa internet. Gayunpaman, hindi rito nagtatapos ang ganitong klaseng problema dahil marami ring game developers na naglalabas ng weird at misleading ads sa videos na pinapanood mo. Kung hindi life choices, malamang ay mga puzzle game ang mga kalimitang ipinapalabas nila upang makahikayat ng players. Kaya maraming nadidismaya sa mga app na idina-download nila dahil iba ito sa advertisement na napanood nila. Kung isa ka naman sa mga ito,hindi na nakapagtataka kung ang larong tulad ng Liquid Sort Puzzle ay isa sa mga napanood mong video game ads.

Hindi na bago sa Laro Reviews ang mga puzzle game dahil mayroon na ring ilang mga app na itinampok dito. Ilan sa mga ito ay ang Moncage, Puzzles & Survival, Lost Lands 4, at marami pang iba. Bawat isa ay may kanya-kanyang advantages na maaari mong magustuhan at disadvantages na kailangan pang pagbutihin. Parehas man ang bawat isa ng genre, mayroon pa ring pagkakaiba kung pinagkukumpara ang mga ito. Kaya magiging kasingganda ng puzzle na ito ang mga naunang app? Ipagpatuloy mo lamang ang pagbabasa.

Kabuuan ng Liquid Sort Puzzle 

Ang Holly Appstudio ay isang independent developer na nag-publish ng ilang mobile apps. Ilan sa mga ito ay ang puzzle game na Color Cubes Machine – Sort Puzzle at ang arcade horror game na Scary Titan House. Subalit ang itatampok ng Laro Reviews sa artikulong ito ay ang Liquid Sort Puzzle: Water Color Sort. Isang casual puzzle game na susubok sa iyong galing sa pag-aayos ng mga nakulayang tubig sa tamang test tube. 

Layunin ng Laro

Sa mobile game na ito, kailangan mo lamang ilipat ang iba’t ibang layer ng mga tubig sa kakulay nito hanggang sa magkaroon lamang ng isang kulay sa bawat test tube. Dahil sa hindi mo maipaghahalo ang magkaibang kulay, kailangan mong gamitin ang iyong logical skills sa pagso-solve ng bawat stage. Bilang karagdagan, layunin rin nitong ma-relax ka habang inaayos mo ang tubo rito. Walang penalty o reward sa larong ito, subalit makakausad ka lamang sa susunod na stage kapag natapos mo ang kasalukuyang puzzle.

Paano ito laruin?

Simple lamang ang pagkontrol dito. I-tap lamang ang tube na ililipat mo at pindutin naman ang test tube na paglalagyan mo para mailipat ito. Mapupunta lamang ang tubig sa kakulay nito, kaya maaari mong isalin ang mga tubo hangga’t gusto mo.

Features ng Liquid Sort Puzzle

Mayroong itong apat na difficulties na maaari mong pagpilian tulad ng Easy, Normal, Hard, at Expert. Dadami ang mga tubo at mga kulay na ililipat mo depende sa kung gaano kahirap na stage ang lalaruin mo. Kung ma-stuck ka man sa mga ito, tutulungan ka ng reset button para magsimulang muli. Matatagpuan mo ito sa bandang itaas ng iyong screen habang naglalaro ka.

Liquid Sort Puzzle – Pros at Cons ng Laro

Mayroong itong iba’t ibang difficulties na pwede mong pagpilian. Bukod rito, maaari ka nang pumunta sa mas mahirap na stage dahil hindi mo na kailangang tapusin ang Easy o Normal para lamang makapaglaro sa Hard o Expert mode. Pwede mo nang hamunin ang iyong sarili kung masyado kang nadadalian sa mga level. Magandang feature ito dahil nakakabagot mag-solve ng sunud-sunod na puzzle kung masyado itong madali.

Magugustuhan mo ang larong ito kung isa ka sa mga taong mahilig sa oddly satisfying videos sa internet. Disente ang graphics nito at simple lamang ang visuals ng laro, subalit nakaka-relax itong laruin lalo na sa tuwing inilalagay mo ang mga may kulay na tubig sa mga kakulay nito. 

Wala itong timer o punishment kaya naman walang risk na nangyayari sa laro. Dahil rito, hindi nagiging challenging ang laro. Maaari ka mang ma-stuck sa tuwing nagkakamali ka pagsalin, ngunit nare-refresh mo pa rin ang bawat stage. 

Mas maganda kung may maidagdag na challenge sa larong ito. Halimbawa, kailangan mong tapusin ang pag-solve sa puzzle sa loob ng ilang moves lamang. Dahil dito, mas mawiwiling maglaro ang players dahil nabibigyan sila ng rewards sa tuwing nananalo sila. Epektibo ang ganitong estratehiya upang maraming mga manlalaro ang manatili sa Liquid Sort Puzzle.

Mga Alternatibong Larong nababagay para sa mga Filipino

Marami nang sumisikat na mobile apps na gawa mula sa iba’t ibang bansa, gaya ng Liquid Sort Puzzle. Gayunpaman, hindi masamang magtangkilik mula sa atin. Kaya narito ang ilan sa mga mobile app na tiyak na papatok sa Pinoy players.

Pinoy Henyo

Hindi nito katulad ang segment mula sa sikat na afternoon show sa Pilipinas, ngunit kakailanganin mo ring gamitin ang iyong galing sa paghula. Ang layunin ng larong ito ay mahulaan ang mystery word o phrase sa pamamagitan ng pagpili ng tamang mga letra. Sa madaling salita, kaparehas nito ang word game na Hangaroo. Bilang karagdagan, may kinalaman sa mga Pinoy pop culture ang mga huhulaan mo sa larong ito. Kaya naman mas lalo kang makaka-relate sa tuwing nilalaro mo ito.

Juan Takbo

Kung sa sikat na alamat ay tamad si Juan, sa larong ito ay masipag siyang tumakbo. Isa itong running game mula sa Vimilu. Dito ay kailangan mong tumakbo sa iba’t ibang kalye sa Pilipinas at magtinda ng mga kendi sa mga motorista. Hindi ka lamang mawiwili sa gameplay nito dahil matutuwa ka dahil mas makaka-relate ka sa karakter ng larong ito.

Big Win Club – Tongits Pusoy

Magaling ka bang maglaro ng Tongits, Pusoy, at iba pang card games? Kung gayon ay ipakita ang iyong galing sa mobile app na ito. Naglalaman ito ng iba’t ibang casino games na sikat na sikat sa Pilipinas tulad ng Color Games, Sabong cards, Pusoy Dos at iba pa. Bukod rito, maaari mo ring ma-cash out ang mga reward na napanalunan mo rito. Kailangan mo lamang ng Gcash account at maaari mo nang mai-convert ang mga ito sa totoong pera. Maganda itong game center para sa mga Filipino dahil nag-enjoy ka na, kikita ka pa.

Konklusyon

Ang Liquid Sort Puzzle ay tunay ngang nakakawiling laruin. Hindi lamang ito challenging na laro dahil nakaka-relax din itong laruin. Hindi man ito perpekto ngunit isa pa rin itong desenteng laro dahil ma-eenjoy mo ito sa katagalan. Kaya naman kasingganda ito ng mga naunang puzzle games na itinampok ng Laro Reviews. Kung nagustuhan mo ang larong ito, maaari mo itong mai-download sa Google Play Store. Sa kasamaang palad, wala ito sa App Store.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...