Little Pony Coloring: My Little Pony Color By Magic

Ang Little Pony Coloring na laro ay isang educational at coloring game na ginawa ng Budge Studios. Angkop ito sa mga batang edad tatlong taon pataas dahil sa cute na game features nito na siguradong makakatulong sa pagpapaunlad ng creativity ng mga bata. Sulyapan at balikan ang mga makukulay na alaala ng mga Ponies mula sa sikat na children show na My Little Pony: Friendship is Magic kasama ang Laro Reviews! Abangan din sa artikulong ito na mula sa Laro Reviews ang mga benepisyo na makukuha sa paglalaro ng mga coloring games. 

Ano ang Little Pony Coloring 

Ang My Little Pony Color by Magic ay isang uri ng color game na hango sa isang sikat na Children Entertainment Show na My Little Pony: Friendship is Magic na inilabas noong 2010 at may sampung seasons. Isa itong bagong show na mula sa classic kid series na sumikat noong 80’s dahil sa payak na mensahe nito (My Little Pony). Matutunghayan ng mga manonood si Twilight Sparkle, isang unicorn na hindi marunong lumipad kumpara sa kanyang mga kaibigan. Hindi rin sya marunong gumamit ng kanyang kapangyarihan kaya araw-araw syang nagsasanay. Sa tulong ng kanyang mga kaibigan, sya ay natutong lumipad at na-develop ang kanyang mga kakayahan. Naging Alicorn din sya o Prinsesa ng mga Pony at nagkaroon ng karagdagang mga kapangyarihan. 

Bilang Prinsesa, aayusin ni Twilight, kasama ng kanyang mga kaibigan, ang Museum kung saan makikita ang kanilang mga alaala. Kailangang maibalik ang mga ala-alang ito sa pamamagitan ng pagkukulay ng mga Ponies na iyong makikita sa tuwing may gagawin kang task. Pagkatapos mong makumpleto ang mga tasks ay makakakuha ka ng sapat na memory stars na magagamit sa pagpili ng mga dekorasyon sa Museum. Madali lang ang Gameplay kaya mas maganda itong laruin ng mga bata. 

Ang mga sumusunod ay ang maaari mong matutunan sa paglalaro ng Little Pony Coloring:

Color Sa pagkukulay ay maibabalik mo ang alaala ng iyong mga kaibigan at makakakuha ka rin ng mga Memory Stars pag natapos mo ang mga ito.

Create – Sa loob ng Art Studio ay libre mong makukulayan ang mga paborito mong mga Ponies.

Decorate Sa pagdi-decorate ay maipapamalas mo ang iyong creativity at design skills. 

Restore – Puno ng alaala ang Museum kaya naman kailangan na makakuha ka ng mga sapat na memory stars upang maibalik sa dating ningning ang Museum of Friendship.

Benepisyo ng Paglalaro ng mga Little Pony Coloring Games

Kilala ang Budge Studios bilang taga-develop ng mga larong may pambatang tema. Sa bawat laro na kanilang ginagawa ay makikita ang kahusayan nila sa paggawa ng mga educational apps na libreng laruin. Isa din sa kanilang gustong i-promote sa kanilang mga laro lalo na sa Little Pony Coloring ang malawak na platform sa paglinang ng creativity ng mga bata. Ang mga Coloring Games ay isang kakaiba at kapanapanabik na paraan para sa mga bata na matuto at bumuo ng mga kasanayan sa isang masayang kapaligiran. 

Napatunayan na ang responsableng paglalaro ng mga coloring games at gabay ng mga magulang ay nagpapaunlad sa motor skills, coordination, at kagalingan ng mga bata. Ang mga skills na ito ay positibong nakakaapekto sa kanilang academic at personal growth. Ang paglalaro ng mga color game ay nagtuturo sa mga bata ng iba’t ibang bagong kasanayan tulad ng pagkilala ng pattern, pagkilala sa kulay, at marami pang iba. Mayroon din silang pagkakataon na gamitin ang kanilang pagkamalikhain upang mag-explore. 

Mga Cute at Nakakatuwang Game Features

Apples Ang mga apple ay ang pangunahing ginagamit upang makapagsimula sa paggawa ng mga coloring tasks. Makakakuha ang mga baguhan ng 5 apples at dagdag na sa unang araw mo sa paglalaro. Kapag naubos ang mga apple ay kailangang maghintay ng 30 minuto upang ma-replenish ito.

Memory Stars – Ang mga Memory Stars ay mga stars na iyong makokolekta kapag natapos mo ang isang coloring star. Isa hanggang tatlo o higit pang mga Memory Stars ang dapat mong kolektahin upang masimulan mo ang pagdi-decorate. 

Rooms – May iba’t-ibang klase ng rooms ang matatagpuan sa loob ng Museum, isa na dito ang Art Studio na libre mong mabubuksan.

Art Studio – Tampok sa loob ng Art Studio ang iba’t ibang mga Pony Canvass na libre mong makukulayan.

Mga Detalye ng Subscription at mga In-app Purchases

Libreng mada-download ang Little Pony Coloring game sa Play Store, App Store at maging sa mga computers. Libre din itong laruin at ma-access kahit walang internet. Ngunit, may mga functions at decorations na limitado at hindi magagamit kung hindi ka miyembro ng Little Pony Club. Kailangan mo munang mag-register bilang VIP member sa pamamagitan ng pag sign-up sa kanilang membership form na lalabas kung ikaw ay gagamit ng mga premium decorations. 

May mga monthly subscriptions din na nagkakahalaga ng ₱250 na may kasamang 7-days Free Trial. Nagkakahalaga din ng ₱145 ang mga apple na magagamit mo sa mga coloring task. Optional naman ang pag-avail ng VIP membership at pagbili ng mga apple kaya pwedeng maglaro ng libre. May mga perk na makukuha kung ikaw ay member ng club na hindi accessible kung hindi ka mag-a-avail nito gaya na lang ng mga shimmery crayons, premium decorations, unlimited rooms at marami pa.

Konklusyon

Ang Little Pony Coloring game ay isang makabago at educational game na malaki ang naitutulong sa mga batang nais matuto. Itinuturo nito ang mga batayan ng kulay, hugis, at disenyo. Nagtatampok ang laro ng makulay na cast ng mga character at nakaka-engganyong gameplay; kaya naman ang larong ito ay paborito ng magulang at guro. Ang laro ay nag-aalok sa mga manlalaro ng isang bagong paraan upang maranasan ang My Little Pony universe, kung saan sila ay matututo tungkol sa kanilang paligid sa isang masaya at nakaka-enganyo na paraan. Ang Color By Magic ay isang laro para sa lahat, anuman ang background o interes sa mundo ng My Little Pony. Siguradong hindi lamang mga bata ang masisiyahan sa larong ito. 

Sa kabilang banda, kung nais mong maglaro ng mga coloring game at kumita ng totoong pera, mag-download na ng Big Win Club app sa Play Store o App Store. Ang Big Win Club ay isang magandang alternatibong laro para sa mga Pilipino. Mayroon itong sari-saring uri ng mga mga casino games kabilang na ang color games na siguradong magkaka-interes ka dahil sa madali itong laruin. Punan ang iyong casino craving at manalo ng malalaking premyo!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...