LokiCraft Review

Ang larong LokiCraft ay isang masayang laro na may temang crafting at adventure na epektibong nagpapakita ng modernong bersyon ng matagumpay na larong Minecraft. Nakakapagbigay ito ng halos walang limitasyong tract ng space para mag-operate, at ang tanging limistasyong maituturing ay ang iyong imahinasyon. Tutulungan ka ng Laro Reviews na alamin ang mga mahahalagang bagay tungkol sa laro at may mga karagdagang tips ka pang matututunan.

Kailangan ng malikhaing pag-iisip sa paglalaro ng Lokicraft dahil makakatulong ito sa paglikha ng kahit na anong maiisip. Maaaring simulan ang adventure sa isang lugar kung saan magkakaroon ng oras para makakapaghanda ng mga bagay na kakailanganin sa paglikha. Kapag nakagawa na ng desisyon, kailangang mangolekta ng resources na kailangan para makapagsimulang gumawa ng mga equipment, maliliit na mga bagay at mga gusali.

Paggawa at Paglikha sa LokiCraft

Gumawa ng maraming bagay mula sa pinakasimple hanggang sa maraming kabahayan at magtayo ng kahit ano mula sa plain wooden huts, hanggang sa matitibay na cottages, at matataas na gusali. Ikaw ang magpapasya! Buuin ang iyong perfect city, downtown, o megacity na puno ng naglalakihang mga gusali.

LokiCraft - Laro Reviews

LokiCraft – Laro Reviews

Kung mas magarbo ang napiling konsepto ng structure, mas magiging magastos ito at mangangailangan ng mas maraming resources. Sa kabutihang palad, ang laro ay may malawak na mundo para tumuklas ng mga bagong crafting reserves. Maglakbay sa dense forests at sa tuktok ng mga bundok. Sumisid sa kailaliman ng laro sa paghahanap ng iba’t-ibang diamonds at mga bato.

Pagsisimula sa Larong LokiCraft

May 2 modes na available sa larong ito na kilala sa tawag na Survival at Creative. Ang Creative ay nagpapahintulot na makapaglakbay ng malaya sa kahit saan ng walang takot o pangamba sa peligrong makakaharap. Maaaring i-demolish ang resources para makapagtayo ng luxury o para sa pagpapaganda ng metropolis.Sa iyo ang lugar na ito kaya ikaw ang masusunod.

Ang Survival mode ay nilikha para sa mga players na naghahanap ng challenging task. Dito ay luimlitaw ang mga kakaibang nilalalang at zombies. Kailangang matalo sila para mabuo ang pangarap mong mundo.

Pag-download ng Lokicraft Game

Hanapin ang website ng Lokicraft game na “lokicraft.io” kung saan maaaring ma-download ang laro para sa PC at mobile devices. Maaari rin itong ma-idownload mula sa Google Play Store para sa may Android devices, at sa App Store para sa iOS users.

I-download ang laro gamit ang sumusunod na links mula sa Laro Reviews:

Download the Lokicraft game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.ua.building.Lokicraft&hl=en_SG&gl=US

Download the Lokicraft game on iOS https://apps.apple.com/us/app/lokicraft/id1545164091

Download the Lokicraft game on PC https://lokicraft.io/download/

LokiCraft - Laro Reviews

LokiCraft – Laro Reviews

Mga Taktikang Magagamit sa Paglalaro ng Lokicraft

Dahil ang Lokicraft ay maaari ding laruin bilang isang survival game, ang avatar ay kailangang palakasin araw araw. Ang pagkain ay makakapagpapanatili ng mataas na enerhiya, ibig sabihin, kailangang maghunting ng pagkain tulad ng livestock, baka, baboy at manok. Sa paglaki ng kabahayan, maaari nang alagaan ang mga hayop sa bakuran bilang regular na pagkukunan ng pagkain. 

Ang paggalugad ng malawak na mundo ay exciting subalit may kaakibat itong panganib. May mga nilalang na nagtatago at nag-aabang ng magiging pagkain. Ang mga zombies, tarantulas, at ibaba pang mga nilalang ay nagkakanlong sa iba’t ibang lugar at lumalabas lang sa gabi. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit kailangang lumikha ng mga armas at bahay bago magdilim. Mag-ingat dahil ang mga monsters ay karaniwang lumulusob bilang isang cluster kaya matatalo ka nila ng mas madali! Kaya kung mag-ta-travel sa gabi, maghanap ng mas ligtas na lugar at iwasan ang mga nilalang na ito kapag natanaw na ito mula sa malayo.

Sa paglalakbay sa iba’t ibang rehiyon ng Lokicraft, may makakasalubong na malawak na hanay ng wildlife. Maaari silang hulihin para maging pagkain at mapanatiling mataas ang HP o ampunin ang mga ito at gawing pet. Kapag may nakuha ng pet, kailangan itong protektahan sa mga nilikhang panggabi sa pamamagitan ng paglalagay ng enclosures o barn.

Kailangang gumamit ng imagination para mapagtagumpayan ang takot sa pamamagitan ng paglalagay ng iba’t ibang safehouses. Magbibigay ito ng additional security kung gustong mangulekta at maranasan ang mundo sa gabi. Maaari ding subukang hanapin ang mga ito sa araw para malaman kung saan sila nagtatago. Sa pamamagitan nito maaaring markahan ang lokasyon o tanggalin na ito bago pa sila makabalik. Mangolekta ng iba’t ibang items para mas maraming mabuo. Ang laro ay may napakaraming supplies na makukuha sa isang pindot lang. Ang crafting materials ay available kahit saan sa outdoor setting. Maaaring gamitin ang pickaxe o ang kamay ng avatar para hawakan ang mga bagay. Isang magandang halimbawa nito ay kapag kailangan mo ng wood, maghanap lang ng mga puno at putulin ito.

Related Posts:

Spider Rope Hero: City Battle Review

Papers Grade Please! Review

LokiCraft - Laro Reviews

LokiCraft – Laro Reviews

Kapag pumasok sa Survival mode, laging tandaan ang pangunahing priority ay makaliha ng ng mga armas. Importante ito bilang panlaban sa mga wildlife sa pagsisimula ng paghahanap ng crafting resources. Kung armado, mas may laban ka sa mga ito. Palakasin ang pinakaepektibong armas.

Reviews para sa Larong Lokicraft

Ang Lokicraft ay isang one-of-a-kind na larong nagbibigay ng pagkakataong baguhin ang mundo ng naaayon sa sariling kagustuhan. Inaalis nito ang limitasyon ng tunay na buhay at pinapagayan kang gawing playful ang imagination.

Ang Lokicraft’s open-world gameplay ay nababagay sa mga players na hindi na-a-appreciate ang kalayaan sa paglalaro. Ito ay laro para sa mga taong gustong makita kung hanggang saan sila dadalhin ng imagination na walang balakid, o items na kailangang bayaran muna bago makapaglaro. Kung hanap mo ang ganitong mga katangian sa laro, maaaring subukan ang larong ito.

Dahil sa slightly elevated level ng graphics, ang mga players ay malayang makakagalaw sa kabuuan ng mapa para gawing mas exciting ang adventure. Ang mapa ng laro ay napakalaki at puno ng resources na naghihitay lang matuklasan.

Konklusyon

Ang graphics performance ng LokiCraft’s ay nasa average lang kumpara sa ibang mga available na pixel-based games. Bukod dito, and refresh rate ay higit sa sapat para gawing mas kawiliwili ang adventure pati na ang kabuuang operation. Sa pangkalahatan,ang laro ay may higit na mataas kaysa sa average audio-visual components na magpapanatili sa mga players sa paglalaro.

Kung hindi pa nasusubukasn ng nakakaaliw at creative game tulad ng Minecraft, ang LokiCraft ay isa sa mga may pinakamagagandang replicas na may kakayahang makapagparanas ng great experience sa scavenging, crafting, at building. Wala siyang napakagandang graphics, ngunit ang game design structure at ang lahat ng aspeto ng program ay gumagana ng maayos.

Kahit ay nais mo man ay ay makaliha ng wonderful designs o gusto lang maglaro ng fighting o survival na laro, ang LokiCraft ay makakapagbigay sa iyo ng sulit na game adventure!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...