Lost Lands 7 Review

Ang Lost Lands 7 ay ang ika-pitong installment ng puzzle adventure series ng FIVE-BN GAMES na siya namang nai-publish ng Big Fish Games. Ang kwento naman nito ay pagbabalik ni Susan the Warmaiden sa mundo na dala ay isang panibago at epikong adventure. Bukod sa nakakabighani nitong malapantasyang salaysay na puno ng mga cinematic na eksena, ang gameplay nito ay nakakaaliw rin. Lulutasin mo ang lahat ng uri ng mga puzzle sa mini-games. Hanapin ang mga nakatago sa mga kasuluk-sulukan, kolektahin ang mga manuscript na nagtataglay ng mga sinaunang kaalaman, at ibunyag ang napakaraming bagay. Kakailanganin sa larong ito ang iyong talino at talas ng kaisipan sa paglutas ng mga misteryo. Sapat ba ang iyong pagka-attentive at kapursigihan upang mabawi ang magic artifact at matalo ang mga makapangyarihang kalaban? Alamin sa pagbasa nitong artikulong inihanda ng Laro Reviews.

Mga Tampok ng Laro 

Ipaparanas ng Lost Lands 7 sa manlalaro nito ang isang kahanga-hangang mundo sa pamamagitan ng sinematikong katangian na magdadala ng pantasya sa katotohanan. Hindi lamang mahusay ang graphics nito, kundi ito rin ay nagtataglay ng napaka-realistikong simulasyon. Katambal ng high quality na resolusyon nito, magaling din ang voice over ng mga karakter at ang magandang paglalapat ng background music. Ang mga adventures sa larong ito ay magdadala sa iyo hindi lamang sa Earth, kundi pati na sa enchanted na lugar ng Lost Lands gaya ng Frozen Mountains, Floating Island, Shrines at Dungeon. Libre itong mada-download at laruin offline.

Bilang isang hidden object game, kakailanganin ng larong ito ang paggamit ng mga interaktibong karakter at item. Tutuklasin ng manlalaro ang iba’t ibang rooms at mapa upang mahanap ang mga object, at magkakalap ng mga mahahalagang item na magagamit sa paglutas ng mga puzzle. Matapos na makumpleto ang isang quest ay maa-unlock pa ang ibang lokasyon na magpapatuloy sa adventure. Simple lamang ang controls nito. Pindutin lamang ang mga bahaging makikita sa screen upang makapag-interact sa laro. Ang may mga simbolong “+” ay magbibigay pa ng ibang paraan kung paano makapag-interact sa object na nasa iyo. Ngunit kung di mo alam ang layunin sa isang level, may simbolong “?” sa ibabang parte ng screen na kapag pinindot mo ay magpapakita sa iyo ng dapat mong gawin upang matapos mo ang level na iyon. Mas ginawa pang enjoyable ang larong ito sa pagdaragdag pa ng ibang mini-games, puzzles at collection.

Paano I-download ang Lost Lands 7?

Napakadaling i-download ng larong ito. Ang kailangan mo lang gawin ay sundin itong mga hakbang. Kung ikaw ay Android user, maaari mo itong i-download sa Google Play Store. Buksan lang ang nasabing app, hanapin ang larong ito at i-click ang install. Para sa iOS, pareho lamang ang proseso ngunit sa halip na Google Play Store, i-download ito sa App Store. Maaari mo ring i-download ang larong ito sa PC o laptops. Suriing mabuti kung ang developer ng laro ay Five-BN at Big Fish Games. Para sa mas mabilis na pag-access, maaari mong i-click ang mga link sa ibaba.

Download Lost Lands 7 on Android here

Download Lost Lands 7 on iOS here

Download Lost Lands 7 on PC here

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Sa mga larong hidden object ay dapat taglayin ang katangiang pagka-mapagmatyag, atentibo at maalalahanin sa mga detalye na nasa screen. At dahil ito ay isa ring puzzle game, mahalagang ilakip sa paglalaro ang katalinuhan at talas ng pag-iisip. Bukod sa mga kasanayang ito ay ilan sa mga ito ang dapat isaalang-alang sa paglalaro upang mapagtagumpayan ang bawat level. 

Una ay dapat alam mo ang iyong misyon. Sa bawat panimula ng mga quest, mapapanood mo ang isang eksena. Di lamang ito makapagbibigay ng kwento at konteksto sa iyong quest, kundi ay inilalarawan din nito ang iyong layunin. May makikita ka ring magpa-pop-up sa screen na dapat mong bigyang pansin sapagkat malaki ang maitutulong nito sa kung ano ang tatapusin mo sa iyong quest. Karagdagan, basahin ang mga instruksyon na nasa mismong screen. Madalas itong makikita sa kalagitnaan ng iyong paglalaro habang nagsasalita ang mga karakter. Ang mga ito ay makapagbibigay ng mga hints kung paano mo matatapos ang isang partikular na puzzle at makapagbibigay rin ito ng impormasyon kung paano mo gaganapin ang iyong misyon.

Sa laro, kung ikaw ay naghahanap na ng mga item, galawin mo lamang ang mga object. Minsan, ang mga item na dapat mong hanapin ay nakatago, nakapaloob at natatakpan. Kaya, mahalagang galawin mo ang mga bagay sa paligid upang mapalitaw mo ang mga item na natabunan ng iba pang mga object. Maaari ka ring gumamit ng hints. Kapag ikaw ay nahihirapan sa iyong quest, pwede kang humingi ng clues sa pamamagitan ng pag-pindot ng green button na makikita mo sa bandang kanan sa ibaba ng screen. Ngunit, kakailanganin mong gumastos ng coins upang magamit ang hints. Tandaang limitado lamang ang coins na meron ka, pero kung gusto mo itong madagdagan ay may in-app purchases naman. Kaya, gamitin lamang ang hints kapag lubos mo itong kakailanganin.

Kalamangan at Kahinaan

Narito ang ilan sa mga kagandahan at downsides ng laro na napansin ng Laro Reviews. Mahusay na umiikot ang konsepto ng laro ngunit kawili-wili ang kwento, ang paglilipat sa dalawang mundo: ang daigdig at ang makaentado. Kalakip ang mga di malilimutang mga karakter, kapanapanabik na istorya at magkaka-konektang fiction, pinapatunayan ng larong ito ang kahusayang maging sa kasunod na installment ng Lost Lands series. Katangi-tangi rin ang kagalingang ibinuhos sa produksyon nitong laro. Mula sa artworks hanggang sa kalidad ng graphics nito at pati na ang mga animation. Lahat ng kasangkapang biswal nito ay binuo ng pambihirang mga detalye, katumpakan at dedikasyon. Ang audio naman nito ay kasing-galing nung sa biswal. Magaling din ang mga pagganap sa mga voice over na angkop na ipinakita ang mga katangian nito. Gayundin ang background music at sound effects na mas nagpaganda pa ng gaming experience. Ang pagdagdag din ng nauulit na mini-games, achievements, collectibles at morphing objects ay ginagawang nakaaaliw pang lalo ang laro.

Subalit, may mga bahagi sa laro na lubhang mahirap malampasan. Dahil dito, kakailanganin mong gumamit ng hints kapalit ang coins na di madaling makalap sa laro. Magandang irekomenda na magkaroon ito ng Ad Rewards na magbibigay reward na game coins na di nagpapabayad ng totoong pera. Sa laro, wala ring mga bonus at rewards na matatanggap kapag natapos mo ang isang level. Mabuting maging rewarding sana ito upang makatulong sa manlalaro na makakuha pa ng coins. Isa pa, minsan sa mga eksenang sinematiko ay may mga bahaging nagiging malabo ngunit bumabalik naman kaagad sa kaayusan.

Konklusyon 

Sa kalahatan, napakagandang laro ng Lost Lands 7 para sa mga mahilig ng puzzles. Kung pagbabasehan ang reviews mula sa Google Play Store ay 4.9 stars ito, at halos walang nagbigay ng 1 o 2 star points. Sa napakahusay na pagsasama ng sinematikong biswal at kapanapanabik na kwento nito ay siguradong maaaliw ang sinumang manlalaro at mahihikayat sa adiksyon. Di ka lamang malilibang nito, kundi ay mahahasa rin ang katalinuhan at pagka-atentibo mo. Kaya kung gusto mo nang isabak ang talas ng iyong isip upang ibunyag ang bawat misteryo ng makaentadong mundo sa laro, i-download na ang Lost Lands 7 ngayon!

Leave a Comment

Login
Loading...
Sign Up
Loading...