Love Tester – Find Real Love Review

Naranasan mo na ba ang magmahal ng isang tao? Kailanman ay naisip mo bang gumamit ng love tester machine para malaman kung gusto ka ba niya? Sa pamamagitan ng love tester machine o love meter, sinusukat nito kung gaanong magkapares ang dalawang tao at kung masasabi bang sila ay para sa isa’t isa. Nauso ang paggamit nito dahil maaari mong malaman kaagad ang resulta nito. 

Tulad nito, ang Love Tester – Find Real Love ay isang love app sa Android mobile phones na ginawa ng game developer na Famobi. Sa kanilang love calculator, agad mong malalaman kung may pag-asa bang magustuhan ka rin pabalik ng taong gusto mo. Nagiging indikasyon din ito kung hanggang magkaibigan lang ba ang maaabot ninyong dalawa. Hindi mo na kailangang magdalawang isip o mangamba pa sa kakaisip kung may pag-asa ba kayo ng iyong gusto. Sa pamamagitan ng love test calculator na ito, malalaman mo na kung ano ang probabilidad na magkakaroon kayo ng maliwanag na kinabukasan nang magkasama. Bukod pa rito, sinasabi rin ng love app na ito kung pareho ba ang tibok ng inyong mga puso. Basahin ang buong artikulong ito mula sa Laro Reviews para higit na malaman ang tungkol sa larong ito.

Features ng Love Tester – Find Real Love

Features ng Love Tester - Find Real Love

Love Test – May tatlong opsyon ang manlalaro kung alin ang pipiliin niya tungkol sa kanyang minamahal. Ito ay nahahati sa tatlong bahagi: Names, Zodiac Signs, at Quizzes. Narito ang katangian ng mga sumusunod:

  • Names – Ayon ito sa paniniwalang lahat ng pangalan ay may sari-sariling kahulugan at hindi ito basta-basta na lang pinili. Sa pamamagitan nito, maaari mong malaman ang potensyal ng pag-ibig sa pagitan ng iyong gusto at ikaw. Ang gagawin mo lang ay ilalagay ang pangalan ninyong dalawa.
  • Zodiac Signs – Ang bawat zodiac sign ay pinaniniwalaang may natatanging katangian, kalakasan, at kahinaan. Malalaman mo rin ang pagnanais at saloobin sa buhay ng isang tao sa pamamagitan nito. Ang kailangan mo lang gawin ay ilagay ang pangalan at zodiac signs ninyong dalawa. Pagkatapos, ipapakita nito ang compatibility ng inyong zodiac signs. 
  • Quizzes – Ito ay isang love quiz kung saan masagot dito ang iyong mga katanungan kung in love ka ba talaga. Hindi mo na kailangang manghula at mangamba dahil tutulungan ka ng quiz na ito para i-decode ang iyong love life. Binubuo ito ng 19 na tanong na dapat mong sagutan sa pamamagitan ng pagpili mula sa tatlong choices.

Zodiac Signs – Ilagay ang iyong zodiac sign para malaman ang sinasabi ng daily horoscope tungkol sayo sa bawat araw. Kasama rito ang compatibilities ng iyong zodiac sign. Bukod sa iyong horoscope, nagbibigay rin ito ng impormasyong nakakategorya kung ikaw ay nasa isang relasyon o single. 

Love Cards – Gumawa ng love card na naglalaman ng iyong paboritong quotes tungkol sa pagmamahal. Maaari mo itong i-customize batay sa design na nais mo, tulad ng pagpili ng background photo na gagamitin. Pwede kang mamili sa pagitan ng ready-made wallpaper at litrato mula sa iyong gallery.

Saan pwedeng i-download ang Love Tester – Find Real Love?

Saan pwedeng i-download ang Love Tester - Find Real Love?

Sa seksyon na ito ng artikulo itururo kung saan at paano i-download ang Love Tester – Find Real Love. Kasalukuyang available lamang ang laro para sa Android users. Hindi ito pwedeng i-download sa iOS at PC. Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa Google Play Store at ilagay sa search bar ang pamagat ng laro. Kapag nahanap na ito sa search bar, pindutin ang Install button at hintaying matapos ang pag-download. Hindi na kailangang magbayad para i-download ang laro dahil free-to-play (F2P) ito. Buksan ang app at kumpletuhin ang lahat ng kailangan sa sign-in details. Kapag natapos ang mga ito, pwede ka na magsimula sa paglalaro!       

Narito ang link kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Love Tester – Find Real Love on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.famobi.lovetest

Tips at Tricks sa Paglalaro

Date o no date? Mainam na subukan ang love tester na ito para magkaroon ka ng ideya kung kayo ba ay para sa isa’t isa o hindi. Nakakatulong ito para mabawasan ang pag-overthink para matukoy kung may kinabukasan bang naghihintay sa inyong dalawa. Maganda kung uunahin mo ang Names mula sa tatlong modes ng Love Test. Dito, kailangan mong ilagay ang dalawang pangalan para malaman ang percentage ng compatibility nila. Tumutukoy ito kung gaano katugma sa isa’t isa mula sa pangalang inilagay rito. Matapos lumabas ang resulta, makikitang may maiksing deskripsyon nito sa ibaba. Pagkatapos nito, may opsyon ang manlalaro na sumubok ulit ng panibago.

Marami kang pwedeng malaman tungkol sa isang tao batay sa kanyang zodiac sign. Kaya naman maaari mo ring matukoy kung para sa isa’t isa ba ang dalawang tao gamit ito. Sa Zodiac Sign na mode ng laro, malalaman mo ang percentage ng compatibility ng iyong zodiac sign sa iyong minamahal. Samantalang sa Quizzes na mode naman, pagkatapos ilagay ang pangalan ninyong dalawa, magsasagot ka lang ng ilang mga katanungan para maging batayan para masukat ang inyong love compatibility. Mainam na maging matapat sa pagsagot ng bawat tanong para mas maging accurate ang resulta nito. 

Pros at Cons ng Love Tester - Find Real Love

Pros at Cons ng Love Tester – Find Real Love

Maraming features ang Love Tester – Find Real Love kaya hindi mauubusan ng pagpipilian ang manlalaro sa bawat araw. Pagkatapos makuha ang resulta ng iyong tests, maaari mo itong i-share sa ibang platforms. Pwede ka ring umulit ng lahat ng tests kahit ilang beses. Simple lang din ang graphics nito kaya hindi mahirap maging pamilyar dito kahit ang mga baguhan. Nakakaakit din ang kulay pula na disenyo at tumutugma ito sa kabuuang tema ng laro na pag-ibig. Nakakadagdag kagandahan din ang pagkakaroon ng daily horoscope at love cards dito dahil hindi lang limitado ang laro sa love tests. Bukod dito, mapapansin ding hindi nagbabago ang resulta ng love compatibility kahit ilang beses mong ilagay ang pangalan mo at ng iyong minamahal. Ibig sabihin nito ay hindi lang basta random na percentage ang nagiging resulta sa bawat pagkakataon. 

Ang tanging cons lang sa laro ay may kaunting ads na biglaang lumalabas. Kailangan mo pang maghintay ng ilang segundo para maalis ito. Bukod pa rito, kasalukuyang available lang ito sa Android kaya limitado lang ang mga pwedeng mag-download nito. Mairerekomenda ko sa game developer na gawin itong available din sa iOS at PC users. Mainam din kung magkakaroon ito ng offline mode para pwede itong ma-enjoy ng mga manlalarong walang internet connection sa kasalukuyan. 

Konklusyon

Kung nais mong malaman ang compatibility mo at ng iyong minamahal, para sa iyo ang larong ito! Mairerekomenda ito ng Laro Reviews pati sa mga taong naniniwala sa zodiac signs at interesadong malaman ang tungkol sa love tester machine. Asahang may ilang ads na lalabas biglaan habang ginagamit mo ang app. Kung nais mong i-download ito, siguraduhing mayroon kang Android mobile phone para rito dahil hindi pa ito available sa iOS at PC.

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...