Lucid Dream Adventure 3 Review

Kung babalikan ang mga naunang series ng Lucid Dream Adventure 3, umiikot ito sa isang babaeng nagngangalang Lucy na mayroong kakayahang kontrolin at lakbayin ang kanyang panaginip o mas kilala sa tawag na Lucid Dreaming. Ang abilidad na ito ni Lucy ang nagbigay daan sa kanya upang iligtas ang kanyang ina sa labis na kalungkutan buhat nang maaksidente siya’t maging dahilan upang hindi na ito tuluyang makalakad. 

Ang Lucid Dream Adventure 3 ay ang huling installment na nilikha ng Dali Games para kay Lucy. Mula sa isang mahabang paglalakbay patungo sa isang misteryosong Labyrinth, pagdiskubre sa sikreto ng Oneiromancer, at ngayon naman ay ang pakikipaglaban sa isang dambuhalang diyablo ang iyo namang haharaping kasama si Lucy. Ang ikatlong series ng classic click-to-play game na ito ay muli kang inaanyayahan na samahan si Lucy na maglakbay sa kanyang panaginip upang iligtas ang kanyang ina. Handa ka na ba?

Muling pasukin at maglakbay sa isang panaginip kasama si Lucy, makatagpo ng iba’t ibang mahiwagang mga nilalang at tulungan si Lucy na magsolve muli ng iba’t ibang puzzle at riddles at lagpasan ang iba pang mga pagsubok alang-alang sa kaligtasan ng kanyang ina mula sa mahigpit na tanikala ng kalungkutan na nagpapahirap dito.

Lucid Dream Adventure 3

Lucid Dream Adventure 3

Features ng Lucid Dream Adventure 3

Mga bagong levelPara sa huling installment ng Lucid Dream Adventure 3, muling naglagay ang Dali Games ng iba’t ibang levels na iyong mapupuntahan dito gaya ng Abandoned Desert of Time, Gloomy World of Eyes at Secret Favelas of Babylon. 

Mga bagong tauhanMuli ka ring makatatagpo ng panibagong mga tauhan sa larong ito gaya ng Watchmaker of Light at si Salvador Dali! Oo, hindi ka namamalik-mata! Narito sa larong ito ang tanyag na Spanish artist. Alamin ang magiging papel niya sa paglalakbay ni Lucy 

Iba’t ibang laroMuli ka pa ring bubusugin ng Lucid Dream Adventure ng iba’t ibang riddles at puzzle na dapat i-solve kasama ang iba pang mga pagsubok gaya ng paghahanap sa isang legend telescope at ekspedisyon sa mga bituin na talaga namang kasasabikan mo.

Saan pwedeng i-download ang Lucid Dream Adventure 3?

I-click lamang ang link sa ibaba para mai-download ang laro:

  • Download Lucid Dream Adventure 3 on Android – https://play.google.com/store/apps/details?id=games.dali.adventure.lucid.dream.part.three&referrer=utm_source%3Dapkpure.com
Lucid Dream Adventure 3

Lucid Dream Adventure 3

Tips at Tricks sa Paglalaro

Narito ang tips ng Laro Reviews para sa larong ito:

Para sa unang pagsubok mo rito, dadalhin ka kasama si Lucy sa isang matandang Watchmaker. Ipinakilala siya ng laro bilang isang nilalang na laging mainitin ang ulo. Kaya naman, magiging mahirap para sa inyo na isakatuparan ang misyon ni Lucy na iligtas ang kanyang ina. Ganunpaman, hindi ninyo siya pwedeng sukuan dahil siya lamang ang natitirang pag-asa ninyo. Kaya naman, para sa unang task ninyo ni Lucy, nasa kamay ninyo ang isang maliit na kagamitan na magagamit ni Lucy upang maibalik siya sa nakaraan. Sa kasamaang-palad, lima sa mga iyon ang nawawala na dapat ninyong hanapin.

Kahit hindi kumpleto ang mga button na iyon, ang mga natira roon ang siyang makatutulong sa iyo upang tuluyan mo rin itong makumpleto. Palagi mong tatandaan na ang susi para makuha mo ang mga button na nawawala ay ang paggamit mo sa mga natirang button. Halimbawa, kung nais mong mabuksan ang abandonadong silid, kailangan mo lamang pindutin ang button na may tatak na bahay. Sa abandonadong bahay na iyon matatagpuan ang isa sa mga nawawalang button na siyang maaari mong gamitin upang mahanap naman ang iba pa.

Sa larong ito, may isang button na makukuha mo lamang kay Dal. Ngunit hindi niya iyon ibibigay sa iyo hangga’t hindi mo siya binibigyan ng giraffe. Saan ka naman kukuha ng giraffe sa isang tila walang buhay na lugar? Sa gilid, malapit sa dagat ay may matatagpuan kang pangpinta. Kunin mo iyon at tapusin ang hindi natapos na painting. Sa canvas na iyon ay makikita ang isang giraffe. Mabibigyang-buhay lamang iyon kung pipindutin mo ang giraffe button. Pakainin mo lamang ito ng mansanas para makuha mo ang loob nito at madala ito kay Dal. Kung nahihirapang paamuhin, subukang ibalik pansamantala ang giraffe sa pagiging drawing at doon pakainin ng mansanas saka muling buhayin.

Related Posts:

Stickman Master: Shadow Fight Review

A New Life Review

Lucid Dream Adventure 3

Lucid Dream Adventure 3

Pros at Cons ng Lucid Dream Adventure 3

Ang Lucid Dream Adventure 3 ay ang huling installment ng story point and click game patungkol kay Lucy. Sa larong ito, masasabi talagang binigyan ng hustisya ng Dali Games ang kwento ng batang Lucid Dreamer. Sa pagtatapos ng larong ito, ilang mga aral o realization ang ituturo naman sa iyo ng kwento dito. Binibigyan ka ng tanong ng larong ito kung sino nga ba ang dapat isalba? Pinatunayan nila na may iba’t ibang mukha ang mga taong humihingi ng tulong na dapat bigyang pansin. Tunay ngang hindi lang basta laro ang Lucid Dream Adventure trilogy kundi isang daan din upang magbigay aral patungkol sa buhay lalo na sa mental na kalusugan.

Kapuri-puri pa rin ang laro dahil napanatili nito ang kaakit-akit at makahulugang graphics. Maging ang iba’t ibang pagsubok na nilagay dito na talaga namang nakalilibang at mapapaisip kang talaga. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, kapansin-pansing ang Lucid Dream Adventure 3 ay pinaikli at para bang minadali na lamang upang tuluyan na itong matapos. Kalahating oras mo lamang itong malalaro kumpara sa mga naunang version na may higit pa o kung sa iba ay ilang araw pa. Hindi maiaalis na maganda ang larong ito at kapupulutan ng aral dahilan kung bakit ang kahit na sino ay malayang makapaglaro nito. Ngunit malaki ang tyansa na may igaganda pa ito kung sana’y hinabaan pa ng Dali Games ang huling parte ng kwento ni Lucy. Marami pa ang pwedeng mangyari na maaaring abangan ng mga sumusubaybay dito. Marami pa sanang laro ang pagdaanan ng mga manlalaro nito. Maganda rin sana ang larong ito kung hindi lang sa Google Play ito available.

Konklusyon

Sa dami ng mga larong naglipana sa mundo, mahirap na para sa atin ang humanap ng laro kung saan hindi lang para magbigay ng libangan kundi maging daan upang matutunan natin ang mahahalagang bagay gaya ng usapang mental na kalusugan. Marami kang mahahanap na laro na pwede kang malibang. Mayroon din ang talagang hahasain ang iyong utak ngunit bihira lang ang larong pwede mong maranasan nang sabay ang mga ito. Para sa Laro Reviews, ang Lucid Dream Adventure na isang trilogy story-game ay hindi ka lang malilibang kundi matututo ka pa. Kaya i-download mo na ito!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...