Mafia City Review

Ang Mafia City ay isang virtual na strategy simulation game na nilikha ng Yottagames. Sila ang parehong mga developer na nag-publish ng Chief Almighty: First Thunder BC at iba pang strategy-simulation games. Na-publish ang laro noong nakaraang 2017 kung saan ginagamit ng kumpanya ang karamihan sa kanilang mga pananalapi sa isang mamahaling kampanya sa advertising.

Naglagay sila ng mga short clip advertisement na video sa maraming platform tulad ng Youtube, Facebook at mga mobile gaming app na nagpapalabas ng mga sponsoring ads para makilala ang laro sa mundo.

Tutulungan ka ng Laro Reviews na alamin ang mga mahahalagang bagay tungkol sa laro at may mga karagdagang tips ka pang matututunan. 

Ang laro ay tungkol sa pagiging isang pinuno ng isang mafia clan na sasakupin ang lungsod at iba pang mga clan. Ang lalaking bida na si Ross, ang siyang naging bagong boss ng buong clan matapos ang kanyang kapatid ay pinatay ng isa pang mafia clan.

Ipapadama nito sa manlalaro kung paano maging isang mafia boss, kung paano patakbuhin ang buong clan at gawin ang lahat ng ginagawa ng mafia tulad ng pagharap sa mga pekeng produkto, paghahatid at pagprotekta sa mga kargamento, pag-atake sa isang lungsod o isang kakumpitensyang clan, pagtatayo ng turf, i-upgrade ito at syempre, ang karaniwang gawain,ang mangolekta ng mga babes,baril at pera.

Ano ang Layunin ng Laro?

Bilang manlalaro, gaganap kang bagong boss ng mafia clan. Kasama ang iyong Tito Angelo at si Jennifer, bubuuin mo ang natitira sa inyong mansion at clan pagkatapos ng pagkamatay ng iyong kapatid. Susubukan mong ilagay ang iyong sarili sa naging sitwasyon ng iyong kapatid at pagbutihin at ibalik ang mansyon at negosyo ng pamilya.

Mafia City

Mafia City

Mahahanap mo ang pumatay sa iyong kapatid at ipaghihiganti mo ito. Kakailanganin mong protektahan ang buong teritoryo mo at sanayin ang mga tauhan mo upang maging isang taga-baril, biker at fighter at isama sila sa iyong angkan.

Palawakin ang negosyo ng teritoryo ng pamilya upang ikaw ay makilala at igalang sa buong lungsod.

Paano Laruin ang Mafia City?

Gagampanan ng manlalaro ang papel ni Ross na kakauwi lang upang magluksa sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Gayunpaman, sa huling habilin ng kanyang kapatid, idineklara niya si Ross na maging bagong pinuno. Ang iyong layunin ay patunayan ang iyong sarili na ikaw ay karapat-dapat na maging pinuno ng bagong gang at gagawin mo ang iyong makakaya upang makakuha ng tiwala, kaalaman at ibalik ang negosyo ng pamilya sa kahit anong paraan.

Makikilala mo si Jennifer at gagabayan ka niya kung ano ang gagawin at dapat mong malaman kasama si Uncle Angelo. Ang unang kabanata ng laro ay tungkol sa muling pagsasama-sama ng pamilya at habang ikaw, si Jennifer at ang iyong Uncle ay nag-uusap, isang grupo ng mga kaaway ang susubukan na salakayin ang iyong teritoryo dahil alam nila na ang iyong gang ay mahina dahil sa wala itong pinuno. Gayunpaman, nagulat sila nang malaman na ikaw ang bagong pinuno ngunit sila ay nagpatuloy pa rin sa pag-atake.

Mafia City

Mafia City

Napilitan kang magtayo at magsanay ng mga biker para tulungan ka at ang buong gang na ipagtanggol ang inyong teritoryo. Sa kabutihang palad, nagawa mo silang itaboy, sa ngayon.

Gamit ang mga ito, kakailanganin mong palakasin ang sistema ng depensa at seguridad ng buong mansyon at lugar gamit ang iyong mga supplies.

Ang unang bagay na kailangan mong gawin sa larong ito ay i-set up ang iyong sakahan. Ang sakahan ay hindi tungkol sa mga halaman at gulay kundi mga gusali kung saan mo makukuha ang iyong mga mapagkukunan tulad ng pera, armas at kargamento. Ang mga gusaling ito ay kung saan ka magsasanay at kukuha ng iyong mga hukbo.

Bibigyan ka ng pang-araw-araw na gawain o misyon na kailangan mong tapusin. Kasama sa mga gawaing ito ang pagtatayo ng mga club, healing center, gusali para sa mga counterfeit na produkto, cargo hub at kampo. Dito mo kukunin ang iyong resources tulad ng pera, hukbo, kargamento at mga investment na gagamitin mo para mapalawak ang negosyo ng pamilya.

Kapag naitayo na ang lahat ng mga gusali, kakailanganin mong i-upgrade ang mga ito. Ang pag-upgrade sa mga ito ay magbibigay sa iyo ng mas maraming pera, mahuhusay na kawani at mandirigma at mas maraming pamumuhunan. Magiging mas sikat ka sa lungsod at magkakaroon sila ng paggalang sa iyo. Lalakas ang defense system mo dahil kakailanganin mo ring i-upgrade ang mansion at ang pader.

Sa tuwing may pag-atake mula sa mga kaaway, makikita mo ang icon ng radar na umiilaw bilang babala kung gaano na kalapit ang kaaway para sa kanilang pag-atake. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ka ng oras upang sanayin at i-upgrade ang lahat ng mga system at shooter na mayroon ka. Liliwanag din ang radar na ito kung kailangan ng iyong kaalyadong clan ng reinforcement at kung malapit na ang reinforcement na tinawagan mo upang tulungan ka sa pagsugpo ng iyong kaaway.

Kolektahin ang lahat ng kargamento at pera kapag available na ang mga ito. Maaari kang maglibot sa mapa at magsimula ng isang maliit na grupo ng gagawa ng gang war mula sa mga kalapit na lungsod o lugar.

Magkakaroon ka rin ng pagkakataong makipag-date sa pinakasexy at napakagandang sekretarya na si Diana. Si Diana o ang iyong babe, ay magbibigay sa iyo ng higit pang mga gantimpala hangga’t masaya siya sa iyong piling.

Maging matalino sa pamumuhunan. Maaari kang mamumuhunan sa cash o pamumuhunan sa produksyon upang madagdagan ang kita ng iyong pamilya. Ang iba pang magagamit na pamumuhunan ay ang mga Hospital o Health center para pagalingin ang iyong mga tauhan pagkatapos ng labanan, Gusali ng pagsasanay, Durability o wall reinforcement at Gem Making Speed ​​at marami pang iba.

Ang mga labanan o pamamaril ay pawang mga larong AFK o Away From Keyboard pati na rin ang mga gang war. Hindi mo kailangang manu-manong gawin ito; gagawin ito ng system para sa iyo. Ang kailangan mo lang gawin ay i-level up at i-upgrade ang buong mansion at ang mga negosyo at gusali sa paligid nito o ang mga sakahan upang mapabuti ang sistema ng iyong clan.

Paano I-download ang Laro?

Ang laro ay pwede sa parehong iOS at Android devices. Ngunit ang laro ay may ibang pangalan sa iTunes App Store, ito ay ang MC: War of Underworld.

Download Mafia City on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.yottagames.mafiawar&hl=en&gl=US

Download Mafia City on iOS https://apps.apple.com/us/app/mafia-city-war-of-underworld/id1235569398

Paano Gumawa ng Account sa Laro?

Kung nasa loob ka na ng laro, maaari kang mag-sign in o lumikha ng isang account sa pamamagitan ng pag-click sa icon ng iyong Avatar sa kaliwang bahagi sa itaas ng screen ng laro, pagkatapos ay mag-click sa mga setting o ang icon ng gear sa ibabang kaliwang sulok ng screen. , pagkatapos ay mag-click sa Account, at maaari mong piliin ang Link gamit ang Facebook account na inirerekomenda upang i-save ang iyong progreso at ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mag-rally kasama sila. Maaari mo ring  i-link ang laro gamit ang iyong Google account. Ang hakbang na ito ay para sa mga gumagamit ng Android. Para naman sa iOS, maaari kang mag-log in gamit ang iyong Facebook account o ang iyong Apple ID.

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Mafia City

Ang pagiging isang boss at pamamahala sa isang malaking delingkwenteng kaharian ay hindi magiging isang simpleng gawain. Palaging may mga hamon at problemang haharapin. Mga kaaway at kakumpetensya at isang buong clan na kailangan depensahan at protektahan. Kailangan mong tiyakin na igagalang ka ng lahat at kailangan mong makuha iyon sa kahit ano pa man na paraan. Ang lahat ay komplikado lamang sa mundo ng Mafia at iyon ang dahilan kung bakit ang mga tip at trick na ito ay makakatulong sa iyo sa iyong paglalakbay sa pagiging boss.

Mafia City

Mafia City

Kumpletuhin ang Lahat ng Gawain at Misyon Araw-araw

Ang lahat ng pang-araw-araw na gawaing ibibigay sa iyo ay talagang kailangan mo upang bumuo at mapabuti ang iyong clan. Ang mga ito ay ibinibigay batay sa pagkakasunud-sunod upang malaman mo kung alin ang dapat unahin at kung ano ang makakatulong sa iyo sa kasalukuyan o anumang sitwasyon na maaari mong kinalalagyan.

Unahin ang mga Pangunahing Trabaho sa Halip na mga Pangkaraniwang Gawain

Ito ang dalawang uri ng trabaho na iyong makukuha. Ang Mga Pangunahing Trabaho ay ang pinakamataas na antas ng prayoridad habang ang Mga Normal na Trabaho ay mga side gig lang na maaari mong gawin. Ang Mga Pangunahing Trabaho ay makakatulong sa iyo sa pagpapabuti ng mga gusali at depensa habang ang Normal na Trabaho ay magpapahusay sa iyong pagiging pinuno.

Related Posts:

The Grand Mafia Review

Spider Rope Hero: City Battle Review

Gamitin ang Build Free at Upgrade Free

Sa pagbuo at pag-upgrade ng mga imprastraktura o sakahan, magkakaroon ka ng dalawang opsyon, ang Build at Build Free o Ang Upgrade at Upgrade Free. Kung available ang Upgrade Free o Build Free, siguraduhing piliin iyon para hindi ka gumastos sa paggawa at pag-upgrade. Ang mga button na ito ay mas mabilis kaysa sa normal.

Mafia City – Sumali sa Clan

Sa sandaling bumuo ka ng isang kagalang-galang na clan, magsisimulang mapansin ka ng mga angkan sa iba’t ibang lungsod. Padadalhan ka nila ng mga imbitasyon para sa alyansa. Piliin ang tamang clan para maging kakampi mo. Tutulungan ka ng mga kaalyado na ito sa panahon ng pakikipaglaban sa mga kaaway.

Ang Larong Babe

Pumunta sa iyong babe o sa iyong sekretarya at pasayahin sila sa pamamagitan ng paglalaro ng kanilang laro. Ang bawat babe ay may iba’t ibang mga laro na lalaruin mo. Ang pagpapasaya sa kanila ay may katumbas na malaking gantimpala para sa iyo.

Ito ay ilan lamang sa mga pangunahing o mahalagang mga tip at trick. Mas marami kang matutuklasan habang nilalaro mo ang laro.

Positibo at Hindi Positibong Puna sa Laro

Ang laro ay nakamit ang mga puso ng maraming mga manlalaro dahil sa storyline nito at kapanapanabik na gameplay. Ang mga manlalaro ay na-aabsorb sa karakter na kanilang ginagampanan at mararanasan nila kung paano pamahalaan ang isang mafia clan. Maganda ang rewards system at hindi ka mauubusan ng pera dahil napakamapagbigay ng laro sa pagbibigay ng libreng upgrade at libreng build button.

Maaari ka ring manligaw at makakuha ng mga reward sa iyong sekretarya sa pamamagitan ng pagpapasaya sa kanila at paglalaro ng tinatawag na Babe game. Ang mga bagong sekretarya ay lumilitaw paminsan-minsan kung saan maaari mong i-recruit sila at bumuo ng isang relasyon.

Maaari ding baguhin ng player ang kanilang mga avatar kung hindi nila gusto ang default na na-set up noong nagsimula ang laro. Ang mga graphics ay kahanga-hanga at ang tunog ay parang sa mafia.

Sa kabila ng positibong feedback at ang engrande advertisement, ang laro ay tumatanggap pa rin ng nakakadismaya na feedback mula sa mga manlalaro. Ang laro ay masyadong simple at hindi ka makakakuha ng baril o makakagamit ng baril upang patayin ang lahat ng mga kaaway. Lahat sila ay AFK. Ang kailangan mo lang gawin ay mag-estratehiya at mag-upgrade at magtayo ng mga sakahan. Magpapasya ka rin kung tatanggapin o poprotektahan ang parsela at may mga pagkakataong pipiliin mong protektahan ngunit sasagasaan pa rin ng kotse ang babae na may dala ng parsela at agad itong mamamatay.

Iba ang gameplay sa pinapakita ng kanilang mga ad kaya medyo nakakalito. Ang mga pang-araw-araw na gawain ay medyo paulit-ulit na dumating sa isang punto na nababato ka at nawalan na ng interes sa laro.

Habang sumusulong ka sa laro, hihingi ito sa iyo ng maraming in-app purchases para mas mabilis kang umasenso gamit ang totoong pera. Kung hindi mo ito bibilhin, ang pag-usad sa laro ay talagang mabagal.

Maaari ka lamang makipaglaro sa iba pang mga manlalaro na pareho o malapit sa iyong level.

Para sa Laro Reviews, ang laro ay kawili-wili dahil mayroon itong mafia vibe. Kapag nasanay ka na, makakaligtas ka sa lahat ng pag-atake ng mga kalaban. Maging matalino sa paglalaro at ipagtanggol ang clan sa gamit ang ano mang paraan. Ang laro ay may gabay, mga FAQ at chat support upang matulungan ka kung mayroon kang mang mga isyu. Kaya, subukang laruin ito at maging napakagaling na boss ng isang Mafia City!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...