Magic Tiles 3 Review

Ang larong ito ay katulad lamang ng iba pang laro ng Magic Tiles 3. Kung saan ay ita-tap mo lang ang mga itim na tile at iwasang makaligtaan ang mga ito. Sa larong ito, maririnig at tutugtugin mo ang iba’t ibang kanta. Maaari mong i-unlock ang mga kanta at tuklasin ang iba’t ibang genre kung ito man ay pop, classical, hip-hop, Latin, Rnb, folk, at iba pa.

Maaari mong anyayahan ang iyong mga kaibigan at gumawa ng isang room na may apat na indibidwal lamang upang tumugtog. Malaya kang makipagkumpitensya sa anumang musikang gusto mo. Maaari ka ring makipagkumpitensya sa iba pang manlalaro sa pamamagitan ng paghihintay na maging aktibo sila sa room bago simulan ang laro. Maglaro ng Magic Tiles 3 para magsaya at matuto tungkol sa mundo ng musika!

Ano ang Layunin ng Laro?

Ang layunin nito ay tulad ng iba pang laro ng Piano tile, ito ay upang matulungan ang mga manlalaro na mapabuti ang kanilang konsentrasyon. Kung sasanayin mo ang iyong isip na tumuon sa isang partikular na gawain magagawa mong laruin ang ganitong uri ng app nang mas mahusay. Hindi mo na kailangang mag-alala tungkol sa pag-unlock ng mga kanta sa larong ito; ang kailangan mo lang gawin ay manood ng mga advertisement o mag-sign up para sa kanilang unlimited VIP access membership.

Magic Tiles 3 - Laro Reviews

Magic Tiles 3 – Laro Reviews

Ang ganitong uri ng laro ay kadalasang gumagamit ng konsentrasyon sa pagpindot sa mga itim na tiles. Makakatanggap ng mga gantimpala gaya ng mga diamond, coins, heart, at iba pa. Anyayahan maglaro kasama ang pamilya, mga kaibigan, at iba pang manlalaro na sumali sa iyo at tunghayan na maging isang ganap na pianista!

Paano ito Laruin?

Upang magsimula, kailangan mo munang i-download at i-install ang laro. Pagkatapos buksan ang app ay magagawa mo nang laruin kaagad ang laro dahil wala itong anumang kumplikadong mekaniks. Pindutin lamang ang mga itim na tile at patuloy na pindutin ang mga ito habang nag-iiba ang tempo ng musika. Maaari mo rin hamunin ang iba pang manlalaro, kaibigan o kahit sino pang naglalaro rin nito.

Dalawang aspeto lamang mayroon ang larong ito: maaari mo itong laruin ng solo sa “Quick match” o “Custom match” na binubuo ng apat na miyembro bago ito masimulan. Sa isang Quick match, maaari ka lamang maglaro ng solo. Gayunpaman, sa Custom match ay may “Create” na kung saan ay maaaring gumawa ng room na may password at imbitahan ang iyong mga kaibigan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng password at pangalan ng room. Ang isa pang pagpipilian ay ang “Join”, isang room kung saan mo gustong makipaglaban sa iba pang tatlong random na manlalaro. Maaari mo lamang laruin ang alinman sa dalawang ito kung mayroong apat na manlalaro sa isang room.

Bilang karagdagan sa quick match, maaari mong buhayin ang iyong sarili sa pamamagitan ng pag-sign up para sa kanilang VIP membership o panonood ng mga advertisement. Ito ay isang walang limitasyong laro kung saan maaari kang magpasya kung bubuhayin mo ang iyong sarili sa tuwing napalampas mo ang itim na tile o tatapusin mo na lang ang paglalaro nito. 

Paano I-download ang Laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Magic Tiles 3 sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit, Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay nakadepende at 459.1 MB naman para sa iOS.

Magic Tiles 3 - Laro Reviews

Magic Tiles 3 – Laro Reviews

  • Download Play Magic Tiles 3 on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.youmusic.magictiles
  • Download Play Magic Tiles 3 on iOS https://apps.apple.com/us/app/magic-tiles-3-piano-game/id1443446174
  • Download Play Magic Tiles 3 on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.youmusic.magictiles-on-pc.html

Paano Gumawa ng Account sa Larong Play Magic Tiles 3

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Play Magic Tiles 3, i-download ito at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Google play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Play Magic Tiles 3!

Sa tulong ng Laro Reviews, malalaman mo ang tips at tricks upang magawa ang mga ito at mabilis na makapag-level up.

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Magic Tiles 3 

Dapat mong isipin kung saan ka maglalaro para makapag-concentrate ng maigi. Ang ingay sa paligid mo ay maaaring makagambala sa iyo at humantong sa pagka-istorbo sa iyong paglalaro. Alam nating lahat na ang laro ay nangangailangan ng matinding focus ng isip upang maiwasan ang mga puti na tile. Kung naiistorbo ka ng background music ng laro, maaari mo itong i-off. Maaari mo pa rin naman laruin ang laro nang walang tunog.

Dahil maaari mong buhayin ang iyong sarili sa pamamagitan ng panonood ng mga ad sa quick match, maaari kang maglaro at makatanggap ng walang-patid na rewards. Ang ilan sa mga kanta ay maaari ma-unlock sa pamamagitan lamang nang panonood sa mga advertisement. Iyon lang ang kailangan mong isaalang-alang kapag naglalaro ng larong ito. Walang mga kumplikado o mahirap na mekaniks sa paglalaro.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Magic Tiles 3 

Ang larong ito ay nagbibigay ng parehong nakaka-relax at nakaka-excite na vibes. Nakatanggap ito ng maraming positibong feedbacks at ipinakitang talagang kapaki-pakinabang para sa mental health. Pinapalakas nito ang ating konsentrasyon at maaaring makatulong sa iyo sa pang-araw-araw mo na gawin tulad na lamang sa iyong trabaho o sa ibang bagay pa man.

Related Posts:

Supreme Duelist Stickman Review

Mini Block Craft Review

Magic Tiles 3 - Laro Reviews

Magic Tiles 3 – Laro Reviews

Pagdating sa gameplay, wala itong mga kumplikadong mekaniks o maraming challenges. Maaari mong buhayin muli ang iyong sarili sa quick match at patagalin pa ito nang walang katapusan sa pamamagitan ng panonood ng mga advertisement. Hindi rin isyu ang pag-unlock ng mga kanta; maaari mong gawin ito sa pamamagitan ng matiyagang paghihintay na matapos ang mga ad bago kunin ang mga reward o musika. Dahil isa itong mobile app, maaari mo itong laruin kahit saan mo gusto. Maaari mong laruin ang quick match nang offline ngunit hindi ang custom match, dahil ang pagkonekta sa mga online match ay nangangailangan ng mobile data o internet. Ang isa pang maganda sa program na ito ay maaari mong i-link o i-sync ang data sa iyong Facebook account, kaya hindi mo kailangang mag-alala kung hindi mo sinasadyang i-uninstall ang app mula sa iyong device o gusto mong ilipat ito sa ibang device. Ang iyong progress sa laro ay palaging masi-save.

Isa sa mga disadvantage ng gaming app na ito ay kailangan mong manood ng mga ad para ma-unlock ang musika. Minsan ito ang pinakamahirap na yugto dahil hinahamon nito ang iyong pasensya sa paghihintay na matapos ang mga ad dahil kung hindi, hindi mo ito maa-unlock. Wala ring mga senyales ng mga bagong feature ng laro at paminsan-minsan ay hindi mo ma-access ang isang room dahil mayroon itong password o hindi na sya existing. Magiging isang magandang app ito kung maiisipan nila na gumawa ng ilang mga pagbabago sa gameplay ng laro upang mapabuti ito.

Konklusyon

Masasabi ng Laro Reviews na nangangailangan pa rin ng update at development sa maraming aspeto ng laro. Upang ang mga manlalaro ay hindi magsawa lalo na kapag ang tanging paraan upang i-unlock ang mga kanta ay ang manood ng mga ad. Kahit sa buong laro, nakakaabala ito nang lubusan. Dapat isaalang-alang ng mga developer ng app na ito ang mga isyung nabanggit ng mga manlalaro.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...