Make Up Battle Review

Hilig mo ba ang pagpapaganda at hindi kayang lumabas ng bahay ng walang nakalagay na make-up sa mukha? Kung gayon, ang larong ito ay perpekto para sa iyo. Oras na para maglaro ng Make Up Battle! Hindi kailangang matakot dahil makakapagsanay ng mga pamamaraan ng walang masasayang na make-up dito sa online game na ito. Maaaring mag-eksperimento ng iba’t ibang kulay at mga mapagpipilian na hindi mo magagawa sa totoong buhay. Hindi na kailangang mamili ng mamahaling make-up at kagamitan sa pagme-make-up. Libre ang larong ito at kasama na ang lahat ng kakailanganin sa pagme-make up. Makakapagpaganda ka na para sa Pasko o Halloween party, makakapahanda para sa unang pakikipag-date, prom, o kahit kasal mo pa. Alinman sa mga ito ang paggagamitan, matutulungan ka ng larong ito.

Ang Make-up Battle ay isang laro kung saan maaaring maipamalas ang iyong talento at galing sa sining, pintahan ng kakaiba ang mukha sa kawili-wili at kasiya-siyang paraan na hindi mag-aalala na magagalit ang taong inaayusan kung sakaling hindi maging kaaya-aya ang kalalabasang itsura ng make-up. Isa itong nakakaengganyo at mapanghamong karanasan na walang halong pressure.

Makeup Battle

Makeup Battle

Mga Layunin sa Larong Make-up Battle

Ang layunin sa larong Make-up Battle ay simple lang. Kailangan lang magawang napakaganda ng pagkaka-make up na aangkop sa hinihingi ng level ng laro sa nakalaang oras para matapos ito. Pagkatapos malagyan ng make-up ang mukha, lalabas ang nakuhang score kung gaano kaganda ang iyong nagawa. May mga pagkakataong maaaring makipaglaban sa iba pang mga player. Sikaping maabot ang final round at talunin ang ibang players sa pamamagitan ng high score!

Sumali sa make-up fashion contest! May simpleng one-handed operation. Napakaraming pagpipilian ng mga customizable make-up at nakakaintrigang mga levels. Libre lang itong laruin at madali lang simulan.

Pag-download

Ang Make-up Battle ay mada-download sa PC gamit ang emulator. Para sa mobile devices, pwede itong i-download ng direkta sa Google Play Store kung Android ang gamit, at App Store naman para sa iOS.

Kung sakaling hindi gumagana ang Google Play Store, maaaring gumamit ng APK installer para sa pag-download ng laro sa iyong device. Ang paggamit ng APK para sa mga laro at installation ng apps ay isang simple at madaling proseso na madaling maaalala kapag nagawa mo na ito ng minsan. Ligtas at epektibo itong paraan para malusutan ang limitasyong itinakda ng mga developers para sa distribution ng apps sa ilang local regions.

Maaring i-download ang laro gamit ang sumusunod:

  • Download Make-up Battle game on Android https://play.google.com/store/apps/details?hl=fil&id=com.makeup.battle.global
  • Download Make-up Battle game on iOS https://apps.apple.com/us/app/makeup-battle/id1590964794?ign-mpt=uo%3D4
  • Download Make-up Battle game on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.makeup.battle.global-on-pc.html
Makeup Battle

Makeup Battle

Mga Taktika Para sa Napakagandang Creation

Pagmasdan ang mga linya. Habang sinisimulan ang paglalagay ng make-up, hanapin ang mga linya na nagtuturo kung saan dapat maglagay ng make-up. Hindi kailangang maging eksaktong-eksakto dahil ang mga linya ay magbibigay ng clue kung saang lugar kailangang maglagay. Katulad ng paglalagay ng make-up sa tunay na buhay, kadalasan ay hinahanap din natin at binabagtas ang T-bone ng mukha para mas maging maganda ang resulta ng paglalagay ng shades at kulay.

Huwag magmadali sa pag-trim. Huminto muna saglit lalo na kung hindi sigurado kung aling bahagi ang kailangang gupitin o ahitin. Ang buhok na kailangang gupitin ay magbi-blink at malalaman mo kung saan dapat gumupit para makuha ang tamang contour. Tandaan na isa sa maipagmamalaki ng mga mga kababaihan ang korte ng kanilang kilay kaya hindi mo gugustuhing masira ito. “Kilay is life!”

Huwag papalampasin ang mga bonus stage. Maraming mapagpipiliang mga bonus stages at sulit na makumpleto lahat ng ito. May mga pagkakataong kailangang maging malikhain at ito ang pinaka-exciting na parte ng laro. Kung may pagkakataon para sa bonus stage, ikonsidera ang paggamit nito para sa kapakinabangan.

Kapag may lumabas na pagpipilian, tanggapin ito. Kapag lumilitaw ang icon para makapunta sa susunod na seksyon ng makeover na makikita sa kanang bahagi ng screen, i-click ito. Mas madalas kaysa sa hindi na ang matitirang make-up na hindi nagamit ay ilalagay mismo ng laro na kadalasan ay mas nagpapaganda pa ng overall look.

Ang mga upgrade ay mahalaga sa kahit aling laro. Dito sa Make-up Battle, gems ang ginagamit para ma-upgrade ng iyong shop. Ang mga naipong gems ay gagamitin para ma-upgrade ang store tulad ng pagdadagdag ng mga dekorasyon at mga kakaibang fixtures. Gamitin ang mga gems ngunit huwag obligahin ang sarili na manood ng manood ng mga ads para makakuha ng mas marami nito.

Related Posts:

FRAG Pro Shooter – Gun Games Review

Legend of the Phoenix Review

Mga Komento sa Larong Make-up Battle

Ang Make-up Battle game ay maituturing na kabilang sa mga top-performing games sa pagkakaroon nito ng 4.5 overall rating at mahigit 500,000 downloads. Nakakatuwa, cute, at inventive ang larong ito.

Paano nito napapanatili ang pagiging enjoyable sa kabila ng pagiging casual game? Simple lang, dinisenyo ito para magkaroon ng magandang creative game na may amazing features. Malaki ang posibilidad na pinaghirapan at pinag-isipan ang paggawa ng advanced quality software nito.

Makeup Battle

Makeup Battle

Maganda rin ang konsepto ng laro. Ang iba’t ibang outfit at konsepto ng paligsahan ay magandang kumbinasyon. Kahit alam naman natin na kailangan ang mga ads para mapanatiling libre ang laro, kapag sobrang dami naman ay nakakabawas na ito ng enjoyment sa paglalaro. Ang paglalagay ng ads kada may matatapos na level ay pangkaraniwan na at katanggap-tanggap, ngunit ang ads na lumalabas sa ilang segundong pagitan ay nakakainis na para sa mga players. Ang pag-distribute ng ads ng may sapat na interval ay magbibigay ng rason sa mga manlalaro na patuloy itong laruin.

Konklusyon

Maging ikaw ay tagahanga ng mga parkour, mahilig sa make-up, o gusto lang makipagpaligsahan, at kahit pa gusto mo lang gamitin ang phone para malibang kapag nababagot, ang Make-up Battle ay kayang matugunan ang lahat ng iyan.

Ang mabilis at madaling larong ito ay pwede sa kahit anong edad dahil ang interface nito ay simple na kahit mga bata ay madali itong maiintindihan. Sa halip na paglaruan at pagpraktisan ang make-up ng mga nanay sa paglalagay nito sa sariling mukha, subukan na lang ang Make-up Battle game online. Mapapalabas nito ang creativity at imagination ng isang tao sa pilit na pag-iisip ng pinakamagandang kumbinasyon ng make-up para matugunan ang requirements ng laro.

Kahit na ang napakaraming ads ay susubok sa haba ng iyong pasensya, maaari pa rin maging magandang libangan ang Make-up Battle dahil bukod sa malilibang ka ay maaari mo ring madiskubre at mapalabas ang natatagong talento at pagka-artist sa larong ito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...