Makeover Race Review

Ang Makeover Race ay isang casual role playing game na nagtatampok ng kakaibang paraan ng pagpapaganda ng isang babae. Ang laro ay inilabas ng UNCOSOFT noong Nobyembre 5, 2021. Ang layunin ng laro ay pagandahin ang isang napiling babae batay sa layunin ng kasalukuyang level sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga gamit na pampaganda habang iniiwasan ang ilang bagay na maaaring magpalala sa kanyang kasalukuyang itsura tulad ng mga putik, mga insekto, daga, atbp. Ang mechanics ng larong ito ay medyo simple ngunit ang pagpapatupad ng mga bagay upang mabago ang iyong karakter ay maaaring kakaiba. Nahati tuloy ang pagtanggap ng publiko sa larong ito dahil sa pagiging kakaiba nito. Sa kasalukuyan, mayroon itong 4.2 out of 5 stars na rating mula sa mahigit 35,000 users. Nakamit din nito ang higit sa limang milyon na mga pag-install sa maikling panahon.

Contents

Paano i-download ang laro?

Ang larong ito ay maaaring i-download dito:

  • Download Makeover Race on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.uncosoft.makeoverrace.
  • Download Makeover Race on iOS https://apps.apple.com/cy/app/makeover-race/id1561724185.
Makeover Race

Makeover Race

Mga Gabay para sa mga Baguhang Manlalaro

Ang laro ay walang anumang tutorial o window text ng mga tagubilin upang gabayan ang kanilang mga manlalaro. Gayunpaman, madali mong mahihinuha kung ano ang kailangan mong gawin dahil ang kailangan mo lang ay mag-tap o mag-swipe. Depende ito sa layunin ng iyong kasalukuyang level. Bukod pa rito, kailangan mo lang mag-tap sa halos lahat ng oras. Karamihan sa gameplay nito ay medyo kakaiba dahil kailangan mong basagin ang mukha ng isang babae sa mga produktong cosmetic na nakahanay sa ibabaw ng mesa. Ang mechanic nito ay nagagamit sa unang level at ilan sa mga susunod na level. Ang kakaiba rito ay nananatiling hindi nagbabago ang mukha ng babaeng karakter  kahit ilang beses mo itong ibagsak o ihampas sa mga produktong pampaganda. Maaari itong lumikha ng kalituhan para sa mga nagsisimula. Gayunpaman, ang common sense ay mag-uudyok na dapat kang pumili ng mga produktong pampaganda habang iniiwasan ang mga katakut-takot na sangkap sa mesa.

Ang bawat level ay may iba’t ibang layunin na kailangan mong malampasan. Minsan, ididirekta ka sa iyong apartment kung saan kailangan mong maligo, magbihis at ihanda ang iyong sarili para sa isang video stream. Mayroon ding mga level kung saan naglalaro ka ng mga kalokohan sa mga random na babae kung saan dudumihan mo ang kanilang mga mukha ng putik mula sa iyong mga kamay. Mayroon ding mga level na kailangan mong mag-apply ng mga makeup cleanser sa iba’t ibang kababaihan sa isang facial spa.

Makeover Race – Tips at Tricks sa Paglalaro

Sa kabila ng pagka-random ng laro, nakalista sa ibaba ang pinakamahusay na tips at tricks upang matulungan kang maging pinakamahusay na makeup artist sa larong ito:

  • Iwasang dumapo sa mga kakaibang bagay.

Ito ay medyo common sense ngunit kinakailangan ito sa ilang mga level ng laro. Minsan, maaari kang maging mabilis para lang maiwasan ang lahat ng nakakatakot na bagay habang iniipon ang lahat ng makeup. Ilan sa mga kadiri na bagay na tiyak na kailangan mong iwasan ay ang mga mabahong dumi, tambak ng lason at maraming nakakatakot na peste. Kaya naman, kailangan mo lang iwasan ang anumang bagay na sa tingin mo ay maaaring makasira sa iyong mukha sa halip na pagandahin ito. 

  • Hanapin ang iyong anino

Ang karamihan sa mga antas ng larong ito ay nakatuon sa paghampas ng iyong mukha sa mga cosmetic products. Kailangan mong hanapin ang iyong anino sa mesa upang siguradong makuha ang mga ito. Ang iyong anino ay ang palatandaan kung saan tiyak na dadapo ang iyong mukha. Makakatulong ito sa iyo na magkaroon ng perpektong timing sa paghampas mo sa iyong mukha sa mesa.

Makeover Race

Makeover Race

  • I-target ang mga mukha ng bibiktimahin.

Gaya ng nabanggit kanina, may mga level kung saan naglalaro ka ng kalokohan sa pamamagitan ng pagpapakalat ng putik o anumang maruruming materyales sa mukha ng mga random na babae. Upang makapuntirya nang maayos, dapat kang dumiretso sa babaeng gusto mong i-prank at abutin ang kanyang mukha sa sandaling makalapit ka. Mayroong maikling animation upang kumpirmahin ang iyong matagumpay na kalokohan. Gawin ito at magagawa mong mag-prank ng maraming babae.

  • Ang pagkabisado sa laro ang susi sa tagumpay.

Ang mga level ay may paulit-ulit na konsepto. Ang pagkakaiba lang ay bahagyang tumataas ang kahirapan ng mga level na ito sa susunod na paglalaro mo. Samakatuwid, ang pag-master ng mga level habang nilalaro ang mga ito ay isang mahusay na paraan upang matapos ang anumang hamon na maaari mong makaharap sa mga susunod na level. Ang pag-master ng mga ito habang madali ay makatutulong din sa iyong makabisado ang mga mahihirap na level.

  • Subukan ang mga VIP levels

Maaari mo ring subukan ang ilang VIP levels sa pamamagitan ng panonood ng mga ads. Ang mga VIP level na ito ay may ibang set ng gameplay at mechanics kumpara sa mga normal na level. Nagdaragdag sila sa variability sa kasalukuyang mga paulit-ulit na level sa laro. Kaya maganda silang subukan.

Makeover Race – Pros at Cons ng Laro

Ang Makeover Race ay inuri na maaaring laruin ng lahat. Ibig sabihin, kahit na ang mga bata ay maaaring maglaro nito. Ito ay dahil sa madaling mechanics ng laro. Ang laro ay para sa kasiyahan at ito ay talagang isang nakakatawang casual game. Walang masyadong hamon sa paglalaro ng mga level para hindi mahirapan ang mga bata sa pagkumpleto ng mga level. Dagdag pa rito, ang simpleng ‘tap and swipe’ na mechanics nito ay mas nagpadali ng paglalaro ng mga kabataan.

Kahit na ginawa ng mga developer na ang larong ito ay para sa mga bata. Ang mensahe ng nilalaman nito ay hindi angkop para sa kanila. Ang larong ito ay nagtataguyod ng misogyny at racism. Bagama’t totoo na dapat pangalagaan ang sarili para maging mas presentable, sinasabi ring ang mga normal na kababaihan na walang makeup o isang taong nagsusuot ng kakaibang damit o kahit isang taong may kakaibang hairstyle ay hindi maganda o karapat-dapat. Ang mensaheng ito ay naitatanim sa isipan ng mga bata na maaaring maging sanhi ng mababang pagpapahalaga sa sarili. Maaaring isipin ng mga bata sa murang edad na kung hindi sila nagme-makeup o hindi nagbibihis sa paraang itinuturing ng mundo na uso, hindi sila magiging maganda. Ang mensaheng ito ay hindi angkop para sa mga bata na nagsisimula pa lang matuto ng mga bagay tungkol sa mundo.

Makeover Race

Makeover Race

Bukod pa rito, ang laro ay may kakaibang paraan para makapag-ipon ka ng makeup. Bakit kailangang iuntog ang iyong mukha kung madali itong baguhin ng mga developer sa isang eleganteng paraan tulad ng pagkuha lamang ng mga item gamit ang kamay? Dapat itong isaalang-alang ng mga developer upang ang damdamin ng publiko tungkol sa larong ito ay maging positibo. Ang pagsasaalang-alang nito ay tiyak na magdaragdag sa bilang ng mga gumagamit na magrerekomenda sa larong ito.

Ang pangkalahatang graphics ng larong ito ay simple lamang. Katamtaman din ang mga likhang sining sa larong ito. Sa kabila ng pagiging simple nito, ang iba ay maaaring nakahanap ng glitches mula rito. Marami rin ang nagreklamo na hindi sila makapagpatuloy sa laro. Dapat ding tingnan ng mga developer ang mga bagay na ito upang mapabuti pa nila ang Makeover Race.

Konklusyon

Ang Makeover Race ay isang simple ngunit kakaibang mobile game. Bagama’t inirerekomenda ng Google Play Store ang larong ito sa lahat ng edad at itinuturing itong laro ng pamilya, dapat bigyang babala ang mga bagong user, lalo na ang mga magulang, sa misogynist na nilalaman nito. Inirerekomenda ang laro kapag naghahanap ka ng kakaiba ngunit simpleng controls. Gayunpaman, ang laro ay mabuti para sa pagpatay ng oras lalo na kapag ikaw ay naiinip. Para sa iba pang kapanapanabik na mga pagsusuri ng laro, bisitahin ang “Laro Reviews”.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...