Makeup Games: Makeover Salon Review

Makeup Games: Makeover Salon – Siguradong magugustuhan mo kung paano dinisenyo ang larong ito para sa mga batang babae.  Ito ay mahusay na binuo ng maraming cool features at tiyak na ika’y masisiyahan. Suriin kung ito ba ay tumutugon sa iyong mga hinahanap sa isang Spa at Salon game.

Ang Key Features Ng Laro

Sa makeover game na ito ay gaganap kang isang negosyante at may-ari ng isang beauty salon. Makapagpapatakbo ka ng Beauty Salon at makikipaglaro sa apat pang babae. Gawin silang kasing ganda mo. Magiging kawili-wili rin para sa iyo ang paggamit ng iba’t ibang kagamitan sa na makikita sa mga spa at salon. Ang ilan sa mga serbisyong maibibigay mo ay kinabibilangan ng paglalagay ng mineral masks sa iyong mga kliyente, gawin ang sikat at nakakaaliw na DIY hair masking, pagpapaganda at pagdaragdag ng disenyo sa mga kuko sa kamay at paa, at pagre-relax gamit ang body lotions at oils.

Makeup Games Makeover Salon

Makeup Games Makeover Salon

Paano Laruin Ang Makeup Games: Makeover Salon

Ang larong ito ay simple lamang lalo na pagdating sa mga kontrol. Ito ay kasing simple ng pagta-tap at pagsu-swipe. Pipili ka ng isang babae sa simula at sisimulan mong ibigay sa kanya ang mga serbisyong inaalok mo. Kadalasan, magsisimula ka sa paghuhugas at pagtatanggal ng mga dumi mula sa kanyang mukha at makakapag-pop ka rin ng ilang pimples.

Kung sa tingin mo ay may pinagdadaanang ‘bad hair day’ ang mga kliyente o nais mo lang ganap na baguhin ang kanilang itsura, maaari mong simulan na kaagad ang pag-aayos ng kanilang buhok. Higit pa sa serbisyong ito, ilapat lamang ang lotion at oil sa kanilang buong katawan para sa isang banayad na masahe at pagkatapos ay simulang ayusin ang kanilang mga kuko. Kung may napansin kang mga buhok sa mga binti, maglagay kaagad ng shaving cream o wax upang maalis ang mga ito.

Related Posts:

Benji Bananas Review

Word Shatter: Word Block Game Review

Makeup Games: Makeover Salon – Mga Serbisyo Sa Salon 

Sa iyong Spa at Salon, mag-aalok ka ng anim na natatanging solusyon sa mga problema sa itsura. Magsisimula ka sa isang nakaka-relax na facial spa kung saan lilinisin mo ang mukha ng iyong kliyente, bubunutin ang mga nakausling kilay, at aalisin ang mga pimples. Pagkatapos ay maghanda sa paggawa ng iyong sariling mask sa buhok gamit ang karaniwang mga sangkap para sa isang hair spa. Gayundin, talagang hindi mo dapat palampasin ang pagpili ng fashion accessories na tumutugma sa itsura ng iyong kliyente.

Pagkatapos nito, gawing relaxed ang iyong kliyente sa pamamagitan ng masahe. Ilagay ang therapy rocks sa likod niya matapos mo siyang i-wax. At ang kasunod, oras na para magbigay ng hand spa. Ito na ang bahagi kung saan dapat i-trim ang kanilang mga kuko at mag-apply ng magandang polish sa mga ito. Dapat mo ring alagaan ang kanilang mga paa at magbigay ng foot spa at pedicure. Huwag kalimutang bigyan sila ng komportableng pares ng tsinelas.

Panghuli, inaasahan ng iyong kliyente ang isang leg spa na ang kailangan lang gawin ay ilagay sa kumportableng iposisyon ang mga binti ng iyong kliyente at pahiran ng wax ang mga ito.  Maging maingat sa paggamit ng wax paper. Pagkatapos mong makumpleto ang lahat ng mga yugto, pagsuotin ang iyong kliyente ng isang pares ng sapatos na may mataas na takong pati na rin ng isang kumikinang na anklet.

Makeup Games Makeover Salon

Makeup Games Makeover Salon

I-download At Laruin Ito Ng Libre!

Sa oras na ma-download at ma-install mo na ito, magkakaroon ka ng isang role-playing video game na gumagana ng swabe sa karamihan ng mga modernong Android smartphones.  Magkakaroon ito ng patuloy na pag-a-update mula sa unang paglulunsad nito. Ito ay na-download na ng mahigit kumulang na 27,051,320 na beses. Ang pinakabagong update nito ay noong Disyembre 25, 2021. Subukin ang iyong talento sa pananamit at fashion. I-click lang ang links na nasa ibaba upang ma-download ang laro:

  • Download Makeup Games: Makeover Salon Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=spa.games&hl=en&gl=US
  • Download Makeup Games: Makeover Salon Game on iOS https://apps.apple.com/us/app/makeover-games-makeup-salon/id1526097733
  • Download Makeup Games: Makeover Salon Game on PC https://www.bignox.com/appcenter/game_management/spa-games-pc/

Ilang Gabay Sa Laro

Ang mas mahusay na pangkalahatang mga serbisyo ay sinisiguro ang kasiyahan ng mga kliyente at mas maraming kita, ito man ay may kinalaman sa pag-aayos ng buhok, mga kuko, o pagre-relax. Ang pag-a-upgrade at pagdaragdag ng mga inaalok na serbisyo sa iyong salon ay mahusay na diskarte upang padamihin pa ang mga kliyente.

Sa tuwing maglulunsad ng bagong serbisyo, tumataas ang iyong kita. Kung kaya mula sa isang pangunahing paglilinis ng buhok hanggang sa pagkukulay nito ay kikita ka ng doble.  Magpatuloy sa pag-a-upgrade at paglulunsad ng mga karagdagang opsyon upang palakihin ang kita ng lima hanggang anim na beses o maaaring higit pa.

Ang mga customers ang pinakamahalagang salik sa tagumpay ng bawat kumpanya anuman ang industriya na kinabibilangan mo. Laging siguruhin na ang iyong mga kliyente ay nasisiyahan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pinakamahusay na serbisyo. Dahil ikaw ang may-ari ng negosyo, madalas na mas alam mo kaysa sa kanila kung anong uri ng serbisyo ang kakailanganin. Dapat mo ring pagsilbihan ang mga ito sa lalong madaling panahon. Ang mga nasiyahang customers ay nag-iiwan ng nakakalulang tip. SUbalit, kung paghihintayin mo ang mga ito ng masyadong matagal, sila ay maiirita at aalis.

Makeup Games Makeover Salon

Makeup Games Makeover Salon

Pros at Cons ng Makeup Games: Makeover Salon

Ang laro ay masaya at nakakahumaling bukod sa pagiging cute nito. Mayroon din itong simpleng gameplay at mga kontrol. Hindi ka mahihirapang ma-master ito dahil magkakaroon ka ng access sa iba’t ibang accessories at serbisyong ibibigay sa iyong mga kliyente. Ang larong ito ay maaaring maging isang magandang opsyon para sa mga manlalaro na hindi fan ng kumplikadong laro na nangangailangan pa ng maraming bagay at pagdaraanan.

Kung mahilig ka sa matitindi at intense na mga laro, maaaring hindi ito ang para sa iyo. Mayroon itong limitasyon at kakaunting opsyon lamang ang magagawa upang mas mapaganda pa ang paglalaro. Ang ads ay hindi kalabisan at sumusulpot paminsan-minsan. Umiiral din ang mga karaniwang lags at bug na minsan ay nanggagaling na mismo sa device ng manlalaro.

Konklusyon

Kung gusto mo ng mga larong pampaganda o isang bagay na may kaugnayan sa pamamahala ng isang negosyo o kaya naman ay gusto mo lang subukang magbigay ng mga serbisyo sa salon kahit na ito ay nasa laro lamang, maaari mong subukan itong Makeup Games: Makeover Salon. Ito ay hindi kumplikadong laro tulad ng iba at ang lahat ng detalye ay malinaw. Wala ring edad na pinipili ang larong ito dahil lahat mula bata hanggang matanda ay maaaring maglaro nito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...