Manok Na Pula – Multiplayer Review

Ang Manok na Pula- MUltiplayer ay idinisenyo para sa mga manlalaro na nahuhumaling sa sabong. Ito ay laban ng manok kontra manok at ang unang ma-knockout ay talo. Ito rin ay isang sugal ngunit sa larong ito ay walang perang gagastusin bilang pantaya. Pumili ng manok na iyong ipangsasabong at manalo ng limpak-limpak na salapi!

Palakasin ang iyong mga panlabang manok upang magwagi sa mga laban. Makakakuha ng mga reward sa bawat panalo na magagamit sa pag-upgrade o pagbili ng mas magaganda at malalakas na pangsabong na manok.

Ano ang layunin ng laro?

Ito ay isang manok-versus-manok na patimpalak. Ang larong ito ay isang uri rin ng sugal dahil kailangan mong tumaya sa bawat laban. Ang iyong magiging layunin ay palakasin pa lalo ang iyong mga alagang manok. Katulad sa totoong buhay, ang mga sabungero ay gumagawa ng paraan para palakasin ang kanilang mga pangsabong na manok at gayundin ang iyong gagawin para manalo ka sa mga malalakas na kalaban.

Dahil ito ay isang virtual game version ng sabong, dito ay may mangyayaring tayaan ng pera pero hindi aktwal. Walang magaganap na transaksyon ng totoong pera dito. Lahat ay pawang laro lamang. Mayroon winning prediction na nasa iyong screen na gagabay sa iyo kung ilang porsyento ang tsansa mong manalo.

Manok Na Pula - Multiplayer Review

Paano laruin?

Maaaring simulan ang paglalaro sa sandaling natapos mo na itong i-download at i-install sa iyong device. Pagbukas mo ng application, tatanungin nito kung gusto mong i-link ang iyong laro sa isang Google Play account upang i-save ang iyong progress. Ang mga konsepto ng laro ay napakadali at ang mga kontrol ay pag-tap sa screen lamang. Pagkatapos ay mayroon lamang tatlong First hit rule na kailangan mong malaman:

  1. First Hit – Ang kalaban na manok lamang ang makakatamo ng pinsala
  2. Tie – Parehas na manok ang makakatamo ng pinsala
  3. Early – Ang manok mo lamang ang makakatamo ng pinsala

Mayroong signal bar sa ibaba ng iyong screen at kapag lumabas ang salitang “tap” dapat mong i-tap ang screen at tingnan kung ikaw ba ay early, tie, late, o first hit.

Dito ay maaari mong piliin ang lugar ng paglalabanan. Mayroong 16 na lugar na mapagpipilian. Ang ilan sa mga destinasyon ay maa-access na ngunit ang iba ay kailangan mo munang maabot ang isang level bago ito mabuksan. Mayroon din silang iba’t ibang manok na may espesyal na disenyo at kakaibang abilidad. Mayroong apat na mode ang laro: campaign, online match, versus ostrich, at hatch the egg.

Maaari mo ring i-upgrade ang iyong mga manok dito para lumakas ang kanilang skills. Palakasin ang kanilang attack power, energy, critical chance, at defense. Maglaro nang mas madalas para makakuha ng mga reward at cash na pantaya. Nagbibigay din ang ads ng cash reward kaya makakatulong ang panonood mo ng ads kapag nauubos na ang iyong pera.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Manok Na Pula – Multiplayer sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 7.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 65 MB at 188.7 MB naman para sa iOS.

  • Download Manok Na Pula – Multiplayer on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.tatay.manokNaPula
  • Download Manok Na Pula – Multiplayer on iOS https://apps.apple.com/us/app/manok-na-pula/id1487454861
  • Download Manok Na Pula – Multiplayer on PC https://appsonwindows.com/apk/8232744/

Paano i-download ang laro?

Hakbang sa paggawa ng account sa larong Manok Na Pula – Multiplayer

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Manok Na Pula – Multiplayer pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Manok Na Pula – Multiplayer!

Tips at tricks sa paglalaro ng Manok Na Pula – Multiplayer

I-upgrade ang iyong mga manok – Maaari mong dagdagan ang kanilang attack power, energy, critical chance, at defense. Madalas ang iyong makakalaban dito ay malalakas na manok. Kung susubukan mong laruin ang versus ostrich mode ikaw ay parang isang itlog lamang – isang tira lang, pisa agad. Higit pa rito, ang karamihan ng mga online gamer ay talagang malalakas na. Kaya mainam na i-upgrade mo ang iyong mga manok. Maglaro ng campaign mode upang makalikom ng perang pang-upgrade.

Maging alerto – Ang timing ng iyong pag-tap sa screen ay mahalaga sa iyong tagumpay. Kailangan mong maghintay at i-timing ang iyong pag-tap. Gaya ng naunang sinabi, may mga first hit rule na dapat mong tandaan. Dapat mong makuha ang first hit o tie. Kung ibabase mo sa tatlong first hit rule ay hindi magiging pabor sa iyo ang laban kung early hit ang maging resulta.

Piliin ang iyong pinakamalakas na manok – Malaki ang tsansa mong manalo kung ang pipiliin mong pangsabong ay ang pinakamalakas mong manok. Mainam na piliin mo ang manok na may pinakamataas na upgrade sa lahat dahil ito ay magiging kalamangan mo sa bawat laban.

Related Posts:

Brawl Stars Review

Extreme Basketball Review

Tips at tricks sa paglalaro ng Manok Na Pula - Multiplayer

Pros at cons sa paglalaro ng Manok Na Pula – Multiplayer

Karamihan sa mga tatay ay matagal nang naghihintay para sa application na ito. Ito ay sikat na sikat sa mga lalaki na nasisiyahan sa pagsusugal at pagsasabong. Karamihan sa mga lalaki sa Pilipinas ay naiimpluwensyahan ng pagsusugal sa sabong at tulad ng nakikita mo ang laro ay may mataas na rating. Nakakuha ito ng maraming magagandang feedback. Ang graphics at visual effects ay sapat upang maging kaaya-aya sa mga mata. Ito ay magagamit na ngayon bilang isang mobile application, kaya maaari mo itong dalhin kahit saan ka magpunta. Ganap na nakasalalay sa iyo kung lalaruin mo ito online o offline. Syempre, ang isa sa mga mode ng laro nito, ang online match, ay nangangailangan ng paggamit ng koneksyon sa internet.

Sa totoong buhay ang manok panabong ay pinapakain at tinuturukan ng mga bitamina para lumakas. Dito sa mobile app ay maaari mong i-maximize ang kanilang mga skill gamit ang perang napapanalunan mo sa laro. Maaari ring baguhin ang lugar ng paglalabanan. Malaking tulong din sa iyo ang mga ad dito. Ang panonood ng mga advertisement ay magbibigay sa iyo ng maraming pera kaya hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa pagtaya, pag-upgrade, o pagbili ng mga manok dito. Nag-aalok din ito ng online match mode kung saan maaari kang makaharap ng mga random na kalaban o makipagduwelo sa iyong mga kaibigan. Ang mga feature ng laro ay napakahusay at sapat na para maengganyo ang mga manlalaro nito. Ito ay may kumpletong sangkap para sa isang app. Marahil kung magdadagdag sila ng ilang mga pagsasaayos, ito ay higit na magiging mas kahanga-hanga at mas gaganda pa ang gaming experience.

Konklusyon

Ang laro ay isang napakahusay na application para sa mga taong adik sa sabong. Kahanga-hanga at malalakas ang mga manok dito kapag na-maximize mo ang taglay nitong skills. Ito ay isang mobile application at maaaring laruin offline o online. Hindi rin kailangan tumaya ng totoong pera rito kaya magsawa sa pakikipagsabong at magsaya!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...