Merge Planet- Explore Space Review

Marahil hindi na bago sa inyong pandinig ang play-to-earn games. Ito ang mga larong nagbibigay ng pagkakataon sa mga manlalarong kumita ng pera habang naglalaro online at nag-iipon ng mga collectibles. Kung maghahanap sa internet, tiyak na maraming mahahanap na larong maaaring magbigay sa atin ng kita nang wala ng ibang gagawin pa bukod sa laruin ang isang mobile game. Isa sa mga patok na play-to-earn game sa ngayon ay ang Merge Planet – Explore Space. Ngunit paano nga ba ito nilalaro? 

Pagkatapos mai-download sa inyong mga device ang Merge Planet – Explore Space, kailangan niyong mag-register sa laro sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod: Apple ID, Facebook account, o Google account. Kasunod nito, mapupunta ka na kaagad sa dashboard ng laro kung saan makikita mo ang isang spaceship na patuloy lang ang paglalayag sa kalawakan. Sa paligid nito, makikita mo rin ang isang satellite, ang kasalukuyang game level sa laro at storage level.

Maliban pa sa mga ito, makikita rin sa pinakaibabang bahagi ng screen ang Explore button, Space Station, Travel at Shop. Ang pangunahing layunin ng laro ay makakolekta ng napakaraming star hangga’t maaari. Makukuha ang mga ito kapag pinindot ang Satellite, Exploration, Space Station at Travel. Maaari ring makakuha ng mga karagdagang star kapag nanood ng ads sa laro.

Features ng Laro

  • Space Station – Makikita rito ang Exploration Bonus, Laboratory, Modify Spacecraft at Shop. Sa Exploration Bonus, ang isang manlalaro ay maaaring makakuha ng 5,000 stars kapag nakumpleto ang pinapagawang misyon ng laro. Sa Laboratory naman maaaring i-upgrade ng isang manlalaro ang isang collectible na makukuha para makagawa ng panibagong planeta.
  • Storage – Nagsisilbi itong imbakan ng mga nakolektang collectible mula sa paglalaro. Makikita rito ang iba’t ibang uri ng bagay kagaya ng mga insekto, dahon, mga yamang mineral at mga piraso ng planeta.
  • Travel – Matatagpuan naman dito ang mga piraso ng iba’t ibang klase ng planeta. Maaari mong i-merge ang mga ito upang makabuo ng panibagong planeta.
  • Shop – Kapag gusto ng isang manlalarong ibenta ang mga collectible na naiipon nito, ang shop ay makakatulong upang makatanggap ng mga karagdagang star sa laro.

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Merge Planet – Explore Space

  • Ang mga nabanggit na feature ng laro ay nagtataglay ng mga star kaya kailangang balik-balikan mo sila pagkalipas ng ilang mga minuto;
  • Ang panonood ng ads sa laro ay ang pinakamadaling paraan upang makakolekta ng mga star. Mas mabilis rin ang makakuha ng mga star dito kung ikukumpara sa paghihintay na muling ma-refresh ang satellite, at sa ilan pang mga feature ng laro;
  • Gamit ang shop, maaaring ibenta ang ilang collectibles na hindi naman kinakailangan sa pag-merge ng isang planeta.
  • Higit sa lahat, gamit ang Setting button sa itaas ng screen, maaaring i-rehistro ng isang manlalaro ang kanyang sarili bilang isang influencer kung saan gamit lamang ang link ng kanyang YouTube account o social media page. Maaari nang makapagpadala ng mga referral code sa mga kaibigan. Bawat referral code na gagamitin ng mga inimbitang kaibigan ay magbibigay sa influencer ng 10,000 stars. Walang kahirap-hirap na makakakuha ng stars sa pamamagitan nito. Sipagan lamang ang pagpapadala ng mga imbitasyon upang makapaglaro.

Paano kumita at makakuha ng libreng vouchers sa laro?

Sa itaas na bahagi ng laro ay may makikitang Voucher button, pindutin lamang ito. Gamit ang mga naipong star, maaari mo itong i-convert sa mga voucher na available sa laro. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Lazada – Gamit ang 251,800 stars, magkakaroon ka ng isang Lazada eGift na may halagang ₱100 at maaaring ipalit bilang isang voucher upang gamitin kapag nag-check out ng anumang produkto sa Lazada na hindi lalampas sa halagang isandaang piso;
  • Gcash – Ang 551,600 stars ay katumbas ng ₱200-Gcash eGift na maaaring gamitin upang mag-cash in sa inyong Gcash account. Ang bawat eGift na matatanggap ay mayroong magkakaibang code;
  • Prepaid Virtual Visa eGift Card – Sa pamamagitan ng 572,150 stars, magkakaroon ka na ng 5 USD. Ang voucher ay ipapadala sa iyong email address na ginamit sa laro. Kalakip ng email na matatanggap ay ang mga alituntunin kung paano ma-claim ang reward sa iyong Visa Prepaid card. Kailangan ring ma-claim ang reward sa loob lamang ng apat na buwan dahil kapag lumampas na rito ay tuluyan nang mag-e-expire ang isang voucher.
  • FullyBooked – Kung mahilig ka naman sa pagbabasa ng mga libro at iba pang uri ng mga babasahin, maaari mong ipalit ang 359,750 stars mo sa halagang ₱150 sa alinmang branch ng FullyBooked sa bansa. Ang gift voucher ay ihahatid sa’yo sa loob ng lima hanggang anim na araw. Maaari itong gamitin upang bumili ng anumang uri ng librong naka-sale. Ang mas nakakatuwa pa rito ay wala itong expiration date kaya anong petsa mo man ito gustong gamitin ay walang problema. Subalit hindi maaaring ma-convert bilang cash ang voucher na ito.

Saan maaaring i-download ang laro?

Gamit ang search bar, hanapin lamang ang larong ito sa Google Play Store para sa mga Android user at sa App Store naman para sa iOS. O ‘di kaya ay i-click lamang ang link sa ibaba, i-install  ito at hintaying ma-download para masimulan na ang paglalaro.

Download Merge Planet – Explore Space on Android here

Download Merge Planet – Explore Space on iOS here

Download Merge Planet – Explore Space on PC here

Pros at Cons ng Laro

Kung gusto mong kumita ng pera nang hindi na kinakailangan pang lumabas ng bahay para maghanap ng trabaho, naniniwala ang Laro Reviews na para sa’yo ang larong ito. Bukod sa napakadaling laruin nito, wala ng iba pang gagawin sa laro kundi ang mangolekta lamang ng mga star upang ma-convert sa vouchero pera. Hindi mo rin kailangan pang mapagtagumpayan ang mga game level sa laro. Maghihintay ka lamang ng ilang minuto sa laro bago makakolekta ng mga karagdagang star.

Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit patuloy na tumataas ang bilang ng downloads na naitatala ng larong ito sa Playstore, App Store at iba pang digital marketplace kaya patunay lamang ito na talagang lehitimo itong laro at malayo sa pagiging isang scamming game. Gayundin, mataas ang star rating ng laro kaya kung gusto mong malaman ang mga saloobin ng iba pang mga manlalaro, bisitahin lamang ang mga digital marketplace kung saan available itong laro.

Bukod pa rito, mayroon ding customization ang laro kung saan ay maaaring mamili ang isang manlalaro na i-turn off o i-turn on ang notifications ng Vibration Feedback, Scanner, Charging Completion, Clear at Satellite.

Sa kabilang banda, higit na mas gaganda ang kalidad nitong laro kapag nadagdagan pa ito ng ilang game features kagaya ng dagdag na listahan sa mga voucher, mabawasan ang dami ng pop-ads at gawing mas may kabuhay-buhay ang laro. Gayundin, masolusyunan na sana ang laging pag-crash ng laro kung saan inaabot ng ilang munuto ang pag-load ng laro kahit pa malakas at stable naman ang iyong internet connection.

Konklusyon

Lubos na naniniwala ang Laro Reviews na malaki ang maitutulong nitong laro sa mga taong kapos sa buhay at wala nang kapasidad na magtrabaho pa. Kapag nagkaroon ng mas maraming update sa laro at maging mas mabilis ang pagbibigay ng star, tiyak na hindi magtatagal ay dudumugin ito ng mga manlalaro. Ngunit dapat na tandaang hindi kalakihan ang halagang makukuha sa larong ito, higit pa ring mas mainam na magtrabaho at magkaroon ng stable na kita. Hindi rin maganda sa kalusugan ang matagal na pagbababad sa harap ng inyong mga device.

Leave a Comment

Login
Loading...
Sign Up
Loading...