METAL SLUG 3 Review

Kaya mong tapusin ang Metal Slug 3 sa humigit-kumulang isang oras lamang kung lalaruin mo ito sa isang arcade at may dala-dalang maraming barya. Gayunpaman, ang bersyon ng Xbox nito ay nagdaragdag ng kakaibang karanasan sa orihinal na “Continuing system” ng laro, na mas susubok sa kakayahan ng mga manlalaro.

Ito ay maihahalintulad sa bersyon ng arcade na kung saan mayroon kang tatlo hanggang limang buhay. Pero hindi tulad sa bersyon ng arcade na kapag naubusan na ng buhay ay ibabalik ka nito kung saan ka huling namatay. Sa bersyon na ito, sa oras na ikaw ay namatay at wala ng natitirang buhay ay ibabalik ka nito sa pinakaumpisa ng level. Hindi ka nito dadalhin sa parte ng laro kung saan ka huling nakipaglaban.

Ano ang layunin ng laro?

Ang laro ay inuri bilang isang arcade mobile game kung saan kailangan mong patayin ang lahat ng halimaw sa daan, harapin ang mga boss sa bawat level, matapos ang mga layunin, at makaharap ang panakamatinding boss para tapusin ang misyon.

Gagamit ka ng mga baril, mga pampasabog gaya ng granada, sasakyan, at iba pang mga supply para tulungan kang makapagpatuloy sa laro. Bibigyan ka rin ng mga health kit para madugtungan ang iyong buhay kung ikaw ay nasaktan. Magagamit mo rin ang iyong mga buhay para makapagpatuloy kung saan ka nahinto. Kapag tuluyan nang naubos ang iyong buhay, uulit ka na mula sa umpisa ng kasalukuyang level.

Tandaan ang makakasalubong mong mga halimaw pati na rin ang kanilang mga atake. Kung ikaw ay nabigo at wala ng natitirang buhay, masasalubong mong  muli ang mga halimaw sa pag-ulit mo ng level. Kahit ulit-ulitin mo ang laro ay ganoon pa rin ang set-up ng mga kalaban. Kaya huwag mainis kung ikaw man ay uulit dahil magiging kalamangan mo ito sa kapag nakabisado mo na ang mga galaw ng kalaban.

METAL SLUG 3

METAL SLUG 3

Paano laruin?

Ang gameplay ng Metal Slug 3 ay hindi kumplikado at kahit ang isang baguhang manlalaro ay makukuha agad ang mekaniks nito. Maaari kang bumaril, tumalon, at gumamit ng mga espesyal na baril upang makatulong sa iyong pakikipaglaban. Pumili ng isa sa apat na natatanging karakter: Eri Kasamoto, Fio Germi, Marco Rossi, o Tarma Roving. 

Kung mapalaya mo ang mga bihag sa bawat level ay gagantimpalaan ka nila ng mga pang-upgrade sa armas. Sa mga level ng laro ay mapupunta ka sa iba’t ibang lugar at ang iba rito ay may magagandang visuals. Makakatagpo ka ng iba’t ibang sasakyan gaya ng mga robot, submarino, elepante, at kamelyo.

Maraming magagandang features ang laro – bawat isa ay may sariling hanay ng mga kasanayan upang matulungan kang maubos ang mga halimaw. Sa dulo ng laro, mga napakalaking halimaw ang iyong makakaharap at dapat talunin. Mahalaga na maging madiskarte sa pag-atake upang matalo ito.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang METAL SLUG 3 sa Android devices ay dapat Android 2.3 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 8.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 7.3 MB, at 160.3 MB naman para sa iOS.

  • Download METAL SLUG 3 on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.dotemu.neogeo.mslug3
  • Download METAL SLUG 3 on iOS https://apps.apple.com/us/app/metal-slug-3/id530060483
  • Download METAL SLUG 3 on PC https://www.freegamesdl.net/metal-slug-3-free-download/

Hakbang sa paggawa ng account sa METAL SLUG 3

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa iyong device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong METAL SLUG 3. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang account. Sa oras na inalis mo ito sa isang device, hindi na masi-save pa ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng METAL SLUG 3!
METAL SLUG 3

METAL SLUG 3

Tips at tricks sa paglalaro ng METAL SLUG 3 

Samantalahin ang kaligtasang ibinibigay ng mga sasakyan! Sa sandaling ikaw ay tumalon mula sa iyong sasakyan, mabibigyan ka nito ng panandaliang proteksyon mula sa mga atake ng kalaban. Lubhang kapaki-pakinabang ito sa pagharap sa mga boss sa bawat level at tutulong sa iyong maabot ang pinakahuling boss sa labanan nang mas maayos at mas madali. Kaya mainam na gamitin ang mga sasakyan at ito ay magiging kalamangan mo sa buong laro.

Kapag namatay ka sa isang misyon at kailangan mong magsimula sa umpisa nito, huwag na huwag kang susuko agad at maiinis. Dahil sa pag-ulit mo ng level kung saan ka nahihirapan at paulit-ulit na namamatay ay maaari mong makabisado ang mga pattern ng atake ng kalaban at maging ang posisyon nito. Pakatatandaan na kahit ikaw ay umulit sa level, parehas lang ang magiging layunin at mga posisyon ng mga kalaban, kaya ang atake nito ay matatandaan mo.

Pros at cons sa paglalaro ng METAL SLUG 3 

Ang arcade mobile game na ito ay puno ng kamangha-manghang animated na pixel artwork na lumalabas sa screen. Ang mga ekspresyon na nagmumula sa mga kaaway habang nasasaktan o natatamaan ng iyong tira, pati na rin ang mga napakalaking pagsabog, ay ganap na nakabibighani. Ang animation nito ay malugod na tinanggap ng mga manlalaro. Gayunpaman, ang visuals ay hindi ganoon kaganda. Kaya huwag masyadong umasa sa kalidad ng graphics nito. Ang mga kulay ay tila kupas at ang mga pixel ay hindi kasing tindi gaya ng ibang application. Gayunpaman, binawi naman nito lahat sa performance. Wala itong ads habang naglalaro at napakaganda ng mga features nito.

Related Posts:

Real Steel Review

Five Nights at Freddy’s 4 Review

METAL SLUG 3

METAL SLUG 3

Kahit na mayroong higit sa isang buhay ay kailangan mo pa ring mag-ingat sa laro upang maiwasan ang pag-uulit ng level. Kapag namatay ka at wala ng buhay para manumbalik sa gitna ng laro ay kailangan mo na itong ulitin mula sa pinaka-umpisa ng level o mag-restart ng laro. Habang umuusad ka sa laro, ang mga misyon ay nagiging mas mahirap tapusin. Kaya’t kung magpapatuloy ka sa isang level ng maraming beses subukang huwag sumuko at i-restart lang ang level upang matulungan kang maging pamilyar sa mga atake at posisyon ng mga kalaban. Nagbibigay ito ng mapaghamong pakiramdam para sa mga manlalaro na nagiging dahilan ng lalong pagkasabik na talunin lahat ng mga kaaway at gumawa ng mga taktika upang malampasan ang mga ito. Maaaring mahirap i-clear ang mga susunod pang level ngunit magdadala ito ng higit pang kasiyahan sa mga user. Ang laro ay angkop para sa mga kabataan at matatanda, at may bersyon nito sa mga smartphones na maaari mong dalhin kahit saan ka pumunta.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, ang Metal Slug 3 ay isang napakahusay na laro na maaaring malaro sa Nintendo. Hindi ito nagtataglay ng mahusay na simulation, at ang mga setting ng controller ay maaaring may mga issue, ngunit ang lahat ng mga konsepto nito sa laro ay tiyak na kahanga-hanga at nakakaaliw para sa mga manlalaro. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...