Minecraft Potion Bottle

Hindi natin maikakaila ang kasikatan ng larong Minecraft sa mga bata, kabataan at kahit sa matatanda. Hanggang ngayon, ang larong ito ay patuloy na tinatangkilik ng mga manlalaro sa iba’t ibang panig ng mundo. Marami na ring mga YouTube streamer na ginagamit ang Minecraft bilang kanilang content. Makikita mo ring nilalaro ito ng mga kilalang personalidad sa kanilang Facebook Game streaming. Ang isa sa mga taong sikat na naglalaro ay walang iba kundi ay Swedish YouTuber na si Felix Arvid Ulf Kjellberg o mas kilala bilang PewDiePie. Ngunit ang itinanghal na top at best player ng Minecraft noong 2020 ay si Dream na isa ring YouTuber. Ilan lamang sila sa mga kilalang manlalaro ng Minecraft na nakaapekto sa paglawak ng laro. Ang Minecraft ay kilala bilang isa sa paboritong arcade game ng marami dahil sa laki at lawak ng maaari mong gawin sa larong ito. Mahigit labing isang taon na rin ang nakalilipas simula nang opisyal itong inilabas sa publiko. Ngayong 2022, naglabas ng bagong update ang laro at mas pinataas nila ang version nito kumpara sa dati. Kaya naman para sa lahat ng interesadong maglaro nito o mga matagal nang manlalaro ng Minecraft, ang isa sa mga dapat mong malaman ay kung paano gumawa ng mga Minecraft Potion Bottle. Ituturo sa iyo ng Laro Reviews kung paano lumikha ng Bottles, Cauldrons at Brewing Stands dahil tiyak kong makakatulong ito sa iyong paglalaro.

Trivia tungkol sa Minecraft Potion Bottle

Ang Minecraft Potion Bottle ang isa sa mga gamit sa Minecraft na may malaking maitutulong sa iyong paglalaro. Kaya maraming mga manlalaro ang nais na matuto kung paano ito gawin dahil isa ito sa makabuluhang gamit na dapat ay mayroon ka sa laro. Ngunit, kailangang ikaw mismo ang gumawa nito gamit ang mga materyales na mayroon ka. Ang prosesong ito ay tinatawag na Minecraft Potion o Toolkit. Ito ay isang paraan ng paggawa ng mga bagong produkto gamit ang iyong mga materyales. Sa pamamagitan nito, maaari kang makabuo ng mga bagay na makakatulong sa paglalaro mo ng Minecraft. Masisiyahan ka sa paglalaro nito lalo na kung mahilig kang mag-imbento o tumuklas ng mga bagong kagamitan. Kung nais mong magkaroon ng Minecraft Potion Bottle, Cauldrons, Brewing Stands at iba pang mga kagamitan sa laro, maaaring ikaw mismo ang gumawa nito. 

Katulad sa pag-eeksperimento, pinagsasama-sama mo ang mga potion o liquids upang makabuo ng panibagong produkto. Ganito rin sa paglalaro ng Minecraft, maaari mong gamitin ang mga materyales na mayroon ka upang makabuo ng panibagong bagay. Katulad sa paggawa ng Minecraft Bottles, Cauldrons, Brewing Stands, Car, House, Vending Machine, Water Dispenser at marami pang iba. Lahat ng maaari mong mabuong potions sa Minecraft ay pwede mong gamitin depende sa lugar na nais mo. Hindi lamang isa, dalawa o tatlong mga potions ang maaari mong magawa sa laro. Diskubrehin ang iba pang materyales na magagamit mo sa pagbuo ng bagong produkto.

Saan ginagamit ang Minecraft Potion Bottle, Cauldrons at Brewing Stands?

Ang Minecraft Potion Bottles ay maaari mong gamitin bilang lalagyan ng tubig. Maaari mo ring gamitin ang Glass Bottles na ito sa iyong Brewing Stand upang gumawa ng potions. Bukod pa riyan, ang Bottles rin ay pwedeng paglagyan ng mga potion na iyong natapos o naisagawa. Maaari itong imbakan ng tubig o potions na ginagamit mo sa laro. Nakatutulong rin ito upang hindi nakakalat ang mga kasangkapan at madaling mahanap ang iyong mga kagamitan.

Ang sumunod naman dito ay ang pagbuo ng Cauldrons. Marahil iilan lamang ang nakakaalam kung para saan ang Cauldron. Ang Minecraft cauldron ay isang block na naglalaman ng tubig, lava, at powder snow. Ginagamit ito upang paglagyan ng mga tubig, potions. at dyed water. Maaari itong magsilbing lalagyan ng mga likido o sangkap sa laro. Ito rin ang block na ginagamit ng mga leatherworker sa villages. Marami rin itong gamit sa laro gaya ng imbakan ng tubig. Kapakipakinabang rin ito lalo na sa mga manlalarong mahilig gumawa ng potions.

Samantala, ang Brewing Stands naman ay ang block na magagamit para sa brewing potions, splash potions, at lingering potions. Sa pamamagitan nito, maaari ka pang makabuo ng iba’t ibang potions na magagamit mo rin sa iyong paglalaro. Ito ang magsisilbing iyong kasangkapan kung nais mong mag-add o mag-combine ng ingredients mula sa mga water bottle. Marami rin itong gamit lalo na kung mahilig kang mag-eksperimento.

Paano gumawa ng Minecraft Potion Bottle, Cauldrons at Brewing Stands?

Kung ikaw ay bagong manlalaro at hindi mo pa alam kung paano gumawa ng Minecraft Potion Bottle, Cauldrons, at Brewing Stands, narito ang ilang impormasyon mula sa Laro Reviews na sigurado akong makatutulong sa iyong paglalaro.

Para sa mga nais gumawa ng Minecraft Potion Bottle, simple lamang ang direksyon na dapat mong tandaan sa pagbuo nito. Pumunta lamang sa iyong inventory kung saan nakasalansan ang iyong mga kagamitan. Hanapin ang Minecraft wood at sand saka ilagay ito sa Furnace o heater kung saan mo pagsasamahin ang dalawang bagay upang makagawa ng bagong kagamitan. Kapag nasa Furnace na ang Minecraft wood at sand kusa itong maglalabas ng init. Hintayin lamang na mapuno ang arrow na nasa heater hanggang sa lumabas na ang Minecraft glass. Hindi pa riyan natatapos dahil kailangan mong ilagay naman sa Crafting area ang Glass na nakuha mo. Maglagay ng tatlong glasses sa area nang naka-V shape at hintaying matapos ang heater. Pagkatapos nito, makikita mo na ang produktong inilabas nito ay Glass Bottle. 

Ang sumunod naman dito ay kung paano gumawa ng Cauldrons. Madali lang din ang panuto kung paano ito buuin. Hanapin sa iyong inventory ang pitong Iron Ingots at ilagay ito sa Crafting Area nang naka-U shape upang magawa ang produkto. Sa pamamagitan ng Iron Ingots, makakabuo ka na ng Cauldron. Hintayin lamang ito hanggang sa matapos na ang proseso sa crafting area. Kapag tapos na ay pwede mo nang kunin ang Cauldron at gamitin. Maaari kang gumawa ng maraming Cauldrons hangga’t sapat ang materyales na mayroon ka.

Madali lamang ang paggawa ng mga Minecraft Potion Bottle at Cauldron ngunit mas marami ang proseso sa paggawa ng Brewing Stands. Pumunta lamang sa iyong inventory at hanapin ang Cobblestone. Ilagay ang tatlong Cobblestones sa pinakababa ng crafting area nang pahalang. Pagkatapos, kumuha ng Blaze Rod at ilagay ito sa gitna. Hintayin lamang ito hanggang matapos na ang proseso sa paggawa ng Brewing Stand. Pagkatapos nito ay maaari mo nang kunin ang produkto at gamitin depende sa iyong nais. Mayroon lamang kahirapan pagdating sa paghahanap ng kasangkapan nito lalo na sa Blaze Rod. Kailangan mo munang magkaroon nito bago ka makagawa ng Brewing Stands. Maaari mo itong makita sa mga chest na mabubuksan mo o Dungeons sa laro.

Kung mahilig ka sa arcade game katulad ng Minecraft, marahil ay naghahanap ka rin ng iba pang laro gaya ng casino game. Inirerekomenda rin ng Laro Reviews sa iyo ang Big Win Club. Ito ay isang game app na maaari mong i-download nang libre sa iyong gadget. Hindi mo na kailangang magbayad dahil ang larong ito ay libre para sa lahat. Bukod pa riyan, maaari ka ring kumita ng totoong pera sa paglalaro lamang nito. Gaya sa casino, ito ay may mga larong sugal na kailangan mong tumaya at umasa sa posibilidad na lumaki ang perang iyong isinugal. Pwede mo rin itong subukan kung interesado ka sa iba pang laro. Katulad ng Minecraft, hatid rin ng Big Win Club ang saya at aliw sa mga manlalarong Pilipino.

Konklusyon

Ilan lamang iyan sa mga kagamitang maaari mong mabuo sa pamamagitan ng Minecraft Crafting Area at Furnace. Marami ka pang pwedeng kagamitan na mabubuo gamit lang ang mga materyales na mayroon ka sa iyong inventory. Diskubrehin pa ang Minecraft at gumawa ng iyong sariling produkto na magagamit mo sa paglalaro. Kaya ano pang hinihintay mo? Maglaro na ng Minecraft at gumawa ng Minecraft Potion Bottle!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...