Minecraft Review

Ano ang Minecraft?

Ang Minecraft ay laro na ginagamitan ng virtual blocks para bumuo, manira, magpatibayan ng builds at talunin ang mga kalabang halimaw. Isa ito sa mga pinakasikat na laro at paborito ng mga taong sumubok na nito. Mayroon itong iba’t ibang game modes tulad ng Peaceful, Survival, Hardcore, Creative, at mga mini-games. Mayroon din itong multi-player at online servers na milyun-milyong mga tao na ang nakapaglaro. Pwede ka ring makipaglaro kasama ang iyong mga kaibigan na magpapalevel-up ng iyong game. 

Ano ang Layunin ng Minecraft?

Hinahasa ng Minecraft ang creativity sa iyong mga builds o gawa gamit ang creative mode. Ang creative mode ay ginagamit para makita mo lahat ng items na available sa Minecraft at pwede mo itong magawa o malaro kahit saan at kahit kailan. Mayroon din itong survival mode na may Easy, Normal, at Hard level. Ang layunin dito ay talunin ang “final boss” na isang ender dragon. Dito ka makakita ng mga blocks na nagkakabuhay, ng mga halimaw, at mga ores katulad ng ginto. Maghanda ka na para sa laban mo sa Ender Dragon at iba pang mga halimaw. Kapag natalo sa laban habang nasa pinakamahirap na level, hindi na pwedeng mabuhay muli o mag-respawn at asahan nang mahihirapan kang magapi ang kalaban dahil mas pinatindi ang damages na hatid nila. 

Paano Laruin ang Minecraft?

Kapag na-download mo na ang app, i-click lamang ang icon nito mula sa iyong homescreen at hintayin ang paglo-load o simula ng laro. 

Pagkatapos ay i-click ang play button at mag-create ng bagong mundo (world). Piliin kung ano ang mode na iyong gusto  (Peaceful, Easy, Normal, Hard, Hardcore, Creative) at i-set ang mga rules kung pwede bang mag-cheat o pwede bang makasira ng gamit ang mga halimaw. 

Kapag kuntento na sa mga pamimiliang salik ng laro, i-click lang ang “create” at humanda nang maglaro!

Paano ito I-download?

Pwedeng magamit ang laro sa lahat ng platform – mapa-console, mobile, o PC man. Gamitin ang sumusunod na links para ma-download ang laro:

  • Download Minecraft on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.mojang.minecraftpe&hl=en&gl=US
  • Download Minecraft on iOS https://apps.apple.com/ph/app/a-c-e-s/id396409104
  • Download Minecraft on XBOX https://www.xbox.com/en-US/games/minecraft
  • Download Minecraft on PLAYSTATION https://store.playstation.com/en-us/product/UP4433-CUSA00744_00-MINECRAFTPS40001
  • Download Minecraft on PC https://www.minecraft.net/en-us/about-minecraft

Paano mag-set up ng Account?

Step 1: Gumawa ng account sa napiling download link ex: Playstation Network, Play Store, AppStore, etc.

For PC: Gumawa ng Microsoft/Mojang account gamit ang option na nasa kanang-itaas na bahagi ng screen. 

Extra Step (PC): Mag-log in gamit ang bago mong account.

Step 2: I-download/Bilhin ang laro gamit ang napiling paraan ng pambayad katulad ng bank transfer o Paypal. 

Step 3: Matapos makumpleto ang download. I-click mo lang ang app at pwede ka nang maglaro sa mga servers, pati na ang pag-connect sa servers ng iyong mga kaibigan. 

Tips at Tricks ung Paano Laruin ang Minecraft

Ito ang mga tips at tricks galing sa mga experienced players ng Minecraft. Inilalahad dito ang mga basic information para sa mga beginner. Maaari ring makakita ng mas advanced na tips sa internet o YouTube. 

Isa sa mga tips ng mga beteranong Minecraft players ang pangongolekta o pamumulot ng mga kahoy sa simula ng game. Kumuha muna ng mga piraso ng kahoy, at bumuo ng pickaxe at axe, at maghanap ng bato at minahin ito para mai-upgrade agad ang tools mo. Ilan ito sa mga bagay na dapat una mong gawin dahil marami itong maitutulong sa iyo.

Maghanap ka ng pagkain bago dumilim dahil tuwing dumidilim na ay lumalabas ang halimaw. Isang extra tip, magbitbit ng mga pagkain bago pumasok sa kweba o hideout para hindi ka mamatay (bilang pandagdag-buhay ang pagkain).

Pagkatapos mong kumuha ng pagkain, humanap agad ng lokasyon na maaari mong gawing shelter para hindi ka mawala o makita ng mga halimaw. Mag-craft kaagad ng higaan at sulo para mailawan ang iyong bahay at hindi basta-basta pasukin ng anumang nilalang. Gamitin ang higaan para lumipas kaagad ang magdamag. Importante ang pagtulog at pagpapahinga ng karakter sa laro dahil lubhang mapanganib ang mga halimaw kung mahina ang iyong buwelo sa pakikipaglaban sa umpisa pa lang ng laro. 

Gumawa ng farm gamit ang pangbungkal at magtanim ng mga buto para makakuha ka ng wheat o pagkain para sa iyong sarili o mga alagang hayop tulad ng mga baka na maaaring i-breed. Maghanap ng maaring daluyan ng tubig at maghukay para manatiling buhay at sagana ang mga pananim. Hintayin mo lang na lumaki ang mga itinanim at kapag oras na ng pag-ani, makakagawa ka ng tinapay gamit ang tatlong uri ng wheat. Malamang ay magkaroon ka rin ng karagdagang alagang baka dahil sa naipundar mong panggagalingan ng pangunahing pagkain ng mga ito. Bilang kapalit ng hirap sa pagbubungkal at pagtatanim, lalawak din ang maaaring mapagkunan ng iyong pagkain. Iminumungkahi na i-replant din ang mga tanim matapos ang pag-aani.

Dapat i-upgrade mo ang mga tools at armor, iminumungkahi ito para mapadali ang iyong game. Dapat itakda ang goals sa pag-upgrade ng mga ito. Inirerekomenda ang pagkakaroon ng Iron tools dahil ito ay matibay at madaling makuha. Gamitin naman ang diamond sa paggalugad ng bagong dimension para makakuha ng pinakamalakas na armor sa laro. 

Related Posts:

Grand Theft Auto: San Andreas Review

Company of Heroes Review

Pros and Cons

Lahat naman ng laro ay may mga pagkakamali at disadvantages minsan. Ito ay kasama sa mga bagay na dapat alamin bago pa man umpisahan ang paglalaro. Maraming features ang Minecraft na maaaring ma-enjoy mo o pwede ring hindi. Ang mga sumusunod ay mula sa experienced players ng Minecraft community. 

Pros: 

Pino-promote nito ang creativity ng players at may magandang environment para sa mga bata dahil wala itong inappropriate content o features. Marami kang matututunan dahil ito ay open world at maaaring ikumpara ang iyong mga nabuong bagay sa mga kasabay o kasamang manlalaro. Mayroon itong friendly communities na maaaring pagtanungan, pati na YouTubers na active pa rin sa game na ito kahit sampung taon na ang nakalilipas. Ito ay flexible at maraming features, marami ring communities na gumagawa ng mga modifications, graphics art, at iba pa na pwede mo ma-enjoy. Hindi ito isang pangmabilisang laro dahil marami magagawa sa loob ng Minecraft World dahil, may multiplayer mode pa kaya pwedeng-pwede ang paglalaro ng may kasamang kaibigan. Maaari itong maitutulong sa iyo, para mailabas ang hidden talent o skill.  Nakakuha ang laro ng 4/5 star rating mula sa 1,643 na magulang at mga bata na nakapagsuri na at nakapaglaro.

Cons:

Syempre, mayroon din namang disadvantages ang laro. Ito ay addicting at pwedeng makasira sa kalusugan ng mga bata. Posible ring ma-expose ang mga batang naglalaro sa mga bullying comments dahil sa multiplayer feature. Kapag hindi monitored ng mga magulang ang paglalaro, hindi malayong makakuha ng mga hindi kaaya-ayang ugali ang mga bata. Panaka-naka ay mayroon din itong content na hindi naaayon sa iba’t ibang community-made servers dahil sa lack of filter nito. Pwede ring makuha ang iyong mga game resources, pati ang iyong account kapag hindi ka maingat. Minsan din ay meron itong mga toxic communities na maaaring makaimpluwensya sa mga bata. 

Konklusyon

Hindi perpekto ang larong ito, ngunit isa ito sa mga favorite games of all time. Masaya, enjoyable, educational, at mapang-aliw ito dahil sa mga endless features at mga pwede mong gawin dito. Lahat ng creative ideas mo, pwede mong tuparin at marami itong mga communities na ma-eenjoy mo. May multiplayer mode kung saan pwedeng ayain ang iyong mga kaibigan para makalaro at marami pang features na matutuklasan habang naglalaro. Sa Minecraft, walang limitasyon ang pagbuo. Recommended ito para sa lahat ng uri ng gamers. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...