MODERN WARSHIPS Review

Sa dami ng larong pwede nating pagpipilian sa Google Play Store, minsan ay nagkakapare-pareho na ang genre ng mga ito. Kaya kung naghahanap ka ng kakaiba at bago sa iyong paningin na laro, tiyak kong magugustuhan mo ang larong ito na likha ng Artstorm LLC, ang MODERN WARSHIPS. 

Ang MODERN WARSHIPS ay isang action-game na players versus players o PvP na laban. Ito ay isang labanan sa karagatan gamit ang iba’t ibang uri ng mga sasakyang hango sa guhit at itsura ng totoong barkong pang giyera. Isa rin ito sa layunin ng software na gumawa ng disenyong mula sa tunay na imahe upang madama ng mga manlalaro na sila ay nasa tunay na laban.

Sa larong ito, ikaw ang kapitan na nagkokontrol ng isang barkong pandigma at lalaban ka sa mga nasa himpapawid at karagatan na gustong wasakin ang iyong sasakyan. Ipakita mo ang iyong talento sa pangunguna at kakayahan sa pagpapatakbo ng iyong hukbong-dagat kasama ang mga manlalaro saan mang panig ng mundo.

Features ng MODERN WARSHIPS

Game Modes – Ang larong ito ay may tatlong mode. Una, ang quick game na PvP battles. Pangalawa, ang offline game na maaari mong malaro kahit walang internet connection. Pangatlo at huli, ang custom game na malaya kang makipaglaro sa iyong mga kaibigan, pumili ng lokasyon ng laban at gumawa ng sariling laro ayon sa iyong kagustuhan. Ilagay lamang ang game ID na hinihingi na eksklusibong para sa inyo.

Online PvP battles – Ang players versus players o PvP battles ay multiplayer mode ng laro. Dito ay may maaaring kang maghanap ng ka-match o magkaroon ng kalaro saan mang panig ng mundo. Kailangang mayroon kang internet connection dahil ito ay isang online PvP. Kaya naman para manalo, palakasin ang iyong puwersa sa pamamagitan ng pag-upgrade ng iyong sasakyan. Piliing mabuti ang iyong kakampi dahil sila ang kasama mo sa buong laro patungo sa tagumpay ng iyong grupo.

Mga makabagong barko – Pumili sa mahigit 30 modernong pang-digmaang sasakyan na base sa totoong guhit at katangian ng isang barko. Katulad na lamang ng USS Hurricane, RF Sovetsk Karakurt, CN Type 056, USS Forth Worth at iba pa. Mayroon ding mga submarines at carrier-based aircraft kang magagamit bilang pang suporta sa iyong laban. 

Customize your ships with hundreds of weapons – Malaya kang mag-disenyo ng sarili mong warships gamit ang iba’t ibang weapons. Maaari mong lagyan ng missiles, guns, grenade launchers, torpedo tubes at mahigit sa 200 armas ang iyong pwedeng gamitin.

Upgrade your ships – Palakasin ang iyong sasakyan sa pamamagitan ng pag upgrade ng power, durability, speed, maneuvering ability, radar range, missiles at auto cannons. Bumili sa premium shop gamit ang mga upgrade points na nakuha, Kaya maglaro muna upang makapag-upgrade ng mga items. May mga bago ring items, planes and ships na inilabas ang laro.

Saan Pwedeng I-download ang MODERN WARSHIPS?

I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

Download MODERN WARSHIPS on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.Shooter.ModernWarships

Download MODERN WARSHIPS on iOS https://apps.apple.com/us/app/modern-warships/id1541751298

Download MODERN WARSHIPS on PC https://www.bluestacks.com/apps/action/modern-warships-on-pc.html

Tips kung Nais Laruin ang MODERN WARSHIPS

Kung ikaw ay baguhan pa lamang at nagnanais na laruin ang MODERN WARSHIPS, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo. 

Sa pagsisimula ng laro, papipiliin ka kung anong gagamitin mong method sa pag-login. May tatlong opsyon kang pagpipilian: ang Guest, Google Play ID at Facebook. Sa guest ay hindi na nangangailangan ng kahit ano subalit hindi mo maaaring i-save ang progreso mo sa laro. Subalit sa Google Play at Facebook ay iko-konek ito ng kusa sa account mo at kapag umalis ka sa laro hindi mawawala ang mga nagawa mo sa laro.

Ang susunod ay ang pagpili sa game mode ng laro, alinman sa quick game, offline game at custom game ng sasakyang iyong gagamitin sa laban ay depende sa pamamaraan mo ng paglalaro. Subalit ang inirerekomendang gamitin sa una ay ang USS Hurricane. Ang kalamangan nito sa ibang laro ay mas mabilis ang galaw nito at may dalawang missile launchers. Ito ang tamang barko para sa mga nagsisimula pa lamang. Pagkatapos pumili ng sasakyan, pumunta sa workshop na seksyon at i-upgrade ang mga stats ng warship. Pindutin lamang ang plus icon sa tabi ng mga nais mong palakasin na bahagi ng sasakyan. Subalit kinakailangan mo ng upgrade points pambili. Makukuha mo ito sa pamamagitan ng panonood ng ads at paglalaro nito.

Para naman sa pagkontrol ng laro, tingnan lamang mabuti ang icon at alamin kung para saan ang button na iyon. Subalit kung nahihirapan kang unawain, mas mabuting laruin ang tutorial stage upang maintindihan mo ang daloy ng laro. Tiyak kong magugustuhan mo ang MODERN WARSHIPS kapag natutunan mo na kung paano ito laruin.

Pros at Cons sa paglalaro ng MODERN WARSHIPS

Kung pag-uusapan ang tema ng larong ito, para sa Laro Reviews, ang MODERN WARSHIPS ay kakaiba sa mga karaniwang alam na action-games ng karamihan. Ang pagiging iba ng larong ito ang nakakapang-hikayat para kusang tuklasin at laruin ito ng mga nakakakita. 

Ang kalamangan din nito sa ibang laro ay dadalhin ka nito sa mood ng isang digmaan. Para kang nasa World War II na naka-set sa karagatan at gamit ang mga modernong sasakyan. Madarama mo na para kang nasa tunay na labanan dahil may kapangyarihan ka sa pagkontrol ng laro ayon sa nais mo.

Pagdating naman sa graphics, mahusay ang pagkakagawa ng mga barkong hango sa totoong guhit at imahe ng sasakyang pandigmaan. Naniniwala akong mas mapapaganda at mapapaunlad pa nila ang mga disenyo sa loob ng mismong laro. Kasabay ng pagdaragdag ng mga sasakyan at armas na pagpipilian ng mga manlalaro.

Minsan ay nakakaranas ka ng pag-crash, errors, lag at bug na nagiging dahilan ng pagbagal at abala sa paglalaro. Subukang lang muling i-restart ang laro at kung hindi gumana ay i-report ito sa kanilang Google Play. Sa kanilang bagong update, naayos na nila ang kadalasang nararanasang problema ng mga naglalaro.

Konklusyon

Mayroong bagong update ang MODERN WARSHIPS na tiyak kong iyong magugustuhan. Mas maraming items, planes at ships kang pwedeng pagpilian. Nadagdagan din ng fully three-dimensional flying sa laro na may dalawang modes – ang arcade at professional (ace combat). Kaya kung gusto mong malaman pa ang larong ito at masubukan ang kanilang bagong update, i-download mo na sa iyong devices ang MODERN WARSHIPS!

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...