Moneyland Review

Magsaya sa pagtakbo sa buong distrito at mangolekta ng maraming pera hangga’t kaya mo! Sa mundo ng Moneyland, hahayaan ka nitong tuklasin ang iba’t ibang gusali at paunlarin ito sa pamamagitan ng paggamit o paglaan ng perang kinikita mo. Tumanggap ng mga district worker para tulungan ka sa mabilisang pangongolekta ng pera at pagbili ng mga bagong establisyemento. Maaari mo ring palawakin ang laki ng lugar upang makakuha at mag-unlock ng mga bagong gusali. I-download lang ang program na ito mula sa App Store para maranasan ang kaguluhan, kalayaan, at kaligayahang ibinibigay nito sa mga manlalaro. Ito ay isang free-to-play na application! Kaya, ano pang hinihintay mo? Kunin na ang iyong mobile phone at nang masubukan na ang app na ito!

Ano ang layunin ng laro?

Ang layunin ng laro ay madali lamang sundin. Kolektahin lamang ang lahat ng perang lumalabas sa daan upang makabili o makakuha ng mga gusali at tindahan. Ang mga gusali at tindahan ay ang pinagmumulan ng disctrict income na maaari mong gastusin sa pagpapalawak ng iyong lugar, pagpapataas ng populasyon, at pagpapabuti ng iyong mga istatistika. Magagawa mong gamitin ang iyong pera sa mga mahahalagang bagay dito. Mag-hire ng mga district worker na maaaring makatulong sa iyo na mas mapadali ang pangongolekta ng pera at paglalagay sa mga gusaling gusto mong bilhin. Napakasimple lang talaga. Walang dapat ikabahala rito, magsasaya ka lang at malilibang ka sa paglalaro nito!

Paano ito laruin?

Ang pangunahing mekaniks ng larong Moneyland ay tatalakayin ng Laro Reviews. Kapag matagumpay mong nai-download at nai-install ang app sa iyong smartphone, buksan ito at dadalhin ka kaagad nito sa pangunahing feature ng laro. Magsisimula ka sa pangongolekta at pag-iipon ng perang lumalabas sa daan. Sa umpisa, iilan lang na gusali ang available na maaari mong bilhin ngunit habang pinapalawak mo ang distrito ay magiging available na ang iba pang gusali, tindahan, at iba pang features ng laro.

Ang district income ay nanggagaling sa mga gusali at tindahan. Maaari mong ipunin ang perang patuloy na lumalabas sa mga establisyemento bawat segundo. Ang halaga ng perang maaari mong kolektahin sa iyong mga kamay ay limitado sa umpisa. Magsisimula ka sa maximum na 5,000 at kapag nakahawak ka na ng buong 5,000 ay hindi ka na makakakolekta ng pera. Kailangan mo muna itong idaan o ilagay sa bagong gusaling gusto mong bilhin. Maaari mo ring gamitin ang pera sa pag-upgrade ng iyong distrito, karakter, at iba pang bagay sa laro. Magagawa mong ma-unlock ang mga bagong feature at madagdagan ang populasyon ng iyong distrito habang umuusad ka. Mayroong mga district worker na pwede mong tanggapin upang tulungan kang mapadali ang iyong pangongolekta.

Mayroong iba pang mga bagay na pwede mong makuha o gamitin tulad ng mga booster at sasakyan. Sa gitna ng daan ay makakakita ka ng kumikinang na hugis bilog, pumunta lamang doon at lalabas ang window para sa upgrades ng iyong karakter at distrito, gaya ng movement speed, collection speed, capacity, at para sa district enhancements. Walang rules na dapat sundin, pumunta kahit saan mo gusto at mangolekta ng maraming pera hangga’t gusto mo! Ito ay magiging isang mahusay na paraan upang panatilihing abala ang iyong isip habang nagre-relax.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang Moneyland sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 11.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 71 MB at 151 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Moneyland on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.wixot.moneyland

Download Moneyland on iOS https://apps.apple.com/us/app/moneyland/id1603094266

Download Moneyland on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.wixot.moneyland-on-pc.html

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Moneyland

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Moneyland. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na mase-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Moneyland!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Moneyland

Ibabahagi ng Laro Reviews sa iyo ang ilang simpleng diskarte sa larong ito. Ito ay hindi mahirap at walang pressure ngunit ikaw ay tiyak na mahuhumaling sa pangongolekta ng pera. Masasabik kang matuklasan kung anong mga gusali ang magiging available sa susunod na pag-upgrade. Bilang resulta, magsusumikap kang makaipon ng pera upang makita ang sorpresa sa bawat pagpapalawak ng iyong lugar. Kaya, narito ang listahan ng mga diskarteng maaari mong gawin:

  1. Kunin ang mga booster at iba pang mga item na lumalabas sa daanan. Makakatulong ito sa iyong makaipon at mangolekta ng pera nang mabilis.
  1. Gumamit ng sasakyan. Lalabas dito ang sasakyan tulad ng scooter. Makakatulong ito na mapataas ang kapasidad at bilis sa maikling panahon.
  1. I-upgrade ang iyong mga istatistika. Ang pagpapahusay sa paggalaw, kapasidad, at bilis ng pagkolekta ng iyong karakter ay may mahalagang papel sa larong ito. Kaya mag-upgrade sa lalong madaling panahon upang mabilis na ma-unlock ang iba pang mga feature.
  1. I-upgrade ang iyong distrito. Ang iyong mga gusali at tindahan ay nabibilang sa distrito. Maaari mong i-upgrade ang district workers gayundin ang district income.
  1. Tangkilikin ang laro. Ito ang isa sa mahahalagang layunin ng laro. Ito ay ginawa upang ikaw ay magrelaks kaysa makaramdam ng stress o pressure sa paglalaro. Maglaan lang ng oras sa paglalaro nito at tiyak na masusulit mo ang app na ito.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Moneyland

Ang larong Moneyland ay isang napakahusay na libreng application na nakakatulong sa mga manlalarong maranasan ang isang nakakahumaling at napakasimpleng gameplay. Ito ay intuitive at malikhain. Maaari kang maging malikhain sa paraang makakagawa ka ng sarili mong distrito galing sa sarili mong pagsisikap na mangolekta ng pera sa buong distrito. Isa itong nakakabilib na laro dahil nagagawa mong pamahalaan ang sarili mong komunidad at nasa iyong kamay nakasalalay ang paglago nito.

Babaan lamang ang iyong expectation pagdating sa visual graphics dahil ang mga ito ay talagang napakasimple. Maging ang mga karakter, gayundin ang mga gusali, tindahan, at tao Ang mga kontrol ay kasing simple lang ng pag-drag at pag-slide ng iyong mga kamay sa screen. Ito ay simple ngunit kawili-wili dahil masasabik ka sa susunod na pag-upgrade ng lugar. Makakakita ka ng mga panibagong gusali, tao, at features na maaaring bilhin o makuha. Maaari mong pagbutihin ang iyong karakter at ang kakayahan ng iyong distrito. Habang nagpapatuloy ka sa laro, matutuklasan mo ang napakaraming posibilidad na magagawa mo rito.

Siyempre, walang bagay na perpekto. Nakaranas kami ng bugs at poor performance sa gitna ng paglalaro at maraming advertisements ang lumalabas na sa tingin namin ay talagang nakakadismaya at nakakaabalang masyado sa paglalaro. Ang laro ay lubos na umaasa sa panonood ng mga ad upang makakuha ng mga karagdagang premyo at makagamit ng iba’t ibang booster. Naiintindihan naming ang laro ay libre ngunit sa ilang kadahilanan, mas mainam na bawasan ang ads na lumalabas sa screen. Nakakairita at nakakaabala ang mga ito sa mga manlalaro nang sobra.

Konklusyon

Lubos naming inirerekomenda ang larong ito kung gusto mo ng basic na gameplay na magpapanatiling aktibo sa iyong isip. Magagawa mong mag-relax habang naglalaro ng Moneyland, ngunit maghanda ka lamang sa mga nakakainis na ads na madalas na lumalabas. Kadalasan sa mga libreng application na tulad nito ay ganap na umaasa sa mga advertisement, kaya asahang mas maraming advertisements ang lalabas sa iyong screen.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...