Monkey Boxing Review

Maligayang pagdating sa ring ng Monkey Boxing, kung saan kumikilos ang mga unggoy bilang mga boksingero. Maglakad sa ring, gumawa ng malalakas na knockout at combo, ayusin ang iyong karakter, at makipagkumpitensya sa iba pang manlalaro para sa malaking gantimpala. Ang laro ay may mahusay na 3D graphics at animated na mga karakter. Ang laro ay naghahatid sa iyo ng isang pang masang kasiyahan na may nakakabaliw na gameplay, mabilis, at katawa-tawang mga karakter. 

Ang Features ng Monkey Boxing

Ang pinakamalaking tampok ng larong Monkey Boxing ay ang kalidad ng graphics nito. Ganap na animated and mga karakter na may dynamic na ilaw at nakakatuwang mga karakter na lalaruin. Ang Monkey Boxing Game ay isang mahusay na laro kung saan ay maririnig mo ang maraming kawili-wili at kapanapanabik na mga tunog mula sa simula hanggang sa katapusan. Gayundin, ang larong ito ay naging mas masaya dahil ito ay isang online game na maaari mong laruin kasama ang iyong mga kaibigan at makukuha mo sa 4 na wika: English, Spanish, French, at Italian.

Sa laro, maaari mong i-customize ang iyong unggoy sa pagpapalit ng hairstyle, pantalon at pagdaragdag ng iba’t ibang mga accessory na makukuha habang naglalaro. Ang dami ng mga posibilidad sa pag-customize, ayon sa mga tagalikha nito, ay napakataas at aabutin ng mahabang panahon bago ma-unlock ang lahat ng mga nilalaman nito, pati na rin ang pag kumpleto ng pangunahing mode, na may mga 50 kalaban na magpapahirap sa iyo.

Monkey Boxing - Laro Reviews

Monkey Boxing – Laro Reviews

Ang Gameplay ng Monkey Boxing

Ang layunin ng Monkey Boxing ay talunin ang mga karibal na mga primates sa mga laban sa boksing. Ikaw, bilang isang manlalaro, ang magkokontrol ng iyong boksingero. Makakatagpo ka ng napakaraming mga kalaban, mula sa madali hanggang sa pinaka mapanghamong antas. Bukod dito, maaari mong sanayin ang iyong manlalaban, na tumutulong sa iyo sa pagtaas ng iyong pagiging epektibo sa bawat laban sa loob ng ring.

Downloads

Ang larong Monkey Boxing ay maaaring i-download at ito ay sasakop ng 16MB lamang sa iyong storage. Ang katotohanan ay dahil sa kung gaano kaganda at kagaling ang larong ito, sulit na sulit itong subukan. Ang app na ito ay may average rating na 3.5. Kung gusto mong subukan ang Monkey Boxing, ito ay nagkakahalaga ng $1.00. Maaaring gamitin ang isa sa mga link sa sa ibaba na inihanda ng Laro Reviews upang mai-download agad ang laro.

  • Download Monkey Boxing Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.crescentmoongames.monkeyboxing&hl=en&gl=US
  • Download Monkey Boxing Game on iOS https://www.ipa4fun.com/ipa/8994/
  • Download Monkey Boxing Game on PC https://napkforpc.com/apk/com.crescentmoongames.monkeyboxing/
Monkey Boxing - Laro Reviews

Monkey Boxing – Laro Reviews

Tips para sa mga Manlalaro

Ang pagpapanatili ng pag-block ay maiiwasan ang mga pag-atake ng strike kung perpektong magawa ito. Ang pag-redirect ng suntok ay mag-iiwan sa iyong kalaban na mahina sa isang kontra-atake, samantalang ang pag-click ng suntok nang paulit-ulit sa maikling sunud-sunod ay maglalabas ng kombinasyon.

Maaari mong baguhin ang itsura ng iyong boksingero sa kabila ng pakikipaglaban sa ring. Sa pamamagitan ng pagpili mula sa iba’t ibang pantalon, kamao, takip, at gamit sa mukha, siguradong mag-iiba ang dating ng iyong karakter. Sa dami ng mga pasadyang ito, hindi kailangan sa paglalaro na baguhin ang itsura ng iyong unggoy, maliban nalang kung gusto mo itong bigyan ng masayang vibe.

Maaari mo ring sanayin pa ang mga kakayahan ng iyong boksingero sa pamamagitan ng pagsali sa mga mini-game na nagpapataas ng lakas, liksi, at bilis. Upang magkaroon ng katuturan sa kompetisyon, kakailanganin mo ang lahat nabanggit. 

Ang opsyong 2-player ng Monkey Boxing na nangyayari sa isang device kung saan ang mga manlalaro na nakakapit sa magkabilang gilid sa screen ay nagbibigay ng karagdagang kasiyahan dahil ang isang duo ng mga bihasang gamer ay maaaring makatikim ng ilang napakahigpit na laban. Ang kailangan mo lang gawin sa bahaging ito ay tumutok sa iyong diskarte. Ang ilang mga kasanayan bago pumasok sa isang seryosong duo ay mahalaga, kaya kahit papaano ay maging komportable ka sa mga kontrol sa isang masikip na space.

May kaunting puwang para sa madiskarteng pagma maniobra dahil magkakaroon ka lamang ng pamamahala sa mga suntok at bantay. Nangangahulugan lamang ito na kailangan mong tiyakin ang mga galaw o pag-atake na gagawin mo para hindi ka nag-aaksaya ng enerhiya para sa wala.

Related Posts:

First Strike: Classic Review

Papa’s Mocharia To Go! Review

Monkey Boxing - Laro Reviews

Monkey Boxing – Laro Reviews

Pros at Cons ng Monkey Boxing

Ang lahat ng karaniwang mga suntok sa boksing ay nandito na rin sa larong ito, kaya hindi na rin ito malayo sa makatotohanang paglalaro ng boksing. Bilang karagdagan, posible na sanayin ang mga unggoy upang ang kanilang mga kakayahan ay maging mas mahusay at upang harapin ang mas malalakas at mas makapangyarihang primates. Pagdating naman sa mga controls, simple lamang ito dahil may apat na mga pindutan lang ang gamit dito. Bukod pa rito, posibleng makipaglaro laban sa ibang gamers sa pamamagitan ng Wi-Fi connection.

Samantala, may mga pagkakataong hindi gumagana ang server ng Monkey Boxing app at nagdudulot ito ng isyu sa paglo-load o di kaya’y nagiging sanhi ng isyu sa pag-login/account na nagri-reset matapos lang ang ilang minuto. Maaaring may problemang tumatakbo sa kanilang servers. May mga pagkakataon din na libu-libo o milyun-milyong ang mga gumagamit ng larong Monkey Boxing sa parehong oras. Ito ay nagdudulot ng pagkaantala upang makuha ang marka o mga puntos sa iyong nakuha sa pag-update ng iyong account. Katulad ng mga puntos, ang mga antas ay nakakakuha din ng parehong isyu ng kasabay ng paghina na pag-load ng mga server. Kung masyadong maraming mga manlalaro ang naglalaro nang sabay-sabay, bumabagal ang pagproseso ng data ng server. Pababagalin din nito ang iyong mga updates o kaya naman ay mali ang ipinadadalang mga impormasyon sa ang iyong level.

Konklusyon

Kapag nakapasok ka na sa ring, wala nang atrasan na magaganap. Bagama’t isa itong larong aksyon, hindi mo mapapalampas ang saya na inaalok nito, mula sa mga character hanggang sa tampok na pagpapasadya nito. Para sa Laro Reviews, ito ay naiiba kumpara sa ibang boxing games. Gayunpaman, may mga pagkakapareho sa karaniwang mga galaw sa boksing. Kung handa ka na para sa ilang aksyon sa isang hindi gaanong seryoso at mas cute na labanan ng boksing, maaari mong subukan ang larong Monkey Boxing na magdadala sa iyo sa isang bagong mundo ng mga labanan.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...