Monster Killer: Shooter Games Review

Isipin mo kung nagising ka sa lumang panahon ng Victoria ngunit puno ito ng mga halimaw at kailangan mong patayin ang mga halimaw na iyon upang mabuhay. Ang Monster Killer: Shooter Games ay isang archero type game na may flexible game play. Hatid sa iyo ng Laro Reviews, alamin ang istorya ng larong ito.

Ang Layunin ng Laro

Ang larong ito ay madaling laruin. Kailangan mong pumasok sa iba’t ibang mga piitan at talunin ang mga halimaw at mga boss na nasa loob. Ang bawat lugar ay may iba’t ibang set up at mga halimaw na may iba’t ibang pattern ng pag-atake. Ang kahirapan ng pananatili at pagdaan sa bawat lugar ay tumataas habang ikaw ay nagtatagal sa laro. Maaari kang makakita ng mga random na item sa bawat lugar tulad ng mga armas, armor, singsing at mga kakampi o mga alagang hayop. Mayroong dalawang uri ng pera sa larong ito: Una, ang kristal na maaaring gamitin upang i-upgrade ang iyong mga item at mga passive skills. Pagkatapos ay ang ginto na isang espesyal na pera at maaaring magamit upang bumili ng mga loot box na maaaring naglalaman ng mga mataas na kalidad na items. Ang pagtitipon ng mga yaman na ito ay napakadali lang. Maaari mong pagsamahin ang iyong mga nakuhang skills upang makagawa ng isang nakamamatay na kasanayan at pumili ng skills na babagay sa istilo ng iyong paglalaro. Mayroon ding iba’t ibang uri ng mga bayani na may iba’t ibang kasanayan sa larong ito para pagpipilian. Ang lugar ay mayroon ding iba’t ibang uri ng mga halimaw na may iba’t ibang mga pattern ng pag-atake kaya asahan ang isang bagong mundo habang ikaw ay sumusulong sa buong laro.

Saan mo mada-download ang Monster Killer: Shooter Games?

Madaling i-download ang larong ito. Pumunta lang sa Play Store at hanapin ang pangalan ng laro o maaari mo ring i-click ang link sa ibaba. Kung gusto mo namang malaro ito sa iyong PC, kailangan mo lang mag-download at i-install ang Bluestacks pagkatapos ay i-download ang larong sa website.

Download Monster Killer: Shooter Games on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.pgstudio.mk

Download Monster Killer: Shooter Games Bluestacks on PC https://www.bluestacks.com/

Tips at Tricks para sa mga Baguhan 

Hindi mo kailangang mag-aksaya ng oras sa kakaisip o pagbuo ng isang plano o estratehiya. Ang kailangan mo lang gawin ay umupo, magpahinga at magsaya sa laro dahil ito ay simple ngunit masaya. Kung baguhan ka sa larong ito, tutulungan kita sa isang detalyadong gabay kung paano manalo at mas mabilis na mapalakas ang iyong hero 

Ang pagpapalakas – Ito ang pangunahing layunin ng laro, ngunit habang sumusulong ka ay mas magiging mahirap ang bahaging ito. Huwag mawawalan ng pag-asa kung matalo ka sa isang pagsubok; nangangahulugan lamang ito na hindi pa sapat ang iyong lakas para sa naturang lugar at kailangan mo ng karagdagang kapangyarihan. Subukan ang pag-farm sa mga napuntahan ng lugar dahil kapag inulit-ulit mo ang pagpunta rito, mas maraming items at mga kristal ang makukuha mo. Gamitin ito sa iyong kalamangan upang i-upgrade ang iyong naipong items. Siguraduhing i-upgrade rin ang iyong passive skills. Huwag umasa lamang sa mga item at suriin ang iyong passive skills dahil  may pakinabang din ang mga ito. Bahagi ng pagpapalakas sa larong ito ay ang pagkabisado sa pag-iwas at pagtyempo at kung kailan dapat iwasan ang pag-atake ng halimaw. Kung kabisado mo na ang kasanayang ito, sigurado akong lalakas ka.

Ang kumbinasyon ng kasanayan – Dapat mong pagsamahin ang mga kasanayan na mas angkop sa iyo. Halimbawa, ang mga multi shot, bullet bounce, pierce at headshot ay isa sa mga pinakamahuhusay na kumbinasyon. Ang multi shot ay nagbibigay sa iyo ng mas maraming bala na ibabato. Halimbawa’y matapos na tumama ang bala sa mga halimaw sa pamamagitan ng pierce, didiretso ito sa pader at tatalbog, kaya nagbibigay ito ng isa pang pagkakataon para sa bala na tumama sa isa pang kaaway. Para sa maximum na pinsala, kunin ang headshot dahil nagbibigay ito sa iyo ng pagkakataong pumatay ng mga halimaw sa pamamagitan lamang ng isang tira.

Mga Kalamangan at Kahinaan

Ngayon ay pag-usapan natin kung ano ang dahilan kung bakit ang larong ito ay sulit na laruin at kung ano ang rason kung bakit hindi ito dapat laruin.

Ang larong ito ay natatangi sa mga tuntunin ng tema nito at pwede itong laruin offline. Nangangahulugan ito na maaari mo itong laruin kahit saan nang walang koneksyon sa internet kaya kung pupunta ka sa isang lugar kung saan inaasahan mong walang koneksyon sa internet, ang larong ito ay perpekto para sa sandaling iyon. Ang graphics nito ay maganda at ang madilim na tema ay tumutugma sa daloy ng kwento nito. Ang mga kontrol ay perpekto at walang pagkaantala habang ikaw ay gumagalaw at nagki-click. Smooth din ang graphics na nakakatulong upang mahusay na maiwasan ang ilan sa mga papasok na pag-atake. Maraming armas ang pagpipilian na may iba’t ibang katangian kaya pumili ng sandata na maglalabas ng pinakamahusay na abilidad para sa iyo. Napakadetalyado ng disenyo ng mga character at armas at may klasikong Victorian era vibe. Ang larong ito ay hindi isang uri ng pay-to-win at umaasa lamang sa kakayahan at kritikal na pag-iisip ng mga indibidwal upang manalo. Mabuti na lang at walang pop-up ads ang larong ito kahit nakakonekta sa internet, kaya ang larong ito ay tiyak na hindi nakakainis. 

Sa kabilang banda, may mga bug na naka-latch sa larong ito. Mayroong ilang mga bahagyang pagfi-freeze sa tuwing matatapos mo ang isang lugar at kung minsan sa oras na magpapaikot ka ng wheel. Ang graphics ng mga bala ay napakadetalyado na halos hindi mo makita ang mga papasok na pag-atake ng mga halimaw. Ito ay mahalaga sapagkat upang mabuhay sa isang lugar kailangan mong umiwas sa mga bala ng mga kalaban. Ginagawa rin nitong nakakalito ang laro. Bagama’t iba ang tema ng larong ito, hindi ito naiiba sa mga tuntunin ng mga konsepto. Ang mga kasanayang makukuha sa mga lugar ay halos kapareho ng sa ibang archer type games.

Konklusyon

Base sa pag-aanalisa ng Laro Reviews, ang larong ito ay pinakamainam para sa mga gustong magkaroon ng pampalipas-oras o para mapawi ang ang pagkainip at stress. Ang mga kapintasan ng larong ito ay hindi masyadong pansin dahil sa offline feature nito. Ito ay hindi isang pay-to-win na uri ng laro na nangangailangan ng pagbili ng espesyal na items upang matapos o makumpleto ang buong laro. Ang larong ito ay mas nakatuon sa kakayahan ng mga manlalaro na umiwas at mabilis na makapag-isip. Ang pagtitipon ng mapagkukunan ay kahanga-hanga, isama pa mga kristal at ginto o kahit anong item na maaaring makuha kahit pa ilang beses mong pagdaanan ang iisang lugar. Kaya ano pa ang hinihintay mo? Subukan ang larong ito at i-download na ang Monster Killer: Shooter Games ngayon!

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...