Mu Origin Invictus: MMORPG, Anime Games, RPG & PVP Review

Kung papansinin ang title ng larong ito, magkakaroon ka na kaagad ng ideya kung ano ang nais ibigay sa iyo nito. Ang Mu Origin Invictus ay isang MMORPG dahil laman nito ang iba’t ibang klase ng labanan at mayroong kwentong sinusundan kung saan ikaw ay binibigyan ng pagkakataong maging isang kakaibang nilalang na may taglay na kapangyarihan. Ikaw ay may misyong labanan ang sinumang pipigil  sa bawat paglalakbay na gagawin mo rito. Sinasabi rin na isa itong klase ng anime games dahil naka-set ang laro sa mundong may mala-anime na istilo. Higit sa lahat, isa itong PvP dahil maaaring ilan sa iba pang mga manlalaro nito ay maaari mong maging kakampi o di kaya naman ay kalaban. Dito sa Mu Origin Invictus, ikaw ay papasok sa isang warzone at kailangan mong paslangin ang mga kalabang maaaring humarang sa iyong mga dadaanan kasama ang ilan pa na posibleng katulad mo’y isa ring manlalaro. Gamitin ang iyong taglay na lakas, ang iyong mga espesyal at makapangyarihang mga armas, spell, maging ang ilan pang mga item gaya ng skills para lamang umangat sa larong ito.

Features ng Mu Origin Invictus: MMORPG, Anime Games, RPG & PVP

Limang klase ng karakter ang bubungad sa iyo sa oras na simulan mo ang paglalaro. Bawat isa sa mga ito ay may kanya-kanyang specialization na maaaring gamiting gabay ng bawat manlalaro pagdating sa pagpili sa mga ito. Narito ang ilang maiikling description patungkol sa limang karakter na ito:

  • Una na riyan ang Warrior kung saan sinasabing ang espada nito ang pinagmumulan ng lakas at tunay na epektibo pagdating sa bawat adventure. 
  • Sunod naman dito ay ang Magician kung saan may kakayahan itong kontrolin ang magic power ng ice at flame. Tunay na epektibo rin daw ito sa bawat labanan dahil may kakayahan itong pagpira-pirasuhin ang kanyang mga kalaban sa isang iglap lamang. 
  • Ang Archer naman ang sinasabing may kakayahang ubusin ang kanyang kalaban kahit nasa malayong distansya. Sinasabing mayroon din daw itong explosive attacks na masasabing epektibo sa bawat laban. 
  • Ang Duel Master naman ay sinasabing isang demon killer na may kakayahang kontrolin ang kanyang mga kalaban. Ang karakter din na ito ay bihasa sa paggamit ng weapons at may kakayahang maging isang killer at magician.
  • Ang Summoners naman ang may kakayahang gumamit ng magic spells. Dahil dito, kaya nitong makapag-summon ng isang malakas na demon mula sa demon realm at gamitin ito sa bawat laban.

Kung natatandaan mo ang itinampok ng Laro Reviews noon na larong Rebirth of Chaos: Eternal saga, may pagkakatulad ito kung saan ang bawat mission mo ay nakaangkla sa iyong paglalakbay. Ikaw ay nasa malaking mundo at habang nililibot mo ito ay may ilang mga karakter ka na maaari mong makasalubong upang bigyan ka ng mga task na kalimitan ay pakikipaglaban sa iba’t ibang klase ng monster. Bilang gantimpala sa pagkumpleto mo sa iyong tasks, pagkakalooban ka ng mga ito ng iba’t ibang klase ng skills. Mayroon din itong auto-battle kaya hindi ka na mahihirapan pang kontrolin ang iyong karakter pagdating sa pakikipaglaban. May auto-navigation din kung saan kapag pinindot mo ang mission na makikita sa gilid ng screen ay kusa itong maglilibot sa kabuuan ng laro. Maaari mo rin itong malaro nang mag-isa man o may kasama.

Mayroon pang iba’t ibang klase ng features na makikita sa bandang taas ng main screen at ilan nga sa mga iyan ay ang Role section kung saan maaaring silipin ang ilang impormasyon tungkol sa iyong karakter, ilang mga kagamitan, at maging ang skills na taglay nito. Dito rin maaaring maganap ang pag-upgrade upang mas maging epektibo pa ito sa bawat laban. Ang Forge section naman ang maaaring puntahan kung nais mong ma-upgrade pa ang iyong mga armas. Dahil na rin isa itong multiplayer game, may nagaganap ding war alliance dito at maaaring ikaw ang gumawa o sumali sa mga nag-eexist na alliances.

Saan maaaring i-download ang Mu Origin Invictus: MMORPG, Anime Games, RPG & PVP

Ang larong ito ay nangangailangan lamang ng 99MB kapag ida-download mula sa Google Play Store. Maaari ka namang gumamit ng emulator gaya ng MuMu Player para sa iyong PC. Kung nais mo itong laruin, i-click lamang ang link na nasa ibaba.

Download Mu Origin Invictus: MMORPG, Anime Games, RPG & PVP on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=origin.dragon.free.game.rpg.mmorpg

Download Mu Origin Invictus: MMORPG, Anime Games, RPG & PVP on PC https://www.mumuglobal.com/en/games/role-playing/mu-origin-invictus-mmorpg-anime-games-rpg-pvp-on-pc.html

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Mu Origin Invictus: MMORPG, Anime Games, RPG & PVP

Bilang tips ng Laro Reviews para sa mga nais subukan ang larong ito, mainam na palaging silipin ang missions na makikita sa bandang gilid ng main screen. Palagi lamang pindutin iyon at magkukusa na itong maglalakbay. Kung may makasalubong man na ibang karakter at may mga nais itong ipagawa sa iyo ay kunin ito agad dahil kayang magbigay ng mga ito ng reward na maaaring makatulong upang mas lumakas ka pa, maaaring resources o kaya naman ay special skills na maaari mong magamit sa bawat laban. Pagdating naman sa pakikipaglaban, hindi mo kailangang ubusin ang iyong mga kalaban dahil kahit subukan mo ay hindi ito mangyayari. Kung sakali namang makatanggap ka ng ilang mga item o reward na maaari mong magamit upang makapag-upgrade, gamitin na agad ito sa iyong karakter sa lalong madaling panahon. Iyon ay dahil sadyang lumiliit ang tyansa na makakuha ng pang-upgrade kapag tumagal ka na sa laro. Hangga’t maaga pa ay sanayin na rin ang sarili na palagi itong ginagawa, hindi lamang sa skills ng iyong karakter kundi pati na rin sa gears nito.

Pros at Cons ng Mu Origin Invictus: MMORPG, Anime Games, RPG & PVP

Ang Mu Origin Invictus: MMORPG, Anime Games, RPG & PVP ay talagang sinikap na bigyan ng high-quality graphics na mapapansin mo agad sa oras na buksan mo ang larong ito. Malinaw ang mga ito na talagang sapat na upang maengganyo ka nito na libutin ang malawak na mundo nang hindi nakakaramdam ng pagkabagot. Gayundin, pagdating sa artwork na ginamit dito talagang masasabi mong nag-invest ang developer at publisher nito ng higit na passion upang makalikha ng isang detalyado at kaakit-akit na itsura para sa bawat karakter. Dahil nga dito, busog na busog ka na agad sa mga bagay na iyong makikita kahit pumipili ka pa lamang ng nais mong gamiting karakter sa simula ng laro.

Masasabi ring isang advantage ng larong ito ang pagkakaroon ng magandang storyline na sinusundan ng bawat manlalaro. Mahaba ito at malawak ngunit hindi ito ang tipo ng larong pagsasawaan mo agad dahil hitik ito ng features na kayang pukawin ang iyong atensyon. Mamahalin mo maging ang gameplay nito na sapat na upang panatilihin ang iyong pagkaaliw sa buong araw. Bukod pa rito, hindi rin ito madamot sa rewards at events dahil araw-araw, maaari mo itong matanggap at magamit upang maging fully-equipped pa ang iyong mga hero. 

Kung may isang bagay lamang na masasabing kahinaan ng larong ito, iyon ay ang paghingi nito ng maraming requirements bago mo mai-download. Mararanasan mo rin dito na napakaraming dapat i-download bago mo ito tuluyang malaro. Matagal at mabagal ang proseso. Bukod pa rito, ayon na rin sa mga nauna nang sumubok ng larong ito, hindi consistent ang language na ginagamit dito. May iilang bahagi kasi ng laro na hindi nabigyan ng pagkakataong mai-translate sa English. Nagkakaroon ng pagkalito ang mga manlalaro kung ano nga ba ang nais sabihin ng laro dahil ilan sa mga ito ay nasa lenggwaheng Mandarin pa rin.

Konklusyon

Isang bagay rin na tunay na masasabing kalamangan ng laro ay ang pagbibigay-hustisya bilang isang MMORPG, Anime Games, RPG & PVP. Ito ang laro kung saan ang lahat ay maaaring sumubok. Ito ang laro kung saan lahat ng manlalaro ay maaaring magtipon-tipon at gawin ang bawat misyon dito nang sama-sama. Sa larong ito, maaaring makabuo ng isang pagkakaibigan. Kaya naman, kung type mong maranasan ang mga  nabanggit, maaari mong subukang laruin ang Mu Origin Invictus: MMORPG, Anime Games, RPG & PVP.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...