My Little Pony: Magic Princess Review

Minsan ka bang naging tagasubaybay o tagahanga ng palabas na My Little Pony? Kung oo, sigurado akong magugustuhan mo ang larong ito. Ito ay nilikha ng Gameloft SE., isang game developer na mahigit labing-limang taon ng gumagawa ng laro para sa iba’t ibang uri ng manlalaro. Ang isa sa larong ginawa nila ay ang My Little Pony: Magic Princess na opisyal na inilabas noong Nobyembre 2012. Mahigit sampung taon na rin simula noong ito ay nagawa at hanggang ngayon ay patuloy na tinatangkilik ng mga manlalaro.

Ang My Little Pony: Magic Princess ay isang casual simulation game na may single-player mode. Ibig sabihin ang larong ito ay mayroon lamang simple mechanics at gameplay. Maikli lang rin ang bawat session ng laro kumpara sa iba. Dagdag pa riyan, dahil isa itong simulation game, nakabase ang larong ito sa totoong karakter ng My Little Pony na naka-set sa tila totoong mundo.

Ang larong ito ay tungkol sa karakter ng mga sikat na cartoon characters ng My Little Pony. Kung hindi ka pamilyar sa istorya ng My Little Pony, ito ay nagsimula lang sa stuffed toys. Ngunit dahil ang mga karakter na ito ay sumikat, nagkarooon sila ng sariling palabas na inabangan ng marami. Kaya sigurado akong magugustuhan ito ng lahat lalo na sa mga naging mamamayan ng Ponyville. Kung oo, basahin ang buong artikulo upang malaman ang iba pang impormasyon na makatutulong sa iyo.

Features ng My Little Pony: Magic Princess

Maraming karakter – Ang My Little Pony: Magic Princess ay may mahigit 300 daang karakter na maaari mong pagpilian. Kabilang dito sina Trixie Lulamoon, Mistmane, Reformed Windigo, Breezette, Breezie Rarity, Featherweight, Starlight Glimmer, Snails, Dr. Hooves, Flam at marami pang iba.

Quests – Bukod sa paglalaro mayroon ka ding misyon na dapat isakatuparan sa My Little Pony: Magic Princess. Maglaro at maglakbay upang magawa ang mga nakatala sa quests. Ipanalo ang bawat laban para makuha ang mga premyo at gantimpala bilang kapalit.

Mini-games – Maaari ka ring maglaro ng mga mini-games bukod sa quests o adventures sa laro. Makipaglaro kina Twilight Sparkle, Magic Wings, Rainbow at sa iba pang karakter.

Customize – Sa larong ito, malaya mo ring i-customize ang iyong mga karakter depende sa iyong nais. Maaari mong gawing royal prince o princess ang iyong karakter sa laro, bihisan ng mga magagarbong damit at ayusan ng magagandang istilo ng buhok. Malaya mong gawin ang lahat ng ito sa My Little Pony: Magic Princess.

Friends – Maaari ka ring makipag-ugnayan sa iyong mga kapwa manlalaro o kaibigan sa laro. Bagamat ito ay single-player mode, maaari ka pa ring makipagpaligsahan sa pamamagitan ng events ng My Little Pony: Magic Princess.

Store – Ang My Little Pony: Magic Princess ay mayroon ding sariling tindahan ng mga item. Sa store ng laro, maaari kang bumili ng mga kagamitan, lugar o karakter sa laro. Ang ilan sa mga item na pwede mong makuha ay ang Large Tree Clump, Orange Flags, Blue Flags, Apple Tree at iba pa ba. Maaari ka ring mag-avail ng in-app purchases gaya ng Special Bundle, Beauty Set, Magic Pack, Welcome Bundle at marami pang iba.

Saan pwedeng i-download ang My Little Pony: Magic Princess?

Kung nais makuha ang larong ito, narito ang mga link ng laro. I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

Download My Little Pony: Magic Princess on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.gameloft.android.ANMP.GloftPOHM

Download My Little Pony: Magic Princess on iOS https://apps.apple.com/us/app/my-little-pony-magic-princess/id533173905

Download My Little Pony: Magic Princess on PC https://napkforpc.com/apk/com.gameloft.android.ANMP.GloftPOHM/

Para ma-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection para makuha ito. Pagkatapos, i-click lamang ang link, pindutin ang Install button at hintaying umabot sa 100% ang pagda-download. Kapag tapos na, maaari mo nang buksan at laruin ito.

Tips at Tricks kung nais laruin ang My Little Pony: Magic Princess

Para sa mga bago at nagnanais na laruin ang My Little Pony: Magic Princess, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo. 

Sa umpisa ng laro, hihingin ang ilan impormasyon tungkol sa iyo ng laro gaya ng kasarian at edad mo. Pagkatapos, ilalahad nila ang kanilang mga tuntunin at pamantayan upang maiwasan mo ang paglabag mga ito. Pindutin ang salitang “accept” sa laro bilang tanda ng iyong pagsang-ayon sa kanilang patakaran. Pagkataps mo itong gawin maaari ka ng maglaro ng My Little Pony: Magic Princess tutorial mode.

Kung ikaw ay bagong manlalaro at hindi alam kung paano magsisimula, mayroong tutorial stage ang larong ito. Sundin lamang ang mga itinuturo at basahing mabuti ang sinasabi sa direksyon. Sa ganitong paraan, mauunawaan mo kung tungkol saan nga ba ang laro at kung paano mo ito lalaruin. Inirerekomenda sa mga baguhan na dumaan muna sa tutorial mode upang hindi mahirapang maglaro ng My Little Pony: Magic Princess. 

Pagdating sa paglalaro ng larong ito, kailangan mo lang magtayo ng mga bahay at gusali upang mapaganda ang Ponyville. Maaari mo itong lagyan ng Tea House, Punch Stand, Ponyville Theater, Bookstore, Bowling Alley, Schoolhouse at marami pang iba. Sa madaling salita, aayusin at ioorganisa mo ang komunidad ng Ponyville. Nasa iyo ang tungkulin at responsibilidad ng buong kaharian.

Ang isa pa sa tips na dapat mong tandaan, palagi mong tignan ang iyong quests o misyon na dapat isakatuparan sa laro. Ito ang magsisilbing gabay mo kung ano ang mga dapat mong gawin sa paglalaro. Ang bawat task na magagawa mo ay may gantimpala at premyong naghihintay sa iyo. Kolektahin ang coins at gems ng laro dahil magagamit mo ito upang makabili ng mga item sa store ng laro. Ibigay ang lahat ng iyong makakaya at muling ibalik ang sigla sa kaharian ng Ponyville.

Pros at Cons ng My Little Pony: Magic Princess

Para sa Laro Reviews, ang My Little Pony: Magic Princess ay isa sa magandang larong nilikha ng Gameloft SE. Bagama’t sampung taon na ang nakalilipas simula noong ito’y opisyal na inilabas, maganda pa rin ang kalidad ng laro at ang pangkalahatan nito. Maaaring may nagbago subalit mas pinabuti at pinaganda nila ito.

Dagdag pa rito, maganda rin ang disenyo ng graphics na ginamit sa laro. Ibinase nila ito sa totoong itsura ng mga cartoon character na My Little Pony. Pati na rin ang boses na ginamit ng mga karakter sa laro ay ang totoong pony voices. Maaari rin itong laruin ng mga batang edad tatlo pataas dahil wala itong marahas na nilalaman na nakakaapekto sa isipan ng bawat indibidwal. Sigurado akong kaaaliwan itong laruin ng lahat lalo na ng mga bata.

Nakatanggap rin ng iba’t ibang reviews ang larong ito sa Google Play Store. Ayon sa mga komento, masaya itong laruin at marami kang mini-games na pwede gawin. Inirerekomenda rin nila ito sa ibang manlalaro dahil sa magandang karanasan nila rito. Tinawag rin nila itong “super fun game”, “awesome”, “perfect”, at “very interactive”. Umani ng maraming papuri ang laro mula sa iba’t ibang manlalaro. Subalit may mga nagkomento rin ng hindi nila magandang karanasan dito. Ayon sa kanila, maganda raw dati ang laro subalit unti-unti na itong nagiging “pay-to-win”. May glitches at crash issues rin daw silang napansin habang sila ay naglalaro nito. Subalit, may bagong update ngayong Hunyo 2022 ang laro. Mas pinabuti nila ito at inayos din nila ang mga bugs o errors ng My Little Pony: Magic Princess.

Sa larong ito, maaari ka ring bumili ng mga in-app products gamit ang totoong pera. Ang mga item na ito ay nagkakahalaga ng ₱19 hanggang ₱4,990 kada item. Subalit pwede mo namang i-disable ang feature na ito at i-off sa iyong setting sa pagbili kung ayaw mong gumastos.

Konklusyon

Sa ngayon, mayroon na rin itong 4.1/5 stars rating sa Google Play Store. Umabot na rin sa mahigit 50 milyong downloads ang larong ito at may mahigit 1 milyong reviews ang naitala. Marami pang ibang laro ang Gameloft SE. Kaya kung gusto mong masubukan ang isa sa kanilang laro, i-download mo na ang My Little Pony: Magic Princess sa iyong device!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...