NBA 2K20 Review – Gabay para sa mga nag-uumpisa

Ang NBA o ang National Basketball Association ay isang propesyonal na liga ng basketball sa Estados Unidos na itinatag noong 1949. Ang milyun-milyong mga tagahanga nito ay nagkalat sa halos lahat ng sulok ng mundo. Nangarap ka rin bang maging isa sa mga kinikilalang manlalaro sa NBA o baka gusto mong maranasan man lang kung ano ang pakiramdam na maglaro sa liga ng NBA? Kung ikaw ay isang tagahanga maaari mong matupad ang mga ito. Subalit, malayong mangyari ito sa reyalidad dahil sa dami ng mga mahuhusay na manlalaro ng basketball, napakahigpit ng kwalipikasyon at kompetisyon. Huwag mawalan ng pag-asa dahil sa virtual na mundo ng NBA 2K20 tiyak na pasok ka sa liga! Maaari kang gumanap na isa sa mga paborito mong NBA superstars at maglaro bilang miyembro ng iyong paboritong koponan gamit ang iyong mobile device o computer! Oras na para ipamalas ang iyong tinatagong kahusayan sa pagbabasketbol. 

Ang larong ito ay gawa ng Visual Concepts at inilunsad ng isa sa mga nangungunang developer – ang 2K Games Inc. Nitong mga nakaraang taon, naging maugong na ang pangalan nito dahil isa ito sa mga hinahangaang laro. Dalubhasa ang kompanyang ito sa mga larong may temang sports at larong batay sa mga sikat na serye sa telebisyon. Sila rin ang nasa likod ng larong talagang minahal ng mga tagasubaybay nito –  ang WWE at NBA series. Nakatuon sila sa kalidad ng features at gameplay ng mga laro. Sa katunayan, sa loob ng 17 na taon ay nakagawa na sila ng 565 na mga laro sa kabuuan.

NBA 2K20 Review - Gabay para sa mga nag-uumpisa

Ang NBA 2K20 ay isang basketball simulation game na ipinakilala noong Agosto 2019. Ito ang ika-21 na installment ng NBA 2K franchise. Sa larong ito ang mga players ay sasali sa isang simulation ng pinakasikat na liga ng basketball sa buong mundo. Pwedeng maglaro kasama ang ibang aktwal na mga manlalaro o kaya ay mga customized na koponan. Para makapagsimula, dapat ay mayroon kang alinman sa mga device kung saan gumagana ang larong ito tulad ng  iOS o Android mobile device. Pwede ring maglaro gamit ang Nintendo Switch, Playstation 4, Microsoft Windows, at Xbox One. Para sa mga Apple at Android devices, i-click lamang ang mga sumusunod na link para sa direktang download links:

  • Download NBA 2K20 on Android https://play.google.com/store/apps/details?hl=fil&id=com.t2ksports.nba2k20
  • Download NBA 2K20 on iOS https://apps.apple.com/nz/app/nba-2k-mobile-basketball-game/id1252850847

Sa kabilang banda, kung gusto mong maglaro sa iyong computer, maaari mo itong hanapin sa mga lehitimong gaming sites o, di kaya ay gumamit ng maaasahang emulator upang i-download ang app at i-install ito ng direkta sa iyong desktop computer o laptop.

Gabay para sa mga nag-uumpisa

Bigyang-pansin muna natin ang simula ng laro. Pagkatapos mong magkaroon ng access sa laro, kakailanganing gumawa ka ng account. Dito mo pupunan ang sign-in form gamit ang mga detalye tungkol sa iyong sarili at gagawa ka ng iyong username at password. Kung wala ka pang email address, maaari kang lumikha ng Google o Yahoo account. Pagkatapos nito, may ipapadala sa iyong email para sa kumpirmasyon. I-click lamang ito upang kumpirmahin ang iyong pagpaparehistro at nang makapag-umpisa na. Tandaan ang iyong username at password upang hindi mawala ang iyong account at para makapaglaro ka gamit ang iba’t ibang mga device.

Ang pagiging isang baguhan sa larong ito ay isang malaking hamon. Pero huwag mag-alala, tutulungan ka ng artikulong ito upang makapagsimula. Kung mahilig kang maglaro ng basketball, magiging simple lang ito para sa iyo. Ang pagiging pamilyar sa mga alituntunin ng laro at mga opsyon na maaari mong pagpilian ay tiyak na makakatulong sa pagkakaroon ng kalamangan sa iba at sa pagpapataas ng iyong antas o level sa laro.

Gabay para sa mga nag-uumpisa

May kakayahan ang mga manlalaro na baguhin ang difficulty level ng laro batay sa kanilang mga kasanayan at karanasan. Nakabatay ang ranggo ng mga manlalaro ayon sa kanilang karanasan, mayroong rookie, pro, all-star, superstar, at hall of famer. Nahahasa ang iyong kasanayan habang patuloy kang naglalaro at nalalampasan ang bawat hamon. Ang bawat manlalaro ay dapat magsimula sa pinakamababang rank – mula rookie hanggang sa maging isang hall of famer. Bukod  dito, may kakaibang opsyon din ang larong NBA2K20. Ang blacktop ang susi upang makapili ang mga manlalaro ng kanilang makakalaban. Maaari rin silang  maglaro gamit ang iba’t ibang game modes tulad ng one vs. one, two vs. two, three vs. three, four vs. four o five vs. five match mode. Kailangan mong piliin kung anong mode ang iyong kakayaning laruin at angkop sa iyong nalalaman sa paglalaro. 

Mayroong limang mga play mode sa larong ito: ang training game, freestyle, scrimmage,  practice play, at ang quick play. Kung ikaw ay isang baguhan, ang training game ang bagay sa iyo. Nakatuon kasi ito sa pagbibigay ng mga pagsasanay na sumasaklaw sa mga pangunahing panuntunan ng laro tulad ng pag-shoot ng bola, pag-dribble, pagpasa, at iba pa. Magandang ideya din na subukan ang freestyle mode kung saan matuto kang hanapin ang iyong mga hot spot sa basketball court at sanayin ang iyong sarili sa iba’t ibang diskarte para makapuntos sa laro. Huwag kalimutang subukan din ang scrimmage. Kapag gamit ito ay maaari kang maglaro sa maikling panahon lamang. Malaki ang maitutulong nito sa pagsasanay ng iyong mga galaw bago ang opisyal na 5v5 na labanan, na wala halos ipinagkaiba sa isang aktwal na laro. Sinadya talaga ang mga modes na ito upang pagbutihin pa ang iyong mga kasanayan. Hindi mo rin dapat palampasin ang mga practice play para mas mapahusay pa ang iyong depensa at opensa sa pamamagitan ng  mga preset na laro.

Related Posts:

Minecraft Review

Grand Theft Auto: San Andreas Review

Kalamangan at kakulangan ng laro sa NBA 2K20

Ang NBA 2K20 ay nakakuha ng mas mataas na rating sa App Store kaysa sa Play Store. Mayroon itong 4.6 stars sa App Store habang nakakuha lamang ito ng 4.0 star rating sa Play Store. Pinuri ng mga manlalaro ang maaksyon nitong gameplay at mga kamangha-manghang features. Bukod pa riyan, binibigyan nito ng pagkakataon ang mga manlalaro na magkaroon ng makatotohanang karanasan sa NBA sa pamamagitan ng de-kalidad nitong graphics at 3D animation. Hindi maipagkakailang isa nga ito sa mga pinakamahusay na app para maglaro ng virtual na basketball. Gayunpaman, hindi rin maiiwasan na magkaroon ng kakulangan ang larong ito. May hindi pa natutugunang mga aberya tulad na lamang ng mga bugs at crashes sa kalagitnaan ng laro. 

Kalamangan at kakulangan ng laro sa NBA 2K20

Konklusyon

Wala o bihira lang siguro ang taong hindi nakakaalam o narinig man lang ang tungkol sa larong basketball. Isa itong sikat na sikat libangan na pamilyar anuman ang edad at lahi. Ang pagkakaroon ng mga larong may temang sports ay nakakatulong sa ating malampasan ang stress na dulot ng pang-araw-araw na buhay at ng pandemyang ito habang pinapanatili din tayong ligtas. Sa pangkalahatan, ang NBA 2K20 ay isa pa ring kasiya-siyang laro para sa masusugid nitong mga tagahanga. Ngunit batay sa mga reviews, mas gusto ng karamihan ang mas naunang bersyon, ang NBA2K19, dahil sa pagiging malimit na laggy at crashy ng 2K20. Talagang sulit itong subukan lalo na para sa mga baguhan. Pumilli lamang ng iyong nais na players at mga kakampi.

Laro Reviews

Comments
  1. Kandis Womeldorf

    Can I just say what a comfort to uncover somebody who actually understands what they’re talking about on the net. You actually know how to bring an issue to light and make it important. A lot more people ought to read this and understand this side of the story. I can’t believe you are not more popular since you most certainly possess the gift.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...