ONE PIECE Bounty Rush Review

Ang ONE PIECE Bounty Rush ang isa sa mga pinakatanyag at pinakakilalang anime na nalikha. Maging ang mga hindi fan ng anime ay alam ito. Pinalabas ito sa ating local channels noon kaya mas marami ang naging pamilyar dito. Umiikot ang istorya nito kay Luffy, ang pangunahing karakter ng anime, tungo sa kanyang paglalakbay bilang King of Pirates. Ngunit bago niya ito makamit, samu’t saring pagsubok muna ang kanyang kahaharapin. Kailangan din niyang makahanap ng matitinong pirate crews na tutulong sa kanyang hangarin.

Ang One Piece Bounty Rush ay isang action roleplaying game (RPG) na kung saan makikipaglaban ka sa isang 4v4 na laro. Ang layunin ng larong ito ay talunin ang kalaban at tanghaling panalo ang grupong kinabibilangan. Ito ay dinevelop ng opisyal na Bandai Namco noong ika-29 ng Marso taong 2018. Sila ang producer ng One Piece na anime at naglabas ng ibang laro kagaya ng One Piece: Treasure Cruise. Kung kaya’t hindi ka na mag-aalinlangan kung maganda ba ang audio at graphic design dahil kilala na ang kanilang mga de-kalidad na gawa. Maaaring gamitin sina Luffy, Zoro, Sanji, at iba pang mga karakter sa One Piece universe. Bawat karakter ay nakapaloob sa iba’t ibang classes. Halimbawa na lamang si Luffy ay kabilang sa Fighter class. Kung mahilig ka sa RPG o interesado sa One Piece, siguraduhing basahin hanggang dulo ang artikulong ito ng Laro Reviews! 

ONE PIECE Bounty Rush - Laro Reviews

ONE PIECE Bounty Rush – Laro Reviews

Features ng ONE PIECE Bounty Rush

Scout Characters – Ito ang gacha system ng laro. Gamit ang feature na ito, mare-recruit mo ang iba’t ibang karakter na matatagpuan sa One Piece universe. Depende sa aktibong banner, posibleng makakuha ng karakter na may mataas na rarity. 

Collectible Characters – Nakaklasipika ang mga karakter sa tatlong kategorya. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Attackers – Ang mga karakter na kabilang dito ay may mataas na ATK stat at may kakayahang mag-KO ng mga katunggali nang maraming beses. 
  • Runners – Kasama naman dito ang mga karakter na may matataas na SPD stat. Mabilis ang kanilang kilos kumpara sa ibang mga karakter at pinakamainam na gamitin kapag aagawin ang Treasure ng kalaban. 
  • Defenders – Mataas ang kanilang DEF stat kaya sila ang pinakaakmang gamitin para depensahan ang iyong Treasure. 

Various Modes – Kung nababagot ka na sa PvP battles, mayroon pang ibang modes na ino-offer ang laro. 

  • Private Battles – Kung nais mong makipaglaro kasama ng iyong mga kaibigan, ito ang option na para sa inyo. I-enter lamang ang magkaparehas na passcode at pindutin ang “Battle Start”. Maaari ding gamitin ang mode na ito para makipaglaro sa mga kasamahan mo sa alliance. 
  • Solo Mode – Makipagtunggali sa mga pamilyar na karakter kagaya nina Smoker at Helmeppo sa isang 1v1 na labanan! May mga pagkakataong hindi lang isang kalaban ang kailangan talunin para tanghaling panalo sa mode na ito. 
  • Survival 100 – Kung gusto mong mapabilis ang pag-upgrade ng iyong karakter, gamitin sila sa mode na ito. Kailangang magapi ang laksa-laksang pwersa ng mga kalabang mas lalo pang lumalakas habang tumatagal ang labanan. Mainam kung pipiliin ang mga pinakamakapangyarihang karakter para maabot ang pinakamataas na score.
  • 60-second Battle – Kunin ang Treasure sa loob ng 60 segundo at tanggapin ang Bounty Coins! Maa-unlock lamang ito oras na tumuntong ka sa Rank 4. 

Character Elements – Mayroong tatlong elemento ang laro: pula, asul, at berde. Ginagamitan ito ng rock-paper-scissor system. Ang pulang elemento ay may dagdag na bonus damage para sa mga karakter na may taglay na berdeng elemento. May dagdag na bonus damage naman ang berdeng elemento sa asul na elemento. Gayundin ang asul na elemento, may dagdag na bonus damage ito para sa mga karakter na may taglay na pulang elemento. 

ONE PIECE Bounty Rush - Laro Reviews

ONE PIECE Bounty Rush – Laro Reviews

Saan pwedeng i-download ang ONE PIECE Bounty Rush?

Dahil free-to-play (F2P) ang laro, hindi na kailangang magbayad para mai-download ito. Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa App Store para sa iOS users, at sa Google Play Store naman sa Android users. I-search ang ONE PIECE Bounty Rush at hanapin ang laro sa search results. Pindutin ang Get o Install button para mai-download ito. Antaying matapos ang pagda-download, tsaka buksan ang app. Kumpletuhin ang mga kailangan sa sign-in details. Kapag nagawa mo na ang lahat ng ito, pwede mo nang simulan ang paglalaro!

Narito ang links mula sa Laro Reviews para mas mapadali ang paghahanap sa laro:

Download ONE PIECE Bounty Rush on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.bandainamcoent.opbrww

Download ONE PIECE Bounty Rush on iOS https://apps.apple.com/us/app/one-piece-bounty-rush/id1343688545

Download ONE PIECE Bounty Rush on PC https://www.bluestacks.com/apps/action/one-piece-bounty-rush-on-pc.html

I-download at i-install ang https://www.bluestacks.com kung sa PC mo napiling maglaro nito. Kumpletuhin ang Google sign-in details upang ma-access ang Playstore. Matapos nito, ilagay ang ONE PIECE Bounty Rush sa search bar. Hanapin at pindutin ang app mula sa search results at i-install. Hintaying mai-download at pindutin ang icon ng laro na makikita sa iyong home screen. Ayan, pwede ka nang maglaro sa iyong PC! 

Tips at Tricks sa Paglalaro

Bago pa man magsimula ang laro ay kailangan mong pumili ng dalawang karakter na gagamitin. Ang ikalawang karakter na napili ang siyang papalit sa iyong pangunahing karakter kapag ito ay na-KO. Bukod sa dalawang miyembro ng iyong party, maaari ding pumili ng support na karakter para madagdagan ang stats ng iyong party members. Mas malaki ang dagdag-puntos na makukuha kapag magkaparehas ang elemento ng iyong support characters sa party members.

Related Posts:

DEAD TRIGGER 2: Zombie Games Review

Heroes Strike – Modern Moba & Battle Royale

Similar sa agawan ng base, ang susi upang tanghaling panalo ay kung sino ang makakakuha ng pinakamaraming Treasures sa loob ng tatlong minuto. May limang Treasure areas na kailangang markahan sa pamamagitan ng paglalagay ng bandila ng grupong kinabibilangan. Sa umpisa pa lang, agarang pumunta sa mga lugar kung saan matatagpuan ang mga ito. Para magapi ang kabilang grupo, gamitan lang sila ng iyong skills. Paulit-ulit lang na i-tap ang basic attack button. I-maximize din ang iyong ibang skills kapag puno na ito at wala sa cooldown para makagawa ng combo. Mapapansin ding may mga power-up sa battlefield gaya ng power snacks, speed juice, at recovery meat kaya siguraduhing kunin ang mga ito kapag kinakailangan. 

Importanteng ma-KO ang mga kalaban ngunit tandaang hindi ito ang basehan ng laro. Kahit ilan pang katunggali ang iyong magapi kung mas mataas pa rin ang bilang ng kanilang Treasures, mapapasawalang-bahala lang nito ang efforts na iyong ginawa. Ituon ang enerhiya at focus sa pagprotekta ng Treasures at pagkuha mula sa katunggaling grupo. Kapag mas maraming puntos na nakuha ng iyong grupo pagkatapos ng labanan, mas maraming bonus chests ang pwedeng makuha na naglalaman ng berries, EXP orbs, medals, at marami pang iba. 

Paano makakakuha ng mga karakter?

Maaaring ma-unlock ang mga panibagong karakter sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga fragment o pag-summon gamit ang iyong Rainbow Diamonds at Summoning Ticket. Pumunta lamang sa Scout menu at pindutin ang banner kung saan nais mong mag-pull. Kapag nakakuha ng duplicate na karakter, automatic na mako-convert ito bilang character fragments. Ito ang ginagamit para tumaas ang grade ng iyong karakter. Habang tumataas ito, magkakaroon ng panibagong trait at mas tataas ang kabuuang stats ng iyong karakter.

ONE PIECE Bounty Rush - Laro Reviews

ONE PIECE Bounty Rush – Laro Reviews

Paano palakasin ang iyong karakter?

Dahil limitado lamang ang resources sa laro, hindi kailangang i-upgrade ang lahat ng karakter na mayroon ka. Nasa iyo na kung aling karakter ang nais gamitin. Pwedeng dahil sa tier, disenyo, at aktwal na karakter kaya sila ang iyong napili. May iba’t ibang pamamaraan upang mapataas ang kanilang level. Ito ay ang pag-equip at upgrade ng medals, pag-upgrade ng skills, at pag-grade up. Makukuha ang resources na kailangan bilang premyo sa battlefields. Kung nais namang maglabas ng aktwal na pera, maaari din namang para mapabilis ang pagkuha ng resources. 

Pros at Cons ng ONE PIECE Bounty Rush

Nang unang inilabas ang laro, maraming manlalaro ang pumuna sa graphics nito. Ngunit nang opisyal na itong ini-relaunch sa mobile devices, malaki ang in-improve at mas naging klaro ang bawat pixel. Bagamat nakabatay pa rin sa kayang performance settings ng iyong phone ang magiging kalalabasan ng laro. Swabe at malinis din ang animation at artwork. 

Ang kabuuang ideya ng gameplay ay maganda at punung-puno ng potensyal. Gayunpaman, mapapansing hindi pulido ang kontrol ng laro. Habang inaatake ang kalaban, swabe ito at walang palya. Nagkakaroon lang ng problema kapag may nagkumpulan nang mga kaaway at sa halip na tamaan ang target na katunggali, automatic na aatakihin ang kalabang pinakamalapit sa iyo. Ito ang dahilan kung bakit pakiramdam ng mga manlalaro ay hindi buo ang kontrol nila sa laro. Bukod pa rito, kapag napatumba na ang kalaban, hindi na maaaring mag-inflict ng dagdag na damage dahil nagkakaroon ito ng shield para protektahan nang ilang segundo ang sarili. Ngunit sa maikling oras na ito, maaari ka nilang atakihin kaya mainam na huwag masyadong lumapit. 

Ang hindi ko lang nagustuhan sa ONE Piece Bounty Rush ay ang ginamit na main soundtrack dahil hindi ito tugma sa atmospera ng laro. Mas mainam sana kung ginaya na lang ng Bandai Namco ang naunang franchise na Treasure Cruise, na kung saan ginamit nila ang orihinal na soundtrack sa anime. Lalo pa’t kakalakhan ng kanilang target audience ay ang pamilyar na nasa buong One Piece franchise. 

Konklusyon

Hindi maikakailang maraming modes at pwedeng gawin sa ONE PIECE Bounty Rush. Kung nasisiyahan ka sa ino-offer ng laro at mahilig kang mangolekta ng mga karakter na mula sa One Piece universe, para sa iyo ang larong ito. Sa kabilang banda, nawa’y may iba pang maibibigay ang Bandai Namco bukod sa mga kasalukuyang mode. Oras na hindi ito mangyari, maaaring maging paulit-ulit na ang ginagawa ng mga matagal nang manlalaro at mabagot sa game mechanics. Hindi pa ito mararamdaman ng mga baguhang players dahil tiyak akong excited pa ang mga iyan na i-explore ang kasuluk-sulukan ng laro. Ngunit para sa mga umpisa pa lang ay parte na ng gaming community ng ONE PIECE Bounty Fresh, ito marahil ang isa sa magiging mabigat na rason para bitawan ang laro.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Jackpot City Casino No Deposit Bonus: What Do You Need To Know?
Jackpot City Login – How to Access Fast and Safely?
Jackpot City: Your Premier Online Casino Experience!
Easy and Efficient: Mastering the S5 Casino Withdrawal Process
Is S5 Casino Legit? Exploring Player Reviews and Experiences
Explore S5 Casino: Detailed Review and Player Experience
S5 Casino Login Instructions for Beginners – Discover Now
Bingo Plus Customer Service Review: Dedicated and Efficient
Mga Tips at Tricks: Paano Manalo sa Bingo Plus Ngayon
How to Get Bingo Plus Voucher Code and Apply Most Effectively
Bingo Plus Download: Instructions For Safe Download And Installation
Explore Bingo Plus Net Rewards: Receive Attractive Gifts and Deals
Attractive Offer: Bingo Plus Free 20 and Chance to Win
Paano Mag-Withdraw sa Bingo Plus: Step-by-Step na Gabay
Is Bingo Plus Pagcor Legit? Unveiling the Truth About Its Legitimacy
Bingo Plus Tips and Tricks: How to Increase Your Winning Odds
Laropay – Good Legal Casino Game  Portal Philippines
Bingo Plus Login: Unique Games And Features For Players
Details: How to Play Bingo Plus Online for Beginners
Bingo Plus GCash: Complete Guide to Withdrawing and Depositing
Login
Loading...
Sign Up
Loading...