Onmyoji Arena Review

Onmyoji Arena – Hindi maikakaila ang kasikatan ng mga larong MOBA (Multiplayer Online Battle Arena). Isa na rito ang Mobile Legends o ML na maging ang mga hindi manlalaro ay alam ito. Mataas ang kumpetisyon sa pagitan ng mga game developer upang makagawa ng larong ituturing na pinakamaganda at pinakatinatangkilik sa lahat.

Ang Onmyoji Arena ay ang pinakabagong laro ng NetEase sa kanilang franchise na Onmyoji series. Ito ay isang free-to-play (F2P) third-person na kilala sa kanilang kahanga-hangang visual, kakaibang istilo ng heroes, at nakakapanabik na aksyon. Umiikot ang istorya ng laro sa mayamang kasaysayan ng mga karakter na hango mula sa sinundan nitong laro at kabuuang prangkisa ng Onmyoji. Inilabas ang Onmyoji Arena noong Hulyo 2018 na may average rate na 4.4 stars sa Google Play, at mas mataas na rating sa App Store na may average score na 4.7 stars. Mayroon itong humigit kulang 10 milyong downloads sa pagitan ng dalawang platform na nagpapatunay kung gaano naging matagumpay ang laro. Siguraduhing basahin hanggang dulo upang malaman din ang kabuuang verdict tungkol sa laro! 

Onmyoji Arena - Laro Reviews

Onmyoji Arena – Laro Reviews

Features ng Onmyoji Arena

Japanese Aesthetics – Para sa mga mahilig sa anime at Japanese folklore, tiyak na swak sa inyo ang larong ito. Muling naisabuhay ang Kyoto noong panahon ng Heian era. Mayroon ding malawak na pagpipilian ng Shikigami na base sa Japanese mythology na may kanya-kanyang kahinaan at kalakasan. Hindi lang ito, marahil isa sa dahilan kung bakit naging malakas ang hatak ng laro sa kanilang targeted niche ay dahil sa mayaman nitong voice acting mula sa mga batikang seiyuus o Japanese voice actor. 

Free-to-play – Kagaya ng tipikal na mga MOBA na laro, hindi kailangan maglabas ng aktwal na pera bago makapagsimula sa paglalaro. Ang focus kung paano kumikita ang game developers ay mula sa skins o mabilisang pagkuha ng mga in-game elements kumpara sa libreng pamamaraan. Ngunit sa kabila nito, lahat ng elemento at gameplay feature ay available para sa mga F2P players. 

Royal Battle – Makipagtunggali sa 3v3v3 na labanan! Iba’t-iba ang lokasyon kung saan maaaring sumulpot ang tatlong grupo. Nangyayari ang aktwal na pakikibaka sa gitnang bahagi ng arena. Kung sinong grupo ang unang makahuli ng 30 shikigami ang siyang tatanghaling panalo. 

Saan Pwedeng I-download ang Onmyoji Arena? 

Gamit ang iyong smartphone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman para sa iOS users. Ilagay sa search bar ang Onmyoji Arena. Para sa swabeng karanasan habang naglalaro, mainam kung ang gagamiting Android device ay mayroong 3GB o higit pa na RAM, Snapdragon 430 CPU, at Adreno 505 GPU. Dahil walang bayad ang laro, diretso mo na itong maida-download. Pagkatapos i-download, kumpletuhin ang sign-in details para magsimula sa laro. Tapusing basahin ang artikulong ito mula sa Laro Reviews para malaman ang tips, tricks, pros, at cons ng laro. 

Onmyoji Arena - Laro Reviews

Onmyoji Arena – Laro Reviews

Narito ang mga link kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Onmyoji Arena on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.netease.g78na.gb

Download Onmyoji Arena on iOS https://apps.apple.com/us/app/onmyoji-arena/id1343073274

Download Onmyoji Arena on PC https://www.bluestacks.com/apps/strategy/onmyoji-arena-on-pc.html

Kung sa PC mo napiling maglaro ng Onmyoji Arena, dapat mo munang i-download ang Bluestacks emulator mula sa kanilang https://www.bluestacks.com/. Sa Bluestacks ay ginanagaya ng PC ang interface ng isang Android mobile phone. Matapos ma-download, kumpletuhin ang access na kailangan. Mag-sign in gamit ang iyong account sa Google Play. 

Tips at Tricks sa Paglalaro

Hindi lahat ng shikigami ay akmang gamitin para sa jungle. Kagaya ng pag-jungle sa ibang MOBA, ilan sa mga kailangang ikonsidera ay ang tagal ng buff, ganking, at spawn timers. Ngunit tandaan lamang na sa tuwing plano itong gawin, kailangan mong tawagin ang kalaro na pinakamalapit sa iyo upang tumulong sa iyo sa isang hard-to-beat pack. Halimbawa, kung plano mong patayin si Kirin, bumuo ng estratehiya kasama ng iyong kakampi upang atakihin ito. Subalit sa oras na pumatak ng 500 pababa ang HP nito, paiwasin mo na sila upang makuha ang lahat ng experience at pabuyang posibleng matanggap. Gumawa ng organisadong pagpapalano upang magtulung-tulungan at matukoy kung kailan maghahati-hati sa rewards. 

Related Posts:

TNT: Artilleryman Review

Kings Legion Review

Sa bawat labanan, maaari lamang pumili ng dalawa mula sa 10 spells. Kung ikaw ay jungler main, magandang gamitin ang Subdue at Flash. Ang Subdue ay nagdudulot ng malakas na pinsala sa mga monster, samantalang ang Flash naman ay magagamit upang makapag-teleport ng maikling distansya. Mainam ding gamitin ang Cleanse para sa mga kaaway na may epektibong crowd control. 

Pros at Cons ng Onmyoji Arena

Kagaya ng ibang larong may genre ng MOBA sa mga mobile platforms, hindi madamot at siksik sa rewards ang ibinibigay para sa mga bagong manlalaro. Isa na rito ang pagkakaroon ng libreng Shikigamis. Dagdag pa rito, kapag naglaro rin sa tutorial mode ay makakatanggap ng coins na iyong maaaring magamit na pambili sa mga panimulang Shikigamis. Gayunpaman, ang panimulang impresyon ko sa Onmyoji Arena ay hindi naging maganda dahil sa makalat nitong user interface. Pero totoo nga bang first impression lasts? 

Onmyoji Arena - Laro Reviews

Onmyoji Arena – Laro Reviews

Nang simulan ko ang paglalaro sa PvP, rito ko na nakita ang nakatagong ganda ng Onmyoji Arena. Ang kawalan ng power creep marahil ang isa sa nagtatangi sa larong ito kumpara sa mga kakumpetensyang laro gaya ng Mobile Legends. Karamihan ng Shikigamis ay balanse at akmang gamitin anuman ang level. Bilang madalas na naglalaro na jungler sa MOBA, kahanga-hanga ang lawak at lalim na ibinigay ng larong ito para dito. Bawat buff monster ay nagbibigay ng iba’t ibang epekto depende sa elementong taglay sa kung sinuman ang pumatay. Ilan sa mga ito ay pinapalakas ang iyong attack o kaya naman ay dinadagdagan ang kakayahan mo para mag-heal. Sa kabilang banda, ang epic monsters naman ay masasabing malakas ang naidudulot na buff para sa lahat ng miyembro sa grupo. Hindi lang ito, may mga alipores din itong kasama na sumisira sa turret ng kalaban. Bawat Shikigami ay nilangkpan ng dalawang general spell at apat na abilidad na masasabing pantay-pantay lamang ang lakas. Ang susi na lang dito ay ang matalinong diskarte kung ano ang tamang item set at spell na kakailanganin sa labanan.

Kung pamilyar ka kung paano laruin ang kalakihan ng MOBA games, marahil ay may ideya ka na sa gameplay ng Onmyoji Arena. Ngunit para sa mga ‘di pa pamilyar at first time maglaro ng ganitong uri ng laro, ang pinakabuod nito ay mayroong tatlong late na may tatlong turret kada isa. Ang layunin ay masira ang pangunahing gusali ng iyong kalaban na tinatawag na inhibitors. Sa usaping visuals at graphics, refreshing ang 3D layout na ginamit na nagbigay dagdag karanasan para sa mga manlalaro. 

Naging epektibo rin upang maparami ang bilang ng mga manlalaro nang nakipag-collaborate ang NetEase sa mga kasalukuyang popular na anime. Na-feature din ang Onmyoji Arena sa isang sikat na Chinese drama, Falling Into Your Smile, na naghatak upang i-download ito. Ngunit ang nakadidismayang parte lang ay hindi available ang collab shikigami sa global version. Masasabing mas pinapaboran ang Chinese version dahil sa kanila lamang pwedeng malaro ang mga karakter kagaya ng sa Kimetsu no Yaiba at Shaman King. Nakakaranas din nang madalas na pag-lag ang mga manlalaro na nakakasira sa momentum para magapi ang kalaban. 

Konklusyon

Sa kabuuan, masasabing nakakaengganyo laruin ang Onmyoji Arena dahil sa iba’t iba nitong shikigami na maaaring pagpalit-palitin ang papel na ginagampanan depende sa komposisyon na nais buuin. Ang maayos nitong pagbabalanse sa pagitan ng mga karakter ang isa sa mga dahilan kung paano naiiwasan ng laro ang power creep. Isa ito sa rason kung bakit masasabing angat ito kumpara sa ibang mga larong nagiging walang silbi na ang ibang playable characters. Bukod pa rito, kahanga-hanga rin ang musika at art na ginamit. Tunay ngang hindi nagtipid ang game developers para pagandahin ang parteng ito ng laro. Kaya nga lang, nakakadismaya na hindi pantay ang trato sa pagitan ng mga Chinese at global users ng laro dahil maaari lamang laruin ang collab shikigami sa Chinese version. Madalas din ang pag-lag na nakakaapekto sa momentum tuwing nakikipaglaban. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...