Ottoman Wars Review

Ang Ottoman Wars ay isang imperyong binuo ng isang tribong mula sa Anatolia. Sinasabing ang imperyong ito ang isa sa pinakamalaki, pinakamalakas at may pinakamatagal na dinastiya na nabuo sa kasaysayan ng mundo. Kung papansinin, isa ang panahon ng Ottoman sa mahahalagang nangyari sa kasaysayan kaya naman isang magandang bagay na mayroon kang makikitang laro kung saan tampok ang panahong ito upang ituro ang kung anong mayroon dito. 

Ang Ottoman Wars ay isang uri ng turned based strategy game na nilikha ng LimonGames. Katulad lang nito ang mga nag-e-exist na strategic game kung saan kailangan mo lamang magtayo ng sarili mong empire at sanayin ang iyong hukbo upang maging handa sa pakikipaglaban sa kahit na sinong manlalarong narito sa loob ng laro. Mayroon din ditong nagaganap na alyansa kung saan pwede kang makipagtulungan sa iba o humingi ng tulong upang mas lalo pang lumago ang iyong empire. Kaya, tara na! Muling balikan ang panahon ng Ottoman sa pamamagitan ng larong ito!

Ottoman Wars - Laro Reviews

Ottoman Wars – Laro Reviews

Features ng Ottoman Wars

Bago ka tuluyang makapasok sa laro ay mayroon ka munang pagpipiiliang server. May kalayaan kang piliin kung Orhan Gazi, I. Murat o Osman Gazi ang nais mong pasukin. Hindi mo kailangang ma-pressure pagdating dito dahil hindi naman nito mababawasan ang sayang maaari mong maramdaman sa oras na simulan mong laruin ang Ottoman Wars.

Bubungad muna sa’yo sa simula ang tutorial kung saan tuturuan ka pagdating sa mga basic ng laro gaya ng pagtatayo ng iba’t ibang klaseng gusali kung saan nangyayari ang produksyon pagdating sa resources at pagsasanay para sa iyong hukbo na siyang maaari mo namang i-upgrade kung pipiliin mong magtagal sa laro.

Kung papansinin ang kabuuang itsura ng Ottoman Wars sa oras na pasukin ito, mapapansin mo agad ang organisadong pagkakalagay ng mga feature nito sa bawat gilid ng screen. May mga kanya-kanyang description ito tungkol sa mga papel na kanilang ginagampanan sa laro at masasabi mong isa sa mga dahilan upang hindi ka malito sa paggamit ng mga ito. 

Mayroon itong tinatawag na resources button kung saan kumpleto mong makikita ang iba’t ibang klase ng mga gusaling maaari mong itayo sa iyong imperyo gaya ng para sa Army (barracks, military camp, training camp, at leader tent), Production (house, mill, food storage, gold mine at gold storage), Defense (wall, battle tower, archer towers, stationary cannon, catapult tower, humbara, powder keg, wooden spikes at hidden fit), at Decoration (well, fountain, at masjid o mosque). Makikita sa tabi ng mga ito kung magkano ang iyong magagastos sa pagpapatayo nito maging kung gaano katagal ito maitatayo.

May button na tinatawag nilang Military Camp kung saan nagaganap dito ang pagsusweldo sa mga miyembro ng iyong hukbo. Mayroon din ditong Inventory, Operate Workers, General Announcements at Edit buttons na malaya kang baguhin ang pwesto ng bawat gusali o ilipat ang ilan sa mga ito sa iyong Inventory Shop kung saan makakabili ka ng iba’t ibang resources na magagamit mo sa laro.

Siyempre, dahil isa sa larong ito ang pakikipaglaban sa kapwa mo manlalaro, hindi mawawala ang ilang features na inilagay dito gaya ng button kung saan makikita mo ang iba’t ibang klaseng imperyo. Maaari mo ring silipin ang bawat isa sa mga ito upang malaman mo kung sino ang maaari mong kalabanin. Mayroon ding button pagdating sa mga clan na maaari mong salihan. Mayroon din ditong record ng bawat laban mo kung saan makikita mo kung gaano karami ang iyong naipanalo o natalong laban. Maging ang Ranking System para sa mga indibidwal na manlalaro at para sa iba’t ibang clan.

Ottoman Wars - Laro Reviews

Ottoman Wars – Laro Reviews

Upang makadagdag pa lalo sa aliw na mayroon ang laro, mayroon ding iba’t ibang klase ng task ang maaaring gawin ng bawat maglalaro nito gaya ng paglu-loot ng ginto, pagkain, pagkapanalo sa bawat laban, manira ng headquarters at iba pa. Sa oras na malagpasan mo ang mga ito ay maaari kang makatanggap ng reward gaya ng gold at iba pang klase ng resources.

Saan Maaaring I-download ang app?

Ang larong ito ay nangangailangan lamang ng 64MB sa Google Play para mai-install habang 134.1MB naman pagdating sa App Store. Kung nais mo itong laruin, i-click lamang ang link na nasa ibaba.

Download Ottoman Wars on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.LimonGame.OsmanliSavaslari

Download Ottoman Wars on iOS https://apps.apple.com/us/app/ottoman-wars/id1181041303

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Ottoman Wars

Pagdating sa paglalaro nito, isang mainam na i-prayoridad muna ang pagtatayo ng iba’t ibang klaseng gusali kung saan maaari mong paramihin ang mga pinagkukunan mo ng resources. Maaari kang mag-focus muna bilang isang manlalaro sa ganito lalo na kung kakapasok mo pa lamang sa larong ito. Huwag ding kalimutan ang mga gusali kung saan maaaring magsanay ang iyong hukbo. Sa madaling salita, huwag munang isipin ang pakikipaglaban sa iba pang imperyo rito. Kung mangyari man ito, huwag aalisin sa iyong sarili na pag-aralan muna ang iyong mga magiging kalaban mula sa kung gaano kalaki ang teritoryo nito, anu-ano ang laman ng mga ito, gaano kalakas ang mga ito, maging kung saang pwesto mainam umatake. Makikita mo naman iyon kung sakaling silipin mo ang imperyong mayroon ang mga ito. 

Related Posts:

Random Hero Review

Random Card Defense Review

Pros at Cons ng Ottoman Wars

Para sa Laro Reviews, sapat at wala namang maipipintas pagdating sa graphics ng laro. Kung oobserbahan, hindi ito ang best na inaasahan mo ngunit may sapat itong ganda na nagiging dahilan upang magkaroon ito ng bagong bihis. Mapapansin mo iyon sa kung paano nila nagagawang gawing mas detalyado pa ang bawat feature ng laro kahit pa maliliit lamang ang hugis ng mga ito. Maganda rin ang nilapat na mga tunog na siyang nakakadagdag sa pagkaaliw mo rito. Tugma naman itong nilagay sa bawat parte ng laro gaya ng malumanay nitong tunog pagdating sa mismong loob ng iyong imperyo at intense naman sa bawat labanan.

Ottoman Wars - Laro Reviews

Ottoman Wars – Laro Reviews

Maganda ang ginawang estratehiya ng laro pagdating sa parte kung saan ginamit nila ang history upang mabuo ang strategy game na ito. Mula sa imperyo, sa mga tauhan, sa bawat digmaan at marami pang iba. Ngunit may pagkakataong habang nilalaro mo ito, mapagtatanto mong marahil ay magiging mas kaakit-akit pa ang larong ito kung mayroong pahapyaw na history na nilagay sana sa simula ng laro o kahit kwentong maaaring tumutugma sa history ng Ottoman empire. Iyon ay upang kahit papaano ay nagiging daan din ang larong ito na malaman ang kung anong naganap patungkol sa mahalagang event na ito sa history. 

Konklusyon

Tunay na nakakalibang ang larong ito at hindi maitatanggi na isa ito sa maaaring kaaliwan mo sa oras na simulan mo itong laruin. May mga bagay sa loob nito na siyang masasabi mong dito mo lamang sa larong ito makikita o mararanasan. Sabihin na nating isa rin ang Ottoman Wars sa mga larong nangahas na gamitin ang history para lamang makabuo ng isang nakakaadik na larong talagang masasabi ng Laro Reviews na isa sa kalamangan nito kumpara sa ibang strategy game na posible mong malaro ngayon. Gayunpaman, sa kabila ng mga ito, hindi rin maaaring mawala ang ilang mga di kanais-nais na katangian ng laro na dapat agapan ng developer nito kung nais pa nilang mas makilala ito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...