Painter Master Review

Naghahanap ka ba ng isang basic at hindi komplikadong laro? Sa wakas, natapos na rin ang mahabang paghihintay! Narito ang larong Painter Master, kung saan maaari kang maglaro nang walang kahit anong mekaniks. Ang kailangan mo lang gawin ay pintahan ang mga bahay ng mga makukulay na cube. Isa itong uri ng puzzle game na makakatulong na i-relax ang iyong isip at emosyon habang naglalaro ka. Mag-swipe lang ng mga cube mula sa bawat bahagi ng bahay para umusad sa laro. Ayon sa ibang manlalaro ay makaka-claim ka ng gems sa oras na maabot mo ang partikular na level o bilang ng puntos sa laro pero tila inalis na ng mga developer ng laro ang feature na ito. Tuklasin ang larong Painter Master at iyong malalaman ang iba pa nitong features na handog para sa mga manlalaro

Ano ang layunin ng laro?

Gaya ng naunang sinabi, ang laro ay napakadali lamang makabisado at matutunan. Wala rin itong mga misyon o hamon para sa mga manlalaro. Ang Laro Reviews ay nasimplehan sa larong ito dahil wala man lang layunin o gameplay na dapat mong malaman. I-drag lang ang mga cube pasulong, pababa, at patagilid para punan ang mga bahagi na kailangang ipinta para ma-clear ang level at umusad sa laro. Wala nang masasabi pa dahil sa sobrang basic at dali nito. Subukan mo itong laruin at iyong diskubrehin ang nilalaman ng laro.

Painter Master - Laro Reviews

Painter Master – Laro Reviews

Paano ito laruin?

Ang laro ay hindi nangangailangan ng mga high-end smartphone device. Kailangan mo lang matugunan ang installation requirements sa device at maaari mo na itong simulan kaagad. Kapag binuksan mo ang app na ito ay direktang dadalhin ka sa pangunahing tampok nito. Mula doon, magsisimula ka nang magpinta para mag-level up.

Ang tanging bagay na gagawin mo rito ay mag-swipe pataas, pababa, pakaliwa, at pakanan. Bilang resulta, makakagamit ka ng makukulay na cube para punan ang mga bahaging kailangan mong ipinta. Ito ay may tatlong gilid ng bahay na dapat mong pahiran ng pintura. Sa bawat oras na makumpleto mo ang isang level, mabilis kang magle-level up. Ang bilang kung ilang level ang mayroon sa laro ay hindi nabanggit.

Ayon sa ilang komento ng mga manlalaro, kabilang sa feature ng larong ito ay maaari kang manalo ng gems kapag umabot ka sa isang partikular na bilang ng mga puntos sa pamamagitan ng paglalaro nito, ngunit tila inalis na ng laro ang feature na ito. Ang tanging bagay na lamang na maaari mong gawin dito ay i-swipe ang mga cube upang punan ang mga puwang na kailangan mong kulayan o pintahan. Gayunpaman, ito ay lubos na nakakalibang at magandang pampalipas-oras.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang Painter Master sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit at ang makukuhang space ng app para sa Android ay 58 MB. Ito ay wala pang bersyon para sa mga iOS user.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Painter Master on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.painter.master.phoen

Download Painter Master on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.painter.master.phoen-on-pc.html

Painter Master - Laro Reviews

Painter Master – Laro Reviews

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Painter Master 

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Painter Master. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Painter Master!

Related Posts:

Queen’s Diary – DressUp&MakeUp

Makeup Master: Beauty Salon Review

Tips at Tricks sa paglalaro ng Painter Master

Ang Laro Reviews ay hindi na nangangailangan pang magbigay ng tips kung paano laruin ito dahil ito ay napakasimple lamang at walang gameplay na dapat mong tandaan at tuklasin. Walang mekaniks at hindi na kailangan ng tutorial para matuto. Kailangan mo lang magsumikap kung gusto mong mag-level up. Ang pag-swipe sa iyong screen nang pataas, pababa, pakaliwa, at pakanan ay ang pangunahin kontrol sa laro.

Sinasabi na ang larong ito ay nangangakong ang mga manlalaro ay maaaring mag-claim ng gems sa pamamagitan ng paglalaro nito at sa oras na maabot mo ang puntos na kinakailangan ay maaari mo itong ma-link o ilipat sa ibang larong nangangailangan ng gems. Ngunit tila tinanggal na ang feature na ito at ngayon ay ganito na lamang at wala nang challenge sa paglalaro. Hindi na nangangailangan ng anumang mga madiskarteng ideya upang laruin. Ito ay magiging mabisang panglibang lamang para sa mga manlalaro.

Painter Master - Laro Reviews

Painter Master – Laro Reviews

Pros at Cons ng Painter Master

Pagdating sa mekaniks ng laro, ito ay napakasimpleng unawain at laruin. Hindi na nangangailangan ng tutorial para makabisado ang mga pangunahing mekaniks o rules ng laro. Kapag binuksan mo ang app ay agad ka nitong ididirekta sa pangunahing tampok nito. Kailangan mo lang mag-swipe pataas, pababa, pakaliwa, at pakanan sa iyong screen. Ang mga level ay madadali lamang at walang kahirap-hirap tapusin. Maganda rin ang laro bilang pampalipas-oras. Ito ay may mga makukulay na cube na maaaring gamitin sa pagpinta ng tatlong bahagi ng bahay. Sa bawat level ay magagawa mong magpinta ng iba’t ibang uri o layout ng mga bahay. Hindi rin kailangan para sa mga manlalarong magkaroon ng mga high-end smartphone device para ma-enjoy ito. Kailangan mo lamang alamin kung ito ba ay compatible sa iyong device para gumana nang maayos. Angkop din ito para sa lahat ng edad para laruin.

Ang laro ay hindi nakatanggap ng positibong feedback mula sa mga gumagamit nito. Dati, sabi ng ilang manlalaro ay maaari kang makakuha ng gems bilang reward. Dapat mong makamit ang partikular na dami ng puntos para ma-claim ito, gayunpaman, lumalabas na inalis na ng mga developer ang aspetong ito ng laro. Sinasabi nilang habang papalapit ka sa layuning kolektahin ang iyong premyo, lalong nagiging mahirap ang mga level ng laro. Walang hamon sa mekaniks ng laro at tiyak na ikaw ay maiinip at tatamarin sa paglalaro habang umuusad ka. Kapag na-uninstall mo ang laro mula sa iyong device, hindi mo rin maise-save ang progress o data ng laro. Kapag muling na-install mo ito, kailangan mong magsimula sa umpisa. Maliban doon, wala nang ibang matutuklasan dito.

Konklusyon

Hindi mahirap laruin at hindi masyadong nakaka-engganyo. Ang kailangan mo lang gawin dito ay patuloy na mag-swipe at punan ang mga bahagi ng bahay ng mga makukulay na cube. Hindi ito naghahatid ng maganda o nakalilibang na features na maaaring pumukaw sa interes ng mga manlalaro. Habang tumatagal ka sa paglalaro, ito ay nagiging paulit-ulit at nakakainis nang laruin.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...