
Ang lohika ay may malawak na saklaw sa akademya at lipunan at ito ay esensyal sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao. Hindi ibig sabihin na magaling ka sa matematika ay lubusang magaling ka na sa pag-unawa sa esensya ng lohika. Ang simpleng pag-unawa ng mga bagay-bagay at paglikha ng mga argumento ay nagpapakita ng kahusayan ng isang tao na lubusang nauunawaan at isinasabuhay ang kaalaman sa lohika. Sa kabilang banda, ang puzzle game na ating tatalakayin sa artikulong ito ay nangangailangan ng pinaghalong talino at pagiging wais upang mapagtagumpayan ang bawat level. Antabayanan sa artikulong ito na hatid ng Laro Reviews ang mga pamamaraan upang manalo hindi lamang sa Pink Game!
Ang Pink Game at si Bart Bonte
Ang Pink Game ay isa sa mga color game series na ginawa ni Bart Bonte na angkop para sa lahat ng mga mahilig sa puzzle games. Si Bart ay isang Belgian game developer na kilala bilang tagapagtaguyod ng mga puzzle games na may abstract na tema. Isa sa mga kilalang laro na kanyang nagawa ay ang Sugar noong 2012 at ang color series kung saan kabilang ang Pink Game. Sikat si Bart dahil sa pagiging malikhain nito sa bawat larong kanyang ginawa at mga tema ng kanyang mga puzzle games. Mayroong limampung nakakalitong mga puzzle games ang Pink Game na sa unang tingin ay parang simpleng puzzle lamang ngunit ito ay lubhang nakakalito.
Ang bawat puzzle ay may kanya-kanyang logic na hindi agad maiintindihan sa isang laruan lamang. Ang konsepto ng larong ito ay hango sa iba’t-ibang obra maestra na abstract at dinagdagan ng mga mukhang simple ngunit nakakalitong mga brain teaser puzzles. Accessible ang laro sa kahit anumang device, mapa Android, IOS at kahit laptops at Personal Computers. Libre din itong mai-download at walang in app purchase kaya swak na pamatay-oras sa kahit sino. Wala rin itong masyadong ads na gagambala sa iyong paglalaro lalo na kung giliw na giliw at tutok na tutok ka sa pag-solve ng mga palaisipan.
Ang Big Win Club at Color Game
Walang masama kung maghahangad ka ng isang laro na maaari mong pagkakitaan, mapa-passive income man o hindi, basta pwedeng maging paraan upang kumita ng extrang pera. Ganunpaman, patok sa mga Pinoy ang mga larong pamperya at tipikal na mga sugal, trademark natin ang perya at nakatatak ito sa kultura ng bawat Pilipino. Ito’y isang paraan upang kumita ng easy money o malugmok sa utang. Noong kabataan ko, sa aming barangay ay may taunang pista at bida ang mga perya at lahat ng klase-klaseng sugalan ay bubulaga sa iyo. Naroong may bingo, mahjong, tong-its, bilyar, at ang natatanging laro na kaya lang ng aking bulsa ay ang betu o Color Game. May kumpol ng tatlong makukulay na blocks na nakahilera sa isang kwadrado o rectangle na kahon, may pipihiting pise at ang mga blocks ay mahuhulog sa lapag. Tataya ka sa mga kulay at dedepende ang iyong panalo kung ilang beses lumabas ang kulay na nilagyan mo ng taya. Ang tsansa ng pagkapanalo mo at malaking balik sa iyong puhunan ay nakadepende sa iyo, kung magaling kang manghula at alam mo ang lohika sa likod ng larong ito ay pwede mong mautakan ang mga bantay ng betu sa perya.
Sa kabilang banda, dahil minsan na lamang ang mga perya at dahil limitado ang galaw ng mga tao dahil sa pandemya ay may mga online na laro na may parehong sistema ng Color Game. Nariyan ang Big Win Club para tumugon sa pagnanais ng mga Pilipino na maglaro ng Betu! Accessible ito sa kahit anong device, sa Android, iOS at kahit sa iyong PC o laptops. Madaling laruin at convenient dahil hindi na kailangan lumabas ng bahay dahil isang tap mo lang ay pwede ka ng makipagsapalaran at sumugal. Walang malaking garantiya na malaki ang iyong mauuwing panalo sa larong ito dahil ika-nga kung hindi mo araw ay wala kang mahihita ni piso. Pero sinasabi ko sa iyo, daig ng swerte ang mga taong mautak at marunong gumawa ng kanilang swerte.
Paano Manalo sa Pink Game at Color Game
Malaking salik ang kaalaman sa lohika upang maging lamang sa ibang manlalaro. Sa katunayan, focus at pasensya ang puhunan para maging mahusay. Sa Pink Game ay kinakailangan ang matalas na pag-iisip sapagkat hindi uubra ang suwerte. Siguro may pagkakataon na dahil sa random touches ay masasagutan mo ang mga puzzle ngunit bihira lamang ito. Narito ang ilan sa mga maari mong gawin kung sakali. Una, dapat ay alamin mo kung anong klase ng palaisipan ang nasa iyong harapan, maaring kailangan mong pindutin ang flamingo sa screen upang makalakad ito o di kaya ay itapat ang solid-colored na numero sa puting numero na katumbas nito ngunit may nakaharang na mga blocks. Alamin ang iyong sitwasyon at isipin ang mga posibleng sagot. Pangalawa, subukan ang iyong swerte sa pamamagitan ng random touches, i-swipe pataas, pababa o pabilog ang screen hanggang may mangyaring kakaiba sa iyong sinasagutan. Alalahaning mabuti kung papaano gumalaw ang mga elemento at baka ito na ang sagot. Pangatlo, gamitin ang mga hints, mabisa itong paraan upang mas madali mong maunawaan ang konteksto ng puzzle at posibleng sagot nito. Madali lamang ang mga ito ngunit nakadepende pa rin sa antas ng pag-unawa mo upang masagutan ang mga puzzles.
Sa kabilang dako, ang Color Game ay parang naghahamon ng kapalaran. Maaaring dumepende ka lamang sa swerte ngunit ito ay medyo idealistic, kailangan ng rationale at logical approach ng sa ganun ay mas mataas ang tsansa na kalkulado mo ang iyong pagkapanalo. Ilan sa mga naipamanang tricks ng aking tatay sa Bentu ay kailangan budgeted lamang ang iyong taya, hindi ka dapat sumobra sa nakatakdang pera para sa paglalaro. Huwag munang maglagay ng taya bagkus obserbahan muna ang pagkakasunod-sunod at pagkakahilera ng mga blocks. Magtakda ng base amount para sa paunang taya, halimbawa limang piso. Huwag papasobra sa nakatakdang budget o uuwi kang talo. Tumaya sa dalawang kulay ngunit makalipas ang isa o dalawang hatak ay ituon ang iyong atensyon sa kulay na madalas lumalabas halimbawa ay pink. Hindi malayong hindi lalabas ang pink kaya mula limang piso ay dagdagan ng lima o sampu bawat hatak. Kung sakaling lumabas ang pink ay makukuha mo ang mga pauna mong taya, may tubong lima hanggang sampung piso o higit pa kung sakali. Ang punto ng mga larong ito ay naaayon ang pagkapanalo sa kalkulado at planadong galaw.
Konklusyon
Sa kabuuan, ang Pink Game ay nakakuha ng mataas na rating mula sa mga manlalaro at tinatangkilik ang mga naunang color game series nito. Kung nais mo namang kumita at makipagsapalaran ay available ang Color Game ng Big Win Club para sa iyo. Itinatampok dito ang mga larong Pinoy na makakaasa kang may mga lehitimong ahente na aasikaso sa iyo. Likas sa atin ang umasa sa swerte at gulong ng kapalaran, minsan nasa taas, minsan nasa baba; minsan swerte at may mga araw ding minamalas. Pero kahit ganun, ang magandang gawin ay mag-isip at magplano ng naaayon sa sitwasyong kinalalagyan. Maglaro at maglibang at ilapat ang iyong mga natutunan sa artikulong ito!
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- August 12, 2022