Pixel Worlds: MMO Sandbox Review

Kung naghahanap ka ng larong puno ng paglalakbay at pakikipaglaban sa iba’t ibang mundo, tiyak akong magugustuhan mo ang isang ito. Ito ay nilikha ng Kukouri Mobile Entertainment, ang Pixel Worlds: MMO Sandbox. Ang gumawa ng larong ito ay nakatanggap ng parangal bilang isang award-winning social MMO sandbox game. Ito ay opisyal na inilabas noong taong 2016 at patuloy na tinatangkilik ng mga manlalaro hanggang ngayon.

Ang Pixel Worlds: MMO Sandbox ay isang adventure, casual at stylised game na may massively-multiplayer role-playing game o MMO. Ang larong ito ay tungkol sa paglalakbay at pakikipaglaban na naka-set sa loob ng isang pixel world. Sa loob ng mundong ito, maraming ibang mga manlalaro kang makikita, makakasalamuha at makakasabay na maglaro.

Ang larong ito ay hindi katulad ng ibang mga adventure game na tungkol lang sa pakikipaglakbay dahil maaari kang bumuo ng sarili mong mundo dito. Pwede ka ring magbenta at bumili ng mga ginawa ng kapwa mo manlalaro. Maraming feature ang larong ito na tiyak akong magugustuhan mo.

Ipakita ang iyong galing sa paglalaro at ihanda ang iyong sarili sa iba’t ibang hamon. Handa ka na bang maglakbay at makipaglaban? Kung handa ka na, ibigay ang lahat ng iyong makakaya at ipanalo ang bawat laban. Nasa istilo ng paglalaro mo nakasalalay ang iyong tagumpay.

Features ng Pixel Worlds: MMO Sandbox

Build – Sa larong ito ikaw ay maaaring bumuo ng sarili mong pixel art, parkour, adventure, farm at story world kasama ang iyong kaibigan o manlalaro ng Pixel Worlds: MMO Sandbox. Gumawa ng iyong sariling mundo depende sa iyong nais. 

Customize – Maaari mong i-customize ang iyong karakter depende sa iyong kagustuhan. Bumili ng mga item o kumuha mula sa kalaban ng mga damit, sumbrero, armas, sapatos, pantalon, gloves, shield, wings, masks at iba pang pwedeng gagamitin ng iyong hero.

Trade – Sa larong ito, maaari kang magbenta o bumili ng mga produkto sa iba mula sa mga mundong binuo ng kapwa mo manlalaro. Maaari ka ring magtayo ng isang mundo at doon magbenta ng mga kagamitan upang kumita ng pera. Pwede mo ring ibenta sa iba ang mundong iyong binuo at iba pang item na pinahihintulutang ipagbili.

Para malaman pa ang ibang features ng larong ito, subukang laruin ang Pixel Worlds: MMO Sandbox at i-download ito sa iyong devices.

Saan pwedeng i-download ang Pixel Worlds: MMO Sandbox?

Kung nais mong makuha ang larong ito, narito ang mga link ng laro. I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

Download Pixel Worlds: MMO Sandbox on Android here
Download Pixel Worlds: MMO Sandbox on iOS here
Download Pixel Worlds: MMO Sandbox on PC here

Para mai-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection para makuha ito. Pagkatapos, i-click lamang ang link, pindutin ang Install at hintaying umabot sa 100% ang pagda-download. Kapag tapos na, maaari mo na itong buksan at laruin.

Tips at Tricks kung nais Laruin ang Pixel Worlds: MMO Sandbox

Para sa mga bago at nagnanais na laruin ang Pixel Worlds: MMO Sandbox, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na tiyak akong makakatulong sa iyong paglalaro.

Kung ikaw ay bagong manlalaro, mayroong gagabay sa iyo kung ano ang mga dapat mong gawin. Sundin lamang ang itinuturo at basahin ang sinasabi sa direksyon. Ito ay para mas mabilis mong maunawaan ang daloy ng laro at maging pamilyar ka rito. Kapag nalagpasan mo na ang tutorial stage, magiging madali na sa iyo kung paano ito laruin.

Simple at madali lang matutunan ang Pixel Worlds: MMO Sandbox. Sa simula ng laro, ikaw ay malayang pumili kung anong klaseng karakter ang iyong gagamitin. Maaari kang pumili mula sa kasarian, skin tone at maging sa bansang nais mong katawanin. Pagkatapos nito ay ang tutorial stage. Kapag natutunan mo na ang mga pangunahing detalye tungkol sa laro, malaya mo ng diskubrehin ang iba’t ibang game mode ng laro. Ang inirerekomenda sa mga unang manlalaro ay laruin muna ang World Of The Week o WOTW ng laro. Marami kang makakasalamuhang ibang manlalaro sa mga mundong papasukin mo dahil iisa lang ang game map ng mga player. Subalit, mas nakakapanabik ito dahil makikita mo na marami kang kasabay na mga gamer.

Sa paglalaro nito, kailangan mo ring gumamit ng estratehiya at pamamaraan para manalo. Gamitin ang iyong talento sa paglalakbay upang mabilis mong mapuntahan ang mga mundo at makapaglaro nito.

Ilan lamang ito sa mga tip at tricks na makakatulong sa iyo sa paglalaro. Ang pagkapanalo mo sa mga laban ay nakadepende pa rin sa iyong sariling istilo at estratehiya sa pakikipaglaban.

Pros at Cons ng Pixel Worlds: MMO Sandbox

Para sa Laro Reviews, ang Pixel Worlds: MMO Sandbox ay nakalalamang sa ibang RPGs dahil mayroon itong mahusay at malinaw na disenyo ng graphics. Maganda rin ang visual at sound effects na inilapat sa laro upang mas lalo mong maramdaman ang adventure mode. Nakahihikayat rin sa mga manlalaro ang kakaiba nitong konsepto na pixel.

Nakalalamang rin ito pagdating sa konseptong pixel art na ginamit sa laro at ang isang game map para sa lahat ng users. Lahat ng manlalaro ay maaaring makasalamuha ang iba pang players kaya mas nakakapanabik ang bawat tagpo. Mas masayang maglaro kapag nakikita mong marami kayo rito katulad na lang ng larong Pixel Worlds: MMO Sandbox.

Bukod pa rito, ang Kukouri Mobile Entertainment, ang developer ng larong ito ay nakakuha ng karangalan bilang “Best Indie Game Developer” sa Global Mobile Game Awards 2019. Kaya naman tiyak na magaganda ang larong kanilang nilikha katulad ng Pixel Worlds: MMO Sandbox.

Dagdag pa rito, ang Pixel Worlds: MMO Sandbox ay mayroong iba’t ibang reviews na nakuha sa Google Play Store. Ayon sa mga komento, nagustuhan nila ang larong ito at ang lahat ng mechanics ng laro ay gumagana. Patas rin daw ang lahat ng hamon na haharapin mo sa larong ito. Pinuri rin nila ang kahusayan ng graphics na inilapat sa laro. Ngunit mayroon ding mga problemang nararanasan ang manlalaro katulad ng mga lag, bugs at pag-crash habang ito ay nilalaro. Hiling ng mga manlalaro na sana ay maayos ito ng Kukouri Mobile Entertainment.

Sa larong ito, maaari ka ring bumili ng mga in-app na produkto gamit ang tunay na pera. Ang mga item na ito ay nagkakahalaga ng ₱47 hanggang ₱2,650 kada item. Subalit pwede mo namang i-disable ang feature na ito at i-off sa iyong setting ang in-app na pagbili kung ayaw mong gumastos.

Gayunpaman, maaari mo pa ring malaro ang Pixel Worlds: MMO Sandbox kahit hindi ka gumamit ng tunay na pera. Mayroong itong mga item na makukuha mo sa pamamagitan ng paglalaro at pagkapanalo sa mga laban. 

Konklusyon

Makalipas ang anim taon mula nang ito ay inilabas, mayroon ito ngayong 3.7 stars out of 5 ratings sa Google Play Store, at umabot na sa mahigit isang milyong downloads ang larong ito. Kaya kung gusto mong masubukan ang kanilang bagong update at malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito, i-download mo na sa iyong devices ang Pixel Worlds: MMO Sandbox!

Leave a Comment

Login
Loading...
Sign Up
Loading...