Play Together Review

Sumikat ang mga online multiplayer games mula noong ipatupad ng mga pamahalaan mula sa iba’t ibang bansa ang lockdown. Ayon sa pag-aaral noong 2021 nina Matthew Barr at Alicia Copeland-Stewart, 223 (40%) sa 781 respondents ang nagkaroon ng pagkakataon na makapaglaro ilang beses sa isang araw noong post-outbreak. Ang mga online na laro na ito ay ginawa para sa mga manlalaro upang kumonekta sa ibang mga tao at mapawi ang kanilang stress. Ang Fall Guys: Ultimate Knockout ay isa sa mga naging big hit games dahil sa battle royale gameplay nito. Kailangan mong makipag kompetensya sa ibang mga manlalaro at makuha ang korona. VRChat ang isa sa aking mga paboritong laro dahil nakakapaglaro ako kasama ang aking online friends, at mistulang kaharap ang ibang mga manlalaro sa totoong buhay dahil sa virtual reality nito. Ang Play Together ay katulad ng mga nasabing laro, ngunit higit pa ang magagawa mo kaysa makipagkumpitensya at makihalubilo sa ibang mga manlalaro.

Ang Play Together ang nagsisilbing iyong virtual na palaruan. Hindi lang maaaring makihalubilo sa mga estranghero at lumikha ng mga bagong kaibigan, pwede ring makipaglaro at makipagkumpitensya sa kanila. Mula sa pag-customize ng iyong mga avatar hanggang sa pakikipag-chat sa iba’t ibang manlalaro, may pagkakapareho ang larong ito sa Roblox. Gayunpaman, may magkakaibang mga art styles ang iyong mga karakter, at nag-aalok ng iba pang mga features ang laro. Kapag nakumpleto mo ang isang beginner na gawain, makakatanggap ka ng gantimpala tulad ng isang skateboard. Wala itong direktang layunin kundi ang makipaglaro sa ibang mga manlalaro. Maaari kang maging isang kaswal na manlalaro na gusto lang maglaro o mamuhunan para ipasikat ang iyong bahay at iyong mga costume.

Play Together - Laro Reviews

Play Together – Laro Reviews

Features ng Play Together

Ang Kaia Island ay ang bayan sa laro, at ito ang unang lugar na iyong mapupuntahan. Marami kang magagawa sa plaza na ito bukod sa pakikisalamuha sa ibang mga manlalaro, tulad ng pagtatanong ng direksyon mula kay Ms. Info, paglalaro sa Game Center, pagpunta sa ibang bansa sa Travel Agency, at marami pang iba. Maaari mong piliin ang English Town kung nagsasalita ka ng English, o piliin ang Global Town at makilala ang iba pang mga manlalaro.

Mayroong iba’t ibang uri ng mga mini-game sa Play Together. Ang Game Center ay katulad ng Fall Guys: Ultimate Knockout, kung saan kailangan mong makaligtas sa mga random na laro at manalo ng cash at crowns. Maaari ka lang maglaro ng Class Mini-games sa School at makakuha ng mga premyo depende sa kung gaano kataas ang iyong grade. Ngunit mag-ingat sa pananatili hanggang gabi dahil naglipana ang mga zombie sa ganitong oras.

Ano ang silbi ng iyong mga reward na pinaghirapan o in-app purchases kung hindi mo maipagmamalaki ang iyong bahay o ang iyong avatar? Palamutihan ang mga ito sa pamamagitan ng pagbili ng mga kasangkapan. Mabibili mo ang mga ito sa Furniture Shop gamit ang iyong telepono, sa GAGU FURNITURE sa bayan, o gawin ito sa pamamagitan ng pag-edit ng iyong bahay. Pagkatapos ay anyayahan ang lahat ng iyong mga kaibigan at mag-host ng isang Home Party; makipaglaro sa kanila o lumikha ng mga bagong kaibigan sa pamamagitan ng pag-add ng iba pang mga manlalaro.

Saan pwedeng i-download ang Play Together?

Gamitin ang mga sumusunod na link: 

Download Play Together on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.haegin.playtogether

Download Play Together on iOS https://apps.apple.com/ph/app/play-together/id1402384531

Download Play Together on PC https://www.bluestacks.com/apps/casual/play-together-on-pc.html

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Play Together - Laro Reviews

Play Together – Laro Reviews

Nakakatuksong gumastos ng totoong pera para sa mga currency tulad ng cash at stars dahil sa dami ng gamit na pwede mong mabili. Hindi impossibleng makaipon kahit na isa kang free-to-play player, kaya sundin ang Laro Reviews na ito.

Nakakatamad maglakad dahil gugugol ka ng maraming oras para makarating sa iyong destinasyon. Kaya, iisipin mong bumili ng mga sasakyan tulad ng skateboard. Ngunit maaari mong makuha ito nang libre kapag nakumpleto mo ang beginner’s quest. At kapag nakakapunta ka na sa malalayong lugar gamit ang skateboard, maaari ka na ngayong tumanggap ng mga misyon tulad ng pagde-deliver ng mga pizza. Maaaring maging nakakapagod ito dahil sa paulit-ulit na mga gawain. Ngunit kung kaya mong mag-grind para sa stars at cash, ay magtungo sa pizza shop at kumpletuhin ang mga misyon. Hanapin si Papa Mino at i-click ang question mark icon sa itaas niya. I-tap ang Yes button sa sandaling hingin niya ang iyong tulong. Ihatid ang lahat ng pizza sa mga customer bago maubos ang oras.

Kung nawawala ka naman ay maaari mong i-click ang navigate icon, at gagabayan ka nito sa iyong patutunguhan. Naging kapakipakinabang ang mga diskarteng ito para sa akin sa unang pagkakataon ko sa paaralan, at hindi pa ako nahuhuli sa klase. Isang baguhang pagkakamali na ginawa ko ay ang pagtanggap ng mga imbitasyon sa Home Party habang nagdedeliver ng mga pizza. Na-distract ako, kaya pumunta ako sa party at nagkaroon ng mga bagong kaibigan ngunit nabigo ang aking misyon.

Related Posts:

Tears of Themis

SLAM DUNK from TV Animation Review

Pros at Cons ng Play Together

Play Together - Laro Reviews

Play Together – Laro Reviews

Mayroong iba’t ibang mga bagay na maaari mong gawin sa laro at marami ring mapupuntahan sa plaza. Kung naiinip ka na sa Game Center at sa tingin mo ay imposibleng manalo rito, pwede kang maglaro ng class mini-games sa paaralan. Maaari ka ring sumali o mag-host ng isang Home Party at ipakita ang iyong pagkamalikhain sa pagdidisenyo ng iyong bahay. Ang pinaka paborito kong bahagi ng laro ay ang pangingisda dahil ito ay nakakarelaks. Maaari ka ring makakuha ng mga gantimpala kapag nakakuha ka ng tamang dami ng mga koleksyon. Nakakatuwang sumakay sa Ferris Wheel at sa Hot Air Balloon. Ma-eenjoy mo ang mga magagandang view, at kung minsan ay pwede mo itong magawa kasama ang iba pang mga manlalaro – ganito ko nakilala ang karamihan sa mga kaibigan ko. Free-to-play friendly ang laro dahil makukuha mo ang mga ito sa pamamagitan ng pag kumpleto ng mga gawain at paggawa ng mga misyon. Hindi mahirap kumita ng pera dahil nagbibigay din ito sa iyo ng mga libreng reward sa pamamagitan ng panonood ng mga ad.

Dahil ito ay isang online game, makakatagpo ka ng toxic players. Wala pa akong isang oras sa paglalaro ay may nakilala na akong mga taong nangta-trashtalk sa isa’t isa. Buti na lang walang gumawa nito sa akin, pero meron pa ring mga bata sa larong ito, at hindi magandang makakaharap nila ang mga ganitong uri ng manlalaro.

Konklusyon

Ang Play Together ay isa sa pinakamagandang laro ngayong hindi pa tapos ang pandemic. Limitado pa rin ang mga social gathering at kung minsan ay ipinagbabawal sa ibang mga lugar, kaya isa ito sa mga pinakamagandang opsyon para makihalubilo at makipaglaro sa ibang tao. Maaari ka nitong panatilihing naaaliw sa mahabang panahon dahil marami kang pagpipiliang lugar na pwedeng bisitahin at iba’t ibang mini games na pwedeng malaro. Ang laro ay may in-app purchases kahit na libre itong i-download, ngunit hindi nito inaalis ang saya dahil karamihan sa mga ito ay mga costume at dekorasyon sa iyong bahay. Kung gusto mong makipaglaro sa iyong mga kaibigan o naghahanap ka ng bago, ito ay isang magandang laro para sa iyo.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...