POOLTIME: The Most Realistic Pool Game Review

Ang pool ay isang nakakarelaks ngunit mapaghamong aktibidad. Ang POOLTIME: The most realistic pool game ay isang magandang alternatibo sa paglalaro ng 8-ball pool game. Ang app na ito ay binuo at inilunsad ng Webzen Inc. noong 2017. 

Ang layunin ng mga manlalaro rito ay maging isang mahusay na pool player at mapabilang sa liga ng mga pinakamagaling. Kailangan nilang sumali at talunin ang mga kalaban sa 8-ball pool match at mag-level up sa laro. Tulad ng karaniwang 8-ball pool, ang unang manlalaro na maka-pocket sa 8-ball alinsunod sa mga tuntunin ang tatanghaling panalo. 

Paano I-download ang Laro?

Ang larong ito ay libreng maida-download mula sa App Store at sa Play Store para sa Android o iOS devices. Kung nais mo namang maglaro gamit ang computer device tulad ng laptop o desktop, maaari mong i-download ang app at gumamit ng isang lehitimong Android emulator upang ito ay i-run. Bilang alternatibo, maaari mo ring gamitin ang mga sumusunod na link:

Download POOLTIME: The most realistic pool game on Android here

Download POOLTIME: The most realistic pool game on iOS here

Download POOLTIME: The most realistic pool game on PC here

Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Sa pamamagitan ng POOLTIME: The most realistic pool game, pwede ka ng maglaro ng iyong paboritong 8-ball pool gamit lamang ang gaming gadget. Ang larong ito ay hindi lamang nakatuon sa pagbibigay ng kapanapanabik na gaming experience, pati na ng makatotohanang paglalaro. Para maisakatuparan ang layuning ito, gumagamit ito ng physics-based pool gameplay at modernong features tulad ng Cue Lift at iba pa.

Bago natin pag-usapan ang mga mahalagang impormasyon tungkol sa laro, dapat mong malaman na may iba’t ibang paraan upang makapaglaro nito. Ang una ay sa pamamagitan ng pag-log in at pag-link ng iyong Facebook o Google Play account. Samantala, pwede ka rin naman maglaro bilang isang guest. Gayunpaman, para sa Laro Reviews, mas mainam pa ring i-link ang iyong account upang mai-save ang iyong game data. 

  • Walkthrough at Tutorial

Kung mahilig kang maglaro ng pool o billiards, ang larong ito ay magiging napakadali lamang para sa’yo dahil ang mechanics nito ay katulad lang din ng aktwal na laro. Kung wala ka namang ideya kung papano ito laruin ay walang problema dahil may maikling tutorial din ito at madali lang itong matutunan. Ang bawat match ay nagsisimula sa isang break shot. Sa pamamagitan nito natutukoy kung anong uri ng pool balls ang kinakailangan i-pocket ng bawat manlalaro, kung ang striped o solid balls ba. 

  • Gameplay

Sa kabuuan, mayroong 15 object balls at 1 cue ball na ginagamit sa laro. May mga pagkakataon ding ito ay nadaragdagan ng 1 bonus ball tulad ng piggy ball. Ang object balls ay nahahati sa dalawang pangkat. Ang numbers 1 hanggang 7 ay tinukoy din bilang solid balls. Samantalang ang numbers 9 hanggang 15 naman ay tinatawag din na striped balls. Ang dalawang manlalaro ay magsasalitan sa pagtira upang mai-pocket ang object balls na nakatalaga sa kanila. Upang manalo sa match, kinakailangang matagumpay na mai-pocket ang 8-ball pagkatapos maubos ang nakatalagang balls. Kung sakaling mai-pocket mo ang 8-ball nang hindi pa nauubos ang ibang balls ay automatic na talo ka.

May tatlong pangunahing levels ang larong ito: basic, advanced at master. Upang makasali sa isang match, kinakailangang magtalaga ang dalawang magkalabang manlalaro ng kanilang itatayang in-game coins. Ang kabuuang halaga na ito ay makukuha ng mananalo sa laro. Kapag mas mataas ang game level ng magkalaban ay mas lumalaki rin ang kinakailangang taya. 

  • Game Controls

Upang matagumpay na mai-pocket ang iyong object balls, kinakailangan mong gamitin ang cue stick na may saktong pwersa at galing sa pag-asinta. Pagkatutok mo sa target na bola,may lalabas na power meter sa kanang bahagi ng iyong gaming screen. Kailangan mong i-adjust ito ayon sa kung gaano kalakas na pagtira ang gusto mong gawin. Kapag okay na ang lahat, kinakailangan mo lang alisin ang iyong daliri sa gaming screen upang makagawa ng tira. 

  • Game Modes at Mini-games

May tatlong game modes ang laro: 1 on 1 match, Tri-Streak at Run-Out. Sa 1 on 1 match, kinakailangang magharap ang dalawang manlalaro sa isang classic 8-ball pool game. Ang Tri-Streak mode naman ay maaaring i-access kapag nakarating ka sa Level 15. Samantala, sa Run-Out mode naman ay kinakailangan mong maipanalo ang sunud-sunod na pot games. 

Huwag ring kaligtaang i-click lang ang Extra button sa kanang bahagi ng Menu upang i-access ang mini-games. Dito, maaari kang maglaro ng Lucky Box, Lottery Pot at Trick Shot upang makakuha ng karagdagang rewards.

Pros at Cons ng POOLTIME: The most realistic pool game

Matagumpay na napanindigan ng laro ang layunin nitong makapagbigay ng makatotohanang pool gaming experience para sa lahat. Ang nakamamangha at makatotohanang 3D graphics nito at physics-based gameplay ay kahanga-hanga. Ito ay may mahusay na dynamics na talagang hango sa aktwal na 8-ball pool game. Ang galaw ng object balls at cue ball ay swak, pati na rin ang jump shots at curve shots dito. Ang game controls nito ay simple at madaling gamitin. Wala ring mga nakakairitang ads ang larong rito.

Sa kabilang banda, ang laro ay mga kapintasan din. May mga pagkakataong bigla na lamang nagfi-freeze ang app sa kalagitnaan ng match. Ang mga pangyayaring ito ay nagdudulot ng mga hindi kanais-nais na epekto sa laro at madalas ay humahantong sa pagkatalo ng marami. May mga pagkakataon ding mahirap i-adjust ang power meter dahil nagiging laggy ang app at hindi gumagana ng maayos ang controls. Hindi rin makatarungan ang matchmaking system ng laro dahil ang mga baguhan ay naitatapat sa mga player na nasa advanced level. Marami rin ang nakapansin na parang pinapaboran ng laro ang may mas mataas na level. May mga pagkakataong bigla na lamang naki-kick out ang manlalaro sa kalagitnaan ng match dahil sa server connection problems. Nakakalungkot mang isipin ngunit maraming manlalaro ang nadismaya dahil tila hindi natutugunan ang mga hinaing nila tungkol sa laro dahil sa mahinang customer service. 

Konklusyon

Ang larong ito ay may average rating na 3.8 stars mula sa halos 9,000 reviews sa Play Store. Sa kabilang banda, nakakuha ito 4.6-star rating mula sa 23 reviews sa App Store. Para sa Laro Reviews, ang game app na ito ay isang mainam na alternatibo para makapaglaro ng 8-ball pool. 

Magkakaiba ang gaming experience ng bawat manlalaro. Malaking bahagi nito ay nakasalalay sa kung ano nga ba ang layunin nila sa paglalaro. Kung sakaling nais mong maging pinakamagaling sa lahat malamang na madidismaya ka sa technical issues ng app na ito. Subalit, kung ang nais mo lamang ay makapaglibang sa pamamagitan ng nakakarelaks na 8-ball pool game, swak na swak ito para sa’yo. 

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...