Pop it Fidget Toys 3D Review

Pop it Fidget Toys 3D – Ang reaksyon ng iyong katawan sa pressure mula sa isang pangyayari ay tinatawag na stress. Maaaring ito ay isang emosyonal, mental, o natural na reaksyon ng katawan.

Bawat isa sa atin ay nakakaranas ng stress. Maraming mga sanhi ng stress ang kinakaharap natin. Ang ilan ay humaharap sa stress sa trabaho, sa bahay, mga kaibigan, pamilya, o mga sakit. Ang bawat antas ng stress ay magkakaiba sa bawat indibidwal. Ang panganib ay maaaring mababa, katamtaman o mataas depende sa kung paano pinangangasiwaan ng tao ang stress na kanilang nararanasan.

Mayroong dalawang uri ng stress. Ito ay ang Acute at ang isa ay Chronic. Ang Acute ay isang uri ng stress na mararamdaman mo sa maikling panahon lamang. Isang bagay na hindi mo dapat ikabahala o ipag-alala. Habang ang Chronic na stress ay ang dapat pagtuunan ng pansin dahil makakaapekto ito sa kalusugan sa mas mahabang panahon. Maaari itong magdulot ng problema sa iyong mental, pisikal at pati emosyonal na aspeto ng iyong buhay.

Ang mga epekto ng stress ay nag-iiba-iba batay sa antas na iyong nararamdaman ngayon. Ang diagnosis ay gagawin ng isang espesyalista at magtatanong sila sa iyo ng maraming tanong bago nila masabi ang uri at antas ng stress na iyong kinakaharap. Gayunpaman, tiyak na makakayanan mo ang stress sa pamamagitan ng paggawa ng ilang ehersisyo tulad ng balanseng diyeta, pagkilala sa sanhi ng iyong stress, bitamina, magandang pagtulog sa gabi o paglalaro ng ilang anti-stress games tulad ng Pop it Fidget Toys 3D.

Ang Pop it Fidget Toys 3D ay isa sa mga sikat na anti-stress game ngayon na inirerekomenda sa mga Play Store. Ito ay isang koleksyon ng fidget toys na magpapasaya sa iyo at magpapagaan ng mga sintomas ng stress. Ito ang iyong yoga o pagmumuni-muni upang i-relax ang iyong pag-iisip tungkol sa anumang nakababahalang mga kaganapan sa iyong buhay.

Ang Pop it Fidget Toys 3D ay binuo ng Falcon Global Ltd na gumawa ng Huggy Wuggy FNF Full MOD game.

Pop it Fidget Toys 3D

Pop it Fidget Toys 3D

Ano ang Layunin ng Laro?

Ang laro ay walang anumang misyon, gawain o kumpetisyon para manalo ka. Hindi mo kailangang talunin ang isang kalaban o mag-strategize dahil ang tanging layunin nito ay mapawi ang stress na bumabalot sa iyong buong sistema. Walang tama o mali, mabagal o mabilis dito. Magsaya at maglaro kung kailan mo gusto at kung gaano kabilis ang kaya mo.

Paano Simulan ang Paglalaro ng Pop it Fidget Toys 3D?

Ang laro ay walang mga panuntunan na dapat mong sundin. Ang bawat laruan ay may sariling proseso at gameplay. Sa sandaling ma-install mo ito, makikita mo agad ang pangunahing interface ng laro kung saan ipinapakita ang lahat ng magagamit na mga laro para sa iyong kasiyahan tulad ng Pop it Magic, Fidget Bubble, Slime, Bean Toy, Slice Sand, Pool table, Coloring book at marami pang iba.

Kapag napili mo na ang tamang laro para sa iyo, magsisimula ka ng maglaro. Sabihin nating halimbawa ang laro ng pagpipinta o ang coloring book ang iyong napili. Isang imahe na walang kulay ang ipapakita at kakailanganin mong ilapat ang anumang kulay na gusto mo dito gamit ang paint brush. Magkakaroon ka ng dalawang uri ng mga brush doon, ang brush para sa mga kulay at ang isa pang brush ay para sa puting pintura upang ma-undo o makapagbura ng kulay kapag nagkamali o kapag gusto mong baguhin ang kasalukuyang kulay. Kapag tapos na o masaya ka na sa kulay ng unang larawan, move on na sa susunod.

Tiyak na mapapatawa ka ng lie detector test dahil magagamit mo ito para i-prank ang iyong mga kaibigan. Ilagay lamang ang kanilang hinlalaki sa lugar ng fingerprint, tanungin ang iyong mga kaibigan ng isang tanong na masasagot ng oo o hindi at suriin ang resulta.

Ang dalawang ito ay ilan lamang sa mga laro na maaari mong laruin sa Pop It Fidget Toys 3D. Marami pang iba na pwede mong ma-enjoy.

Pop it Fidget Toys 3D – Paano I-download ang Laro?

Ang kasalukuyang bersyon ng laro sa Android ay nasa 3.1 at nangangailangan ito ng Android version 4.4 pataas at ito ay mabuti para sa mga manlalarong nasa edad 3 pataas.

Sa kasamaang palad, ang laro ay hindi magagamit sa iOS. Maaari kang mag-click sa link sa ibaba upang i-download ang laro sa iyong Android mobile device.

  • Download Pop it Fidget Toys 3D on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.StressGame.AntistessPopToySatisfying

Ang laro ay libre at walang in-app purchases.

Pop it Fidget Toys 3D

Pop it Fidget Toys 3D

Mga Hakbang para Gumawa ng Account sa Laro

Ang laro ay hindi nangangailangan ng anumang sign-in o login details. Ito ay ligtas na i-download ng mga bata mula sa 3 taon pataas dahil hindi ito nangangailangan ng account setup at mga personal na detalye para makapag-login.

Tips at Tricks Kapag Naglalaro ng Pop It Fidget Toys 3D

Ang laro ay medyo simple. Kakailanganin mo lang na pumili kung aling laro ang pinakamainam para sa iyo at makakatulong para iyong mailabas ang stress na nararamdaman mo.

Gayunpaman, maaaring may ilang mga laro dito na gusto mong gawan ng ilang tricks gaya ng larong pool. Ang puting bola ang iyong magiging cue ball. Hindi tulad ng normal na larong bilyar, wala itong anumang panuntunan maliban sa pag-shoot ng bola sa mga butas. Walang nakatalagang mga butas sa bawat bola, kailangan mo lang i-shoot silang lahat!

Sa larong palayok, i-tap lang ang luwad para mabuo ang plorera na gusto mo. Walang kinakailangang mga disenyo o sukat. Maaari mong hulmahin ito sa paraang gusto mo!

Sa paghiwa ng buhangin, kailangan mo lang i-swipe pababa ang kutsilyo para alisin ang mga bloke o hiwain ang mga bloke ng buhangin. Maaari kang pumili mula sa mga kulay na pink, violet, berde o dilaw.

I-click lamang ang home button kung nais mong subukan ang iba pang mga laro. Huwag manatili sa isang laro lamang dahil marami pang ibang na maaari mong subukan.

Ang mga Kalamangan at Kahinaan ng Laro

Ang laro ay nakakarelaks at nakakapagpakalma sa utak. Ito ay tiyak na tumutugma sa pangalan nito bilang isang anti-stress pop toy na nakakasiya. Marami pang karagdagang laro tulad ng shredded games, fidget dodecagon, bubble wrap at  iba pa. Ang iba’t ibang mga laro na inaalok nito ay nang-eenganyo sa mga manlalaro na manatiling naglalaro, interesado at mausisa sa bawat laruan.

Related Posts:

Sort Water Puzzle – Color Game Review

Beach Buggy Racing Review

Maganda ang graphics at pati ang sound effects ay tugma sa laro. Ang lie detector test ay isang magandang karagdagang laro dahil magagamit mo ito para i-prank ang iyong mga kaibigan at miyembro ng pamilya. Maaari mong i-enjoy ang laro hindi lamang para sa iyong sarili kundi para sa iba rin.

Pop it Fidget Toys 3D

Pop it Fidget Toys 3D

Ang laro ay para sa lahat ng edad at ligtas para sa mga bata dahil mayroon din itong bahagi na may kinalaman sa pag-aaral. May mga karakter pa nga tulad ng Huggy Wuggy at Squid Game maskmen.

Gayunpaman, ang laro ay maraming nagsusulputang ads. Sa bawat button o sa tuwing pipili ka ng isa pang laro o pipindutin ang continue button upang magpatuloy sa susunod na larawan sa coloring book ay may magpi-play agad na ad. Ang paintbrush ng coloring book ay hindi rin naka-sync sa mga paggalaw ng mga kamay o daliri.

Ang laro ay medyo laggy para sa ilang mga manlalaro. Sinasabi rin ng iba na ang mga ad sa marketing ng larong ito ay kawili-wili ngunit sa sandaling na-install ito ay tila iba ang itsura ng mga laro.

Gayunpaman, ito ay talagang nakakatulong sa ilang tao na mapawi ang stress mula sa pang-araw-araw na buhay. Ito ay kawili-wili at kasiya-siya sa kabila ng dami ng ads at ilang mga kapintasan.

Ang Konklusyon

Kung gusto mo ng mabilis na ginhawa mula sa stress, subukan ang Pop it Fidget Toys 3D. Ang larong ito ay nakakabuti at nakakakalma sa lahat ng paraan. Ito ay libre at isang perpektong panlaban sa iyong pagkabalisa!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...