
Marahil noong bata ka ang isa sa kauna-unahang bagay na iyong natutunan o nakawilihan mong gawin ay ang magkulay ng coloring books. Maaaring isa rin ito sa mga paboritong bagay na gusto mong ginagawa bilang libangan o pampalipas-oras. Sa pamamagitan din ng pagkukulay nagiging pamilyar ang mga bata kung ano ang iba’t ibang kulay. Nagkakaroon sila ng kaalaman habang ginagamit nila ito. Bukod pa riyan, natututunan din nila kung paano ito gamitin at kung ano ang tamang kulay na dapat ilagay sa isang larawan. Ilan lamang iyan sa magagandang dulot ng coloring books sa atin. Ngunit dahil modern na ang mundo, ang coloring materials na ito ay maaari na rin nating mailagay sa ating mga device. Mayroon ng mga coloring games na pwedeng mai-download sa karaniwang gadgets. Para kahit nasaan ka man o anumang oras ay pwede mo itong gawin nang walang kahirap-hirap. Sa pamamagitan ng iyong device maaari ka na ring magkulay ng iba’t ibang larawan. Ang isa sa magandang app na irerekomenda sa iyo ng Laro Reviews ay ang Princess Coloring Game. Ito ay isang laro na maaari kang magkulay ng iba’t ibang larawan ng disney princesses o iba pang kilalang characters. Para malaman ang iba pang impormasyon tungkol sa larong ito, basahin ang buong artikulo.
Trivia tungkol sa Princess Coloring Game
Ang Princess Coloring Game ay isa sa larong nilikha ng Coloring Games of Mandala Coloring Pages. Ito ang pinakamahusay na coloring book at drawing pages para sa lahat ng bata, pati na rin sa matatanda, na maaari mong i-download nang libre. Marami ritong coloring apps na tungkol sa iba’t ibang bagay gaya ng Manga Coloring, Painting and drawing game, Dolphins coloring pages, Dino coloring book at marami pang iba. Ang isa sa kanilang laro na may pinakaraming downloads at mataas na rating ay ang Princess Coloring Game.
Kung nag-aalala ka na kaunti lamang o maaaring limitado ang mga pahina ng coloring app na ito, huwag kang mangamba dahil mahigit sa 400 pages mayroon ang Princess Coloring Game. Hindi lang iisa o paulit-ulit ang mga larawang makikita mo rito dahil maraming pamimilian na pwede mong makulayan. Malaya kang mamili kung ano ang gusto mo. Pumili ng ayon sa iyong kagustuhan at kulayan ito depende sa iyong mood. Maaari mo ring i-save ang progreso ng natapos mo sa pagkukulay kung nais mo munang huminto at ipagpatuloy ito sa ibang pagkakataon. Kung paano ka gumamit ng coloring book ay ganoon lamang rin ang paggamit nito sa iyong device. Maaari mo pang gawin o laruin kahit nasaan ka o anumang oras mo naisin.
Paano laruin ang Princess Coloring Game?
Kung ikaw ay bagong manlalaro at hindi mo pa alam kung paano laruin ang Princess Coloring Game, narito ang ilang impormasyon mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyong paglalaro.
Madali lamang ang mechanics ng larong ito dahil hindi ito naiiba sa kung paano mo gamitin ang pangkaraniwang coloring book. Pumili lamang ng larawan na nais mong kulayan at buksan ang coloring materials na gagamitin mo. Malaya kang pumili kung anong kulay ang nais mong ilagay sa mga disney princess, cartoons o characters na nasa app. Wala ng iba pang limitasyon ang larong ito para sa lahat ng mga manlalaro. Malaya ang bawat isa na magkulay ayon sa kanilang kagustuhan.
Gayunpaman, ang color palette na nakikita mo lamang sa screen ang available na kulay na maaari mong gamitin. Marami ka rin namang pwedeng pagpilian kaya hindi ka mauubusan ng kulay na pwede mong ilagay sa iyong coloring pages. Bukod pa riyan, maaari ka ring magdagdag ng iba pang elemento sa iyong larawang kinukulayan. Marami kang icon na makikita sa bandang itaas ng iyong color palette. Maaari kang maglagay ng background color, stickers, texts, effects, at iba pa. Kapag naman ikaw ay nagkamali ng kulay na ginamit, pwede mo ring burahin ito gamit ang eraser icon na makikita mo sa kanang bahagi ng iyong screen. Lahat ng art at coloring materials ay nasa larong Princess Coloring Game.
Paano nakakaangat ang Princess Coloring Game sa ibang laro?
Para sa Laro Reviews, ang Princess Coloring Game ay isa sa magagandang larong nilikha ng Mandala Coloring Pages. Pinatunayan iyan ng laro mula sa dami ng downloads na nakuha nito sa Google Play Store. Sa ngayon, umabot na sa mahigit 50 milyong downloads ang naitala ng larong ito. Mayroon rin itong 4.3/5 star rating at mahigit 347,000 reviews. Ilan lamang ito sa pruweba kung gaano tinatangkilik ng mga manlalaro ang casual game na ito.
Dagdag pa rito, magaganda at malilinaw rin ang larawang makikita mo sa loob ng coloring book. Mahusay ang graphics at visual effects na inilapat sa laro. Ang mga imaheng ginamit ay may pagkakatulad sa mga totoong itsura ng mga kilalang princess characters. Kaya naman bata o matanda ay makaka-relate sa paglalaro ng coloring game app na ito. Hindi ka rin mababagot dahil sa dami ng coloring pages na maaari mong kulayan dito. Kumpara sa ibang mga laro na limitado lamang sa iilan ang larawan na pwede mong magamit.
Kung ikaw ay mahilig sa casual games, marahil naghahanap ka rin ng mga larong may matinding hamon gaya ng casino games. Kaya naman inirerekomenda ng Laro Reviews para sa iyo ang Big Win Club app. Ito ay isang game app na may iba’t ibang laro na makikita mo sa casino gaya ng Tongits, Pusoy, Lucky 9, Color Game, Slot Machines at marami pang iba na libangan ng maraming kababayang Pinoy. Maaari ka ring kumita ng totoong pera sa paglalaro dito o pag-iimbita ng ibang tao para sumali. Sa bawat manlalarong maiimbitahan, mayroon kang komisyong makukuha na may katumbas na halaga sa totoong pera. Bukod pa riyan, pwede ka ring gumamit ng totoong pera bilang taya. Maaari itong madoble at madagdagan depende sa mapapanalunan mong pera. Kung nais mong i-download ang Big Win Club, available ito sa Google Play Store, App Store at kahit sa iyong PC. Subalit dahil ito ay sugal, hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananalo ka. Gayunpaman, katulad ng Princess Coloring Game, maaari rin itong magdala ng kasiyahan sa iyong paglalaro.
Konklusyon
Sampung taon na ang nakalilipas mula ng opisyal na maipakilala ang Princess Coloring Game, ngunit hanggang ngayon ay patuloy na tinatangkilik ng mga manlalaro ang simple at masayang laro na ito. Bata ka man o matanda sigurado akong kaaaliwan at kaaadikan mo rin ito katulad ng naranasan ng iba. Kaya ano pang hinihintay mo? I-download na at laruin ang Princess Coloring Game sa iyong device!
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- August 12, 2022