PSO2 Win Big Rappy Slots

Nakakita ka na ba ng isang action-role playing game kung saan maaari mo ring maranasan maglaro ng Casino? Kung hindi pa, hayaan mong ipakilala ng Laro Reviews sa iyo ang larong ito na inilabas ng Sega, isang Japanese game developer. Ito ang Phantasy Star Online 2 o PSO2, isang larong naglalaman ng interesting na storyline at gameplay kung saan ang bawat manlalaro ay binibigyan ng isang mahalagang papel. Bilang miyembro ng ARKS o Artificial Relict to Keep Species, trabaho ng bawat manlalaro na ubusin ang lahat ng Dark Faiz na nagpapahirap sa kalawakan. Bukod sa pagiging free-to-play at online multiplayer game ng PSO2, isang nakakatuwang bagay rin na maaari mo ring maranasang maglaro ng casino games dito. Ang PSO2 ay tinatawag ding PSO2 Win Big Rappy Slots dahil naglalaman ito ng Rappy slots at iba pang klase ng casino game na siyang maaari mong subukan. Halina’t silipin pa natin ang ilang bagay na makikita sa loob ng larong ito.

Ang PSO2 Win Big Rappy Slots at kung paano ito nilalaro

Ang PSO2 Win Big Rappy Slots ay isang rappy-themed online slot machine. Gaya ng nakasanayan nating gameplay ng mga slot machine, ganoon din ito nilalaro. Upang manalo rito, kailangan lamang ng bawat manlalaro na makapag-match ng 3 o higit pang magkakaparehong icon o symbol, mapa-vertical man, horizontal o diagonal. Kung bibilangin ang mga icon o symbol na narito sa laro ay mayroon itong 8 na kabuuang bilang at mayroong kanya-kanyang pangalan at ilang value na siyang nagsisilbing multiplier ng iyong bet gaya ng Summer Rappy x1, Frog Rappy x2, Hallo Rappy x4, Love Rappy x6, Lucky Rappy x20, Rappy feet, Rappy Medal x5 at +1 Meter at Rappy Wild x10 na may Rappy PSE Burst.

Hindi rin naman nawawala ang paglalagay ng pusta o bet dito dahil kung wala ito ay hindi magsisimula ang laro. Bawat manlalaro ay maaari lamang maglagay ng isa hanggang limang coins bilang kanilang bet. Sinasabing ang PSO2 Win Big Rappy Slots ang may pinakamababang taya kumpara sa ibang slot machine na makikita sa PSO2 dahil nga sa dahilang isa hanggang lima nga lang na casino coin ang maaaring ilagay rito. Gayunpaman, isang magandang bagay na malaki ang posibilidad na manalo ka rito ng higit pa sa isa. Dagdag na rin dito na mayroong ilang mga feature at special event na makikita sa loob nito na siyang maaaring makatulong sa iyo upang mas magkaroon pa ng kalamangan sa paglalaro nito. 

Anu-ano ang “special event” na mayroon sa PSO2 Win Big Rappy Slots?

Narito ang kumpletong listahan ng special event na makikita sa PSO2 Win Big Rappy Slots:

  • Slot Door – Ang special event na ito ay maaaring mangyari kung sakaling mayroong potensyal na match na maaaring makita sa slot screen. Sa oras na mangyari ito, magsu-zoom in ang screen ng laro at magsasara ang ilang sinasabing doors dito. Sa muling pagbubukas nito, lalabas ang ilang symbol na maaaring mapag-match.
  • Running Rappy – Ito naman ang tawag sa special event na na maaaring biglaang dumating sa kalagitnaan ng iyong laro lalo na sa pagkakataong walang nagtutugmang symbol. Sa oras na lumabas ito, maaari nilang palitan o ire-roll ang isang row ng reels. Bagaman may maitutulong ito para kahit paano’y makapag-match ka ay minsan nagiging sagabal din ito dahil posible itong mag-revert muli.
  • Rappy Stampede – Ito naman ay nangyayari kung pumalya ang isang potensyal match. Sa tulong nito, hindi mabilang na Rappy ang maaaring dumaan sa iyong screen at kanilang ire-roll ng ilang beses ang iyong reels upang magkaroon ito ng panibagong symbol na maaaring ipag-match.
  • Falling Rappy – Nangyayari lamang din ito kung mayroon ding potensyal match na pumalya. Hindi gaya ng Rappy Stampede, maaaring isang Rappy lamang ang magtungo sa mismong pumalyang potential match at muling magrere-roll ito ng isa lamang beses upang magkaroon ng tugma.
  • Falling Rappy Stampede – Gaya ng Rappy Stampede, maaaring ilang Rappy ang dumaan sa iyong screen upang muling ire-roll ang ang iyong reels. Ngunit sa special event na ito, maaaring masama sa pagre-roll ang potential match na pumalyang magtugma.

Ano ang iba pang mga laro na maaari mong subukan sa PSO2 bukod sa Rappy Slots?

Bukod sa Rappy Slots, mayroon pang ilang casino games na maaari mong subukan dito sa Phantasy Star Online 2. Masasabi mang pinakamadaling laruin ang Rappy Slots kumpara sa mga ito dahil sa iba’t ibang special features at malaking posibilidad na hindi ka lamang isang beses na mananalo rito, mainam pa rin na mayroon kang susubukang iba pang laro na maaari ring hasain ang iyong isip pagdating sa diskarte para lamang manalo.

Lili Roulette – Pangalan pa lamang ay alam mo na kung anong klaseng laro ang bubungad sa iyo sa oras na subukan mo na itong buksan at laruin. Ang Lili Roulette ay isang roulette game na ang gameplay ay may pagkakahawig sa color game. Sa laro kasing ito, ikaw ay pupusta sa isang kulay at numero at sa oras na paikutin na ang roleta at iyon ang lumabas, maaari kang magkamit ng limpak-limpak na premyo. Mayroong dalawang klase ng Lili Roulette sa PSO2 na maaari mong pagpilian. Kung may kagandahan sa larong ito, iyon ay ang pagkakaroon nito ng malaking papremyo. Sa oras na manalo ka ay maaaring hindi lang doble ang matanggap mo rito. Gayunpaman, dahil na rin dito kung bakit malaki rin ang tsansa na matalo ka rito. Kaya naman, ibayong pag-iingat at matalinong paggastos ang iyong kailangan upang hindi agad maubos ang iyong coins dito.

Mesetan Shooter – Ang laro namang ito ay isang klase ng gallery shooter game kung saan maaaring malaro kasama ang iyong mga kaibigan. Upang manalo, layunin ng bawat manlalaro nito na barilin at ubusin ang iba’t ibang klase ng Mesetan upang makaipon ng maraming casino coins. Mayroong tatlong game mode na makikita sa Mesetan Shooter: ang Bronze, Silver at Gold. Bawat isa ay maaari mong buksan depende sa dami ng iyong casino coins. Maaari rin itong laruin ng higit pa sa isa o dalawang manlalaro. Bagaman malaki ang payout sa larong ito, tila isang malaking pagsubok naman na manalo rito. Tiyaga at utak ang maaari mong maging puhunan dito.

Black Nyack – Isang uri ng card game naman ang pangatlong laro na ito ng PSO2. Ang larong ito ay sa pagitan lamang ng dealer at ikaw bilang isang manlalaro. Upang manalo rito, kailangan mo lamang makakuha ng card na ang value ay malapit sa 21. Kailangan mo ring sikapin na ang value ng mga hawak mong baraha ay hindi mas malaki sa baraha na mayroon ang dealer. Ang Black Nyack ay mas ma-eenjoy laruin ng may kasama. Mababa lamang din ang kinakailangang pusta dito para malaro ito, umaabot lamang sa 10 hanggang 50 na casino coins.

Arkuma Slot – Katulad ng Rappy Slot, ang Arkuma ay isa ring slot game. Kung paano nilalaro ang slot game ay ganoon din ito nilalaro. Sinasabing ang Arkuma ang pumapangalawa sa larong nasa PSO2 na mayroong malaking papremyo. Marahil ay dahil malaki rin talaga ang pustahan dito na umaabot ng 500 casino coins. Maaari mo lamang din itong malaro kung mayroon kang 1,500 na casino coins. Nakakalibang man maglaro nito, hindi mo naman maiiwasang mapangiwi dahil tila isang malaking pagsubok ang manalo rito. Kung nais mo mang laruin ito, sikaping maging matipid at hindi padalus-dalos sa paggastos upang sa huli ay hindi mauwi sa pagkalugi.

Sa dami ng larong maaari mong laruin sa loob ng Phantasy Star Online 2, tila mabubusog ka na at isang mahirap na desisyon na para sa iyo na piliin kung alinman sa mga ito ang iyong susubukan. Ngunit kung may iba ka pang hinahanap na laro ay maaari mong subukan ang mga larong makikita sa isang kilalang tongits app, ang https://bigwinclub.site/. Sa oras na buksan mo ang larong ito ay maaaring bumungad sa iyo ang mga larong gaya ng Pusoy, Slot Game at marami pang iba na hindi lamang susubukin ang iyong isip kundi maaari mo pang pagkakitaan. Nalilibang dito ang maraming Pinoy sapagkat ang bawat manlalaro ay maaaring kumita ng pera sa tuwing nananalo sila sa bawat laban. Kung nais mong malaman ang iba pang impormasyon patungkol dito ay i-download na ito at subukan!

Konklusyon

Kung susuriin natin ang kabuuan ng Phantasy Star Online 2 bilang isang laro, kaya na nitong maging angat kung titingnan pa lang natin ang pagiging free-to-play na role playing game nito. Hindi kasi natin maitatanggi na talagang sa panahon ngayon, malaki ang porsyento ng mga manlalarong nahuhumaling sa ganitong klase ng genre ng laro. Ngunit dahil naglalaman pa ito ng ilang casino games ay para bang pinatunayan na rin ng laro na ito na para ito sa lahat at tunay na swak bilang isang libangan. Maraming casino games na hinanda sa larong ito na maaari mong subukan at tunay na susubukin ang iyong swerte at determinasyon para sa inaasam na panalo. Kaya kung bibigyan mo ito ng pagkakataong laruin partikular na ang PSO2 Win Big Rappy Slots, sigurado ang Laro Reviews na hindi mo ito pagsisisihan.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...