Pull the Pin Review

Ito ay isang game puzzle na susubok sa iyong kakayahan at talino sa mahihirap na levels nito. Ang kailangan mo lang isipin ay kung aling mga pin ang huhugutin para tuluyang makapasok ang mga bola sa pipe. Ito ay simple at madali lamang ngunit mapanghamon sa napakaraming paraan. Dapat mo ring bantayan ang mga bomba, walang kulay na mga bola, at pati na rin ang pin na magdadala sa’yo para mapanalo ang level. Makatatanggap ka ng napakaraming reward sa oras na mahugot mo nang tama ang pin para mahulog ito sa pipe! Halina’t subukan ang larong Pull the Pin at sikaping mag-level up para ma-unlock ang iba pang features ng larong ito.

Ano ang layunin ng laro?

Ang mga patakaran at mekaniks ng Pull the Pin ay madaling maunawaan at makabisado. Upang umusad sa laro, kailangan mo lamang hugutin ang mga tamang pin para tuluyan itong mahulog sa pipe. Ang iyong pangunahing layunin ay mahulog ang mga bola sa pipe na nakalagay sa pinakababa nito, dapat ay makamit mo ang halos 100% na bola na mailagay dito. Mapapansin mong may mga bagay tulad ng mga bomba na dapat iwasang tamaan ang iyong mga bola o ang pipe. Gayundin, may mga walang kulay na bolang dapat madikitan ng mga may kulay na bola. Ipagpatuloy mo lamang ang pagbabasa sa artikulong ito at malalaman mo ang iba pang feature o nilalaman ng laro. Kaya manatiling nakasubaybay dito sa Laro Reviews at tatalakayin namin ang lahat ng kailangan mong malaman sa larong ito.

Pull the Pin - Laro Reviews

Pull the Pin – Laro Reviews

Paano ito laruin?

Maaari mong simulan ang paglalaro nito sa sandaling matagumpay mong mai-download at mai-install ito sa iyong smartphone device. Kapag binuksan mo ang app, dadalhin ka mismo sa pangunahing tampok nito. Kasama rito ang isang maikling tutorial kung paano ito laruin. Hilahin lamang ang mga pin upang ganap na dumaloy ang mga bola pababa sa pipe.

Ang laro ay unti-unting nagiging mahirap habang umuusad ka rito. Nagdudulot ito sa iyong mag-isip at mag-focus nang higit pa. Ang mekaniks ay madali, ngunit ang mga level nito ay hindi. Ikaw ay gagantimpalaan sa bawat level na makukumpleto o matatapos mo. Maaari mong gamitin ang iyong mga reward sa mga bago at makukulay na mga bola, tema, stick, at trail. Maaaring coins o mga piraso ng puzzle ang makukuha mong mga reward.

Kasama sa mga karagdagang feature at paraan para makakuha ng mga reward ang Gumble machine at pagkumpleto ng mga piraso ng puzzle. Sa Gumble machine, maaari kang manalo ng iba’t ibang mga bagay at piraso ng puzzle, katulad lang ito sa mga lucky draw na matatagpuan mo sa ibang laro. Maaari kang makakuha ng mga karagdagang reward sa pamamagitan ng pagkumpleto ng puzzle. Mayroon ding feature kung saan maaari kang bumili ng bahay at area nito. Maaari mo ring i-upgrade at palawakin ito. Magbibigay ito sa’yo ng coins bilang reward, i-tap lamang ito para ma-claim ang coins.

Pull the Pin: Paano i-download ang laro?

Pull the Pin - Laro Reviews

Pull the Pin – Laro Reviews

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang Pull the Pin sa Android devices ay dapat Android 5.1 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 11.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 110 MB at 706.9 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Pull the Pin on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.maroieqrwlk.unpin

Download Pull the Pin on iOS https://apps.apple.com/us/app/pull-the-pin/id1496150467

Download Pull the Pin on PC https://napkforpc.com/apk/com.maroieqrwlk.unpin/

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Pull the Pin

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Pull the Pin. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na mase-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Pull the Pin!

Pull the Pin: Tips at Tricks sa Paglalaro

Ang Laro Reviews ay naghanda ng ilang diskarte upang matulungan kang makakuha ng maraming rewards at tapusin ang mga level sa larong Pull the Pin. Sa pag-usad mo sa laro, magagawa mong i-unlock ang mga challenge na magbibigay-daan sa iyong kumita ng karagdagang coins para makabili ng mga item. Kapag maabot mo ang level 10, maaari mong i-unlock ang unang challenge. Maaari kang makakuha ng mga reward sa pamamagitan ng paglalaro nito, ngunit mas mahirap ito dahil limitado lang ang bilang ng mga galaw mo para i-clear ito. Maaari mo ring i-upgrade at palawakin ang iyong bahay at ang area nito para kumita ng mas maraming coins. Pinapayuhang bisitahin mo ito nang madalas. Upang makumpleto ang level, dapat ay maingat mong piliin kung aling mga pin ang bubunutin at maging maingat sa mga bomba. Huwag agad itong bunutin, sa halip ay mag-isip ng mabuti upang makumpleto ang level.

Related Posts:

Painter Master Review

Queen’s Diary – DressUp&MakeUp

Pull the Pin - Laro Reviews

Pull the Pin – Laro Reviews

Pros at Cons ng Pull the Pin

Ang laro ay tiyak na hahamunin ka sa bawat level na mayroon ito. Ito ay parehong madali at mahirap. Ang pangunahing layunin dito ay hilahin ang mga tamang pin upang ang mga bola ay maayos na makapunta pababa sa pipe. Maaari mong paikutin ang Gumble machine para makakuha ng mga karagdagang reward at coin na magagamit mo para makakuha ng mga espesyal na item. Ang mga background setting ng laro ay nakakatuwa at angkop para sa mga bata. Ang sound effects ay simple lamang ngunit ang mga ito ay magandang pakinggan. Ang larong ito ay angkop para sa lahat ng edad at isang mahusay na time-killer app para sa mga matatanda. Maa-access ito sa lahat ng gumagamit ng Android, iOS, at PC. Mayroon itong madaling mga panuntunan at mekaniks na dapat sundin at nagbibigay ng maraming entertainment factor sa lahat ng mga manlalaro.

Bagama’t nakatanggap ito ng maraming positibong feedback, mayroon pa ring ilang aspeto na nakakaapekto sa kalidad nito at nagiging sanhi ng hindi magandang gameplay performance. Ang ads sa larong ito ay madalas na lumalabas kahit sa gitna ng paglalaro. Ito ay higit na kinaiinisan ng mga manlalaro. Madalas na ang ads dito ay hindi maaaring i-skip at kailangan mong tapusin para makapagpatuloy sa paglalaro. Ang ilang mga level ay paulit-ulit at mahirap na halos hindi mo matapos ang mga ito. Dapat bawasan ang paglabas ng ads para ma-enjoy ng mga manlalaro ang kabuuang features nito. Magiging mahusay din kung gagawa sila ng ilang mga pagsasaayos para sa mga update sa laro sa hinaharap upang gawin itong mas nakaka-engganyo. Mayroon din itong glitches sa tuwing bumababa ang mga bola sa pipe. Ito ang mga pangunahing isyu na dapat matugunan kaagad ng mga developer ng laro upang makapagbigay ng mas kamangha-manghang gameplay performance para sa mga manlalaro nito.

Konklusyon

Ang Pull the Pin ay nagbibigay-daan sa iyong pahusayin at sanayin ang iyong isip upang malutas ang puzzle rito. Kahit na tinatanggal mo lang ang mga pin para hayaan ang mga bolang makababa sa pipe ay magkakaroon ka pa rin ng nakalilibang na karanasan sa larong ito. Gayunpaman, may mga isyu sa laro at pati na rin ang maraming mga advertisement na lumalabas kahit sa gitna ng iyong paglalaro na maaari mong ikainis habang umuusad ka rito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...