Puppy Diary: Epic Match 3 Game Review

Ang Puppy Diary: Epic Match 3 Game ay isang concept blast match 3 puzzle game kung saan ang mga manlalaro ay kailangang i-match ang mga parte upang magawang matapos ang level. Bawat level ay binubuo ng specific puzzle, at makakakuha ng mas magandang score kung magagawa ang tasks sa mas kaunting bilang ng mga galaw. Ang pag-solve ng iba’t ibang puzzles ay magbibigay ng pakiramdam ng katuparan ng layunin. 

Ito ay isang kilalang epic cartoon matching at playful puzzle game. Ang makulay nitong salaysay, magagandang features, makulit na puppy, well-crafted levels, at seamless control ay magpapanatili sa iyo sa paglalaro nang mahabang oras.

Gameplay ng Puppy Diary: Epic Match 3 Game 

Ang mga manlalaro ay maaatasang mag-swap at mag-match upang matanggal ang mga ito at makakuha ng combo blast sa pamamagitan ng pagma-match ng tatlo o higit pang awesome shards na may parehong kulay. Sa pagtanggal ng mga ito ng magkakasunod, maaaring makatanggap ng effective boosters. Ang alinmang dalawang boosters ay maaaring pagsamahin upang makabuo ng higit na malakas na blast impact. 

Kailangang subukan ng mga manlalarong makakuha ng pinakamataas na score gamit lang ang dalawang bilang ng moves. Mas maraming levels ang kailangang makumpleto para mabuksan ang mas maraming bahagi ng laro. Magkakaroon ng option na bumili ng mahahalagang bagay na makakatulong sa pagkumpleto ng levels nang mas mabilis. Mag-ipon ng level stars upang makakuha ng mas maraming magagandang rewards. 

Hindi mabilang na kaakit-akit, well-designed stages, at puzzles of varying difficulty ang naghihintay na mapagtagumpayan. Manguna sa leaderboards, magsimulang makipagtunggali sa iyong mga kaibigan at mga manlalarong mula sa buong mundo upang makita kung sino ang magtatagumpay na makakumpleto ng mas maraming levels at maging Puppy Diary: Epic Match 3 Game master!

Pagda-download ng Puppy Diary: Epic Match 3 Game 

Ang Puppy Diary: Epic Match 3 Game ay maaaring i-download nang diretso mula sa Google Play Store para sa mga Android device at sa App Store naman para sa mga iOS device. Maaaring gumamit ng emulator upang masiyahan sa paglalaro nito sa PC. 

Maaaring i-download ang laro gamit ang sumusunod na links:

Download Puppy Diary: Epic Match 3 Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=puppy.diary.puzzle.eliminate.blast.cure.free.android

Download Puppy Diary: Epic Match 3 Game on iOS https://apps.apple.com/us/app/puppy-diary-match-3-game/id1612224916

Download Puppy Diary: Epic Match 3 Game on PC https://www.fibonair.com/en/games/download-47699-puppy-diary-epic-match-3-game/pc

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Puppy Diary: Epic Match 3 Game 

Upang makamit ang layunin, ang mga manlalaro ay kailangang makapag-match ng tatlo o higit pang mga bagay na lilitaw nang random. Sa pagsulong sa laro, ang mga bagay ay nagiging mas iba-iba at sa ilang mga yugto ng laro, maaaring makatagpo ng gaps sa mga tile na kailangang malampasan. Ang time limit at bilang ng moves ay unti-unting bumabagal. Ang bawat isa sa mga factor na ito ang pinagsasama upang makalikha ng exciting challenges na nagpapanatili sa interes ng mga manlalaro.

Makikita mo ang naka-display na match kapag hindi ka gumagalaw nang ilang segundo sa kabuuan ng laro. Huwag matutuksong tanggapin ang advice na ito dahil hindi ito laging tugma sa layunin at galaw mo. Bago tanggapin ito, siguraduhing tingnan muna ang iba pang mas kapakipakinabang na available match sa board. Kadalasan, ang iminumungkahi ng laro ay gumamit ng power-ups o three matches lamang at hindi apat o higit pa.

Totoong ang larong ito ay Match 3, subalit ang pag-match ng tatlong bagay ay minimum lamang. Upang magtagumpay sa laban, kailangang mag-isip nang higit kaysa sa pangunahing konsepto ng laro kaya mas mabuting mag-match ng higit sa tatlo. Makakatanggap ng special tiles o power-ups kapag makapag-match ng 4-5 candies o iba pang mga bagay. Kung wala ng available moves at kailangang linisin ang board upang makakuha ng mga bagay na ima-match, maaaring gumamit ng power-ups.

May mga power tools at boosters na makukuha sa Puppy Diary: Epic Match 3 Game. Ang mga ito ay nakakatuwang gamitin at makapagbibigay ng karagdagang power, gayunpaman, kailangan itong gamitin sa tamang pagakakataon. Kung gagamitin ito agad, maaaring magkaroon ng problema kapag wala nang potensyal na moves at may mga natitira pang moves na kailangan. 

Mahalagang hindi mo gamitin ang lahat ng iyong power tools pati na rin boosters sa isang bahagi sa pagsisimula ng laro. Makakatulong kung pag-aaralan ang lahat ng advantages at disadvantages upang mahanap ang pinakamabuting alternatibo sa puzzle game.

Pros at Cons ng Puppy Diary: Epic Match 3 Game 

Ang Puppy Diary: Epic Match 3 Game ay may reasonable puzzle characteristic, at ang pag-match ng mga bagay upang manalo sa laro ay exciting.

Karamihan sa mga manlalaro ay maaakit sa magandang cartoon artwork ng 3D components, malawak na hanay ng mga karakter at mga bahagi. Mayroong itong entertaining plot kung saan makakaramdam ng kasiyahan sa paglalaro kasama ng iyong mga kaibigan at soundtrack na masigla, nakaka-relax, makapagbibigay ng magandang pakiramdam, at nakakaalis ng stress kapag nagpapalipas ng oras.

Ang Puppy Diary: Epic Match 3 Game ay isang magandang color-matching game. Napansin ng Laro Reviews na kaunti lang ang ads nito at ito ay nakadaragdag sa exciting na karanasan sa paglalaro nito at hindi kinakailangan ng sapat na oras upang makumpleto ang stage kaya sakto itong laruin sa mga lazy day.

Ang puppy sa larong ito ay cute at sweet kaya mahirap na hindi ito magustuhan. Pagkatapos makakumpleto ng level, tatalon silang parang nasa isang trampoline na nakakatuwang panoorin.

Mayroong itong effective boosters at spinning wheel. Isang magandang laro ngunit walang sapat na coins at moves. Ang laro ay nagbibigay ng limitadong bilang na nagiging sanhi ng pangangailangang gumamit ng mas maraming coins upang magkaroon ng dagdag na moves kaysa sa binibigay ng laro. Maraming coins ang kailangang ibigay para sa video. Dahil dito, kung ayaw mong gumasta ng pera upang makatanggap ng dagdag na moves o coins, inirerekomenda ng Laro Reviews na sumubok na lamang ng ibang laro. Gayunpaman, kung may sapat na pasensya, maaaring simulan ang pagda-download ng laro upang masubukan ang exciting experience sa laro.

Konklusyon

Maraming mga taktikang magagamit upang magtagumpay sa Puppy Diary: Epic Match 3 Game subalit walang kasiguruhang mananalo sa bawat laban na nagiging daan din upang gawing mas interesting at appealing ang larong ito. Magiging abala sa pagso-solve ng bawat puzzle at maaaring may makaligtaan. Gayunpaman, bago magsimulang sumali sa mga kompetisyon at money tournaments, siguraduhing naplanong mabuti at napaghusay na ang iyong kakayahan. Maaaring maglaro at magpraktis ng matches upang maging pamilyar sa game controls, gayundin sa mga pangyayari sa pagma-match ng higit sa tatlong candies o iba pang mga bagay.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...