Purple Games Harmony Tiles Review

Ang paglalaro ng mga puzzle tile ay isang nakakarelaks na paraan upang magpalipas ng oras. Ito ay ang perpektong laro na hindi kailangang maglaan ng buong oras. Ang mga puzzle tile ay isang mahusay na paraan upang mahasa ang iyong mga kasanayan tulad ng strategic thinking, pagkatuto ng mga bagong diskarte, at subukan ang iyong kaalaman. Ang pinakamaganda rito ay maaari mong laruin ang mga ito kahit saan. Itinatampok sa artikulong itong ginawa ng Laro Reviews ang isang uri ng puzzle mula sa Purple Games na inilunsad noong Pebrero 5, 2022.

Ano ang Harmony Tile ng Purple Games?

Bago tumungo sa laro ay kilalanin muna natin ang Purple Games. Ang Purple Games ay isang Belarusian organization na gumagawa ng mga software. Ang kumpanyang ito ay itinatag noong taong 2017. Dalubhasa sila sa pagbuo ng mga laro para sa mga mobile at web platform gamit ang Linux, Windows, Mac OS, iOS, Android, Java, JavaScript, C#, .Net, PHP, noSQL, atbp. Ang Greenville, ang unang laro na kanilang ginawa, ay isang hybrid ng Match-3 at Farming genre.

Maglaro ng ilang nakakarelaks ngunit mapanghamong mga level sa mapayapang tile-matching puzzle game na ito upang lumikha ng iyong perpektong espasyo. Ayon sa Purple Games, ginawa nila ang larong Harmony Tiles para sa mga taong nais mag relax at naghahanap ng outlet para sa isang mapayapang paglalaro. Makakahanap ka ng katuparan at kabuuan sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng pagtutugma ng mga tiles sa larong ito.

Purple Games – Paano ito laruin?

Sa larong Harmony tiles ng Purple Games, maaari kang mangolekta ng iba’t ibang uri ng mga tile, magagandang background, at magagandang interior designs. Lutasin ang nakakahumaling na pagtutugma ng mga puzzle sa isang nakakarelaks na setting. Aesthetic ang background music lalung-lalo na ang color palette sa laro. Lumikha ng iyong sariling mga interior upang makamit ang iyong ninanais na spiritual harmony. Mag-ipon ng koleksyon ng mga bagong room, background, at tile. 

Ang laro ng mga puzzle tile ay isang masaya, kapanapanabik, at mapanghamong laro na sumusubok sa mga kasanayan, katalinuhan, at pasensya ng mga manlalaro. Ang laro ay nilalaro sa isang rectangular grid na may layuning mailipat ang lahat ng mga piraso sa tapat na bahagi ng grid. Ito ay isang mapanghamong laro na hihikayatin ang manlalarong pagnilayan ang mga katagang “think outside the box” at gamitin ang kanilang intwisyon upang makabuo ng pinakamahusay na posibleng hakbang. 

Kasaysayan ng mga Update at Version ng Laro

Sa karaniwan, inilalabas ng Purple Games ang mga update tuwing 14 na araw mula nang ito ay inilunsad anim na buwan na ang nakalipas. Narito ang pagkakasunud-sunod ng mga version ng laro ay mula sa latest version:

Abril 17, 2022 – Version 0.0.7. Ito ang latest version na mada-download sa Play Store. Tampok sa version na ito ang mga bagong Room. Ito ang perpektong gabi upang makapagpahinga at masiyahan sa isang nakamamanghang tanawin na matatanaw mula sa bagong patio! Ihanda ang iyong sarili para sa kapanapanabik na mga bagong level. 

Abril 10, 2022 – Version 0.0.6. Palamutian ang bagong Rooms at likhain ang iyong pangarap na kusina. May mga bagong kapanapanabik at mapang-akit na mga hamon ang naghihintay kasama na ang dagdag na mga level.

Abril 6, 2022 – Version 0.0.5. Pinahusay ang mga visual effect, sound effects, at features ng gameplay. Kasama rin sa bagong bersyon ang mga pag-aayos ng bug at pagpapahusay sa kabuuang tema ng laro.

Marso 29, 2022 – Version 0.0.4. Kasama sa mga bagong feature ang mga bagong Room at dagdag na levels. Mayroon din itong bagong gameplay mechanics. Muling idinesenyo ang silid at pinahusay ang mga minor bug para sa event na “Beautiful Butterflies”. 

Marso 2, 2022 – Version 0.0.3 Kasama sa mga bagong feature ng version na ito ay ang mga bagong Room at Levels. Pati na rin ang bagong gameplay mechanics at pang-araw-araw na mga Bonus sa pag-login. Isang walang katapusang hamon para sa mga nagtapos na sa lahat ng levels. 

Karagdagang Detalye

Available ngayon sa Play Store ang Version 0.0.7 na inilabas noong Abril 18, 2022. Kinakailangan ang Android 6.0 at pataas upang mai-download at gumana ito sa iyong cellphone. May higit sa 5,000 downloads na ito worldwide ayon sa Apptopia at may in-app purchases sa halagang ₱310.00 para sa bawat item. Kapag ikaw ay nag-avail ng kanilang in-app purchases ay magkakaroon ka ng mga karagdagang features at interactive elements. 

May ilang mga device pa rin ang hindi makapag-download nito kahit Android 6.0 na, makikita rin sa Play Store na hindi ito available sa Pilipinas. Maaari naman itong ma-download sa ibang app site ngunit walang garantiya na ito ay safe at walang kasamang mga malware. Walang masyadong maraming larong nailunsad ang Purple Games maliban sa kanilang sikat na Greenville – Match to Harvest na inilabas noong Hunyo 23, 2019 at Greenvale: Match Three Puzzles & Farming Game noong Mayo 12, 2020. Bagaman baguhan lamang ang Purple Games sa larangan ng paggawa ng mga mobile game, matagumpay naman nitong nakamit ang kanilang goal sa paggawa ng mga laro.

Ang mga puzzle tile ay klase ng laro na maaaring laruin ng mga tao sa kahit anong edad. Ito ay isang masaya at interactive na paraan upang malaman ang tungkol sa iba’t ibang mga hugis at sukat. Ang paglalaro ng mga tile puzzle ay nakabubuti rin ng hand and eye coordination at mga kakayahan sa paglutas ng problema, na may maraming educational at cognitive benefits. Bilang resulta, ang paglalaro ng mga ito ay naging isang sikat na libangan para sa maraming tao, lalo na sa mga taong likas na may pagkamausisa.

Konklusyon

Naging tanyag ang Purple Games dahil sa mga laro nito na ang pangunahing tema ay mga puzzle. Sa katunayan kahit tatlong laro lang ang kanilang nagawa ay namamayagpag parin sila sa larangan ng paggawa ng mga softwares at web designing. Kung relaxation at mapanghamong mga laro ang pag-uusapan ay may higit pang maihahandog ang Big Win Club App, isang app na gawang Pinoy na swak sa panlasa ng masa. Tampok sa Big Win Club App ang mga larong kinagigiliwan ng mga manunugal sa Pilipinas. Magandang alternatibo ang app na ito para sa mga Pilipinong naghahanap ng libangan at extrang kita. Kumpara sa Harmony Tile ng Purple Games, ang app na ito ay siguradong gagana sa inyong mga cellphone. Gamit ang totoong pera sa pag top-up ay garantisadong may maiuuwi kang premyo sa bawat laro. I-download nang libre ang Big Win Club sa Play Store at App Store at ayain ang buong tropang maglaro!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...