Pusoy 2 Online Game: Top 3 Must-Try Apps

Mahilig ka bang maglaro ng Pusoy Dos? Nahihirapan ka bang maghanap ng mga makakalaban upang makapaglaro nito? Alam mo bang pwede kang maglaro ng Pusoy Dos kahit nag-iisa ka lang? Ang tanging kailangan mong gawin ay mag-download ng kahit na anong Pusoy 2 online game mobile app. Nais ipakilala ng Laro Reviews ang tatlo sa pinakasikat na alternatibo upang makapaglaro ng nakakahumaling na card game na ito, ang Pusoy Dos Go, Pusoy Dos Zingplay at Pusoy Offline. Ang mga ito ay libreng mada-download at malalaro gamit ang mga iOS at Android mobile device. Pwede ring ma-enjoy ang mga ito sa laptop o desktop computer. Kung ikukumpara sa aktwal na Pusoy Dos, hindi magpapahuli ang mga game app na ito. Mayroon itong karagdagang features at mapanghamong gameplay na tiyak na hindi mo pagsasawaan. 

Pusoy Dos Go: Ang Bagong Pusoy 2 Online Game

Ang Pusoy Dos Go ay mula sa game developer na Spirejoy na kilala sa larangan ng iba’t ibang casino game apps. Ito ay inilabas noong Enero 20, 2021. Sa kasalukuyan, mayroon itong mahigit sa 100,000 downloads at average rating na 4.1 stars sa Google Play Store. Isa rin ito sa mga itinuturing na pinakabagong kinahuhumalingan ng maraming mahihilig sa Pusoy Dos. Katulad ng tradisyunal na version ng card game, maaari itong laruin ng dalawa hanggang sa apat na manlalaro. Ang manlalarong unang makapagpaubos ng kanyang baraha ang siyang panalo.

Sa puntong ito, talakayin naman natin ang natatanging features at game modes ng larong ito. May iba’t ibang game modes ang Pusoy Dos Go at ang mga ito ay naaayon sa takdang difficulty level. Bawat mode ay may kakaiba at kapanapanabik na mga pakulo. Ito ay swak na swak para sa mga manlalarong nais subukin ang kanilang galing at kakayahang bumuo ng mga estratehiya. Libu-libong manlalaro na mula pa sa iba’t ibang panig ng mundo ang nahuhumaling dito. Isa sa mga pangunahing hamon at kinakailangang gawin para manalo ay pag-aralan ang nakuhang cards at pag-isipang mabuti ang mga hakbang na kailangang gawin upang maubos ito kaagad. 

Ang game app na ito ay malalaro online. Bukod sa pwede kang makipagtapatan sa ibang manlalaro. Pwede ka ring gumawa ng sariling game table at eksklusibong makipaglaro sa mga kaibigan, kapamilya o kakilala. May special bonuses ka ring pwedeng mapanalunan at gamitin dito. 

Pusoy Dos Zingplay

Ang Pusoy Dos Zingplay ay inilabas ng VNG ZingPlay Studio noong 2019. Pagkalipas ng halos tatlong taon ay patuloy pa rin itong kinikilala at kinahuhumalingan ng marami. Mayroon itong mahigit sa isang milyong downloads at average rating na 4.1 stars sa Play Store. Ang Pusoy 2 online game ay ginawa para sa mga manlalarong Pinoy. Libre itong malalaro at makakasiguro kang totoong mga manlalaro ang iyong makakatapat at hindi bots. Syempre, alam naman natin na walang makakatalo sa sayang dala ng paglalaro kasama ang mga kaibigan at kakilala. Kung nais mong subukan ang feature na ito, kailangan mong mag-register at i-connect ang iyong Facebook, Google o Zing account sa laro. May VIP System din rito kung saan ay pwede kang makakakuha ng bonus game credits. Ito ay makakatulong upang makapag-level up ng mas mabilis sa laro. Bukod dito, pwede ka ring makipag-ugnayan sa ibang manlalaro sa pamamagitan ng chat system nito. Sa kabuuan, kung gusto mong maranasan ang saya ng paglalaro ng Pusoy 2 online game at hindi mo nais gumastos o tumaya gamit ang totoong pera, huwag mag-atubiling subukan ang game app na ito.

Pusoy Dos Offline

Kung ang hanap mo naman ay isang mobile app na kapareho talaga ng tradisyunal na Pusoy Dos, ito marahil ang bagay sa’yo. Ito ay inilabas ng game developer na Gamo Star noong Abril 26, 2020. Sa ngayon, mayroon itong mahigit sa 100,000 downloads at may average rating na 4.4 stars. Hindi kalakihan ang app size nito kaya pwede ito sa mobile devices na may mababaang storage space. At dahil meron itong offline game mode, hindi mo kailangan ng Wi-Fi o data connection. Pwede kang maglaro kahit saan at kahit kailanman mo man gustuhin.

May dalawang game modes kang maaaring ma-enjoy dito: Regular Play at Private. Sa Regular Play, maglalaro ka laban sa mga computer-generated na mga katunggali. Sa Private mode naman ay may pagkakataon kang pumili ng table na gusto mong salihan. Bawat table ay may iba’t ibang halaga ng pusta. Kung marami kang game credits at gusto mong manalo ng malaki ay piliin ang table na may malalaking taya. Kung ikaw naman ay gipit, may mga table din namang may maliliit na taya lang. Sa iyo naasalalay kung paano mo palalaguin ang iyong game resources. Wala itong halos ipinagkaiba sa nakasanayan mong Pusoy 2 online game. Subalit, kung ikukumpara sa mga naunang game app mas kakaunti ang features nito at walang masyadong game bonuses na pwedeng makuha.

Pusoy 2 Online Game – Konklusyon

Ang pagsusugal ay malaking bahagi na ng ating kultura. Naging parte na kasi ito ng pamumuhay ng marami mula pa noon hanggang ngayon. Sa katunayan, alam mo bang ang Pusoy Dos ay tinaguriang Pinoy version ng sikat na Poker? Hindi talaga maipagkakaila ang pagiging malikhain natin at ang hilig ng marami sa sugal. Bahagi na kasi ito ng ating nakagisnan at isa rin ang ito sa naging libangan ng marami. May napili ka na ba sa tatlong Pusoy 2 online game na nabanggit sa itaas? Kung wala pa, pwede mo rin namang subukan lahat para malaman mo kung alin ba talaga ang swak sa iyong panlasa. 

Samantala, alam naman nating lahat na maliban sa Pusoy Dos ay mayroon pang mas kilala at tanyag na card games tulad ng Tongits, Pusoy at Lucky 9. Sa katunayan ay milyun-milyon ang nahuhumaling sa mga larong ito at mas pamilyar ang gameplay ng mga ito sa karamihan. Kilala ang mga ito hindi lang sa Pilipinas kung hindi maging sa iba’t ibang bansa. Kung nais mong maglaro online ng Tongits, Pusoy, Lucky 9 at iba pang casino games online, i-download ang https://bigwinclub.site/ app. Ito ay isang lehitimong online casino gaming site para sa mga Pinoy na nais maglaro at kumita online sa pamamagitan ng paglalaro ng casino games. Bukod sa mag-eenjoy ka sa paglalaro, marami kang makikilala online at may tsansa ka pang manalo ng bonggang papremyo.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...