Pusoy Go-Slots, Tongits, Color Game, 13 Cards Review

Ang Pusoy Go-Slots, Tongits, Color Game, 13 Cards app ay kumbinasyon ng pusoy, https://bigwinclub.site/color-game/, poker slots, pusoy dos, Texas Hold’em poker, lucky 9, at tongits sa isang app. I-click lang at ayusin ang 13 cards, at ilabas na ang natatagong dragon sa loob mo!

Sa Pilipinas ay napakaraming sikat na mga card games. Ang app na ito ay binubuo ng pinakakasiya-siya at mga pinakapaborito ng mga players. Ang mga card games na ito ay nakakapag-alis ng stress sa pang-araw araw na pamumuhay at nagbibigay ng lubos na kasiyahan! Bawat mesa ay kayang umokupa ng hanggang apat na players, kaya imbitahan na ang iyong mga kapamilya o kaibigan para sama samang maranasan ang laro, nasaan man sila.

Ito ay may kakaibang pagasasaayos ng paligsahan! Simulan ang kompetisyon laban sa napakaraming players para manalo sa tournament. Maraming mga stages na pagpipilian mula sa Beginner hanggang Legend. Makikita ito sa loob lang ng 1 segundo at makipagtunggali sa mga players mula sa buong mundo! Matutulungan ka ng Laro Reviews na alamin ang iba pang detalye tungkol sa laro at may mga karagdagang tips ka pang matututunan.

Pusoy Go-Slots - Laro Reviews

Pusoy Go-Slots – Laro Reviews

Ilan sa mga Layunin ng Laro

Ang pangunahing ginagawa sa Pusoy Go ay ayusin ang 13 playing cards sa tig-3 sets ng playing cards. I-grupo ito sa 2 na tig-lilimang baraha at ang isa naman ay tatluhang bahara. Ang pinakamahalagang magawa dito ay maubos ang lahat ng hawak na cards at maisaayos ito sa tamang kumbinasyon. Maaari itong mabuo mula sa itinapon ng kalaban o sa pagbunot ng baraha mula sa card stack na nasa gitna ng mesa.

Ang layunin ng https://bigwinclub.site/tongits/ ay may hawig sa Pusoy, may kaunti lang na pagkakaiba. Ang mga baraha ay hindi igugrupo ng tatlo kundi kailangang makakuha ng magkakapares o magkakasunod na bilang ng parehong suit na hindi bababa sa tatlo para maibaba ito. Sa bandang huli ang pinakamahalagang layunin dito y maubos ang hawak na baraha na tulad din ng Pusoy.

Ang Pusoy Dos ay mas nakakatulad ng Pusoy ngunit ang pinakamataas na value ng baraha dito ay number 2 katulad ng nasa pamagat nito. Kailangan ding maubos ang lahat ng baraha para manalo.

Ang target naman sa larong Lucky 9 ay makakuha ng total na bilang na baharang pinakamalapit ang bilang sa 9.

Ang iba pang mga layunin ng mga laro ay katulad din sa orihinal na card gameplay.

Pag-download ng Pusoy Go-Slots, Tongits, Color Game, 13 Cards App

I-download ang Pusoy Go-Slots, Tongits, Color Game, 13 Cards para sa PC sa tulong ng emulator at simulan ang mga paboritong card games. Para sa paglalaro sa mobile, i-download ang laro mula sa Google Play Store para sa mga Android players, sa isang banda, hindi ito available para sa pag-download sa App Store para sa mga iOS players.

Gamitin ang sumusunod na links mula sa Laro Reviews upang makapag-download agad-agad:

Download the Pusoy Go-Slots, Tongits, Color Game, 13 Cards game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.playjoygame.pg

Download the Pusoy Go-Slots, Tongits, Color Game, 13 Cards game on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.playjoygame.pg-on-pc.html

Pusoy Go-Slots - Laro Reviews

Pusoy Go-Slots – Laro Reviews

Mahahalagang Kaalaman sa Pusoy Go-Slots, Tongits, Color Game, 13 Cards

Mahalagang ihiwalay ang mga dalawahang pares para mas mapataas ang pagkakataong manalo sa Pusoy. Kung sa tingin mo ay hindi ka makakabuo ng tatlong cards, kailangang dunmiskarte kung paano makukuha ang isa o dalawa pang cards.

Ang pag-iwas sa mga walang kwentang baraha ay madaling mahalata. Ito ay kadalasang pangunahing pagkakamali dahil nagbibigay ito ng ideya sa kalaro kung anong mga baraha ang hawak mo. Ang pagtatabi ng pares ng queens ay isang magandang depensa laban sa kalabang nag-iisip ng hawak mong baraha. Sa 13 na cards, makakabuo ng 4 na sets. Kung pangit ang baraha, ang pagbababa ng pangalawa sa pinakamataas na baraha ang pinakaligtas na paraan.

Sa paglalaro ng Tongits, maraming paraan para mapigilan ang kalaban sa pagdeklara ng draw. Isa dito ay kapag may naibaba ng bahay ang kalaban, maaaring i-bluff ang kalaban sa pag-iisip na sya ang may pinakamagandang baraha. Isa pang paraan ay ang pagduktong sa bahay ng kalaban. Tandaan na kapag ang baraha ay naibaba na at naidugtong sa bahay, hindi na ito maaaring gamiting muli.

Related Posts:

LokiCraft Review

Spider Rope Hero: City Battle Review

Sa larong Lucky 9, mas malapit ang total ng baraha sa zero, mas mataas ang pag-asang manalo sa laro.

Ang Color games ay mukhang simple lang laruin sa simula, ngunit sa pagtaas ng level ay mahaharap sa mas mahihirap na pagsubok. Ang mga tip kagaya ng pag-master ng mga controls ay sadyang mahalaga. Ugaliing i-tap ng tama at tuloy-tuloy. Pag-isipang mabuti kung saang posisyon ilalagay ang mga kulay. Tanggalin ang mga bagay na nakaka-distract. Sa pamamagitan ng pakikipagtunggali sa mga kaibigan o iba pang mga players, mas magiging entertaining at challenging ang laro.

Pusoy Go-Slots - Laro Reviews

Pusoy Go-Slots – Laro Reviews

Reviews Tungkol sa Laro

Ang game app na ito ay nakapagtala na ng higit sa 5 milyong installs at kasalukuyang nagkamit na ng 71,449 ratings at may kabuuang grado na of 4.62 na kaya ang app na ito ay nabibilang sa mga popular na card game apps.

Ang Pusoy Go-Slots, Tongits, Color Game, 13 Cards ay nakakalibang laruin, ngunit may mga glitches ang laro na nagbibigay ng hindi magandang impresyon para sa laro lalo na sa mga tulad nito na ginagamitan ng tunay na pera dahil magiging dahilan ito para matalo ng mas malaking pera ang mga players ng hindi na-e-enjoy ang laro.

Ang gameplay nito ay simple ngunit ang manalo sa laro ay sadyang napakahirap.

Konklusyon

Ang mga simpleng card games ay sumikat na ng todo. Ang mga alituntunin ng mga larong ito ay simple lang din maintindihan. Nakakalibang din ito at mabisang pangtanggal ng pagkainip. At sa ilang pagkakataon, maaring kumita ng kaunti.

Mula sa kanilang mga pagsisimula, ang mga laro ay umunlad sa pamamagitan ng mga pagbabago. May mga available na nitong online games at platforms kung saan maaaring makatunggali ang artificial intelligence (AI) ng computer, mga kapamilya o mga kaibigan. Ang pinkamahalagang benepisyo nito ay ang paglalapit ng mga tao sa isa’t isa kahit na milya milya ang layo sa bawat isa sa pamamagitan ng sama samang paglalaro online.

Ang Pusoy Go-Slots, Tongits, Color Game, 13 Cards app ay pinagsama samang maraming cards game sa isang app at nagbibigay ng kaginhawaan sa mga players na mahilig sa paglalaro ng card games. Kahit na nakakawili ang laro, ang pagwawalang bahala sa mga  glitches nito ay magtataboy sa mga players palayo dahil mangangahulugan ito ng mas malaking tyansa ng pagkatalo para sa kanila. Kailangang ayusin ito ng mga developers upang magpatuloy ang mga players sa paglalaro at pag-eenjoy ng laro. Kung maaayos ang mga ito, mas maraming players ang maeengganyo dito lalo na at makakapagbigay ito ng pagkakataong manalo ng pera kung swertihing manalo.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...