Pusoy Go: How to Play and Strategies

Ang Pusoy Go ay isang online gambling app na binuo ng Spirejoy developers na kung saan maaari kang makapaglaro ng iba’t ibang card games online. Ang larong Pusoy ay isang popular na card game sa Pilipinas na kung saan maraming manunugal ang nahuhumaling sa paglalaro nito dahil bukod sa isa ito sa pinakamabisang paraan upang maglibang ay madali lang din makabisado ang mekaniks nito. Maaari kang tumambay at makipaglaro nito sa kanto kasama ang iyong mga kapitbahay o kaibigan at gumamit ng totoong pera para magsugal. Maaari rin itong maging friendly-game na kung saan ang layunin lang ay magsaya at magpalipas oras. Ito ay mas sikat ngayon kumpara noon dahil ito ay dinala na sa mobile devices kung saan maaari ka ng makipaglaro sa iba’t ibang manlalaro sa pamamagitan ng paggamit ng internet upang makapasok ka sa laro. Madali lamang ito, kaya kung gusto mong matutunan ito agad ay basahin lamang ang artikulo na ito.

Ano nga ba ang Layunin ng Larong Pusoy Go? 

Ang layunin ng larong Pusoy ay magkaroon ng magandang baraha sa Front, Middle, at Back Hand. Ang mga manlalaro ay magkakaroon ng 13 na baraha bawat round at dapat nila itong ayusin sa loob lamang ng binigay na oras. Kailangan ay mas mataas ang rank ng iyong baraha sa tatlong posisyon na yan upang manalo. Kailangan rin na tama ang iyong pagkakaayos ng ranking sa Front, Middle, at Back Hand para hindi ka matalo. Kaya huwag kang mag-panic kahit na mayroon itong limitadong oras lamang upang isaayos ang iyong baraha. Ituon ang iyong isip sa paglalaro upang maging madali ang pagbuo mo ng iyong baraha. 

Paano Laruin ang Pusoy Go?

Narito ang Laro Reviews upang gabayan ka sa iyong unang paglalaro ng Pusoy Go app lalo na kung ikaw ay isang baguhan na manlalaro. Bibigyan ka namin ng ideya kung paano ba laruin ang Pusoy Go at features na maaari mong matuklasan dito, at ilang diskarte upang manalo kontra sa iba pang manlalaro. Unahin natin ang features ng laro. Ang laro ay maaari mong ikonekta sa iyong Facebook or Google Account upang maingatan ang iyong progress sa laro at mailipat ang data sa ibang device. Maaari kang magpatala sa Pusoy Go Register upang magkaroon ka ng mga discount at freebie mula sa app, at magkaroon ng access sa ibang feature nito. Ang laro ay naglalaman din ng mga free mini games katulad ng tongits, color game, at iba pa. 

Ito rin ay mayroong chat system kung saan maaari kang makipag-usap sa ibang manlalaro at mag-send ng emoji. Ito rin ay mayroong mga misyon na maaari mong gawin upang magkaroon ng mga karagdagang reward gaya ng coins o mga tickets. Maaari ka ring gumawa ng sarili mong lobby at i-customize ito. Ito ang mga feature na sosopresa sa iyo sa larong Pusoy Go.

Ngayon ay alamin naman natin kung paano ba ito laruin. Sa oras na pindutin mo ang icon na “Pusoy” ay dadalhin ka nito agad sa isang lobby na may apat na manlalaro kung saan ikaw ay magiging kabilang din. Bawat manlalaro ay bibigyan ng 13 na baraha at kailangan mo itong ayusin sa limitadong oras lamang. Ang hawak mong mga baraha ay mahahati sa tatlong seksyon: Front, Middle, at Back Hand. Ang Front ay may tatlong baraha, at ang Middle at Back Hand ay may tig-lima. Ang pagsasaayos nito ay dapat nakadepende sa rank. Front Hand ang may pinakamababa dapat na rank at Back Hand naman ang mayroong mataas na rank.

Ang rank na ito ay mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas: High Card. Pair, Two Pairs, Three-of-a-kind, Straight, Flush, Full House, Four-of-a-kind, at Straight Flush. Dapat ay naka-rank din ang iyong hawak na baraha upang maging valid ito at hindi ka matalo. Mananalo ka mula sa ibang manlalaro kung ang hawak mong baraha ay mas mataas ang rank kaysa sa kanila.

I-click lamang ang mga sumusunod na link upang direktang nai-download ang Pusoy Go Download sa iyong device:

Pusoy Go Android

Pusoy Go PC

Ang Pusoy Go iOS ay hindi pa available sa App Store nito ngunit kung gusto mo ito subukan sa iyong iOS ay maaari kang maghanap ng apk file nito sa online. Ang Pusoy Go Free Download ay hindi mo kailangan magbayad ng anuman para makapaglaro nito maliban na lamang kung gagamit ka ng in-game purchases.

Ang Pusoy Go online ay nangangailangan ng internet connection kaya siguraduhin na malakas ang iyong koneksyon para di ka mawala sa game. Gayunpaman, ito ang ilan sa mga diskarte na maaari mong gawin:

  1. Mahalagang alamin mo muna kung paano laruin ang laro bago ka mag-umpisa.
  2. Kabisaduhin ang pagkakasunod-sunod ng rank nito.
  3. I-double check kung tama ba ang pagkakaayos mo ng Front, Middle, at Back Hand.
  4. Suriin mabuti ang hawak na baraha upang makabuo ng mas magandang set.
  5. Kumpletuhin ang mga misyon upang makakuha ng mga karagdagang reward.
  6. Maglaro ng madalas upang mahasa ang iyong kakayahan.

Pros at Cons sa Paglalaro

Sa katunayan ay marami itong magagandang feature dahil hindi lamang larong Psoy ang mayroon ito. May mga Free Mini Games katulad ng Pusoy Dos Go, Tongits, Color Game, Slots, at Poker. Ang iba sa mga ito ay hindi pa available sa umpisa at maa-unlock mo lamang ito kapag nag-register ka na at nagawa mo ang ilang kinakailangang misyon upang mabuksan ito. Maganda rin ang graphics nito at napakalinis tingnan. Hindi magulo at lahat ay nakalapat ng maayos. 

Sa paglalaro nito ay kakailangan mo ng internet connection o WIFI upang makapasok sa room o lobby. Maaari kang makipagtuos laban sa iba’t ibang manlalaro. Sa larong itong ay hindi ka gumagamit ng totoong pera kaya wala rin cashout process na mangyayari. Ito ay may in-game purchases lamang na kung saan ay gagamit ka ng totoong pera upang mabili ang ilang coupon o ticket. Ito ay sapat lamang upang mapaglibangan at hindi para sumugal ng totoong pera.

Konklusyon

Ang Pusoy Go ay magandang laruin lalo na sa mga free-to-play na manlalaro. Ito ay naglalaman hindi lamang ng Pusoy na laro kundi iba pang Free Mini Games tulad ng slots, tongits, at iba pa. Isang magandang feature nito ay ang pagkakaroon ng chat system kung saan maaari kang makipag-ugnayan sa ibang manlalaro. Hindi ka rin gagamit ng totoong pera kung magtataya dahil ang gagamitin mo ay ang in-game coins nito. 

Kung gusto mo ng isang real money online game, inererekomenda namin sa iyo na subukan ang Big Win Club app. Ito ay magandang laro na may iba’t ibang casino games na siguradong ikatutuwa ng mga Pilipinong nahihilig sa sugal. Ito ay maaari mo rin laruin sa anumang device kung saan maaari itong i-download. Napakadaling laruin at siguradong papatok ito sa mata ng mga Pilipino.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...