
Ang Pusoy ay isang tanyag na card game na nagmula sa Calauag, Quezon Province. Ang pusoy ay isang variation ng sikat na larong Big Two. Ang layunin ng laro ay maging unang tao na makakaubos ng lahat ng hawak na cards sa pamamagitan ng paglalapag ng mga ito sa mesa.
Kung hindi ka mauuna sa pag-ubos ng iyong mga baraha, kailangan mong magkaroon ng pinakakaunting cards hangga’t maaari. Kung alam mo ang mga hand rankings sa larong poker, mas madali mong matututunan ang larong pusoy dos dahil iyon din ang ginagamit sa larong ito.
Aalamin natin sa Laro Reviews ang lahat ng tungkol sa pusoy.
Paano maglaro ng?
Upang makapaglaro ng big win, kailangan ng isang bangka (dealer) na mamigay ng mga baraha paikot sa iba pang manlalaro. Gagawin ito ng bangka hanggang magkaroon ng 13 na baraha ang lahat ng manlalaro.
Kapag naibigay na ang lahat ng baraha sa mga manlalaro, magsisimula ang laro sa paglalapag ng isang kalahok ng 3♣ dahil ito ang pinakamababang baraha sa laro. Ilalapag ito ng manlalaro sa gitna ng mesa. Sa ibang variation ng pusoy, kahit anong baraha ay pwede mong ibaba sa umpisa ng laro.
Matapos magbaba ng 3♣, lahat ng manlalaro ay maglalapag ng barahang mas mataas pa rito, depende sa kanila kung pakanan o pakaliwa ang ikot ng laro. Kung walang mas mataas na baraha ang manlalaro, maaari siyang mag-pass at hindi siya pwedeng tumira hangga’t hindi pa tapos ang round.
Kapag wala ng high cards na mailapag, maaaring maglapag ng mga kumbinasyon ang manlalaro. Kailangan pa rin itong mahigitan ng mga katunggali nito. Halimbawa, kung ang iyong katunggali ay naglapag ng isang pares ng 5♠ at 5♣, maaari niyang mahigitan ito gamit ang 5♦ at 5♥ o alin mang hand na mas mataas sa pares.
Paano manalo sa pusoy games?
Magpapatuloy ang paglalapag ng cards sa mesa hanggang maubos ang baraha ng isang manlalaro. Kung wala sinumang nakaubos ng baraha, ang may pinakakaunting cards ang magwawagisa laro ng pusoy. Ngunit, hindi pa rito natatapos ang laro. Magpapatuloy ang laro ng pusoy hanggang isang tao na lang ang may barahang natitira sa kanyang hand.
Suit order sa pusoy
Mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas, clubs (♣), spades (♠), hearts (♥) atdiamonds (♦) ang pinakamakapangyarihang suit sa pusoy.
Kung numero naman ang pag-uusapan, 3 ang pinakamababang numero sa pusoy samantalang 2 ang pinakamataas. Ang ayos ng baraha sa pusoy mula pinakamahina hanggang pinakamataas ay 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, K, Q, J, A, 2.
Card combinations sa pusoy
Narito ang card combinations sa pusoy online games mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas:
Single card – Single card ang pinakamababang combination sa pusoy. Isang card lang ang kailangan dito. Ang pinakamababang single card ay 3♣ at ang pinakamataas ay ang 2♦.
Pair – isang pares ng cards na pareho ang bilang. Halimbawa, 7♠ at 7♦.
Three-of-a-kind – tatlong cards na pare-pareho. Halimbawa, 7♠, 7♦, at 7♣.
Straight – limang baraha na magkakasunod ang bilang, kahit mula sa iba’t ibang suits. Halimbawa, 3♣, 4♠, 5♦, 6♦, 7♥.
Flush – limang baraha na pare-parehas ang suit, kahit hindi magkakasunod ang bilang. Halimbawa, 2♣, 4♣, 7♣, 10♣, J♣.
Full House – limang baraha na binubuo ng isang three-of-a-kind at isang pares. Halimbawa, 7♥, 7♦, 7♣ at Q♠ at Q♦.
Four-of-a-Kind – apat na baraha na may parehas na suit at numero na may kasamang kicker. Halimbawa, 9♠, 9♦, 9♣, 9♥ (itong apat ang four-of-a-kind), at 7♣ (ito ang kicker).
Straight flush – isang straight pero parehas ang kulay ng bawat cards. Halimbawa, 3♥, 4♥, 5♥, 6♥, 7♥.
Royal Flush – isang straight flush na ang tanging bilang ay mula Jack hanggang 2. Halimbawa, J♦, Q♦, K♦, A♦, 2♦.
Ano ang magagandang diskarte sa pusoy?
Ang isa pang bersyon ng pusoy bukod sa “shedding” game ay ang pataasan ng mga baraha. Ang pinakamagandang diskarte sa pagkakataong ito ay ang pag-iwas sa mga invalid hands. Sa larong pusoy, dapat na kayang talunin ng iyong back hand ang iyong middle hand at ang iyong middle hand ng iyong front hand. Isang madalas na pagkakamali ang paglalapag ng invalid hands dahil parang binibigyan mo ng panalo ang iyong kalaban.
Kapag mayroon kang apat na pares sa iyong mga baraha, mas mainam kung ilalagay mo ang second best pair sa front hand. Ang pinakamababang pares ay mas maganda kung nasa back hand at ang pinakamalakas na pares ay nasa middle. Kapag ganito ang iyong ginawa, mas maiiwasan ang scooping.
Mainam na paraan din ng paglalaro ng pusoy ang pag-alis sa mga mababang single cards sa lalong madaling panahon kung wala kang mabubuong kumbinasyon dito. Hangga’t maaari, dapat na dos o alas lang ang matira mong card kapag nagamit mo na ang lahat ng baraha mo sa laro.
Mahirap hulaan ang estratehiya ng iyong kalaban sa pusoy dahil maraming play styles ang maaari niyang gamitin. Ang sigurado lang ay dapat may nakahanda kang pangontra sa anumang kumbinasyon na kanyang bibitawan.
Saan ka maaaring makapaglaro ng pusoy?
Ang kailangan mo lang upang makapaglaro ng pusoy ay isang standard 52-deck playing cards, isang lamesa, at mga kalaro. Kung wala ka ng mga ito, maaari mong i-download ang Big Win Club upang makipaglaro ng pusoy download. Sa Big Win Club, makakapaglaro ka ng pusoy kahit saang sulok ng Pilipinas basta mayroon kang internet connection.
Bukod sa pusoy app, maaari ka ring makapaglaro ng poker, slots, sabong, lucky 9, at color game. Nasa mahigit na isang milyon na ang manlalaro sa Big Win Club kaya hindi ka mahihirapan na maghanap ng kalaban kung gusto mong magpalipas ng oras at maglaro ng pusoy with real money betting.
Oo, sa Big Win Club, maaari kang makipagpustahan at manalo ng totoong pera. Ang isa pang kagandahan ng Big Win Club ay hindi mo na kailangang maghintay nang matagal o dumaan sa isang mahirap na proseso para lang makuha ang iyong pera. Ang kailangan mo lang ay isang pusoy online Gcash account at sa loob ng isang minuto, cash out na agad!
Konklusyon
Ang pusoy ay isang sikat na card game sa Pilipinas kung saan kailangan mong maubos ang lahat ng baraha na nasa iyong kamay. Kung excited ka nang makapaglaro, pusoy online Big Win Casino ang pinakamahusay na online casino app na kailangan mong i-download.
- 0 Comment
- Casino Game Apps, Reviews
- August 11, 2022