
Kilalanin natin ang isang laro na nilinang ng pagmamahal at pagkakapantay-pantay, ang Puzzles of Color. Isa sa mga kinagigiliwan nating laro noong tayo ay mga bata pa lamang ang paglalaro ng puzzles. Bukod kasi sa talagang challenging ang laro ay nakakatuwa rin sa pakiramdam ang makabuo ng isang larawan. Ito ang ating inaabangang mangyari kapag isa-isa nang nilalagay ang puzzle pieces. Habang dumadaan ang mga araw, mas nagiging mahirap na ang mga larawang kailangan mabuo dahil mas lumalaki na ito at kasabay na dumadami rin ang puzzle pieces nito. Ngunit, nawawala ba ang sayang dulot nito? Ang sagot ay hindi, lalung-lalo na kung ang puzzle na iyong binubuo ay may magandang layunin na nakapaloob. Ito ang istoryang tampok ngayon sa artikulong ito na gawa ng Laro Reviews.
Puzzles of Color: Ang Kwento sa Likod ng Laro
Ano ba itong Puzzles of Color? Sa unang tingin, ang larong ito ay parang pangkaraniwan na puzzle game lamang. Pero sa likod ng magandang larawan na ito ay ang mabuting mithiin ng dalawang magkapatid na nais ipakita sa mundo. Hindi ito katulad ng ibang laro na ating nakasanayan dahil nananalaytay sa mga larawang makikita rito ang importante at makulay na representasyon ng Black people.
Nagsimulang ipalabas ang puzzle na ito sa market noong kasagsagan ng pandemic ng nakaraan na taon. Isa itong inisyatibo at ideya ng magkapatid na Ericka Chambers at William Jones para sa kanilang bagong negosyo. Ang Puzzles of Color ay isang series ng jigsaw puzzle kung saan ipinapakita ang kagandahan ng kanilang kultura. Hindi lamang ito nagsilbi bilang kanilang negosyo, ngunit isang paraan na rin para mapalaganap ang representasyon ng Black people na talagang kulang sa kasalukuyan.
Sa umpisa ay ideya lamang daw ni Ericka na gumawa ng puzzles mula sa artworks ng kanyang dating kaklase na si Kwanzaa Edwards. Bilang mga dating manlalaro ng puzzles noong sila ay bata pa, napansin ng dalawa ang kakulangan ng makikitang mga tema na nakasentro sa people of color. Kaya naman, nabatid nilang kailangan itong isama sa isa sa mga sikat na hobbies o laro ng maraming tao.
Ang Layunin ng Puzzles of Color
Noong nagsimula ang COVID-19 na pandemya, halos lahat ng establisyimento ay napilitang magsara. Kabilang na rito ang mga arcade, cinema, at iba pang mga lugar kung saan maaaring gumawa ng recreational na mga aktibidad. Kaya naman, isa sa mga naging pangunahing libangan ng karamihan ay ang board games o hindi naman kaya ay puzzles. Naitalang tumaas ang sales ng puzzle sa iba’t ibang parte ng mundo noong panahon ng lockdown.
Isa sa mga larong talagang sumikat ay itong Puzzles of Color. Ang pangunahing layunin nito ay ang magbigay ng magandang pagkatawan o paglalarawan sa people of color, partikular na sa Black people sa pamamagitan ng pagbuo ng puzzle pieces. Ngunit, nang pumatok ito sa maraming tao, naging paraan na rin siya upang magbigay aliw sa mga tao na hindi gumagamit ng teknolohiya o kung alin mang gadyet. Bukod pa rito, nagbigay daan din itong puzzle game para magkaroon ng negosyo ang magkapatid at makapagbigay ng oportunidad sa mga magagaling at talentadong artists of color sa iba’t ibang bansa na may sarili ring nais na i-representa.
Puzzles of Color at ang Makulay na Mensahe nito
Naging mabalasik at mapanghamon ang naging hatid na epekto ng pandemya sa mundo. Maraming nawalan ng pinagkukunan ng hanapbuhay at marami rin ang nasubukan ang katatagan ng kalooban. Ang inisyatibo ng Puzzles of Color na ginawa ng magkapatid na Ericka at William, ay nagpapatunay na hindi hadlang ang pandemya upang gumawa ng isang bagay na maghahatid ng malaking impact sa maraming tao.
Isa sa talagang masasabi natin na mahalagang mensaheng hatid ng larong ito ay ang kakulangan ng sari-saring uri o diversity sa market. Mapapansin na kaunti lamang ang larawan ng people of color na makikita sa mga produkto. Nang dahil dito, talagang napakahalaga at nauukol sa status quo ang ginawang Puzzles of Color. Hindi lamang ito paraan upang makapaglibang kung hindi pati na rin isang daan tungo sa adbokasiya na maaari at nararapat nating suportahan.
Mahahalata sa kwento ng dalawa na hindi naging madali ang proseso ng paggawa ng puzzle game na ito. Unang-una, maraming restriksyon sa galaw ng mga tao noong pandemya kung kaya ay pili lamang ang mga lugar na maaari nating puntahan. Mahirap ito sa parte ng magkapatid dahil kailangan nilang gumawa at mag-deliver ng puzzle orders nang nasa tahanan lamang. Bukod pa rito, nangangailangan pa nilang makipag-konekta sa maraming artists sa iba’t ibang bansa upang maisagawa ang mga larawang ilalagay sa puzzles. Dahil rito, agad nating makikita ang mga sakripisyo na inilaan nina Ericka at William upang magtagumpay sa kanilang layunin.
Konklusyon
Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla. Maliban dito, tayo rin ay binubuo ng napakaraming etnisidad na siyang kumakatawan sa ating makulay na kultura. Bilang mga Pilipino, mahalaga rin sa atin ang pantay – pantay na representasyon lalo na rito sa market ng ating bansa. Nararapat lang din na ipagkalat ang kagandahan ng ating mga katutubo at mga mamamayan dahil malaking parte sila ng ating nasyonalidad. Kagaya ng layunin ng magkapatid na Ericka at William, nararapat din nating tuparin ang ang ating mga hangarin kahit na tayo ay nasa gitna ng pandemya.
Kung nais mong masubukan ang paglalaro ng Puzzles of Color, kaagad naman itong mahahanap at mao-order sa maraming website. Isa na rito ang website nilang puzzlesofcolor.com kung saan tampok ang kwento ng magkapatid at mga halimbawa ng magagandang puzzles na kanilang ginawa. Kung nais mo namang maglaro ng puzzle games online, huwag kang mag-alala dahil may sagot ang Laro Reviews para sa iyo. Ang Big Win Club ay isang game application kung saan makikita ang maraming online na laro. Nandito ang iba’t ibang games na maaari mong subukan base sa iyong interes katulad na lamang ng puzzles. Upang simulan ang paglalaro, mangyaring pumunta lamang sa Google Play Store, hanapin ang salitang Big Win Club, at madaliang pindutin ang install. Pagkatapos itong i-download, malaya ka nang makapaglaro ng kahit anong nais mo. Ang maganda pa rito, maaari kang manalo at maglaro gamit ang totoong pera. Ano pang hinihintay mo? Subukan na ito!
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- August 12, 2022