Queen’s Diary – DressUp&MakeUp Review

Queen’s Diary – DressUp&MakeUp – Isang pambihirang merge gameplay na aktibong magdadala sa’yo sa mundo ng fashion! Isuot ang iyong pinakamagagandang damit at makipagkompetensiya laban sa ibang manlalaro. Manalo sa laban sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kondisyon ng laro. Maaari kang makakuha ng maraming reward at bonus na makakatulong sa iyong mag-level up nang mabilis. Maaari ka ring pumili ng karakter upang maging iyong kasintahan upang mapataas ang iyong confidence at lumikha ng iyong sariling storyline. Tiyak na mare-relax ka sa larong ito at mamangha sa mga magagandang kasuotang maaari mong magamit o maisuot.

Ano ang layunin ng laro?

Ang larong Queen’s Diary – DressUp&MakeUp ay nakabatay sa fashion at ang iyong layunin ay talunin ang ibang manlalaro sa pamamagitan ng pagbibihis ng magagandang kasuotang mayroon ka. Ang laro ay may mga simpleng patakarang dapat sundin. Kailangan mo lang makamit ang mga kailangan o kondisyon at magagawa mong makipagkumpitensya laban sa ibang fashionista o manlalaro. Magagawa mong i-unlock ang iba’t ibang feature ng laro tulad ng mga kamiseta, pang-ibabang kasuotan, sapatos, headdress, at accessories kung mabilis kang magle-level up.

Queen's Diary - DressUp&MakeUp - Laro Reviews

Queen’s Diary – DressUp&MakeUp – Laro Reviews

Paano ito laruin?

Ang mekaniks ng laro ay napakasimple at madali lamang. Ang Laro Reviews ay magbibigay ng ilang ideya sa mga feature na maaari mong tuklasin dito. Kapag sinimulan mong laruin ito, dadalhin ka kaagad nito sa isang maikling tutorial na magpapaliwanag sa iyo ng mga pangunahing panuntunan ng laro. Ang laro ay magbibigay sa iyo ng sapat na coins at gems na maaari mong gamitin sa pagme-merge ng mga kasuotan. Para magawa ito at i-upgrade ang iyong damit ay i-merge lang ang mga itong may parehong disenyo. Magagawa mong makipagkumpitensya laban sa iba pang mga manlalaro sa paraang ito.

Kasama rin dito ang mga task, bonus, lucky draw, at daily log-in para makakuha ng iba’t ibang reward at item. Maaaring kabilang sa iyong mga premyo ang gems, coins, accessories, o headdress na ilan lamang sa mga posibilidad mong makuha. Maaaring i-merge ang mga kasuotan sa icon na DESIGN. Bukod sa karaniwang tops, bottoms, at sapatos, ang kompetisyon ay magsasama ng tatlong random na item. Kailangan mo ring tiyaking matugunan ang mga target element upang talunin ang iyong kalaban.

Tandaang mayroon ka lamang 30 segundo upang mamili. Mayroon din itong alkansya kung saan maaari kang mag-claim ng gems, ngunit kailangan mo munang punuin ito bago mo ito ma-claim. Sa bawat pag-merge mo, ang Diamond Piggy Bank ay kusang maglalagay ng 300 gems. Maaari ka ring pumili ng karakter para maging boyfriend o kasintahan mo at palitan sila kahit kailan mo gusto. Dito ay maaari ka ring gumawa ng sarili niyong love story. Mayroon ding auto-merge at gold multipliers, ngunit kailangan mong hintayin na mag-recharge ang mga ito bago gamiting muli. Dapat mong gamitin ang mga ito para makakuha ng mga karagdagang premyo o reward.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang Queen’s Diary – DressUp&MakeUp sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 9.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 128 MB at 220.6 MB naman para sa iOS.

Related Posts:

Makeup Master: Beauty Salon Review

Rocket League Sideswipe Review

Queen's Diary - DressUp&MakeUp - Laro Reviews

Queen’s Diary – DressUp&MakeUp – Laro Reviews

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Queen’s Diary – DressUp&MakeUp on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.warrior.queen.gp

Download Queen’s Diary – DressUp&MakeUp on iOS https://apps.apple.com/us/app/queens-diary/id1574641953

Download Queen’s Diary – DressUp&MakeUp on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.warrior.queen.gp-on-pc.html

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Larong Queen’s Diary – DressUp&MakeUp

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Queen’s Diary – DressUp&MakeUp pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebok account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o mase-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Queen’s Diary – DressUp&MakeUp!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Queen’s Diary – DressUp&MakeUp!

Nag-aalok ang Laro Reviews ng ilang mga diskarte para sa mabilis na pag-level up. Ang mga patakaran ng laro ay madaling maunawaan at sundin. Ang kailangan mo lang gawin ay matugunan ang pamantayan o criteria at makakakuha ka ng mas maraming puntos kaysa sa iyong kalaban. Susuriin ka batay sa iyong kasuotan, at upang matalo ang iyong kalaban, kailangan mong magsuot ng pinakamahusay o may mataas na level ng kasuotang mayroon ka at tumutugma ito sa elementong kailangan sa criteria nito. Isa pang dapat mong gawin ay mag-merge lang nang mag-merge para i-level up ang iyong tops, bottoms, at sapatos. Maaari ka ring mag-explore sa iba’t ibang mga gawain or feature sa laro. Ang Daily Rewards at Diamond Piggy Bank ay mga karagdagang feature na nagbibigay-daan sa iyong makakuha ng mas maraming reward, bonus, at random item. Mahalaga rin ang panonood ng mga ad dahil tutulungan ka nitong mag-claim ng iba’t ibang item at reward tulad ng gems, coins, at accessories.

Queen's Diary - DressUp&MakeUp - Laro Reviews

Queen’s Diary – DressUp&MakeUp – Laro Reviews

Pros at Cons ng Queen’s Diary – DressUp&MakeUp!

Ang larong Queen’s Diary – DressUp&MakeUp ay nakakaengganyo at nakakawiling laruin. Napatunayan na ito ng ilang mga gumagamit o manlalarong ito ay nakaka-relax laruin at ang mga panuntunan o mekaniks ng laro ay madaling maunawaan. Ang graphical designs ng mga karakter, damit, at iba pang aspeto, pati na rin ang mga sound effect ay umaayon sa environment ng laro at lubos na nakalulugod sa mata. Nagbibigay din ito ng nakaka-relax na ambiance. Ang paraan ng pagme-merge ng damit para mag-upgrade ay isang kakaibang pamamaraan ng pag-level up. Ito ay simple ngunit may kaunting hamon ito para sa mga manlalaro. Ang laro ay naglagay ng time limit para sa pagpili ng kasuotan. Malaya kang makakapili ng karakter na iyong magiging partner at gumawa ng sarili niyong love story. Pinapahusay din nito ang iyong fashion sense habang nagbibigay ng entertainment value habang umuusad ka sa laro.

Ang laro ay tumanggap ng parehong positibo at negatibong mga tugon tungkol sa playability nito. Upang makakuha ng mga reward dapat kang manood nang madalas ng ads. Higit pa rito, napakaraming advertisement ang lumalabas kahit sa gitna ng iyong paglalaro na tiyak mong kaiinisan. Mayroong iba’t ibang mga problema at aberyang nagiging sanhi para magsawa ang mga manlalaro. Magiging isang mahusay na laro ito kung malulutas nila kaagad ang lahat ng mga reklamong ito. Dagdag pa, kung makakagawa sila ng ilang mga pagbabago upang gawin itong mas mahirap, iyon ay magiging isang magandang ideya. Ang laro ay angkop para sa lahat ng edad at available para sa mga user ng Android, iOS, at PC. Maaari mo ring i-save ang iyong data o progress sa laro sa pamamagitan ng pag-link nito sa iyong Facebook account o sa pamamagitan ng pag-log in bilang Guest lamang. Maaari mo ring laruin ito offline na magbibigay sa iyo ng pagkakataong gamitin ito kahit kailan at saan mo man gusto.

Konklusyon

Ang Queen’s Diary – DressUp&MakeUp ay isang mahusay na larong pangtanggal ng stress dahil sa gameplay environment at simpleng mekaniks nito, ngunit mayroon itong maliliit na isyu o problema na nakakaapekto sa performance nito sa buong laro. Sa pangkalahatan, maaari ka pa ring malibang at mamangha sa nakakaaliw nitong gameplay. Libre rin itong i-download at i-install kaya subukan mo na at maliw sa mga feature ng larong ito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...