Random Defense: All Star TD Review

Ang Random Defense: All Star TD ay isang strategy game na inilunsad ng Clegames Inc. noong Disyembre 4, 2020. Ang game app nito ay free-to-download at kasalukuyang may mahigit 100,000 intalls sa Google Play. Kung naghahanap ka ng bagong strategy game na pwede mong subukan, maaaring ito na ang hinahanap mo. 

Ang pangunahing layunin ng mga manlalaro rito ay manalo sa bawat match sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas mataas na score. Ang score sa larong ito ay nakabatay sa bilang ng mga halimaw na iyong mapapatay pagkatapos ng isang game match. Ang malaking pagkakaiba nito sa ibang strategy games ay ang pagiging random nito. Ito ay itinuturing din na isang larong nakadepende sa swerte dahil ang mga hero na maaari mong i-summon at ang magic cards na maaari mong gamitin ay lumilitaw ng random. 

Paano I-download ang Laro?

Random Defense: All Star TD - Laro Reviews

Random Defense: All Star TD – Laro Reviews

Ang larong ito ay pwedeng i-download sa Android at iOS devices. Hanapin lamang ito sa Play Store o sa App Store at i-click ang install button. Kung nais mong laruin ito sa iyong desktop o laptop, maaari mo itong hanapin sa mga lehitimong gaming website o kaya ay pwede mong i-download ang app sa computer gamit ang emulator. Para hindi ka na maabala pa, pwede mong gamitin ang mga sumusunod na link mula sa Laro Reviews: 

Download Random Defense: All Star TD on PC https://www.fibonair.com/en/games/download-39907-random-defense-all-star-td/pc

Download Random Defense: All Star TD on iOS https://apps.apple.com/us/app/all-star-random-defense/id1537563549

Download Random Defense: All Star TD on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.cle.allstar

Random Defense: All Star TD – Ultimate Guide para sa mga Baguhan

Ang Random Defense: All Star TD ay maaaring simple at madali subalit, challenging din ang larong ito. Kailangan mong makagawa ng isang epektibong diskarte upang manalo dahil hindi lamang ito tungkol sa paglalagay ng random na mga hero sa iyong board. Medyo may hawig ito sa mga tower defense game maliban na lamang sa aspetong hindi mo maaaring piliin ang mga hero at magic cards na gagamitin mo. Sa halip, kailangan mong maghintay kung ano ang iyong makukuha at gamitin ang mga ito sa pinakaepektibong paraan. Ang feature na ito ang dahilan kung bakit mas mapanghamon ito kung ikukumpara sa iba. Subalit, huwag mag-alala! Sa pamamagitan ng mga subok ng paraan, tiyak na malalaro mo ito ng mahusay. 

Related Posts:

War Eternal – Enter the Dragon Review

Clash of Lords 2: Guild Castle Review

Ang sumusunod ay isang ultimate guide mula sa Laro Reviews. Ito ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon na dapat mong malaman tungkol sa All Star TD. 

  • Gameplay

Upang maprotektahan ang iyong tower mula sa sumasalakay na mga halimaw, kailangan mong mag-summon ng mga hero at gumamit ng malalakas na magic cards. Kung iyong mapapansin ang iyong kalaban ay nakapwesto sa kabilang bahagi ng iyong board. Kailangan ninyong magpataasan ng score na makukuha. Ang sinuman na may pinakamataas na bilang ng halimaw na mapapatay ang siyang mananalo sa match. 

Random Defense: All Star TD - Laro Reviews

Random Defense: All Star TD – Laro Reviews

Ang mga hero sa larong ito ay marami at ang bawat isa ay may natatanging abilidad at kakayahan. Bukod pa rito, may magic cards ding magagamit upang sila ay mas palakasin pa. Tandaan na ang mga hero at magic cards ay random na lumilitaw. Wala kang kakayahang piliin kung ano ang gusto mo. Talagang susubukan nito ang iyong kakayahang makagawa ng mabilis na pagdedesisyon. Kung gusto mong mas palakasin pa ang iyong hukbo, pwede mo ring i-upgrade ang mga hero pati ang magic cards. Sa pamamagitan nito, mas tataas ang iyong tsansang manalo.

Maaari ka ring maglaro kasama ang iyong mga kaibigan sa pamamagitan ng Party Play Mode. Sa mode na ito, maaari kayong bumuo ng alyansa at magkakasamang labanan ang mga halimaw. Kung mas gusto mo namang maglaro ng solo, maaari kang sumali sa PVP Battle Arena Mode at makipaglaban sa mga halimaw hangga’t gusto mo.

  • Home Section

Para tuklasin ang iba’t ibang uri ng adventures na pwede mong ma-enjoy, i-click lamang ang Home Section button na makikita sa itaas na bahagi ng iyong gaming screen. Dito mo rin makikita ang lahat ng rewards na meron ka tulad ng diamonds at coins. Para naman makita ang listahan ng Daily Quests na kailangan mong kumpletuhin para makakuha ng karagdagang rewards, i-tap lamang ang quests icon. Sa ibabang bahagi nito makikita mo ang character at magic cards na pwede mong gamitin. Bago ka sumali sa mga labanan, kailangan mong i-check ang section na ito. Hangga’t maaari, i-upgrade ang iyong heroes at magic cards para makapaghanda sa malalakas na mga halimaw. Ang iba’t ibang mga game mode na maaari mong pagpilian ay makikita sa pinakaibabang bahagi ng iyong gaming screen.

  • Paano Mag-summon ng mga Hero at Magic Cards
Random Defense: All Star TD - Laro Reviews

Random Defense: All Star TD – Laro Reviews

Kinakailangan mo ng Summon Power (SP) upang mag-summon ng mga hero. Kung hindi mo mapapanatili ang tamang level ng SP, maaaring mawala bigla ang mga ito kaya huwag kaligtaang i-tap ang SP button. Samantala, makikita mo ang controls para sa magic cards sa ibabang bahagi ng gaming screen. Sa pamamagitan ng mga ito, pwede mong silang mabigyan ng power-ups at boosts upang mas palakasin pa. Para magamit ang feature na ito, siguraduhin lamang na ikaw ay may sapat na MP o Magic Power. Maaari mong ring pagsamahin ang dalawang hero upang makabuo isang hero na mas matibay at mas malakas.

Pros at Cons ng Random Defense: All Star TD

Ang larong ito ay minamahal at pinupuri ng maraming manlalaro at kritiko sa buong mundo. Marami ang nagsasabing ang game mechanics nito ay madaling matutunan ng kahit na sino. Ang game app ay hindi rin kasing laggy tulad ng karamihan sa online strategy games. Bukod pa dito, mabilis ang progreso ng laro at puno ito ng maaksyong mga hamon. Ang game controls ay gumagana ng maayos at ang graphics at animations ay may magandang kalidad. 

Sa kabilang banda, pagdating naman sa random na paglitaw ng heroes at magic cards ang mga manlalaro ay may iba’t ibang opinyon tungkol dito. May iba na nasisiyahan sa feature na ito dahil mas nagiging exciting ang paglalaro. Subalit, may ilan din na nagsasabing hindi patas ang ganitong system. Bukod dito, may mga isyung teknikal din ang laro tulad ng in-game crashes, connectivity issues at biglaang pag-freeze sa kalagitnaan ng laban. May mga pagkakataon ding hindi naa-access ng ibang manlalaro ang kanilang mga account.

Konklusyon

Ang Random Defense: All Star TD ay may average rating na 4.5 stars sa Play Store at App Store. Ito ay nagpapakita na karamihan sa mga manlalaro ay may positibong feedback tungkol dito. Subalit, hindi natin maikakaila na may mga karagdagang updates pang kailangan ang larong ito. Sa kabuuan, kung nais mo talagang subukan ito, pwedeng-pwede naman basta’t isaalang-alang mo lamang ang pros at cons ng laro upang hindi ka masyadong madismaya. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...