Random Hero Review

Kung naghahanap ka ng larong may kaparehas na gameplay kung saan kailangan mong bantayan ang iyong teritoryo at bida ang iba’t ibang klase ng Hero na may iba’t iba ring klase ng kapangyarihan, pwedeng-pwede mong subukan ang larong ito – ang Random Hero! Ito ang tower defense game na nilikha ng Tycoon Games. Sa oras na laruin mo ito, paniguradong kasasabikan mo rin ang mga cute hero na hatid ng larong ito para sa’yo!

Simple lamang ang gameplay ng larong ito kung saan trabaho mong mag-summon ng mga hero, paramihin at kalaunan ay ipag-merge ang mga ito upang makabuo ng mas malalakas pang hero upang ubusin ang mga villain na nagtatangkang pasukin ang iyong teritoryo. Mayroon ding sari-saring game mode ang larong ito na talaga namang hindi ka magdadalawang-isip na gawing libangan. Kaya naman, tara na! Simulan na nating laruin ang Random Hero!

Features ng Random Hero

Random Hero - Laro Reviews

Random Hero – Laro Reviews

Ang Random Hero ay may hinandang dalawang klase ng game mode na maaaring pagpilian ng bawat manlalaro at talaga namang kaaaliwan ng mga ito. Kung kakapasok mo pa lamang sa laro ay sapilitan ka munang dadalhin ng laro sa dalawang klase ng game mode na ito upang turuan ng mga basic gaya ng pag-summon ng mga hero at pag-merge sa dalawang magkaparehas na hero upang makapag-produce ng panibagong hero na mas malakas sa mga ito.

Kung lalaruin mo ang PvP ay mayroon kang kalayaang mamili kung paano mo ito nais laruin. Maaari kang gumawa ng sarili o sumali sa isang room kung saan tanging kayo lang ang pwedeng maglaro roon. Mayroon din namang tinatawag na quick match kung saan maaari mong makalaro ang bawat random player ng larong itong nasa iba’t ibang sulok ng mundo. Ganito rin ang kalakalan pagdating sa Co-op mode. Ang kaibahan lamang nito sa PvP ay mas pinabilis atpinalakas ang bawat kalaban dito at isa lamang ang buhay ninyo rito kumpara sa PvP na tatlo, dahilan kaya kailangang magtulungan ng dalawang manlalaro na ubusin ang mga kalaban bago pa ito makapasok sa berdeng butas na animo’y portal.

Bukod pa sa dalawang game mode na ito ay mayroon din ditong event na maaaring salihan ng bawat manlalaro gaya ng Tournament, Random Arena, at Random Mirror Match kung saan malalaro mo lamang kung sapat na ang nakuha mong trophy reward o bilang ng iyong purple diamond. Kumbaga ito ang itinuturing na entrance fee kung nais mong laruin ang mga ito. 

Gayunpaman, hindi mo kailangang mabahala dahil mayroon namang paraan upang mabilis kang makakakuha ng maaari mong gamitin bilang entrance fee sa mga ito at iyan ay sa tulong ng quest. Sa quest button ay matatagpuan mo ang iba’t ibang task na maaari mong gawin kapalit ng reward na siyang magagamit mo naman upang ma-explore mo pa ang Random Hero.

Mayroon din sa larong ito na iba’t ibang klase ng battlefield gaya ng Forest, Ice at Lava. Ang iba sa mga ito ay magagamit mo na sa simula pa lang ng laro habang ang iba naman ay kailangan mong bilhin gamit ang purple diamond na makukuha mo rin dito kung magpapatuloy kang laruin ito. Kung natatagalan ka sa pagkuha sa mga diamonds at kung anu-ano pa, mayroon namang shop dito kung saan maaari mong mabili sa pamamagitan ng tunay na pera para lamang ma-unlock mo ang mga kailangang i-unlock sa laro.

Dahil patungkol sa mga hero ang larong ito, maraming iba’t ibang klase nito ang hinanda upang iyong ma-upgrade at magamit sa bawat game mode. Ilan sa mga ito ang siguradong mayroon ka na sa simula pa lang habang ang iba naman ay maa-unlock mo pa lamang kung ipagpapatuloy mo ang paglalaro nito. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang abilidad na maaaring mong isaalang-alang oras na simulan mo nang laruin ito. Makikita ito sa kanilang hero info kung saan nakasaad doon kung anong kapangyarihan ang taglay nila at kung saan sila mas epektibong ilagay. 

Random Hero - Laro Reviews

Random Hero – Laro Reviews

Kung papasok naman tayo sa mismong loob ng laro, makikita natin ang iba’t ibang klase ng villain na hinanda rin para rito. Mayroon din itong iba’t ibang itsura, bilis at lakas na talagang susubok sa kakayahan mong mag-strategize bilang isang manlalaro, matalo lamang ang mga ito. May mga game mode rin kung saan random mong makakalaban ang bawat isa nito.

Saan Maaaring I-download ang app?

Ang larong ito ay nangangailangan lamang ng 115MB sa Google Play para mai-install. Kung nais mo itong laruin, i-click lamang ang link na nasa ibaba.

Download Random Hero on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.lessismore.randomhero

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Random Hero

Kung isa kang ma-obserbang manlalaro, mapapansin mong may nilalagay na tips ang Random Hero sa tuwing binubuksan mo ang laro o bago mo simulan ang bawat laban. Mainam ang mga iyon at maaari mong sundin kung sakaling matandaan mo ang iba. Bukod pa riyan ay narito ang Laro Reviews upang bigyan ka ng ilang tips upang makaabante ka pa sa iyong laro. 

Related Posts:

Random Card Defense Review

Mobile Royale MMORPG – Build a Strategy for Battle Review

Gamitin ang bawat espasyong inilaan sa larong ito. Mayroong labinlimang espasyo sa tinatawag na battlefield ng laro. Ito yung mga hugis parisukat kung saan nakalagay ang iyong mga hero. Dahil posible ang pagkakataong hindi lahat iyon ay mapupunan, isang magandang ideya na gamitin ito sa pamamagitan ng paglipat-lipat ng iyong mga hero ayon sa nais mo. Magagamit mo rin ito lalo na sa pagkakataong malapit nang mapasok ng mga villain ang iyong teritoryo. Kung sakaling mangyari ito, ilipat mo lamang sa bandang iyon ang mga hero upang mapigilan nila ang mga magtatangkang pumasok dito. Hindi mo kailangang mag-panic.

Huwag munang i-combine ang iyong mga hero kung nasa simula ka pa lamang ng laro. Ito ay upang maparami pa ang iyong hero na lumalaban sa mga villain. Tandaan na kung mas marami ang iyong hero, mas marami ang lumalaban at mas mabilis din ang pag-ubos sa mga kalaban. Ngunit tandaan na mainam lamang itong gawin sa simula at hindi sa kabuuan ng laro. Kung iniisip mong punan ng mga hero ang bawat espasyo sa iyong battlefield sa pamamagitan ng hindi pagko-combine sa mga ito, masasabing naglalaro ka para matalo. Mahalaga pa rin ang pag-combine sa mga magkakatulad na hero upang makapag-produce ito ng panibagong hero na mas malakas pa kaysa sa mga nauna.

Isa ring bagay na dapat tandaan ng bawat manlalaro ng Random Hero ay ang palaging pagsilip sa hero info. Iyon ay upang malaman mo kung anong klaseng kapangyarihan mayroon ang mga mga ito at kung saan sila mas epektibo. Gawing prayoridad din ang pag-upgrade sa mga ito at pag-power up naman kung nasa loob na ng laro. Random lang din ang mga villain na maaari mong makalaban kaya naman mainam iyong gawin.

Pros at Cons ng Random Hero

Random Hero - Laro Reviews

Random Hero – Laro Reviews

Siguro, lalo na kung bago lamang sa’yo ang larong ito, una kang mamamangha sa itsura ng bawat hero na inilaan para rito. Maliliit lang ang kanilang mga hugis at talaga namang maaakit ka sa bawat itsura ng mga ito. Unique at talaga namang kayang agawin ang iyong atensyon sa oras na mapansin mo ang mga ito. Maganda rin ang iba pang graphics ng laro pagdating sa bawat labanan. Kung may makikita lamang na kaunting problema rito, iyon marahil ay ang pagkakaroon lamang nito ng kulay na kalimitang walang buhay at siyang nakakapagbigay ng dull na pakiramdam sa laro.

Maganda ang ideya kung saan naglapat ang developer nito ng iba’t ibang klase ng laro nang hindi ka lamang maaaliw kundi may pagkakataon ding maka-interact mo ang iba pang naglalaro nito kahit saang mundo pa ito naroroon. Isang problema nga lang dito ay nangyayari lamang ito kung nanaisin mong maglaro gamit ang quick match. Mainam sana kung mayroon din iyong maaari mong makalaro ang iba pang manlalaro sa pamamagitan ng public room, hindi lamang ang iyong mga kaibigan.

Lahat ng laro ay unique. Maaaring dahil sa iba-iba ang maaaring makalaro o dahil random lang din ang maaari mong makalaban sa bawat laro. Iba-iba rin pagdating sa bawat villain na maaari mong makalaban. Kung mayroon mang problema rito, iyon ay ang kapansin-pansing pagiging mahigpit ng laro na papasukin ang bawat manlalaro sa bawat game mode na mayroon dito. Sobrang bagal kasi ng reward system dito ngunit ang laki-laking entrance fee ang inilagay para sa bawat laro, dahilan kung bakit kailangan mo pang maghintay ng matagal bago mo pa ito tuluyang malaro.

Konklusyon

Kung naghahanap ka ng larong maaari kang malibang, isa pa rin ang Random Hero sa maaaring irekomenda ng Laro Reviews para sa’yo, dahil hindi naman talaga maitatangging makukuha na agad nito ang iyong interes oras na simulan mo itong laruin. Agad kang mahuhulog sa kakaibang gameplay nito gaya ng pagsa-summon ng iba’t ibang hero at paggamit ng iyong talino para lamang manalo rito. Sa kabila ng mga disadbentahe nito, malaki pa rin ang potensyal ng larong itong kagiliwan ng marami.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...