Real Steel Review

Ito ay isang gaming app na base sa pelikulang Real Steel kung saan matutunghayan mo ang laban ng mga karakter na robot. Maglalaban ang dalawang robot sa isang boxing ring at ang unang ma-knockout ay siyang talo.

Maaaring mag-unlock at maghanap ng mga bagong autonomous na robot upang idagdag sa iyong koleksyon. I-upgrade at i-customize ang iyong robot habang nakikibahagi sa kamangha-manghang labanan. Ilabas na ang iyong husay sa boksing at pagharian ang boxing ring!

Ano ang layunin ng laro?

Ang layunin ng laro ay ang manalo sa iyong katunggali. Ang lahat ay tungkol sa pakikipagboksing sa iba pang robots at susubukan mong labanan sila hanggang sa maubos ang kanilang enerhiya. Maglaro na tila nasa isang tunay na laban ng boksing ngunit ang players sa bersyon na ito ay mga kamangha-manghang robot. Maaari mong i-upgrade at i-customize ang mga robot upang maging lamang sa bawat laban na iyong lalahukan. Kasama sa feature ng larong Real Steel ang bagong Tournament at Survival Modes, ang malawak na gameplay at ang napakahusay na kalidad ng replay. Mayroon din itong multiplayer mode kung saan maaari mong yayaing sumali pati ang iyong mga kaibigan.

Real Steel

Real Steel

Paano ito laruin?

Ang laro ay available para sa Android at iOS users. Ito ay handa na para sa direktang pag-download at pag-install.Gayunpaman, hindi ito libre. Dapat bilhin muna ito sa app store, i-install, at pagkatapos ay maaari nang tuklasin ang bawat feature ng laro.

Ang laro ay isang boxing match para sa mga robot. Walang halos ipinagkaiba sa alam mong boxing sports sa totoong buhay na napapanuod ng mga tao sa telebisyon o maging sa aktwal na paligsahan. Pareho rin ang layunin, ito ay ang ma-knockout ang kalaban ngunit ito ay isang animated version na base sa pelikulang Real Steel. Tulad ng nakikita mo, ang lahat ng mga karakter dito ay mga robot na may mga kapangyarihan. Ang mga aksyon at galaw dito ay kakaiba at mahusay na naisasagawa.

May kumpletong kontrol sa pag-customize at pag-upgrade ng mga robot. Ang kamangha-manghang aspeto nito ay maaaring baguhin ng users ang itsura at mga kakayahan ng karakter na robot. Ang visual controls ng laro ay napakasimple na kahit ang isang rookie ay makakasabay sa mekaniks nito. Available rin ang in-app items para makabili ng ibang robot at maupgrade ang mga ito. Ang pangunahing mekaniks ay napakadali lamang, ito ay talunin ang kalaban sa loob ng boxing ring!

Paano i-download ang laro?

Ang mga kailangan para matagumpay na ma-download ang Real Steel sa Android devices ay dapat Android 4.1 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS devices naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS  kaysa 11.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 56 MB at 1.8 GB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang links sa ibaba upang mag-download:

  • Download Real Steel on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.jumpgames.RealSteel
  • Download Real Steel on iOS https://apps.apple.com/us/app/real-steel/id455650341
  • Download Real Steel on PC https://www.bluestacks.com/apps/action/real-steel-on-pc.html
Real Steel

Real Steel

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Real Steel

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa iyong device.
  2. Hanapin ang bersyon ng Real Steel. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang account. Sa oras na aslisin mo ang laro sa device, hindi na masi-save ang progress nito.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Real Steel!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Real Steel

Sa katunayan, walang mga espesyal na taktika na kinakailangan upang manalo sa larong ito. Ang simpleng pag-tap lamang sa control keys ang magpapagalaw sa iyong karakter para atakihin ang kalaban. Ang kailangan mo lang gawin ay mga tamang kumbinasyon ng atake, gamitin ang Special Skill sa tamang oras, at malaman kung kailan dapat lumipat sa pagitan ng defensive at offensive mode sa oras ng labanan.

Dapat mo ring bantayan ang iyong Energy Bar at panatilihin ang iyong distansya mula sa kalaban upang makapaghanda ng isang malakas na pag-atake at matalo ito. Huwag matakot na gamitin ang iyong rewards sa pagpapalakas ng mga kakayahan ng iyong robots. Kung susundin mo ito, siguradong magkakaroon ka ng kalamangan sa laban. Maaari mo ring baguhin o i-personalize ang mga robot upang maging mas malakas at mag-stand out sa loob ng ring!

Hindi ka mahihirapan sa mga teknikalidad ng laro dahil simpleng pagkapanalo lamang mula sa kalaban ang layunin nito. Magsagawa ng mga kumbinasyong pag-atake upang mas malakas ang matamong damage ng kalaban. Maaari mo ring subukang gumastos ng totoong pera sa in-app purchases upang makakuha ng mas malalakas pang robots at ma-upgrade ang mga ito nang mabilis.

Real Steel

Real Steel

Pros at Cons sa Paglalaro ng Real Steel

Gumagamit ang Real Steel ng side-scrolling style na nagli-limit sa iyong mobility sa kaliwa at kanan. Ang simulation objects ay medyo maganda ang pagkakagawa.  Kung napanood mo na ang pelikula, nakatutuwang makita ang mga robot sa pelikula na lumalabas sa laro. Lumilitaw na may mga negatibong rating ang laro dahil napagtanto ng ilang users na pinipilit nitong gumamit ng in-app purchase dahil ang mga kasanayan ng kalaban ay lalong humihirap hanggang sa hindi mo na ito kayang matalo. Ang mga tampok at gameplay ay pinahihirapan din ng mga bug, ayon sa mga manlalaro.

Related Posts:

Five Nights at Freddy’s 4 Review

Zombie Night Terror – A Plague Unleashed Review

Para sa kalidad ng visual at graphics, ang settings ng laro ay hindi ganoon kaganda dahil halos katumbas lamang ito ng fighting games na makikita sa mga lumang bersyon ng Playstation – kung saan ang backgrounds ay mababa ang resolution at hindi mukhang makatotohanan. Dapat isaalang-alang ng developers na ayusin ang mga isyu sa bug, performance ng gameplay, at kalidad ng graphics para makapag-alok ito ng mas kapanapanabik na karanasan para sa mga manlalaro. Ang mga manlalaro ay may posibilidad na maghanap ng higit pang mga pag-aayos dito. Ang mga pagpapabuti sa laro ay kailangan upang masiyahan man lang ang ilan sa mga gumagamit nito. Kaya hindi nakakagulat na nakakatanggap ito ng negatibong feedback dahil sa mga kadahilanang nabanggit.

Ang laro ay angkop malamang para sa mga edad pitong taong gulang pataas dahil naglalaman ito ng may bahagyang karahasan at maaaring makaimpluwensya sa mga bata. Kung tutuusin, may fighting scenes na makikita rito kaya kailangan talaga ng patnubay ng magulang. Ang laro ay magagamit para sa mga gumagamit ng parehong Android at iOS. Ito ay isang mobile app na maaaring laruin nang hindi nangangailangan ng koneksyon sa internet.

Konklusyon

Ang Real Steel ay isang mahusay na larong boksing na may kahanga-hangang konsepto. Kahit na ang visuals ay hindi masyadong kahanga-hanga, lalo na kung ihahambing sa iba pang kilalang mga laro sa Android – walang masyadong fighting games sa platform na kasing-dali pero kasing busisis ng isang ito. Sa kabilang banda, sng labis na in-app items ng laro ay lubhang nakaka-disappoint para sa mga manlalaro dahil kailangan mong magbayad ng pera upang ma-upgrade ang iyong mga karakter para mas lumakas pa ito sa laban.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...