Rescue Jerry Review

Halos saan mang panig ng mundo ay tanyag ang palabas na Tom and Jerry, ang dalawang cartoon characters na mortal na magkaaway. Sa larong ito, sinasalamin din ng dalawang game characters ang dalawang nabanggit na mga bida sa palabas. Pagbibidahan ng dagang si Jerry ang laro at lagi namang nakaabang sa kanya ang brusko at matapang na pusa para sa pagtatangka nitong kainin ang keso.

Paano laruin ang Rescue Jerry:

Simple lamang ang mechanics ng laro, tutulungan ang dagang si Jerry na makain nito ang kanyang pinaka-paboritong pagkain, ang keso. Pero bago ka magtagumpay sa misyon, kinakailangan mo munang putulin ang lubid na nakatali sa kanyang katawan upang tuluyan siyang makababa papunta sa lugar kung saan nakalagay ang keso. Maging maingat sa pagputol ng tali dahil may dalawa lamang kahahantungan si Jerry: ang matagumpay na makatakas o ang mahulog sa mga matatalas na uri ng mga patibong.

Saan pwedeng i-download ang Rescue Jerry:

Download Rescue Jerry on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.rescue.jerry.littlejerry&gl=US

Download Rescue Jerry on PC https://www.bignox.com/appcenter/com-rescue-jerry-littlejerry-pc.html

Features ng Rescue Jerry:

  • Different Obstacles– Isa sa magandang katangian ng larong ito ay ang pagkakaroon ng maraming klase ng obstacles. Iba-iba ang hugis, laki, kulay at bigat ng mga balakid. Ilang halimbawa rito ay rolling blade, bomba, matalas at malaking patalim at ang malaking pusang kulay itim na siyang pinakamahirap na lusutan.
  • Many Game Stages– Sadyang susubukin ng larong ito ang iyong abilidad na mapagtagumpayan lahat ng mga balakid sa laro. Ang bawat game level ay binubuo ng mga game stage. Tatlong beses na sunod-sunod din dapat na magtagumpay sa pagkuha ng keso si Jerry para tuluyang  makaalis sa isang game stage.
  • Stage Bonus– Hindi lamang sa pamamagitan ng pagtatapos sa mga game level makakakuha ng coins dahil ang larong ito ay mayroon ding ibinibigay na bonus coins sa bawat makukumpletong stage. Mayroong tatlong mystery items kang pagpipilian at may isa kang pagkakataon upang pindutin ang isa sa kanila. Maaari kang makakuha ng libreng coins mula 25 hanggang 100.

Tips at Tricks sa paglalaro ng Rescue Jerry

Bago putulin ang lubid ay kailangan mo munang tingnan ang mga posibilidad. Kapag may mga patibong sa kanang bahagi, ang una mong puputuling bahagi ng lubid ay ang nasa kanan din para kapag pinutol mo ang natitirang lubid sa kaliwa ay doon ka rin babagsak.

Mag-ingat sa iba pang patibong maliban sa mga nasa ibaba. Siguraduhing wala kang tatamaang alin mang matatalas na bagay o pampasabog sa mga gilid o gitna dahil kapag nagkataon ay matatanggal ka sa laro at muli kang uulit.

Ang pinakamahalaga sa lahat ay maisahan ang bruskong pusa na nagbabantay sa keso. Upang magawa ito ay kailangan mo ng tulong ng ibang trap na nakatali kagaya ng mga bomba, malalaki at matatalas na patalim, at pangharang na kahoy. Ihuhulog mo ang mga ito papunta sa kinaroroonan ng nagbabantay na pusa.

Pros at Cons ng laro

Unang-unang mapapansing positibong katangian ng larong ito ay ang maganda nitong tugtog. Nakakagising ng diwa ang beat ng musika kaya hindi ka makakaramdam ng antok kapag nilalaro mo ito. Pangalawa, isa itong 3D puzzle game, ibig sabihin hindi lang basta puzzle ang larong ito dahil ang graphics nito ay higit din na mas malinaw kung ikukumpara sa mga puzzle games.

Masasabi rin ng Laro Reviews na bukod-tangi ang larong ito sa mga tipikal na puzzle game dahil bukod sa game levels ay mayroon pa itong mga game stage na kailangang malagpasan. Higit na mas marami rin ang mga coins na maaaring makolekta. Hindi rin nagkakaroon ng bugging at glitching sa gamit mong device kaya hindi nakakadagdag irita sa laro.

Pangalawa, ang Rescue Jerry ay mainam na laruin kapag bumabyahe. Tutulungan ka nitong aliwin kung sakali mang maipit sa bigat ng trapiko, o gawing pampalipas oras kapag sobrang layo ng pupuntahan.

Sa karagdagan, napakadaling laruin ng Rescue Jerry kaya tiyak na matutuwa ang mga batang manlalaro nito. Hindi rin kailangang mag-alala ng mga magulang dahil walang karahasan o malalaswang larawan sa laro. Sa katunayan, nakakaaliw na pagmasdan ang dagang si Jerry dahil sumasayaw ito pagkatapos na makakain ng keso.

Sa kabilang banda, hindi rin maikakaila ang ilang mga negatibong katangian ng laro: una na rito ang paulit-ulit lamang ang mga misyon sa laro. Wala ng iba pang gagawin bukod sa tulungang makakain ng keso ang dagang si Jerry, maging ang mga patibong at mga gamit sa bawat game level ay magkakapareho lamang.

Pangalawa, kapag nakabukas ang wifi o data ng iyong device, ang larong ito na ata ang mayroong pinakamaraming mga pop-ad na lumalabas. Sa loob ng limang minutong paglalaro ay maya’t maya kang pipindot sa X-button ng mga ad. Kaya mas mainam na laruin ito na naka-offline para mabawasan ang kanilang dami.

Higit sa lahat, kung ang habol mo lamang sa larong ito ay Robux para sa iyong Roblox Account, huwag ka ng umasa pa. Bukod sa kailangan mong makaipon ng 24,000 robux points ay pakaunti nang pakaunti ang makukuha mo kapag malapit mo nang maabot ang target amount. Hindi rin totoo na magkakapera ka rito dahil sakali mang maabot ang 24,000 points ay papapanoorin ka rin ng laro ng mahigit sa 50 ads pero sa huli ay hindi mo pa rin makukuha ang inaasam na robux points.

Konklusyon

Hindi na bago ang mga larong may kinalaman sa mga puzzle, maging ang paggamit ng mga karakter na daga at pusa ay masasabing napaglipasan na rin ng modernong panahon na kinabibilangan natin sa ngayon. Kung ang hanap mong laro ay pampalipas oras lamang ay masasabi ng Laro Reviews na para sayo ang Rescue Jerry. Mainam rin itong ipalaro sa mga bata. Pero kung ang hanap mo naman ay bakbakan, puno ng aksyon at maraming karakter sa laro, pwes hindi ito ang para sayo. Higit sa lahat, kung maikli ang iyong pasensya ay mas lalo lamang na iinit ang iyong ulo dahil sa nabanggit na problema sa ads.

Sa kabilang dako, naniniwala pa rin ang Laro Reviews na kung mas lalo pang paghuhusayan ng developer ang laro sa pagdadagdag ng iba pang game features kagaya ng karagdagang game characters, iba-ibang game plot, mas challenging na mga obstacle, at mas malaking espasyong pwedeng maging habulan ng nasabing daga at pusa sa laro ay tiyak na mas lalo pang gaganda ang kalidad ng Rescue Jerry.

Kinakailangan ding bawasan ang dami ng ads sa laro upang maiwasang mawalan ng gana ang mga manlalaro na ipagpatuloy ang paglalaro nito. Higit sa lahat, tanggalin na ang robux points sa laro kung wala namang balak na ibigay sa mga nagpupuyat at naghihirap na mga manlalaro. Ang inaasahan nilang gantimpala mula dito ay malinaw na isa itong uri ng pandarambong. Pero pwedeng-pwede mo pa rin itong laruin upang lubos na makilala ang Rescue Jerry.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...