Resortopia Review

Resortopia – Sa larong ito, ikaw ang magiging tagapamahala ng isang lumang resort. Ang pangunahing layunin dito ay ang i-upgrade ang mga silid, magdala ng mas maraming mga panauhin, at gawin ang iyong maliit na resort bilang isang pangunahing atraksyon sa inyong lugar.

Ang Features ng Resortopia

Isang Kaswal na Gaming Experience

Kung bago ka lang sa mga ganitong uri ng laro, ang Resortopia ay isang magandang opsyon na pag simulaan. Ito ay mayroong madaling maunawaan na mga kontrol at mekaniks kung saan ay mabilis mo lang makakbisado ang mga pangunahing kaalaman sa laro. Sa lagi mong paglalaro nito, hindi malayo na ikaw ay maging isang expert kaagad sa larangan ng pamamahala ng isang hotel.

Maaaring I-customize sa Paraang Gusto Mo

Dito ay maaari mong isakatuparan ang iyong mga plano o ideya sa larangan ng pagiging malikhain sa pamamagitan ng pag aayos ng hitsura at dating ng iyong resort. Maging malikhain at gawin lahat ng nararapat at mga gusto mo sa iyong hotel o resort hangga’t mayroon kang mapagkukunan ng mga bagay na iyong kakailanganin.

Madali lang Laruin

Gaya ng unang nbanggit, ang mga kontrol sa laro ay napaka simple lamang. Madali mo lang din ma-pause ang laro kahit kailan mo gusto, sa pamamagitan lang ng pag-tap sa icon ng hotel na makikita sa gitna ng iyong screen. Kung gusto mo rin maglipat ng mga bagay-bagay, simpleng pag-drag at pag-drop lamang sa mga items sa tamang lugar ang iyong tanging gawain.

Isang Single-player na Laro

Ang larong ito ay perpekto para sa mga players na mahilig na maglaro nang mag-isa. Dagdag pa, ang larong ito ay maaari mong ma-enjoy anumang oras na gusto mo at kahit nasaan ka mang parte ng mundo.

Resortopia - Laro Reviews

Resortopia – Laro Reviews

Ang Gameplay ng Resortopia

Bilang isang tagapamahala, kakailanganin mong manghikayat ng maraming mga panauhin dito na may iba’t ibang karakter, kulay at istilo. Marami kang magagawang mga bagay upang maging kakaiba at mas nakakamangha ang lumang resort na ito.

Dito ay malaya kang ibahagi ang iyong pagkamalikhain habang pumipili at bumibili ng napakaraming mga kasangkapan. Maaari mo ring linisin ang mga silid at lagyan ng disenyo ang lahat ng mga ito ayon sa iyong panlasa.

Kung mahilig kang magshopping at magaling rin sa pagpili ng mga kagamitan, tiyak na masisiyahan ka sa larong ito dahil dito ay makakabili ka ng iba’t ibang kasangkapan at pasilidad para sa iyong resort upang gawin itong mas kaakit-akit sa publiko. Ilan lamang sa mga bagay na maaari mong mabili dito ay ang iba’t ibang kama, kabinet, massage chair, at maging isang spa rin.

Para mas marami pang magawa sa resort at walang oras na masayang, maaari kang umarkila ng mga manggagawa para tulungan ka sa pagpapatakbo ng iyong resort. Upang madaling lumaki ang iyong negosyo, kakailanganin mo ng maraming kamay na tutulong sayo sa pagpapanatili ng magandang serbisyo sa iyong resort. Huwag mag dalawang-isip na kumuha ng karagdagang tulong kung kinakailangan sa pagpapalawak ng operasyon sa iyong resort.

Ang Graphics at Musika ng Laro

Sa usapang graphics naman ng laro, ito ay hindi naiiba at halos pareho lang din ng ibang mga kaswal na laro online sa pareho ding genre. Naghihintay sa iyo ang mga iba’t-ibang karakter, mga magandang palamuti, at ang magaan at masayang background music sa Resortopia. Sa kabuuan, ang lahat ng mga ito ay makakatulong sa iyo na mas makabisado pa ang gameplay ng laro, maranasan ang buhay ng isang manager, at magtagumpay.

Resortopia - Laro Reviews

Resortopia – Laro Reviews

Resortopia Download

Handa ka na bang magtrabaho at pasukin ang mundo ng hospitality management sa pamamagitan ng pamamahala ng isang resort. Siguraduhin din na ang bawat bisita sa iyong resort ay makakatanggap ng mahusay na pagtrato. Subukan ang laro at i-download ito sa iyong device. Narito ang links mula sa Laro Reviews na maaari mong gamitin para makapag-download ng laro ayon sa device na mayroon ka:

Download Resortopia Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=global.hotel.twgame&hl=en_US&gl=US

Download Resortopia Game on iOs https://apps.apple.com/us/app/resortopia/id1580026385

Download Resortopia Game on PC https://www.bluestacks.com/apps/casual/resortopia-on-pc.html

Ibalik ang Sigla at Ganda ng Hotel/Resort

Ang lahat ng perang kikitain sa pagseserbisyo sa mga panauhin ay dapat gamitin sa pag renovate ng gusali at sa pagbibigay na rin dito ng mga bagong kagamitan katulad ng mga kama, silya, kabinet, mga palamuti at marami pang iba. Ang currency na ginagamit sa laro ay tinatawag na cookies. Bukod sa nalilikom ito sa mga pagbabayad ng mga panauhin, nakukuha rin ito bilang isang tip. Upang makapag umpisa na sa operasyon, kakailanganin mo ang mga pangunahing mga kasangkapan sa silid tulad ng kama upang ito ay maging hostel.

Sa patuloy mong paglalaro, kalaunan ay dadami na ang mga request ng mga customer at kailangan mong pangalagaan ang pagtugon agad sa mga ito. Ang tindahan naman ng hardware dito ay mayroong ilang mga dosenang mga pagpipilian, mula sa mga komportableng mga sofa hanggang sa mga ready-made na kainan. Ang kailangan mo lang gawin ay ang kumita at makapag ipon ng sapat na cookies.

Related Posts:

Spider Rope Hero: City Battle Review

8-Ball Pool Review

Kumpletuhin ang Araw-araw na Gawain

Ang isa pang mapagkukunan ng pondo sa laro ay ang paggawa at pag kumpleto ng mga gawain. Bawat ilang minuto ay mayroong lalabas na mga gawain na hindi naman masyadong mahirap gawin. Sa kabilang banda, kailangan mo lang pindutin ang litrato ng isang lalaki sa iyong screen upang makakuha ng mga gawain at makakuha ng mga cookies. Bilang isang tuntunin, lahat ng mga orders o gawain ay mahuhulog sa pagbili ng mga bagong kagamitan o sa pagpapaayos ng gusali. Minsan, kakailanganin mo ring makakuha pa ng mga bagong panauhin, bigyang-kasiyahan at sundin ang mga kagustuhan nito.

Resortopia - Laro Reviews

Resortopia – Laro Reviews

Ang Pros ng Resortopia

Napaka-relax lang nito laruin. Dito ay maaari mong palamutihan ang iyong hotel at resort sa paraan at istilo na gusto mo. Ito ay posible dahil na rin sa napakaraming magagandang items o muwebles na pagpipilian dito. Hindi mo na rin kailangan pang gumastos ng pera o kumayod ng husto para umunlad at magtagumpay sa laro.

Ang Cons ng Resortopia

Wala naman masyadong negatibong bagay o karanasan sa larong ito. Ang tanging isyu ay hindi maaaring i-place nang maramihan ang ilan sa items ng laro. Maaari mo lang magamit o mailagay ito ng isang beses. Bukod dito ay ang mga hindi maiiwasan na lags at bugs.

Konklusyon

Kung ikaw ay magaling mag-manage ng mga hotel at iba’t ibang resort, at sa tingin mo ay kaya mong matulungan ang Udon sa mahirap na sitwasyon sa pamamagitan ng pag-aalok ng mga malikhaing ideya, i-download lang ang laro at gawin itong isa sa mga top-rated na hotel at resort. Sana ay nakatulong ang Laro Reviews na mabigyan ka ng gabay sa araw na ito. Masayang paglalaro!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...