Road to Valor: World War II Review

Kung naghahanap ka ng isang larong may heavy battle, realistic, at kailangan ng matinding strategy skills, narito ang rekomendasyon namin para sa’yo na paniguradong isa rin sa kagigiliwan mo. Ito ang Road to Valor: World War II na nilikha ng Dreamotion Inc. upang magbigay ng kakaibang war battle experience para sa lahat. Oo, hindi ka nagkakamali ng pagkakabasa, isa itong larong umiikot sa World War II kaya naman walang dudang kaaadikan mo ang isang ito.

Ang Road to Valor: World War II ay isang uri ng real-time PvP strategy game kung saan maaari kang makipagtagisan ng talino sa pakikipaglaban sa iba’t ibang manlalarong mula pa sa iba’t ibang sulok ng mundo. Sa larong ito, gagampanan mo ang pagiging isang General ng World War II. Trabaho mong kumolekta ng malalakas na troops na maaari mong ipadala sa bawat laban. Mag-isip ng isang epektibong strategy style upang matalo ang iyong mga kalaban, at sirain ang kanilang HQ at Bunkers. Lubos mong magugustuhan ang larong ito, kaya halika’t simulan na natin ang paglalaro nito!

Road to Valor: World War II - Laro Reviews

Road to Valor: World War II – Laro Reviews

Features ng Road to Valor: World War II

Bago mo simulang laruin ang Road to Valor: World War II ay dapat ka munang mamili kung alin sa U.S Army o Soviet Union ang nais mong gamitin bilang faction sa laro. Hindi mo kailangang mag-alala dahil maaari ka namang magpapalit-palit nang ilang beses kung sakaling maisip mong gamitin ang dalawang ito upang malaman kung alin ang gagamiting mas komportable sa’yo bilang isang manlalaro.

Maituturing na ring tutorial ang unang apat na labang maaari mong maranasan sa oras na laruin mo ito dahil tuturuan ka nito ng ilang mga basic sa laro gaya ng kung saan dapat maglagay ng mga tauhan, kung ano ang mga dapat gamiting gamit-pandigma maging ang kung ano ang pinaka-purpose mo sa laro.

Kung pipindutin ang troops button ng laro ay makikita mo rito ang iba’t ibang klase ng unit na mayroon ka at maaari mong magamit sa bawat pakikipaglaban. Mayroon ditong support ops, armored ops, at airborne ops. Sa baba ng mga ito makikita ang rifleman, 60mm mortar team, willis MB Jeep, 57mm anti-tank gun, m4 sherman, airborne, sniper, at m8 greyhound.Ito ang mga bagay na mayroon ka na sa simula pa lang at nangangailangan na lamang ng pag-upgrade upang mas maging epektibo pa sa mga laban. Syempre, mayroon pang unit dito na maaaring madagdag kung patuloy mong lalaruin ito.

Bukod sa training field kung saan nagaganap ang bawat laban, mayroon din ang laro ng iba’t ibang klaseng battlefield gaya ng Lush Forest, Chilling Snowfield, Wrecked Railway, Vast Desert, Old Airfield, Ravaged City at Factory Zone. Ang mga ito ay kailangan mo munang ma-unlock kasama ang ilang mga unit na nillaan para rito. Kasama rin dito ng battlefield ang dalawang klase ng league na mayroon sa laro gaya ng officer league at general league na maaaring salihan o laruin ng bawat manlalaro.

Sa larong ito, mahalaga rin ang pagsali o paglikha ng sariling corps. Kumpara sa iba, ang section na ito ay nangangailangan din ng pag-a-unlock. Kung nais mo itong magamit, kailangan mo munang makarating ng faction Level 3. Bukod din dito, kailangan mo ring ma-unlock muna ang challenge section kung saan may hinanda ritong iba’t ibang klase ng quest na talagang hahasain ang iyong battle skill. Para ma-unlock ito ay kailangan mo munang ma-unlock ang Battlefield 4.

Road to Valor: World War II - Laro Reviews

Road to Valor: World War II – Laro Reviews

Kung hindi mo pa maaaring magamit ang challenge section at bukod pa sa main challenges, malilibang ka pa rin naman sa iba’t ibang klase ng battle na maaari mong salihan dito gaya ng open friendly battle at 2×2 allied battle kung saan maaari kang mamili sa dalawa: allied forces o quick battle. Ilan sa mga battle na ito ang hindi naman makakaapekto sa iyong rank kung sakali mang matalo ka rito. 

Hindi naman madamot ang laro sa kanilang reward system dahil bukod sa gold at diamond, na ibinibigay sa tuwing nananalo sa laro at sa bawat achievement na iyong nagagawa rito, ay mayroon pa silang tinatawag na reward crate kung saan maaaring maglaman ang mga ito ng upgraded troops at iba pa. Ilan sa mga ito ang nangangailan ng nakatakdang oras bago muling buksan habang ang iba ay maaaring ma-unlock sa pamamagitan ng diamond. Kung masyado ka namang natatagalan sa reward dito, mayroon namang shop dito kung saan mabibili mo ang bawat item ng laro gamit ang tunay na pera.

Saan Maaaring I-download ang app?

Ang larong ito ay nangangailangan lamang ng 154MB sa Google Play habang 254.8MB naman pagdating sa App Store. Pagdating naman sa laptop o PC, nangangailangan ito ng emulator gaya ng bluestacks. Kung nais mo itong laruin, i-click lamang ang link na nasa ibaba depende sa device na iyong gamit.

Download Road to Valor: World War II on PC https://www.bluestacks.com/apps/strategy/road-to-valor-on-pc.html

Download Road to Valor: World War II on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.dreamotion.roadtovalor

Download Road to Valor: World War II on iOS https://apps.apple.com/us/app/road-to-valor-world-war-ii/id1446249141

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Road to Valor: World War II

Mayroon tayong iba’t ibang klaseng paraan upang laruin ang bawat laro. Hindi man namin magagarantiyang pangmatagalan ang tips na ibibigay namin sa’yo, ngunit sapat ang mga ito upang kahit papaano’y makausad sa iyong laro. 

Dahil ang larong ito ay nangangailangan ng isang matinding talino pagdating sa pag-strategize, mainam na pag-isipang mabuti kung ano at sino ang iyong gagamitin sa bawat option na nasa baba sa tuwing nakikipaglaban ka. Maging matalino sa pagpili ngunit hindi ibig sabihin nito ay maging mapili ka. Maaari mong gamitin ang lahat ngunit timbangin kung alin ang mas epektibong gamitin ngunit huwag magdalawang-isip na gamitin ang kung ano ang available.

Kung sakaling ang kalaban ay ginamit ang mga sasakyang pandigma, huwag piliin ang mga taong may hawak lamang ng armas. Kung iyon man ang available sa oras na iyon ay ilagay siya sa ibang direksyon upang i-target ang HQ at Bunker ng kalaban. Palagi mo lamang pantayan ang kalaban. Kung gumamit sila ng sasakyang pandigma, ganun din ang dapat mong gawin.

Related Posts:

Dawn of Titans: War Strategy RPG Review

War & Wonder

Road to Valor: World War II - Laro Reviews

Road to Valor: World War II – Laro Reviews

Ang tanging paraan lamang upang manalo rito ay ang pagpapasabog sa HQ at Bunker ng kalaban. Kaya naman, mainam na doon ka lamang mag-focus bilang isang manlalaro. Gayunpaman, hindi mo man misyon ang ubusin ang bawat sundalo ng kalaban, palagi pa ring maghanda ng bawat armas upang talunin ang mga ito dahil gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mapigilan ka sa gusto mo o upang masira naman ang bunker at HQ mo.

Pros at Cons ng Road to Valor: World War II

Isang kalamangan talaga ng larong ito ang graphics at sound na nilagay para rito. Akma ang mga ito sa tema ng laro at talagang dama mo ang pagiging mabigat ng bawat labanan dahil sa mga ito. Magaling ang ipinakita ng developer na kahit pa maliit lamang ang battlefield ay damang-dama mo ang bawat laban na para bang naroon ka rin sa mismong nilalaro mo. Nakakaaliw na nakakakaba dahil kitang-kita mo kung paano unti-unting dumarami at lumalapit ang iyong mga kalaban, at kung paano unti-unting nauubos ang mga iyon kaya kailangan mo pang magdagdag ng panibago para muling ipagpatuloy ang laban. Maganda ang gameplay ng laro at talagang hindi rin ito pumapalyang subukin ang iyong talino pagdating sa pag-i-strategize sa kung sino ang dapat piliing mga mandirigmang may magandang armas at kung saan mo sila mainam ipwesto para ma-target ang mga kalaban.

Para rin sa Laro Reviews, mahusay kung paano nangyayari ang matchmaking. Wala namang malaking problema pagdating dito dahil ito ang isa sa nagiging dahilan kung bakit nakakaaliw ang laro. May mga pagkakataong makakatagpo ka ng mas magaling pa sa’yo, kaya naman ikaw, bilang manlalaro, ay talagang mapipilitang mag-isip nang mas magandang aksyon para matalo ito. Marahil ang minsang problema lamang dito ay may pagkakataong bigla mong mapapagtantong mas upgraded ang iyong kalaban kumpara sa’yo kaya mas nananalo sila sa bawat laban. Mainam siguro kung may fair na matchmaking din kung saan may makakalaban ka lang na manlalarong nakadepende sa resources na mayroon kayong dalawa.

Habang nilalaro mo ito ay mapagtatanto mo ring umiikot lamang ang larong ito sa pagpapasabog ng bunker at HQ na mayroon ang kalaban. Oras na mapasabog mo ang mga ito, kahit pa may mga buhay ka pang kalaban, ay matatapos na ang laban. Mas mainam siguro kung may mga pagkakataon ding pagkatapos ng misyon mong iyon ay uubusin mo naman ang bawat kalaban. Maaari ring walang time limit para sana rito. Gayunpaman, wala naman gaanong problema sa gameplay nito. Maganda naman ito at masasabing unique na. 

Konklusyon

Sari-sari ang maaaring maramdaman sa oras na piliin mong laruin ito. Maaari kang kabahan sa tuwing dumarami na ang kalaban sa iyong paligid. Maaaliw dahil marami kang maaaring makalaro rito na kung hindi kasinglakas mo ay mas matalino naman kaysa sa’yo, at maiinis dahil talagang trial and error ang magiging kalalabasan ng ibang laro mo dahil talagang hahasain ng kalaban mo ang galing mo sa pag-strategize. Kaya naman, isa ang Laro Reviews sa naniniwalang ang larong ito sa dapat mong subukan at sakto bilang gawing libangan. Kaya subukan mo na at simulang depensahan ang iyong teritoryo sa larong ito – ang Road to Valor: World War II!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...